Chapter 50 - Memories Back
KATE CHANDRIA'S POV
Dalawang araw akong hindi pumasok at sa loob ng mga araw na 'yun ay nakamukmok lang ako sa kwarto ko at lumalabas lang kapag gusto ko. Sinubukan nila akong dalawin pero nahihiya talaga ako na humarap sa kanila kaya nag-iiwan lang sila ng kung ano ano at binibigay sa'kin ni Inay pagkaalis nila. Nagpapasalamat ako dahil hindi inaalala parin nila ako pero si Daron...... hindi siya dumadalaw para puntahan ako. Nagpapadala naman siya ng regalo pero hindi ko iyon kailangan dahil gusto kong makita ang presensya niya. Naiintindihan ko naman na ayaw niya akong makita dahil baka masaktan lang siya. Wala pa kase akong pinapaalam na naaalala kona ang lahat maski si Ri-Ri at Vera hindi ko pinaalam. Pinakiusapan ko kase si Inay na 'wag munang sabihin sa kanila dahil gusto kong ako mismo ang gumawa ng paraan.
" Goodmorning Katria." bungad sa'kin ni Shin ng makapasok ako sa room.
" Goodmorning din." Ngumiti ako pabalik bago umupo sa upuan ko at nilabas ang assignment ko sa History.
" Ah..... Kat." Napalingon ako kay Phillip ng tawagin niya ako."P-Pwedeng pa-copy sa assignment natin sa History? Wala kase ako eh, mahirap kase." dagdag niya pa.
Napairap naman ako dahil sa mahinhin niyang boses, para siyang bakla." Ngayon ka pa mahihiya eh ilang beses ka nang nangopya sa'kin?! Oh, 'yan! Kapag talaga nalukot yang bondpaper ko pagbalik mo, lulukutin ko rin yang tenga mo."
" Mukhang may bago sa'yo, Kat ah. Tunog original kana, hindi na yung parang bagong silang ka palang sa mundo." Binato ko ng ballpen si Jeric ng bigla niyang sinabi 'yun. Nang-iinsulto ata eh.
" Ikaw kaya ang pasagasaan ko ng tren! Baka pati pangalan mo makalimutan mo." inis kong sagot sa kanya kaya nanlaki ang mata niya.
" Oh my gosh! Did you remember everything?!." Biglang sumulpot si Doreen sa harap ko at ngumiti na parang walang bukas.
" Hmmm. Sorry pala sa ginawa ko." Napayuko ako at ramdam kong natigilan silang lahat sa sinabi ko. Saka ko may naramdamang parang may lumapit sa pwesto ko at napagtantong sila pala 'yun, ang mga kaibigan ko.
" Geez. I think I'm about to cry. Finally, you're back." Niyakap ako ni Lucy at 'yun din ang ginawa ko sa kanya. Napakagat ako sa labi ko dahil parang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya 'yun kaya hindi ko napigilang umiyak.
" Ay hala! Ba't ka umiyak?! Guys, patahanin niyo 'yan. Lagot tayong lahat kay Daron." Nagpapanic si Christophe at tumatalon pa na parang ewan kaya napatawa nalang ako.
Sobrang nakakamiss talaga silang kasama. Kahit na magkaklase kami at magkasama araw araw, parang balewala lang din dahil hindi naman 'yun ang totoong ako. Parang ibang version ng ako ang kasama nila. Walang preno kung magsalita at walang pakialam sa paligid ko.
" Stop saying sorry, it's not your fault by the way. Besides, we're happy because our squad was back and complete." Nakisama rin si Aira sa yakapan namin hanggang sa sila nang lahat. Ang bibigat nila, nyeta!
" Bakit ka pala hindi lumabas sa bahay niyo nung bumisita kami? Ang sabi ni tita ayaw mo raw tapos wala ka sa mood." sambit ni Aika ng kumalas sila sa yakap at bumalik sa ginagawa nila.
" Oo nga, gusto pa naman naming ibalita sa'yo na sila ni Phillip at Jaimie." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Doreen kaya napatingin ako sa gawi ni Jaimie na nakikipagbangayan kay Phillip.
" Joke ba 'yan?! Mukha lang namang magkapatid sila eh. Maliban nalang sa katotohanang mahal din nila ang isa't isa." Nilagay ko ang palad ko sa pisngi ko habang nakatukod sa mesa ang siko ko.
" Uy gagi!." Tumawa ng malakas si Aika pero agad ding tinakpan ang bibig niya." Grabe ka naman, Katria. Nililigawan niya na si Jaimie nung nasa hospital ka pa. Hindi ba talaga halata na sila?." tanong niya pa.
Agad naman akong umiling."Frenemy, pwede pa. Wala naman kaseng ka-sweet sweet si Phillip eh at si Jaimie naman ang hilig mang-insulto. Hindi ko maisip na perfect match talaga sila."
Pabiro naman akong pinalo ni Lucy." Bad, amp. They doesn't look like a couple in the eyes of everyone but if they spend time with each other in private, we could say that they were so inlove with each other. Phillip is kind and joker while Jaimie is devilish yet childish. Oh diba, bagay sila?."
" Yeah. Eh kayo ni Daron, Kate? I think you haven't tell him that you already remember everything. I bet he would be really happy knowing that he waited you for so long. Pati narin yung mga kapatid niya, namimiss kana nun." Hinawakan ako ni Aira sa balikat at ngumiti kaya tanging pagtango lang ang naisagot ko.
Nang mag-lunch break na ay hindi muna ako sumama sa kanila dahil balak kong ibigay dun sa lima yung pagkaing niluto ko para sa kanila. Pang peace offering ko sa kanila kahit sa totoo ay hindi naman kami nag-away o ano. Gusto ko lang din kaseng bumawi sa kanila sa lahat. Alam kong sa covered court sila palaging tumatambay kapag lunch break kaya dun ako dumeretso. Nang makarating ako dala dala ang mga lunch box ay hindi nila kaagad ako napansin. Kumunot ang noo ko ng makitang apat lang sila.... asan si Daron?
" Psssttt." Napalingon sila sa'kin at nabitawan ang bola na hawak nila." Lapit kayo, dali! May ibibigay ako sa inyo." Sinenyasan ko silang lumapit sa'kin na agad naman nilang sinunod.
" Ah.... nakakapanibago ka naman. Ngayon ka lang pumunta dito, nakakatampo ka tuloy." sambit ni Cohen kaya napatawa lang ako.
" Sorry na. May ginawa ako para sa inyo, niluto ko ang paborito niyo. Kainin niyo ah." Binigay ko sa kanila yung dala ko kaya nagtataka silang tinanggap 'yun.
" What happened to you? Don't tell me.... K-Katria." Nanlaki ang mata ni Shawn ng magkaroon siya ng ideya sa kinikilos ko.
Tumango naman ako." S-Sorry kung nagalan bago ko naalala lahat. 'Yan lang kase ang kaya kong gawin para makabawi sa inyo. Pero kung ayaw ni----."
" Ate!." Nagulat ako ng bigla akong yakapin nila Raizer at Akken."Akala ko hindi mona kami maalala. Akala ko kinalimutan mona talaga kami. Namimiss talaga kita ate, sorry talaga. Ako kase dapat 'yun eh." Humagulhol si Akken sa balikat ko habang si Raizer naman ay tahimik na umiiyak sa kabilang balikat ko.
" Hindi mo kasalanan 'yun, Akki. Walang may kasalanan sa nangyari kaya tahan na. Iiyak rin ako sige ka." Tumingala ako sa taas habang yakap sila, paiyak narin ako letse!
" I missed you, ate." bulong ni Raizer sa'kin habang humikbi kaya hinahaplos ko yung likod niya para patahanin siya.
" Namimiss ko rin kayong lahat." Sinenyasan ko yung dalawa na lumapit kaya ginawa rin nila. Niyakap ko silang lahat at masasabi ko talagang namimiss nila ang presensya ko, ng dating ako.
" Si kuya Daron, ate? Nagkausap na ba kayo? Alam niya na ba?." tanong sa'kin ni Akken habang kinakain ng luto ko.
Agad naman akong umiling at pilit na ngumiti." Kaya nga ako pumunta rito para ibigay sa inyo 'tong luto ko, nagbabakasakali rin na nandito siya pero wala eh. Iniiwasan niya kase ako kaya iniisip kong baka galit siya sa'kin. G-Gusto kong magsorry sa kanya."
" You can do it, ate. Hindi naman talaga galit si kuya Daron sa'yo. He'd never felt that way since you two are in a relationship. Isang kausap mo lang dun, okay na kayo." sambit naman ni Raizer habang busy sa pagkain, paborito talaga nila ang luto ko.
" Alam mo Kat, lambing lang ang kulang dun. Try mong maging sweet sa kanya, sasabog yung mukha nun sa sobrang pula." Tinanguan ako ni Cohen kaya napangiwi lang ako. Para naman akong nanlalandi nun, duh.
" Parang tunog malandi 'yan, dude. Kausapin mo lang ng diretso 'yun tapos halikan mo. Problem solved." Nag-thumbs up pa si Shael pero inirapan ko lang siya. Ang panget naman tingnan kung babae ang mauunang mag-first move.
" Bahala na. Alam niyo ba kung nasa'n siya?." pag-iiba ko ng topic.
" Isa lang ang masasabi namin sa'yo, sa favorite spot niya dito sa university." sabay sabay nilang sagot kaya napaisip ako.
Agad naman akong naglakad papunta sa gazebo ng university para puntahan siya. Kahit na mainit ang sikat ng araw ay hindi ko 'yun iniinda dahil ang importante ay magkausap kaming dalawa. Sumilip ako para makita ang loob ng garden hanggang sa makapasok ako. Tanging ihip lang ng hangin ang naririnig ko at ang mga bulaklak na nagsasayawan kasama ang mga paru-paro. Maya maya ay may narinig akong parang gumalaw sa isa sulok at nagulat ako ng makita siyang natutulog dun. May nakalagay na earpods sa tenga niya habang nakasandal siya sa may puno. Mukhang pagod na pagod kaya hindi niya napansin ang paglapit ko sa kinaroroonan niya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya kaso aksidenteng natisod ako ng bato kaya bumagsak ako sa katawan niya. Narinig ko pa ang daing niya dahil mukhang tumama ang likod niya sa puno. Nakahawak lang ako sa leeg niya habang siya naman ay sa bewang ko. Jusme! Nakakailang ang posisyon naming dalawa.
" Langya! Ang sakit!." Napakapit ako ng mahigpit sa uniform niya ng maramdaman ko ang sakit ng paa ko. Malas!
" Fuck. What happened?!." Pinalit niya ang pwesto namin kaya ako na ngayon ang nakasandal sa puno habang siya ay nasa ibabaw ko."Where did you get hurt?." tanong niya pa.
Napakagat naman ako sa labi ko ng may bakas na pag-aalala ang boses niya." Sa paa ko, natisod kase ng bato. Pero hindi na----."
" What?! Why aren't you taking care of yourself?! I told you to be careful, right?! You're so stubborn." Putol niya sa sinasabi ko habang hinihipan ang paa kong namumula na.
" S-Sorry. Hindi na mauulit." nahihiya kong sagot dahil nakapalda lang ako tapos tinaas niya ang binti ko ng konti para mahipan ang paa ko.
Tumitig siya sa'kin sandali bago dahan dahang binaba ang binti ko." What brought you here?! Aren't you taking your lunch?."
Napaiwas naman ako ng tingin at pinaglaruan ang mga kamay ko." K-Kase hindi ako nagugutom. At saka... s-sorry pala."
Hindi siya nakapagsalita agad pero narinig ko ang pagbuntong hininga niya." Just take your lunch, you should eat at the right time. And you don't need to apologize, I understand it." Agad siyang tumayo at tumalikod sa'kin.
Hindi kona napigilan ang sarili kong umiyak kaya bigla siyang natigilan." Bakit mo ba ako iniiwasan?! Nakakainis kana! Nag-sorry naman na ako ah?! Ayaw mo na ba sa'kin?!." paiyak kong sigaw sa kanya na ikinalingon niya.
Bakas parin ang gulat sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko." W-What.... did you ju----."
Agad akong tumayo at inambahan siya ng mahigpit na yakap."S-Sorry..... kung nahirapan ka dahil sa'kin. H-Hindi ako naniwala sa'yo eh, kaya tatanggapin ko kung sakaling galit ka sa'kin. I'm sorry.... love."
" H-Hey, it's okay. I'm sorry too if I always ignore you and not talking to you. I just want you to breathe and become free. It's because I've noticed that you're tired and suffering that's why I set you free for the meantime. But it doesn't mean that I let you go, of course I still fight for you like what I've promised you before. Hmmm, stop crying now." Niyakap niya rin ako pabalik at hinahagod ang likod ko dahil humihikbi na ako. Mas lalo lang akong napaiyak dahil sa sinabi niya.
" L-Love.... thank you. I didn't expect that you would do this for me. I'm really thankful for all your sacrifices and patience. I love you." Sumiksik ako sa leeg niya habang hinahaplos niya ang buhok ko.
" Damn. I love you too. I'm willing to sacrifice everything just for you, love." Hinalikan niya ang noo ko kaya kumalas ako sa yakap naming dalawa. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko at ginawaran ako ng halik sa labi.
" Hindi ka galit?." tanong ko sa kanya habang nakayakap sa bewang niya.
Agad naman siyang umiling at piningot ang ilong ko." Nah. Why would I? I don't have any reason to get mad nor angry on you. I love you to the sun and back."
" I love you too, to the sun and back." sagot ko rin sa kanya at ngumiti.
Inaya niya akong kumain sa cafe dahil malapit nang magstart and next subject namin. Sabi niya pa na wala daw siyang pakialam kung malate kami dahil ang importante ay makakain daw ako. Nag-order lang siya ng pagkain para sa'kin dahil ang kinain niya ay yung dala ko. Kahit man lang pagbili ng konting steak para ipares sa kinakain niya ay ayaw niya kase okay na raw yung luto ko. Dahil bumalik na yung alaala ko ay bumalik narin kami sa dati. Pinapaalala niya ulit sa'kin yung mga rules naming dalawa kahit na naaalala ko naman. Mas nangingibabaw nga ang pagiging protective niya sa'kin dahil natatakot siyang mangyari ulit 'yun.
" LOVE!l! BILI TAYO NG POPCORN, DALI NA!." Hinihila ko siya at nagpapadyak padyak pa dahil ang bigat niya, baka magstart na yung movie.
" Haist. Fine. Just wait me here, I'll buy one for us." Umalis siya kaya sinunod ko ang sinabi niyang maghintay ako.
" Hmp. Ang tagal mo naman, tara na. Gusto ko nasa gitna ang pwesto natin." Dala ko ang popcorn namin habang dala niya naman ang drinks namin at hinihila ko siya.
" Hey, slowly. The area wasn't fully occupied so you could choose wherever you want." Dahil sa sinabi niya ay agad akong pumili ng malapit na pwesto dahil alam kong nangangalay na siya.
" Anong favorite mong genre ng movie?." tanong ko habang sumusubo ng popcorn at nakatingin ang sa pinapanood namin.
" I prefer actions but if you love Romance then I love it too." Sumubo siya ng popcorn at tumingin sa'kin saglit." Seems like it's your first time to watch here." dagdag niya pa.
Agad naman akong umiling." Hindi eh. Nakapunta na ako ng isang beses dito, kami ni Shin."
Bigla siyang naubo sa sinabi ko at nang marealize ko 'yun ay nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya." With Shin, huh?! So I'm just the second person that you brought here?!." Nalaglag ang panga niya na mas lalong nakapagpa-hot sa kanya kaso mukhang naiinis siya.
" It's because I was lonely that time and he's the only one who comforted me. Pero wala na 'yun ngayon, ikaw na yung kasama ko diba?!." Agad niyang ininom yung juice niya at hindi ako tiningnan."Seloso, amp. Ano bang gusto mong gawin ko para hindi kana magtampo? Gagawin ko basta pansinin mo lang ako." dagdag ko pa pero nagmamatigas talaga siya.
Tumaas ang gilid ng labi niya at tumingin sa'kin. Nagulat ako sa biglang paglapit niya sa'kin kaya halos magkadikit na nag mukha naming dalawa. Walang pasabing hinalikan niya ako kaya wala akong nagawa kundi tumugon sa kanya. Hindi ko nga alam kung may mga nakatingin ba sa'min basta ang alam ko ay patuloy namin yung ginagawa. Nang maghiwalay na ang mga labi namin ay parehas kaming naghahabol ng hininga at tinitigan ang isa't isa.
" But you didn't do something like this, don't you?! I'm the only one that could kiss you like this and can make you feel loved, hmmm?." Wala akong nagawa kung tumango lang sa sinabi niya. Mahirap na, baka ako pang gawin niya.
Pagkatapos naming manood nang sine ay kumain muna kami sa fastfood chain. Sabado kase ngayon at sinundo niya ako bigla sa bahay kanina kase may date raw kami. Hindi naman nagsabi at bigla nalang sumusulpot kaya alangan naman humindi ako diba?! Umorder siya ng pagkain namin habang nakaupo lang ako sa table at tumingin muna saglit sa instagram ko. Nagpost kase ako ng picture namin kanina ni Dale sa loob ng sine, hindi siya nakatingin sa camera kase hindi niya naman alam na nagtake ako ng picture.
@aajaimiieee : Sabi kona may date eh, hindi nagreply sa group chat kahit naka-ilang ment. na
@akotosiphillip : Halos araw araw na tayong nagd-date @aajaimiieee tapos naiingit ka parin?!
@Adoreen17 : Naks naman. May pa sine pa sila oh, parang may naalala tuloy ako BWAHAHA.
@aikaroseey : Ay charr. Diba si @shinnly yung unang sinama mo dyan?! HAHAHA
@shinnly : Tang'na! Ba't naman ako nasali dyan?! May balak ata kayong ipabugbog ako kay pareng Daron!
@lucyismeee : Calm down, guys. Picture lang 'yan HAHAHA
@jericogwapo : Oo nga @shinnly, pinopormahan mo pa nga si Katria nung time na 'yun
@chrislovesyouu : Gago! Bring back memories ba 'to?! Pero ang sweet niyo dyan, bagay talaga kayo
@airajanee17 : So sweet!Uhm.... @derrevantes when kaya?!
@katieeprettyyy : Lol! Nagkakalat kayo sa comment section.
@yourdale_love : Start eating, love. You kept on smiling on your phone, it kinda annoys me!
Agad nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang last comment at tumingin sa harap ko. Nakangisi siya habang nakataas ang kilay kaya nagiging cool siyang tingnan. Tinikom ko nalang ang bibig ko at nilagay sa gilid ng table ang phone ko. Nilapit niya sa'kin ang pagkain ko kaya tinanggap ko naman ito at nagsimula ng kumain pati narin siya.
" Ah, hi kuya. Pwede bang maki-take ng picture sa'yo?." Sabay kaming napatingin sa isang estudyanteng nakatayo sa gilid ni Daron, mukhang nasa highschool pa siya pero ang ganda ng hubog ng katawan niya.
Tumingin naman sa'kin si Daron at umiling ng makita ang reaksyon ko." If you want to take a picture with me, then will you mind if I'll take my girl with us?!." sarkastiko niyang tanong dito kaya napatingin sa'kin ang babae at parang kakaiba ang tingin niya sa'kin.
" Ah... s-sige. Pero pwede bang sa susunod na picture, tayong dalawa lang?." maarte niyang tanong kaya lihim akong napairap. May balak ba siyang agawin ang boyfriend ko?! Ka-bata bata niya pa pero ang galawan niya, hanep siya!
" I don't want my girl to get jealous so I can't agree on it. Just find someone who can take a picture with you, someone who's not in a relationship." saad ni Daron habang hindi nakatingin sa kanya. Padabog naman na umalis yung babae habang ako ay hindi alam kung ano ang sasabihin.
" Why did you do that, love?." nagtataka kong tanong kaya napatigil siya sa pagkain at tumingin sa'kin.
" Simply because I don't want you to get jealous or even mad at me. As much as possible, I'm avoiding things that might destroy the both of us. Besides, her intention wasn't really pure that's why I didn't agree. Just eat, love. I'm going to bring you to some places I know that would probably make you happy, right after this." Ginulo niya ang buhok ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti. It's one of the reason why I do really love this guy.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad lang kami sa lovers lane habang magkahawak ang kamay naming dalawa. Nagt-take kami ng pictures dalawa at minsan ay nag-uutos siya ng mga kabataang dumaraan para lang kunan kami ng picture. Minyday ko lang sa instagram ko yung mga wacky naming dalawa, yung pareho kaming nakatitig sa isa't isa at pati narin yung nakaakbay siya sa'kin habang kinukurot niya ang pisngi ko tapos ako naman ay masama kunwari ang tingin sa kanya. Magka-vibes narin kami, yay!
Dumaan sa newsfeed ko ang post niya dahil nga finollow namin ang isa't isa. Ang caption niya ay 'My Forever Lover' kaya hindi ko mapigilang kiligin. Shemay! Alam niya na talagang ako yung babaeng mamahalin niya habang-buhay. Sabagay, nag-uusap rin kase kami minsan kung sakaling matapos kami ng college, yung mga plano namin para sa sarili namin at lalong lalo na para sa'ming dalawa. Na kahit ano raw ang mangyari ay sabay sabay naming haharapin 'yun dalawa.
@macheskady : Yieee. Kaya pala sa'kin pinasa yung thesis namin kase may date. Enjoy!
@princeron : Sosyal, ah. Date rin tayo bukas, bro
@ryderthegreat : Ulol! Wala ka nang time para sa'min porket jowang jowa kana
@judexxx : Gago! Inggit ka lang @ryderthegreat kase hindi ka kinrushback ni @katieeprettyyy. Hanap ka ng ibang probinsyana, yung Vera ata 'yun
@katieeprettyyy : Uyy bruha @alo_vera may naghahanap sa'yo
@alo_vera : Fishtea. Ayoko sa mga 'yan, reto mo nalang ako sa iba 'wag lang sa kanila
@idealivan : Congrats sa inyo. Stay strong, support.
@yourdale_lover : Damn. Tunong SSS 'yan @idealivan but thank you
Natapos ang araw namin at hindi ko talaga maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Sa wakas, bumalik narin ang lahat sa dati. Pumunta kami ng simbahan kanina at binisita rin namin si Father Gio. Ikinwento niya sa'kin kung gaano raw kalungkot si Daron nung nasa hospital pa raw ako at sabi niya pa ay palagi raw siyang dumadalaw sa simbahan. Napatawa nalang kami ni Father Gio habang siya ay nakabugsangot ang mukha pero kalaunan ay ngumiti rin at napailing.
Dumeretso kami sa condo ko matapos nun dahil sobrang namimiss ko ang presenya ng itinuturing kona ring pangatlong bahay ko. Sumama rin siya sa'kin, mukhang ayaw niya na talagang mahiwalay ako sa kanya dahil kahit saan ako pumunta ay naroon siya. Natuwa naman ako ng naka-arrange lahat ng gamit ko dito at kumpleto narin ang mga pagkain sa cabinet pati sa refrigerator kaya hindi kona kailangan pang mang-grocery. Sabi niya ay dito raw siya matutulog kasama ko dahil namimiss niya parin daw ako. Kulang nalang ay itali niya ako sa kanya para hindi na kami magkahiwalay pa.
Tinulungan niya din akong magluto ng muffins dahil nga paborito niya 'yun. Siya ang taga-mix ng ingredients habang ako naman ang maglalagay nun sa mga cup para ilagay sa oven. Habang naghihintay kaming maluto 'yun ay sinusuklay niya yung buhok ko ng dahan dahan dahil baka masagi niya yung tahi ko. Naghihilom narin naman 'yun ng konti kaya malapit nang gumaling. Ewan ko pero minsan nahuhuli ko siyang pinipicture-an ako kaya pinanliitan ko siya ng mata at sabihing itigil niya 'yun. Hindi pa kase ako nakaligo dahil mamaya nalang kapag matutulog na ako. Kailan pa siya nahilig mag-picture?!
Kinain namin yung muffins ng maluto at nag-take na naman siya ng pictures dahil im-myday niya raw sa instagram. Hinayaan ko nalang siya dahil proud na proud siya sa gawa namin, masarap daw kase. Naligo na ako pagkatapos at pati natin siya dun sa guest room. Sa kwarto ko siya matutulog pero sa sahig nga lang dahil ayaw niyang tumabi sa'kin. Okay lang din naman dahil malinis naman yung sahig at double deck yung foam. Naisip ko tuloy na asarin siya ng ipis pero 'wag nalang kase baka magalit siya sa'kin.
" Why are you laughing?!." Kumunot ang noo niya nang makalabas siya sa banyo at pinupunasan ang buhok niya.
Agad naman akong umiling at oinipigilan ang tawa ko." Wala, may naisip lang ako. Hindi rin ibang lalaki kaya 'wag kang mag-alala."
" Let's watch the sky tonight, it's beautiful." Tumango lang ako sa sinabi niya at lumabas kami sa balkonahe.
" Love, tingnan mo oh. May shooting star, dali mag-wish ka." Tumatalon pa ako dahil first time kong makakita nito. Totoo pala talaga, gosh!
" I don't have something to wish for because I already have everything. The money, reputation, my family, friends, and of course you. You're the reason why I kept on holding my promises." Niyakap niya ako mula sa likuran ko habang tinukod ko ang dalawang siko sa railings.
Napangiti naman ako habang nakatingala sa langit." Ang ganda ng buwan tapos ang dami ring mga bituin. How I wish I was prettier like them." Ramdam ko naman na humigpit ang hawak niya sa bewang ko at ang paghalik niya sa buhok ko.
" You're the most prettiest girl for me, love. You may not belong to the one of them but you seem like the sun for me You kept on shining to my darkest world and I'm thankful for that." Pinaharap niya ako sa kanya at mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.
" If I'm the sun, be my sky then." Tumawa ako at pinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya." I love you." I gave him a soft kiss on his lips and he responded it immediately.
" You already knew what's my answer, love. I love you too." Ngumiti siya at sinandal ang noo niya sa'kin.
I'm the happiest when I'm with him. My, love.
-----------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top