Chapter 48 - Try And Try

KATE CHANDRIA'S POV

" Anak, naghihintay na siya sa baba."

Napabuntong hininga nalang ako at tumango bago lumabas ng kwarto ko. Palagi namang ganito ang takbo ng araw ko at sanay na ako dun. Mukha namang hindi kompleto ang araw niya kapag hindi niya ako nakita at mabigyan ng kung ano ano. Ilang beses kona siyang sinabihan na hindi niya kailangan gawin 'to pero ang tigas parin ng ulo niya at hindi niya pinapakinggan ang sinasabi ko. Aish.

" Goodmorning, love." Binigyan niya ako ng isang bigkis ng puting bulaklak. Araw araw iba't ibang bulaklak ang binibigay niya sa'kin kaya hindi na ako nagulat ng makitang iba 'to sa kahapon.

" Thank you." maikli kong sagot sa kanya ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Alam kong bastos yung ginawa ko pero huli na ng mapagtanto ko dahil nakaalis na siya.

" Mali ang ginawa mo Katria." Napaangat ako ng tingin kay Inay ng bigla siyang magsalita sa harap ko." Dapat ay nagpasalamat ka man lang sa kanya bago mo siya tinalikuran. Hindi mo ba naisip na baka nalungkot siya dahil ni pagtingin ay hindi ko kayang gawin sa kanya." dagdag niya pa.

Napabuntong hininga naman ako."Alam ko po, Inay. Hindi ko naman sinasadya 'yun. Pero bakit niya parin ba pinipilit ang sarili niya sa'kin?! Hindi niya ba naisip na baka hindi ako pumayag at balewala lang sa'kin ang ginagawa niya?."

" Anak, ginagawa lang ni Daron ang sa tingin niya nakakapagpasaya sa kanya. Halos umabot nga ng buwan ang paghihintay niya sa'yo tapos ganito lang ang magiging resulta. Nasabi niya ba sa'yo kung gaano niya pinagsisihan ang sarili niya dahil sa lahat ng nangyari? Sobrang namimiss kana nun anak, pero hindi mo maipadama sa kanya ang pagmamahal na inaasam-asam niyang makukuha galing sa'yo. Kahit alam niyang iniiwasan mo siya minsan, pinipilit niyang gawin ang lahat napasaya ka lang. Kahit hindi ganun ang nararamdaman mo para sa kanya." mahabang salaysay ni Inay.

" Nay, maiintindihan ko lang talaga ang lahat kapag sinabi mo sa'kin ang totoo. Bakit ba hindi niyo nalang sabihin?!." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Paano ko ba kase malalaman ang lahat kung walang magsasabi.

" H-Hindi p-pa.... H-Hindi pa sa ngayon, anak. Kailangan mo pang inumin lahat ng gamot mo para masiguradong magaling kana talaga at para hindi na sumakit ang ulo ko. 'Yun ang pinaka-iiwasan naming mangyari sa'yo, nak." Hinaplos ni Inay ang buhok ko kaya wala akong ginawa kundi yakapin siya.

Napatingin ako sa mga bulaklak na nakalagay sa mga bookshelves ko dito sa kwarto. Dapat puno 'yun ng mga libro kaso imbis na 'yun ang laman ay mga bulaklak na. Marami kase siyang mga pinapadala kaya wala akong paglalagyan. Hindi ko naman tinatapon dahil ewan..... parang ayoko. Nilalagay ko lang dyan na para bang display lang sa kwarto ko. Kung minsan din naman love letters ang binibigay niya kaya halos mapuno na ang drawer ko dahil dami ng mga 'yun. Idagdag mo pa yung panghaharana niya sa'kin kada umaga. Himala nga lang at wala ngayon, ewan ko. Basta hinahayaan ko lang siya sa mga ginagawa niya.

Tulala lang akong nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kapag may pasok, maagang pumupunta si Daron rito para bigyan ako ng mga bagay na hindi ko naman kailangan, kahit walang pasok ay binibigyan niya rin ako tulad ngayon. Yung mga kaklase kong mga kaibigan ko raw ay palagi akong kinukulit pero hinahayaan ko lang sila dahil 'yun naman ang gusto nila. Pati rin yung mga kapatid ni Daron, kinakausap ako ng mga bagay bagay pero hindi naman ako makasabay dahil wala naman akong alam sa topic nila. Nakisali rin yung Cheska at Ivan na sobrang friendly at yung Stella rin na bumibisita sa'kin minsan. Gad! Hindi ko alam na ang dami pala nila.

Kahit naman pilit akong mag-isip ay mauuwi lang din sa sakit ng ulo kaya iniiwasan ko nalang. Ewan ko. Gulong gulo na talaga ako sa mga nangyayari. Wala na akong maisip na tama o mali dahil hindi ko naman alam kung ano yung tama at saka mali. Narinig ko nga yung usapan nilang lahat kasama si Inay na iintindihin nalang daw nila ako dahil mahirap daw para sa'kin ang lahat ng 'to. Pero ang sabi ni Inay ay mas nahihirapan daw sila sa ginagawa nila dahil hindi nila makuha ang loob ko. Ang lapit ko lang daw sa kanila pero hindi nila ako maabot.

Kung sana lang ay sinabi nila agad sa'kin ang lahat lahat edi sana baka may posibilidad na maniwala ako sa mga sinasabi nila at hindi na ako magtataka sa mga kinikilos nila. Pero hindi eh..... wala silang kahit anong sinabi sa'kin tungkol sa kung ano talaga ang totoong nangyari sa'kin. Kung bakit bigla nalang nawala ang kalahati ng alaala ko at mukhang may..... nagbago.

" Katria, I bought you some foods. Baka kase nagugutom ka dahil dyan sa thesis natin." Nilapag ni Lucy ang dala niyang pagkain sa harap ko, galing ata siya sa cafeteria.

" Pakilagay nalang dyan. Salamat." Ngumiti ako ng konti sa kanya at bumalik sa ginagawa ko.

" Your welcome."

Pinilit kong tapusin ang thesis na 'to kahit bukas pa ang deadline. Sobrang dami kase ng kailangan kong ipasa at tambak tambak na. Sabi nung mga teachers ko, noong nakaraang midterm pa daw 'to tapos nadagdagan pa ngayong kaka-bukas lang ng semi-final. Wala na talaga akong pahinga nito. Sabi rin ni Mrs. Dismal, yung adviser namin ay yung mga kaibigan ko raw ang nakiusap na hindi ako ibagsak, lalong lalo na raw si Daron. Hindi ko naman inexpect na gagawin nila 'yun para sa'kin. Wala pa nga lang akong sinasabi sa kanila tungkol dun dahil hindi parin ako naliliwanagan sa lahat.

" Kumain kana ba?."

Napaangat ako ng tingin ng biglang sumulpot si Cohen sa harap ko." Kakakain ko lang, eh. May dala kana naman? At kailan pa ako naging baboy sa paningin niyo?!."

Napakamot naman siya sa batok niya." Sorry na. Basta kainin mo nalang 'yan kung gusto mo. Sige, pasok na ulit ako."

" Teka nga." Akmang aalis siya ng pigilan ko siya." Dumaan ka lang ba talaga dito para ibigay 'to sa'kin?!." tanong ko pa.

" Ah, oo. Kita nalang ulit tayo mamaya. Sige." Kumaway pa siya sa'kin na tinanguan ko lang.

Ang weird niya. Pumunta pa siya dito para lang bigyan ako ng isang box ng dunkin' donuts. Ang layo kaya ng building ko sa kanya tapos ang init pa ng sikat ng araw. Haist.

Dumaan muna ako sa may cafe dahil may printer dun. May ip-print kase ako sa projects ko at ang dami talaga nun. Gusto ko kaseng isahan na print lang para diretso na kapag kailangan kona. May cafe naman dito sa loob ng university kaya dun nalang ako kesa lumabas pa at sarado naman ang gate. Sinend ko sa kanila ang mga detalye ng mga kailangan ko at para hindi mainip sa kakahintay ay bumili nalang ako ng shake at umupo muna sa isang table na pang-dalawahan. Tatawagin lang daw ang pangalan ko dahil may mas nauna pa sa'kin dito, mga apat ata sila.

" Uy, Kate. I didn't expect to see you here."

Halos maibuga ko yung iniinom ko ng biglang magsalita si Ivan sa harapan ko." I-Ikaw pala. May ipinrint lang ako dito, ikaw ba?."

" Ah, binilhan ko lang ng cappuccino si Cheska. Request niya eh kaya hindi ako makahindi. Sige, alis na ako." Ngumiti pa siya sa'kin kaya ganun rin ako, pero pilit lang.

Nakatitig lang ako sa shake na iniinom ko at pinaglalaruan ito. Halata ba sa kanila na hindi talaga ako masyadong open sa kanila? Na parang hindi buo ang loob kong kausapin sila, na napipilitan lang ako kumbaga. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, maganda naman ang turing nila sa'kin dahil kaibigan daw nila ako. Pero meron kaseng parte sa'kin na gusto ko munang hanapin ulit yung sarili ko. Gusto kong buuin ulit ang lahat ng alaalang nawala sa'kin bago ko gawin ang nararapat. Hindi pa naman siguro huli ang lahat kapag nangyari na 'yun, 'di ba?!

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla yung sumakit. Wala kase akong dalang payong kaya sobrang init dito sa gitna ng ground. Tumatama parin yung init sa balat ko dahil nakasentro sa gawi ko ang init ng araw. Punyemas! Tagaktak narin ng pawis ang noo ko ay tumutulo 'yun sa uniform ko. Wala rin akong dalang panyo kaya wala akong pamunas. Lintik na! Bakit ba hindi ako handa, girl scout pa naman ako nung elementary. Amp.

" A-Aray!." Napadaing ako dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi kona talaga matiis kaya nabitawan ko yung mga papel na dala ko. Nahihilo narin ako kaya napaupo ako bigla sa lupa.

" Shit. Damn. Love, I'll bring you to the clinic. Just wait." Yung boses na 'yun, kilalang kilala ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdamang parang ligtas ako sa mga kamay niya.

Kumikirot parin ang ulo ko kaya napakapit ako ng mahipit sa uniform niya habang buhat buhat niya ako. Rinig ko pa ang sunod sunod niyang mura habang mabilis na naglalakad. Nakapikit parin ako kaya hindi ko makita ang itsura niya ngayon. Mukha kaseng hindi ko kayang idilat ang mga mata ko dahil nanlalabo 'yun. Huli kong nakita ang blurred niyang mukha bago ako nawalan ng malay.

Nagising ako ng may maramdamang mabigat na kamay sa tiyan ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at lumingon sa gilid ko. Nakita ko si Daron na nakaub-ob sa kamang hinihigaan ko at nakalagay ang kamay niya sa tiyan ko. Binantayan niya pala talaga ako dito?! Hindi ba siya pumasok sa klase niya?

" Hmmm. Diyan ka kase!." Bigla akong napalingon sa harap at nanlaki ang mata ko ng makita silang lahat na natutulog sa sofa. Si Christophe yung nagsalita at ang kamay na winaksi niya ay kay Jeric na nakalagay sa mukha niya. May newspaper na nakatakip sa mukha ni Phillip na nakasandal sa couch at sa pagkakaalam ko ay natutulog rin. Yung girls nakaub-ob rin sa mesa.

" Jusko! Anong ginagawa nilang lahat dito?!." bulong ko sa sarili ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.

Naramdaman kong biglang gumalaw ang kamay ni Daron pero hindi siya nagising, natutulog parin siya pero nakaharap ang mukha niya sa direksyon ko. Tinitigan ko ng matagal ang mukha niya at parang.... p-parang pamilyar siya sa'kin. Napahawak na naman ako sa ulo ko ng kumirot iyon saglit. Kainis!

" Hey, love. Shit. Anong masakit sa'yo?." Bigla nalang siyang tumayo at parang nagpapanic.

" W-Wala, kumirot lang saglit. Bakit nga pala kayo nandito? Wala ba kayong klase ngayon?." Tinulungan niya akong umayos ng upo at pagkatapos ay may kinuha siya sa loob ng paper bag na nakalagay sa ibabaw ng table.

" I told you not to walk under the heat of the sun without bringing an umbrella. It would give so much pressure to your head, you know that. You're also not allowed to be stressed since you haven't reco----."

" Bakit mo ba ginagawa lahat ng 'to?! Hindi mo naman ako kailangang pangaralan dahil wala namang tayo. Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko?!." Medyo tumaas ang boses ko kaya mukhang naalimpungatan silang lahat.

Napaitim bagang naman siya sa sinabi ko at humigpit ang hawak sa tupperware na nasa mesa." Why don't you just let me do it for you?! I can accept the truth that you don't remember me but I can't stand the fact that you kept on moving away from me. Don't you ever think what I'm feeling the way you're doing this to me?!."

" Kung nasaktan kita, edi sorry. Pero masisisi mo rin ba ako kung ayaw kong nakikialam karin sa'kin?! Hinayaan na kita sa gusto mo, pati ba naman pangangaral gagawin mo?! Hindi ka si Inay para sundin ko, Daron." matigas na sagot ko na ikinagulat niya. Bakas ang sakit sa mga mata niya ng sabihin ko 'yun sa kanya.

" I-I'm just doing all of this because I'm worried on you. It's for your own good. I may not be your mother but I cared for you a lot more than you know. But you're just pushing me away and not listening to my words." Puno ng hinanakit ang mga salita niya kaya bigla akong na-guilty. Alam ko namang hindi masama ang intensyon niya kagaya ng sinabi ni Inay pero nagawa ko paring sabihin 'yun sa kanya.

Akmang magsasalita ako kaso mabilis niyang binalik yung tupperware sa paper bag at agad naglakad palabas ng wala man lang sinabi. Galit ba siya dahil sa sinabi ko? Napabuntong hininga nalang ako at sinandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Naramdaman kong may lumapit sa pwesto ko pero hindi ko dinilat ang mga mata ko.

" Uy, gaga! Bakit mo sinabi 'yun kay Daron?! Nasaktan talaga yung tao sa sinabi mo, alam mo ba 'yun?!." Boses palang niya kabisado kona, isama mo pa yung hininga niya. Chos!

" Alam kong mali ako pero hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko. Mags-sorry din naman sana ako kaso umalis na siya. Galit ata." Napalingon ako sa paper bag na nasa gilid ko at inabot 'yun. Nakita kong may tatlong tupperware sa loob at ng kunin ko ay bumungad sa'kin ang pangalan niya at may letter pa. Mukhang siya ang gumawa nito.

'I made this specially for you. I failed three times before getting the perfect taste. Hope you'll love it...'
                                                         Love ;-> '

Hindi ko aakalaing gagawan niya ako nito. At talagang pinaghirapan niya pa para makuha ang tamang lasa, tama nga siya. Kuhang kuha niya ang lasa ng Sweet and Sour Chicken, sakto lang ang tamis at asim. Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto o baka nakalimutan ko lang din.

" See? He even proven his love to you even though you're still hesistating if it's true or not. Hindi mo lang alam kung gaano siya nag-alala ng bigla kang mawalan ng malay kanina. Parang wala na siya sa sarili niya dahil naalala niya yung nangyari sa'yo nung maospital ka. He's afraid to lose you for the second time that's why he said those things to you. Tama naman siya, Cha-Cha." Tumabi sa'kin si Ri-Ri at binigyan ako ng maliit na ngiti.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil naiinis na ako." Sabihin niyo nalang kase sa'kin ng diretso ang lahat para wala nang problema. Nalilito narin ako sa lahat ng bagay eh."

Pabiro naman akong pinalo ni Vera at ngumiwi." Bruha ka talaga! Gusto mo ba talagang matuluyan, ha?! Simpleng sikat ng araw nga lang 'yun nawalan kana ng malay, baka kapag sinabi namin lahat sa'yo malagutan ka ng hininga at hindi mo kayanin."

Hindi nalang ako nagsalita dahil tama naman sila. Matigas rin talaga ang ulo ko at hindi nakikinig at gumagawa ng mga bagay na ikinapapahamak ko. Pero sa totoo lang, nagsisisi talaga ako na sinabi ko sa kanya 'yun. Kahit may parte sa'kin na parang ayokong maniwala sa kanya, mas malaki parin yung parte na nararamdaman kong parang mapagkakatiwalaan ko siya. Lahat naman sila ganun eh, may tiwala rin ako sa kanilang lahat. 'Yung nga lang hindi pa buo dahil feeling ko parang may kulang pa at alam ko kung ano 'yun. Ang mga alaalang nawala sa'kin na hindi ko alam kung kailan babalik.

" Uhm.... hi, pwede bang tumabi sa'yo?." Napalingon ako sa isang babaeng may salamin at ngumiti saka tumango." Okay kana ba? Narinig ko yung sinabi nila na nawalan ka raw ng malay at dinala ka sa clinic." dagdag niya pa.

Napatigil ako sa pagd-drawing at lumingon ulit sa kanya." Oo, okay na ako. Matanong lang ah, kilala rin ba kita? Wala lang. Curious lang din ako dahil baka isa karin sa alam mo na..... yung mga taong nakalimutan ko." Walang halong pagtataray sa boses ko ng tanungin ko siya.

" Hindi ko nasabi yung pangalan ko sa'yo nung time na tinulungan mo'ko. Natataranta kase ako nun dahil 'yun yung time na binully ako ni Stella. Alam kong hindi mona 'yun maalala kaya 'wag mo nalang pilitin." Tumawa pa siya ng mahina kaya napatitig ako sa itsura niya. Mukhang isa siya sa mga klase ng nerd dahil bukod sa suot niyang makapal na eyeglass ay malaki rin ang palda niya at lagpas tuhod, idagdag mona rin yung blouse niyang ang luwag.

" Si Stella? Kinakaibigan ako ng isang 'yun eh, hindi ko alam na bully pa siya. Pero pasensya kana talaga, hindi talaga kita maalala. Marami naman kayo eh, hindi ko nga lubos maisip na ang dami ko palang kaibigan." Pagak akong natawa at napatingin sa paligid. Last subject na ngayon at hindi nila ako pinapasok dahil hindi pa daw ako okay kaso pagkaalis nila ay lumabas agad ako. Nakakabagot kase sa loob ng clinic, nakaupo lang ako palagi.

" Oo, pero nagbago na siya simula nang mangyari ang aksidente sa'yo. Hindi ko nga lang masabi dahil ayokong isipin mong nanghihimasok ako." sambit niya at inayos ang salamin niya.

Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya kaya agad siyang napalingon sa'kin." Okay lang, salamat. Masaya ako dahil kahit papaano ay hindi sila sumusuko sa pag-aalaga sa'kin kahit na pinagtatabuyan ko sila minsan. Maswerte ako sa kanila pero gusto ko munang maalala ang lahat bago ibalik ang lahat sa dati."

" Kaya mo 'yan, Katria. Wala kang problema na hindi nagagawan ng paraan. Ikaw pa eh kilala ka bilang matatag na babae sa buong university. At saka 'wag mong kakalimutan na hindi ka nag-iisa, nandyan naman sila na mga kaibigan mo, yung pamilya mo, at higit sa lahat si Daron. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niyong dalawa pero kinakaya niya parin para sa'yo. He loves you so much and I know you're aware of that." Tumayo na siya ng biglang magring ang bell at ganun din ako."Sige, una na ako. Thanks for the time, Kat. See you next time." dagdag niya pa bago naglakad paalis.

Ilang minuto pa akong naghihintay dito sa parking lot pero hindi patin siyang dumarating. Asan na ba siya?! Bakit ba ang tagal niya?! Hindi pa ba tapos ang klase niya, mag-aala singko na oh. Dahil sa inis ko ay pumasok ako sa kotse niya kahit walang paalam. Bahala siya. Sabi niya siya na ang maghahatid-sundo sa'kin kaya dapat panagutan niya 'yun. Tamad rin ako maglakad at mag-gagabi na kaya baka abutan ako ng lasing sa daan. Maghihintay nalang ako hanggang sa dumating siya.

Nagugutom narin ako at inaantok kaya naisipan kong umidlip muna saglit dito sa loob ng kotse niya. Hindi ko alam kung paano i-off ang aircon kaya hinayaan ko nalang kahit maginaw. Ano ba namang alam ko sa mga kotse eh wala naman ako nun. Niyakap ko nalang ang sarili ko at niyakap ang tuhod ko. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse, wala namang makakakita sa'kin sa labas dahil tinted ang kotseng 'to.

" Fvuck. Damn it. I though you're already at home now."

Nagising ako dahil sa may biglang nagsalita ng malakas sa tabi ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko at nang luminaw na ang paningin ko ay napagtanto kong si Daron 'yun kaya umayos ako ng upo. Agad naman siyang pumasok at in-off ang aircon saka lumapit sa'kin at hinawakan ang noo ko.

" 'Wag kang O.A, okay lang ako. At saka diba sabi mo ikaw yung hatid-sundo ko, kaya naghintay ako rito. Ang tagal mo kase dun, nambabae ka ba?!." Tinaasan ko siya ng kilay kaya kumunot ako noo niya. Maya maya ay bigla siyang umiwas ng tingin kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Bigla naman siyang lumingon kaya nanlaki ang mata kong mapagtantong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Mga 2 inches lang ay mahahalikan niya na ako.

" I'm not flirting with any other girls, love. I'm not like the other guys that cheats on their girl. I can't do that to you, hmmm?." Lumayo siya at ginulo ang buhok ko kaya hindi ako makagalaw. P-Parang.... may paru-paro sa tiyan ko ng sabihin niya 'yun.

Akmang magsasalita ako ng biglang kumalam ang tiyan ko at narinig niya 'yun. Nakita ko pa nga ang pagkagat niya sa labi niya para pigilan ang pagtawa kaya napanguso nalang ako at napahawak sa tiyan ko. Kasalanan niya naman 'to eh, amp.

" Stop it love, you're tempting me."

Hanodaw?! Anong tempting ang pinagsasabi niya?! At saka yang l-love na tawag niya sa'kin. A-Ano.... k-kase iba sa pakiramdam.

" Nagugutom na talaga ako. Nakakainis ka kase eh, ang tagal mo." Para akong ewan na nagpapadyak padyak. Kase naman eh!! Parang gusto kong kainin ang buong restaurant pero pwede naman siya. Aw unsa ba?!

" I'm sorry. I have to finish some tasks before going home. Besides, I thought you're already home because I know.... y-you're uh.... mad." Nakatuon lang sa daan ang atensyon siya pero alam kong malungkot siya. Siya pa yung nags-sorry kahit na ako yung may mali. Is he really like this?

" No need to say sorry. It's not your fault though. Okay lang din naman, basta libre mo parin ako ng pagkain ngayon. Takte! Gutom na ang dragon sa tiyan ko." sagot ko kaya napatawa siya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sa tawa na 'yun.

" Okay, no problem. I'll just take out our food. I know you hate attentions so you'd better eat here inside the car. For you to eat properly because you're hungry." Tumango lang ako at hininto niya ang kotse sa gilid. Sinabi niyang siya nalang daw ang bibili at maghintay lang ako dito sa loob ng kotse niya.

Nang makabalik na siya dala dala ang dalawang paper bag ay agad niyang binigay yung dalawa sa'kin. Kumunot naman ang noo ko ng wala siyang pagkain para sa sarili niya. Gosh! Ibibigay niya ba sa'kin lahat ng 'to?!

" Wuy, kunin mo kaya 'tong isa. Hindi ko naman mauubos ang dalawang paper bag na 'to." Nilahad ko sa kanya yung isang paper bag pero tiningnan lang din niya 'yun." Ano?! Gutom na ako kaya 'wag mo'kong paghintayin." dagdag ko pa kaya agad niya yung kinuha.

Tahimik lang kaming kumakain dito sa loob ng kotse niya. Masarap naman yung pagkaing dala niya pero hindi kagaya nung kahapon. Sa ibang restaurant niya ata 'to binili, bet ko ang lasa eh. Bigla ko tuloy naalala yung niluto niyang Sweet and Sour Chicken kanina. Kinain ko talaga 'yun dahil ayokong mabalewala yung effort na ginawa niya para sa'kin. Dama ko naman kahit papa'no, may puso din naman ako 'no. Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang tahimik na kinakain yung paa ng manok. Teka nga, favorite niya ba ang manok? Kahapon 'yan din ang pinagtutuunan niya ng pansin eh.

" Salamat pala dun sa pagkaing niluto mo kanina. Mukhang masarap eh kaya kinain ko."

Bigla nalang siyang naubo sa sinabi ko at hinahampas pa yung dibdib niya. Agad ko naman kinuha yung mineral water sa likod at inabot sa kanya. Nilagok niya lahat 'yun at wala talaga siyang tinira, nauuhaw ata.

" W-What? I thought you gave it to your friends." gulat niyang saad kaya umiling ako.

" Sinong nagsabi sa'yong binigay ko? Kinain ko 'yun 'wag kang sira." Umirap ako at kinain yung isang slice ng cake na ang flavor ay cookies and cream. Yay! Favorite ko 'to.

" So, how's the taste?." tanong niya.

Nginuya ko muna yung cake at saka nilunok 'yun bago nagsalita."Oo, masarap naman. Nagaling ka pala magluto, hindi ko alam o baka hindi ko lang talaga maalala."

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya." You taught me how to cook several times. I've learned so many recipes, you know. Hoping that I could make it just for you. I want to impress you about my cooking standards. And I'm happy knowing that you love it." Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang isang ngiti na gumuhit sa labi niya. Isang ngiting ngayon ko lang nakita. Ganun ba talaga siya kasaya?

Tila may kung anong kumirot sa puso ko ng mapagtantong ilang beses kona siyang nasaktan.... B-Bakit ganito ang nararamdaman ko?


----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top