Chapter 41 - Moments

KATE CHANDRIA'S POV

" Wuy, yung bebe mo nasa labas na. Baka kanina pa 'yun nakatayo dun." Lumapit sa'kin si Jaimie nang matapos siya sa assignment niya. Sa'kin kase ipapasa lahat ng mga gawa nila dahil ip-pass ko sa office ni maam pagkatapos kong check-an.

" Gaga! Papasukin mo dito 'yun, uy. Ikaw kaya tumayo buong magdamag sa labas." Siniko naman ako ni Aika kaya wala akong nagawa kundi lumabas. Hindi naman ako nainform na pupunta siya rito.

" Love." Hinalikan niya ako sa noo nang makalapit ako sa kanya."How are you? Are you done with your works? Let's go on a lunch together." dagdag niya pa.

Tumango naman ako." I'm okay. Kailangan ko pang kumpletuhin yung mga assignments ng mga kaklase ko bago ipass sa office ni maam. Ikaw? Ang dali namang natapos ng klase mo at nandito ka." sagot ko naman.

" Why?! Don't you want to see me? I'll just go if----."

" No, it's not like that." Pinigilan ko siya ng akmang aalis siya."Pumasok kana sa room namin, umupo ka sa upuan ko. Sa teacher's table kase ako dahil wala naman si maam." Hindi na siya nagsalita pa ng hilahin kona siya papasok sa loob. Todo sigawan naman yung mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin.

" Where's your chair?."

Tinuro ko naman yung bakanteng upuan sa gitna ng kambal." Behave there, don't make any unnecessary movements." paalala ko sa kanya.

" Yes, maam." Napangisi naman siya bago umupo sa upuan ko.

Napailing nalang ako at bumalik sa pagc-check ng mga assignments ng mga kaklase ko. Kailangan ko pang i-record yung mga pangalan nila para siguradong nakagawa talaga sila. Langya! Hindi naman ako kasali sa class officers pero bakit ako ang inutusan nito?! Porket kyut ako nalang palagi?! Chos!

" Here's mine." Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Shin." Kailangan mo ba ng tulong dyan?." tanong niya pa. Hindi rin kase gumawa ng assignment ang isang 'to at mabuti nalang wala si maam kaya nakahabol pa. Pasaway rin eh.

" 'Wag na, kaya ko naman. Konti nalang rin naman 'to at malapit nang matapos." Natapos ko ang panghuling papel pero hindi parin siya umaalis sa harap ko kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kanya.

" What? Tinitingnan lang naman kita." Pinag-krus niya ang braso niya." Besides, I think you're boyfriend is jealous right now." dagdag niya pa kaya agad kong nilipat ang tingin kay Daron.

Shit. Ang sama ng tingin niya kay Sin. Mukhang anytime sasabog na siya. I should do something. Mabuti nalang at nagbell na kaya nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas.

" We'll go now, Katria. Mukhang galit na ang boyfriend mo." Hininaan ni Lucy ang boses niya sa huling sinabi niya. Natakot siguro siyang marinig niya 'yun.

" Pa'no ba naman kase eh inasar ni Shin. Ayun!." Tumawa pa si Doreen kaya siniko siya ni Christophe ng mahina.

" Gusto mong magpatulong na suyuin siya? Kahit wala akong jowa, expert ako sa mga ganyan." proud na sambit ni Phillip.

Inakbayan naman siya ni Jeric."'Wag na, dude. Ayaw ni pareng Daron na may ibang lalakeng kumakausap ko lumalapit sa kanya. Kahit kaibigan kapa niya magseselos parin 'yun. Baka nga hindi ka makahinga kapag siya na ang kumausap sa'yo." Inirapan naman siya nito.

" Aalis na kami, naghihintay na siya sa'yo. Just try to be sweet to him. Magkakabati na kayo niyan." payo pa ni Aira bago sila tuluyang umalis.

Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami sa hallway. Wala nang masyadong estudyante dahil nga lunch break na. Siya na ang nagdala ng mga papel na ibibigay ko kay maam, walang pasabi niya kase iyon na kinuha sa table. Kanina niya pa ako hindi pinapansin. Kahit naman tinatanong ko siya, sobrang ikli lang ng sagot niya. Halatang galit nga pero hindi ko alam kung paano siya suyuin. Kainis. Ba't ba kase ako pumasok sa isang relasyon kung hindi ko naman pala alam kung paano i-handle. Sana kase pinag-aralan ko muna nung una palang. First time ko kayang makaranas nito kaya wala pa akong kaalam-alam.

" Daron, sorry na kase. Kung ano man yung nagawa ko hindi ko naman 'yun sinasadya eh." mababa ang boses ko dahil ayokong lakasan ang boses ko. Baka sabihin niya pang ako pa yung nagagalit.

" You didn't do anything." Hindi man lang siya tumigil o lumingon sa'kin. Argh.

Wala akong nagawa kung yakapin siya sa likuran kaya napatigil siya."Don't be mad, please? Love." malambing na saad ko sa kanya.

" What did you just call me?." Lumingon siya sa'kin habang nakakunot ang noo.

" Love?." patanong kong sagot.

Nanlaki naman ang mata niya at umiwas ng tingin." Let's go, your teacher must be waiting in her office. You must eat in the right time so we have to make it fast." pag-iiba niya ng usapan at nauna na.

Nahihiya ba siya o ayaw niyang tawagin ko siya ng ganun. Aish. Ewan. Hindi niya man lang sinabi na hindi na siya galit sa'kin dahil nagsorry naman na ako. Tsk. Nagtatampo na tuloy ako.

" Why aren't you eating?." tanong niya sa'kin ng mapansing hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Bahala siya hindi ko siya papansinin.

Kumain nalang ako sa inorder niya dahil gutom na talaga ako. Wala naman siyang sinasabi kaya hindi narin ako nagsalita. Atleast nagsorry na ako sa kanya kanina. Wala na akong problema.

" Hey, you're too silent. I'm not used to this." Hinawakan niya ang kamay ko pero tiningnan ko lang 'yun." I know you're mad at me. I'm sorry, its my fault. Hindi dapat ako nagselos sa inyo ni Shin. Sorry, love." Hinalikan niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

" Akala ko galit kapa sa'kin." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Pero sa totoo lang, nawala na talaga yung tampo ko sa kanya nung sabihin niya 'yun.

" No, I'm not. Why would I? Nagseselos lang ako pero hindi ako galit. It would never happen, love." Ang husky ng boses niya kaya mas lalo lang akong na-inlove sa kanya.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango." It's okay, love. He's just my friend, though. Inaasar ka lang naman nun."

" It's giving a goosebumps whenever you're calling me like that." Umiwas naman siya ng tingin.

" You mean, love?." Napakagat siya sa labi niya kaya hindi ko mapigilang matawa. He's so cute.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna kami saglit sa likod ng building. Nag-usap kami sa iba't-ibang bagay pati narin sa kung anong meron sa'min. Hindi naman kami masyadong nagtagal dun dahil malapit na ulit magsimula ang afternoon class namin.  Ang daya naman, kapag boring na boring ako tuwing lunch break ang tagal bumalik ng class hours. Samantalang kapag may kausap ako at ang sarap na ng usapan namin ay ang bilis ng oras. Amp.

" I'll fetch you after class. Just wait me on your room okay?."

Ngumuso naman ako at tumango."Okay, I'll just pray that the hours would run fast so that I could see you again. See yah, love."

" Don't be like that. Maybe I couldn't go back to my room and stay with you until your class ended. I can do that if I want." sambit niya kaya pabiro ko siyang hinampas sa balikat niya.

" Sira ka talaga! Just go, we'll see each other later." Kumaway ako sa kanya at ngumiti bago pumasok sa room ko.

Nang matapos ang klase namin ay sinundo niya nga ako. Hindi ko alam kung sa'n kami pupunta dahil lumiko siya sa ibang daan at hindi ito ang daan pauwi sa'min o sa mansion nila. Nang magtanong ako ay sabi niya maghintay lang daw ako dahil malapit naman na kami sa pupuntahan daw namin. Nang makarating kami sa sinabi niyang lugar ay bumaba na kami sa kotse niya. Namangha ako sa ganda ng paligid, may bermuda grass at may isang malaking puno sa unahan malapit sa dagat. Kitang-kita dito ang sunset dahil malapit nang mag-ala singko. Ang ganda ng lugar na 'to pero walang katao-tao.

" How did you find this place, love?."

Hinila niya naman ako dun sa malaking puno at umupo kami sa ilalim nun." It's my resting place whenever I'm stressed. I just find it comfortable and quiet. You know, I love sunsets because I love sun. But do you know what I love the most?." Tumingin siya sa'kin kaya nagr-reflect ang color ng mata niya sa araw. Nakatapat kase sa'min 'yun dahil malapit nang lumubog.

" What?." Kahit alam kong ako ang tinutukoy niya ay nagtanong parin ako. Wala lang. I just love the way he tells me how much he loves me.

" You, because you're my sun." Tiningnan niya ako ng diretso sa mata." I'm so thankful because you came to our life, my life. You're the greatest blessing that I never regret to have. I love you to the sun and back." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ng smack ang labi ko.

" I love you too." Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit." I'm also lucky to have you. I didn't expect that you'll choose me over Cheska. Like, I don't have a perfect figures like her. I'm not even famous and rich. How could you love me like this?." Napabuntong hininga naman ako.

" I love everything on you. Despite on your imperfections, I still love you. I don't care on what people say about you because what matters for me is the real you. I love you because you're different from the others girls I know. No one has an attitude like what you have. You're an extraordinary girl and if ever that someone has the same as you, they couldn't be compared to what you are. Everyone has a different personality so don't compare yourself to others. I love the way you are and I'm willing to accept everything on you because I love you." sincere na sabi niya. Nakatitig lang siya sa'kin habang sinasabi ko ang mga katagang 'yun. Nakakatunaw talaga ang titig niya. I swear.

" Ang daming I love you, ah." Napatawa nalang ako at isinandal ang likod ko sa dibdib niya. Umakbay naman siya sa'kin at pinagsiklop ang mga kamay namin.

" I won't get tired to telling you how much I love you. Walang expiry date ang pagmamahal ko sa'yo, love." Tumawa din siya at nakakagaan 'yun sa pakiramdam.

" Did you ever regret of choosing me instead of her, love?." Alam na niya kung sino ang tinutukoy ko. Wala naman siyang ibang babaeng minahal kundi si Cheska.

" I never regret of choosing you. We both fell out of love because we found the right person for us, the one who truly loves us. So don't ever think that I made the wrong decision because  you're the girl who captured my heart since then." Hinalikan niya ang buhok ko kaya napangiti ako. Palagi niya nalang akong pinapakilig.

" But, first love never dies. 'Yan ang sabi ng karamihan." sambit ko pa.

Bumuntong hininga naman siya."She's just my past but you're my present and my future. You may not be my first but I'll assure to you that you'd be my last. Hmmm?."

Tumango lang ako at niyakap siya." Nasanay na ako sa presensya mo, love. I hope that you won't leave me. Whatever happens, don't lose hope and fight for me until the end. Promise me that."

" Promise, love. Even if you won't ask me, I'll surely do it. You're worth fighting for. I can do everything for you." Hinaplos niya naman ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.

Pagkatapos namin manood ng sunset ay sinabi kong sa condo nalang muna ako dahil nakapag-paalam naman ako kay Inay. Sumama naman siya sa'kin at saka nalang daw siya magt-text sa mga kapatid niya kapag nakarating na kami sa condo ko. Baka kase madisgrasya kami sa daan dahil nagsisimula nang dumilim ang paligid. Nang makarating kami ay kinuha ko yung susi sa bag ko at binuksan ang pinto. Madilim pa ang loob syempre, dapat walang nakasaksak at patay ang ilaw bago namin iwan ang condo namin. Nandun 'yun sa rules.

" Wah!." Napatalon ako at kumapit kay Daron ng may kamay na humawak sa'kin sa loob ng io-on kona sana yung switch.

Niyakap naman niya ako pabalik."Hey, what happened?." tanong niya sa mapag-alalang boses.

" M-May humawak sa'kin sa loob. Mukhang may tao eh, at saka parang lalaki." kinakabahan kong sagot habang nakakapit parin sa kanya.

" Fuck it! I'm gonna kick his ass whoever he is." galit niya saad at nilagay ako sa likod niya.

" SURPRISE!." Biglang bumukas ang ilaw at iniluwa nun yung mga kaibigan ko kasama yung mga kapatid ni Daron, pati narin si Vera. Kumpleto silang lahat at tawa ng tawa habang nakatingin sa'min.

" Tang'na! Nakakainis kayong lahat! Papatayin niyo ata ako sa kaba." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat." Bakit kayo nandito lahat ng walang pasabi?! At saka pa'no kayo nakapasok dito?!." Kumunot ang noo ko.

Itinaas naman ni Doreen ang duplicate key niya." Just to let you remember, we also have shares in this condo. Besides, we're here to trouble you. Makikitira muna kami ng isang gabi sa'yo."

" What?! Are you guys serious? Hindi mansion 'tong condo ko para dito kayong lahat. Wala ba kayong mga bahay?!." inis kong tanong sa kanila.

" You can't do anything, ate. We're already here." Napatingin naman ako kay Raizer ng magsalita siya.

" Wait." Napalingon kaming lahat kay Daron ng sumingit siya." Who touched my girl earlier?." Tumaas ang kilay niya kaya napalunok silang lahat at nagkatinginan. Mukhang walang balak na magsalita at nagtutulakan pa kung sino.

" A-Ako pare, pasensya na ah. Napilitan lang kase inutusan ako ni Cohen." sagot ni Shin, parang kinakabahan ata siya.

" 'Di okay lang." Tuluyan na akong pumasok at dumeretso sa kwarto ko. Nagbihis ako ng pambahay na shorts at white t-shirt bago lumabas ulit dahil narinig kong nagkakagulo sila.

" Why are you wearing like that?." Tiningnan ako ni Daron mula ulo hanggang paa at kumunot ang noo.

" Ha?." Napatingin naman ako sa suot ko." Ano namang masama dito?." Hindi naman ako naka-bikini para maging ganyan ang reaksyon niya.

" Change your clothes, love. Wear something that could cover your whole body." Tinalikuran niya ako at umupo dun sa single sofa. Nandun rin silang lahat at nakatingin sa'kin na impit na tumatawa.

" W-What?! Hindi pa naman ako matutulog para magsuot ng pajama at jacket. I'm not wearing anything bad, love." reklamo ko naman.

Bumuntong hininga naman siya." I don't want to see you wearing like that in front of others. Just go and change or else I'll be the one to dress you up." pagbabanta niya pa kaya agad naman akong umiling at pumasok ulit sa kwarto ko.

Aish. Ano namang mali sa tshirt at short?! There's nothing bad on it. Hindi rin naman maikli ang suot kong shorts at bakat ang suot kong damit. Over-protective lang talaga ang love ko. Napangiti nalang ako kahit na medyo may pagka-strikto siya. Boyfriend ko siya kaya dapat sundin ko ang sinasabi niya dahil alam ko namang para sa'kin din 'yun.

Lumabas ako ng nakasuot ng black pajama na may white dots at pares na pink turtleneck jacket. Nakanguso ako kaya akmang pipisilin ni Shin yung pisngi ko ng bigla siyang mapatingin kay Daron at lumunok kaya hindi niya natuloy. Ang seloso niya talaga kahit kailan. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya na sinunod ko naman. Agad niya naman akong inakbayan kaya napasandal ako sa dibdib niya.

" Mabuti naman at hindi ka nagsuot ng mask, shades, at saka cap. Tsaka medyas at sapatos pati narin gloves. Diba sabi ng boyfriend mo na takpan lahat ng parte ng katawan mo." Umirap si Vera kaya napairap nalang din ako. Kahit kailan talaga siya, panira ng mood bwisit.

" Wala talagang paglalagyan yang pagka-chismosa mo, 'no?! Nasa dugo mo parin talaga 'yun." Pinag-krus ko ang mga braso ko."Eh kung maghanap kana lang kaya ng sa'yo para hindi ka mainggit sa'kin." dagdag ko pa. Normal lang naman sa'ming dalawa ang ganitong usapan.

Tumayo naman siya at nagmataray mode na kaya hindi rin ako nagpatalo." Hindi ako nagb-boyfriend, Katria. Flings marami pero jowa? Nah." Winagayway niya pa ang kamay niya senyales ng hindi raw.

" Eh anong tawag mo kay Joel, Rolando, Marco, Joseph, at Niño?! May pinagsabay kapa nga dun eh." Tumayo naman ako kaya hindi na nakapalag pa si Daron at nanood nalang. Supportive siya sa'kin, mainggit kayo. Chos!

" Hala! Realtalk ba yarn?!." Humawak pa si Jaimie sa dibdib niya na para bang nagulat sa sinabi ko.

" Matagal-tagal na 'yun kaya wala na akong pakialam sa past ko. What matters to me now is my present past participle and future tense." proud niya sabi na ikinahagalpak ng tawa nila.

Mother earth! Please help this creature! Bumalik na naman siya sa pagkabobita niya.

" Boom panes! Hanep ng English mo sizt. Apir nga." Nakipag-apir naman si Aika kay Vera at nag-flip hair pa ang gaga. Bumalik na talaga ata ang dating VeraMundo na kapitbahay ko sa probinsya.

" Ewan ko sa'yo, VeraMundo. Baka pati ako mahawaan diyan sa kabobohan mo." Napailing nalang ako at bumalik sa pwesto ko kanina, sa tabi ni Daron. Namimiss ko yung amoy niya eh, ba't ba?!

Nagmamadali kaming tumakbo papasok sa gate ng university dahil late na kami. Mabuti nalang at kasama namin yung lima kaya hindi kami pinalista dun sa log book. Kapag kase tatlong beses na kaming nalista dun ay sa detention agad ang punta namin. Na-late kase kaming lahat ng gising kaya todo madali kami sa mga kilos namin. Sa condo ko kase sila natulog lahat dahil ayaw na nilang umuwi. Dun sa guest room ko pinatulog lahat ng mga lalake habang sa kwarto ko naman yung mga babae.

'Yun nga lang, napasarap yung usapan namin kagabi kaya bandang mga alas dyes na kami nakatulog. Nung mag-umaga na ay nasa 6:00 na ako nagising at ako pa yung nagluto para sa'ming lahat. Mabuti nga at may mga stock pa ako dahil bukas pa ako mag-grocery dahil Sabado. Nag-uunahan pa sila sa cr dahil dalawa lang naman ang meron dito sa condo ko, kaya ang nangyari ay tag-tatlo silang sabay na maliligo sa cr. Sa kwarto ko yung mga babae habang sa guest room parin yung mga lalaki. Nagbabangayan pa silang lahat kaya ang tagal naming nakaalis, mga bandang 8:20 na.

Nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa dahil humiwalay na yung iba sa'min. Hinalikan lang ako ni Daron sa noo at sinabing sabay na naman kami magl-lunch mamaya. Agad kaming pumasok sa elevator ng mga kaibigan ko at pinagdasal na sana nasa magandang kondisyon ang utak ni Mr. Rivera at hindi niya kami bigyan ng parusa.

" Gosh! It's my first time to be late. I'm kinda nervous right now." Pinapaypayan pa ni Lucy ang sarili niya at pabalik-balik ang lakad kahit na ang liit ng space dahil sampu kami dito lahat.

" Patay rin ako neto ngayon. Ako pa naman yung President ng classroom natin." kinakabahang sambit ni Shin.

" So as me, I'm the Vice-President. Baka kung anong ipagawa ni prof sa'tin." dagdag naman ni Aira.

" Chill lang kayo, guys. Tayo namang lahat ang mapaparusahan kaya okay lang. Isang squad nga diba? Walang iwanan." nakangiti pang saad ni Phillip. Mukhang walang problema ang loko.

" I already told you. Ang titigas kase ng ulo niyo at ayaw niyong makinig eh." kontra ko pa sa kanila.

" We're here. Get ready of what will happen." sabi ni Christophe at naunang maglakad nang bumukas ang elevator. Nang malapit na kami sa room namin ay bigla siyang umatras at pumunta sa likod kaya ang unang bumungad sa pinto ay ako. Lintik!

" Prof, they're here." Tinuro kami nung isa naming kaklaseng sipsip kaya nasa amin na ang atensyon nilang lahat.

" What time is it, huh?! YOU'RE 20 MINS. LATE!." Napaigtad kami dahil sa sigaw ni prof kaya natahimik ang lahat. Feeling ko rinig 'yun sa buong BSED building.

" Sorry sir, I'm the class President so it's my responsibility to look for my classmates. Nagkayayaan po kase kaming magsleep-over lahat kaya late na kaming nagising." explain naman ni Shin.

" We're so sorry sir. We'll accept the punishment whatever it is." singit naman ni Aira.

" Of course, you should. You'll be grounded for the whole day, is it clear?." matigas niyang tanong kaya wala kaming nagawa kundi tumango nalang.

" Yes, sir."

Nakabilad kami sa ilalim ng sikat ng araw dahil 'yun ang parusa sa'min. Hindi naman talaga kami binibilad sa araw na nakatayo, pinapalinis kami sa buong school ground dahil absent yung janitor na na-assign sa area na 'to. Jusme! Feeling ko mahihimatay na ako dahil sa dehydration. Ang sakit kase ng init ng araw at hindi naman pwedeng magdala kami ng payong dahil hindi naman 'yun required. Hello?! Magwawalis kaya kami hindi momodel. Nakakainis naman kase! Sa tingin ko nasa isang linggo bago 'to matapos linisin. Hindi biro ang laki ng school ground, ang lawak nito mga sizt. Tapos ang dami pang mga hulog na tuyong dahon, dadag pa ang init ng araw. May balak ata si prof na agahan ang pagkamatay namin.

" Gosh! Magpahinga kaya muna tayo?! Feeling ko mamamatay na ako." reklamo ni Doreen at pinunasan ang mga pawis niya.

" Naku, 'wag! Ayaw mong umabot sa kasal niyo ni Christophe?! Sayang bhie." sagot naman sa kanya ni Jaimie. Wala kase dito yung boys, nasa pinakadulo na area habang kami naman ay sa kabilang dulo.

" I think we should take a rest for now. Masama ang magbilad sa araw lalo na't ang sakit nito sa balat." sambit naman ni Lucy na sinang-ayunan namin.

" I wonder what's the punishment of the others. Ang unfair naman kung tayo lang ang may parusa eh parehas naman tayong late." Ngumuso si Aika at umupo sa tabi ko.

" Pustahan tayo walang parusa yung lima. Gagamitin na naman nilang rason na sa kanila 'tong university." Napailing nalang ako at uminom ng tubig sa tumbler ko.

" What about Vera and Derrick? Nag-aalala na ako kay bhie." nag-aalalang boses ni Aira.

Bumalik na kami sa pagwawalis dahil baka maabutan kami ni prof na nakaupo lang at walang ginagawa. Ang moody din kase ni sir, ewan ko kung anong problema nun. Pinahirapan pa kami masyado sa parusa namin kaya buong araw kaming hindi a-attend ng klase.

" Look, they were cleaning in the school ground. I bet they did something bad so that's their punishment." Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin at lumingon sa nagsalita. Kailan ba titigil ang letseng biskwit na 'to?!

" Oh, ikaw pala. Gusto mong walisin rin kita para malinis naman yang madumi mong ugali." Nginitian ko siya ng napakatamis kaya napikon siya. Pagod ako ngayon kaya baka gusto niyang sa kanya ko maibuntong lahat ng 'to.

" You know what?! Seeing you with Daron is such a disgusting. Hindi naman kayo bagay sa isa't-isa eh. Ang mas bagay sa kanya ay si Cheska at hindi ikaw. Ngayon ko pa nalaman na ang baba pala ng taste niya." Ngumiwi siya kaya napairap ako.

" Eh ano naman kung ako yung pinili niya. Atleast ako pinili, ikaw hindi." Nagsigawan yung mga kaibigan ko dahil ang panget raw makipag-away ni Stella. Sugod kase ng sugod wala naman palang maibubuga.

" Ganun pala ah." Biglang hinila ni Stella ang buhok ko kaya napadaing ako sa sakit. Lumapit naman yung mga kaibigan ko para sana awatin kami kaso nadamay lang sila.

" A-Aray! Letse, bitawan mo nga ako." impit kong sigaw sa kanya kaso mas lalo niya pang hinila ang buhok ko at tinulak ako sa lupa.

" Ano? Masarap ba?." Binigyan niya ako ng sampal sa mukha at dahil nakayuko siya sa'kin ay naabot ko yung buhok niya kaya nakatayo ako.

" Hindi eh. Eto kaya masarap?." Binigyan ko rin siya ng mag-asawang sampal, yung kaliwa't kanan kumbaga. With effort ako nun kaya imposibleng hindi maalog yung utak niya.

" Babe! What happened to you?!." May biglang dumating na lalaki na sa tingin ko ay kasing-tangkad ni Daron. Nilapitan niya si Stella na may bahid na pag-aalala at ang impakta, nagkunwaring nasaktan talaga.

" She hit me so many times, babe. Ang sakit na ng katawan ko." maarte niyang sagot kaya pagak akong natawa. Boyfriend niya pala 'yan?!

" Fuck you!." Bigla akong hinawakan sa magkabilang balikat nung lalake at sinampal ako ng napakalakas kaya napaupo ako sa lupa." How dare you to hurt my girlfriend?! You don't know who I am and I can put you into jail if I want. So bare with your actions, you bitch!." Tinadyakan niya pa ako kaya napadaing ako. Shit. Ang sakit ng tiyan ko! Lumapit naman sa'kin yung kambal at pinaupo ako sa lupa habang nakaalalay sila sa gilid ko.

" What the hell! How could you do that to her?! Babae siya at lalaki ka, bakit mo siya sinasaktan ng ganyan?!." sigaw sa kanya ni Jaimie kaya dinuro siya nito.

" Simply because she hurt Stella. Walang sino man ang mananakit sa babae ko kundi makakatikim ng impyerno." matigas niyang sagot kaya napaatras si Jaimie at niyakap naman siya ni Lucy.

" HOLY SHIT!." Narinig ko ang boses ni Cohen kaya napalingon ako sa bandang likuran nila Stella. Nandun silang lima at ang dilim ng aura nilang lahat lalo na nung makita nila ako. Oh god! This is gonna be bad!

" Damn it. Love, sa'n masakit?." Hinawakan ni Daron ang mukha ko na may pag-aalala." I'm going to kill that bastard right now for hurting you. I swear that." Niyakap niya ako kaya umalis yung kambal at pumunta sa direksyon nila Jaimie.

" My stomach hurts. Tinadyakan kase ng gagong 'yan tapos sinampal pa ako." Pagkasabi ko nun ay tiim bagang siyang lumingon dun sa boyfriend ni Stella na inambahan ni Shael ng suntok.

" Who told you to hurt my girl, huh?!." Nagulat ako ng sinuntok siya ni Daron ng sobrang lakas kaya napaupo siya sa lupa." Ako nga mismo hindi siya sinaktan tapos sasaktan mo siya ng ganun ganun lang?! Are you messing up with me asshole?!." Kinwelyuhan niya ito kaya pilit na tinatanggal ni Stella ang pagkakahawak ni Daron sa boyfriend niya.

" Daron please, stop it. You're going to kill him." pagmamakaawa pa ni Stella sa kanya.

" He's really going to kill you fucking boyfriend, Stella. You messep up with someone you know that is dangerous. Serves you right!." pagsagot naman sa kanya ni Raizer at lumapit sila ni Akken sa'kin.

" Shit! Dumudugo ang labi mo, ate. Kailangan kana naming dalhin sa clinic." sabi ni Akken at inalalayan nila akong tumayo. Muntik pa akong matumba dahil nawalan na ng lakas ang mga paa ko.

" Sinaktan niya si Stella kaya dapat lang sa kanya 'yan." pagpupumilas nung boyfriend ni Stella.

" Para sabihin ko sa'yo, yang impakta mong girlfriend ang nauna. Pinatulan siya ni Katria pero sa salita lang at hindi sa gawa. Sinabunutan niya si Kat tapos sinampal kaya ngayon sabihin mong dapat lang din sa babaeng 'yan ang ginawa ni Kat sakanya. Actually, two slaps aren't enough." sigaw sa kanya ni Doreen. Mukhang nanggigigil narin siya at gusto nang makipag-away pero pinigilan siya ni Aira.

" He even called Katria a bitch that was supposed to her girlfriend." dagdag pa ni Lucy.

" I won't forgive you for what you've done to my girlfriend. For your punishment, you're 1 week suspended so you can't enter this university starting tomorrow." walang emosyon na sambit ni Daron sa kanila na ikinalaki ng mata nilang dalawa.

" Please, don't do that. I'm begging you, Daron. Midterm namin next week at kailangan kong makapunta. Please, no." Umiiyak na ngayon si Stella kaya bigla akong naawa sa kanya. Midterm is a big part of our grades. Importante na maka-take siya nito.

" Love, it's enough." Napalingon naman si Daron sa'kin at lumapit."Just let them take the midterm. Malaking parte 'yun sa grado nila." mahina kong saad dahil nanghihina na talaga ako.

" No, love. They should've think that before making a wrong move. Let's go, I'll bring you to the clinic." sagot niya at binuhat ako ng pa-bridal style. Nakita ko sina Shin na kakarating lang dun sa pwesto namin kanina at napalingon sila sa'kin. Kinausap naman sila nung girls, pinapaliwanag siguro kung ano talaga ang nangyari.

" I won't let someone to lay their fingers on you, love. I promise that." Hinalikan niya ang noo ko bago kami tuluyang pumasok sa clinic.

I'm really lucky to have my man.

----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top