Chapter 4 - Lost

DALE FYRON'S POV

"Ano nang susunod nating gagawin? The tricks that we've did yesterday were just so easy for her to pass. We better think a good idea," Cohen said and brushed his hair.

We're here at the living room, thinking for another plan to make that damn babysitter leave this freaking mansion. May libreng oras kami para mag isip dahil nasa kwarto pa at naliligo and so-called-babysitter namin.

Tsk. There's no need for her to take a bath because after all, nothing would change. Isa parin siyang panget, mabaho, at jejemon na babae. Nagiging laitero na din ba ako kagaya ng kapatid kong si Cohen? Well, I don't care.

"That girl is so smart. Madali niyang malaman ang mga kilos natin at alam niya kung pano gumawa ng paraan para makatakas sa mga kalokohan natin. She's also a moody girl. Kaya niyang maging mataray, masungit, mapangbara, maatittude, and most of all palaban. Ngayon pa lang, I admire her," nakangiting tugon naman ni Shael habang nakatitig sa kwarto ng ENGOT naming babysitter.

I want to call her 'engot'. Why? It's because I hate calling her with her name. And I hate her too.

And for Shael, I know what's running on his mind. Tsk. He's my brother, of course. He used to play girls and I think that girl is his new victim.

Before I could answer, Raizer interrupted."Seriously, kuya? You wanna play that ugly girl? 'Yan na ba ang bagong type mo ngayon? How gross," he commented.

He's right. Alam kong 'yan ang sasabihin niya. Maybe because we really know each other and we know what's running on our minds.

Shael just laughed."Chill, dude. I just wan't to play with her and nothing more. I know that she's not beautiful like the other girls that I've played but I find her interesting. Saglit lang naman 'to," natatawa niyang sagot.

"I don't think if that idea will work, kuya. Kakasabi mo lang diba, she's smart. At paniguradong sinabi na sa kanya ni mom na you're a playboy," singit naman ni Akken.

Ugh. They're talking about nonsense. I thought we're talking about our new plan. We don't have enough time. Baka bumaba na rito 'yong engot na 'yon.

Bago pa man nakasagot si Shawn ay nagsalita na ako."Enough of that flirty thingy. We need to have a plan as soon as possible. We're just wasting our time here," I said coldy that made them shut up their talkative mouth.

As the older brother, they respect me. One single word from me, they would be scared. Kinakatakutan ako ng lahat even the teacher's and stockholders in our school. Pati na rin ang mga nagta-trabaho sa mga hotel, restaurants, malls, and so on. Of course they would, I'm the oldest son of the Helveryst family and supposed to be the owner of dad's biggest company soon.

No one could mess up with me. Not even that 'engot' babysitter.

Napabalik kaming lahat sa wisyo nang biglang hampasin ni Akken ang table sa harap namin. We just glared at him so he gave us an apologizing mile.

"I have an idea, brothers," nakangisi niyang sambit.

I don't know if this idea of him will work. But since he haven't explain yet, we'll just listen to him.

"Just be sure that it will really work Akkiro Renz. Don't make us a stupid in front of that ugly girl again," seryosong sagot naman ni Cohen.

"Of course I won't, kuya. I'm sure this will be her very memorable day," sagot niya.

Because of what he have said, we looked at him curiously. Sa pagkakataong ito, ang hirap basahin ng iniisip niya. But based on his reaction, it seems that his idea is really interesting.

"Ano 'yon?" nakakunot noong tanong ni Raizer habang nakacross arms.

"I've seen some papers on mom's office earlier. Those papers are the rules that babysitter Katria needed to follow. Pero yung rule no. 3 lang ang nakaagaw ng pansin ko," sambit niya na mas lalong nagpacurious sa'min.

We've heard that from mom but she never tell us what are those rules. However, she reminded us not to enter her office and we don't hesitate to follow it. We don't care about the rules because we know that no one could make us a good boy just like what our mom wants. Even though they'll follow the rules that mom made.

"Ano naman 'yong rule no. 3?" Shael asked curiously.

"Ang sabi do'n, dapat bantayan tayo nang maigi ni babysitter Katria kahit anong gawin na'tin. Kahit saan tayo magpunta dapat kasama siya. And if we don't allow her to come with us...she will still follow us secretly. Secret agent or a spy will be her role," Akken answered.

Seriously? And what's his point now? Anong gusto niyang gawin?

"And what do you want to do?" This time, I was the one who asked. But he just gave us a playful smile. Ugh. Nakakainis ang ngising 'yan.

"Gusto kong umalis tayo para mag-mall ta---"

"And?" Akken just rolled his when Cohen interrupted.

Naiinis na siya panigurado. Sino rin naman kase ang hindi maiinis?! Pinapatagal niya ang gusto niyang sabihin sa'min. Gusto niya siguro ng thrilling. Tsk.

"Pwede ba kuya Cohen, 'wag kang magmadali. Sasabihin ko naman eh. Chill ka lang okay?" he answered but Cohen just 'tsk-ed'.

"So gano'n na nga, alam kong susundan tayo ni babysitter Kat kapag umalis tayo. Kaya ang plano...."

Umusog si Shael para pakinggan ang susunod na sasabihin ni Akken habang si Raizer naman ay nakakunot ang noo. Si Cohen, bored na nakatingin sa kanya at ako ay malapit nang magalit dahil sa pagthi-thrill na ginagawa niya.

As if he's cool on that way. Tsk.

"Ililigaw na'tin siya sa oras na sundan niya tayo. Alam naman nating hindi pa siya nakapag-tour sa buong Manila simula nang tumira siya dito at kung gano'n ay hindi niya alam ang pasikot sikot dito. There's a big possibility that she'll get lost while following us. So? Is it a deal, brothers?" Nagkatinginan kaming lahat at pinag isipang mabuti ang sinabi ni Akken.

We can't deny that he's smart when it comes on thinking of those kind of tricks. Though, that idea of him isn't that bad after all. So maybe we'll just agree on it.

"Kung ako ang tatanungin, okay lang sa'kin ang idea mo dude," nakangiting sambit ni Shael at nakipag apir pa dito.

Narinig naman namin ang pagbuntong hininga ni Raizer kaya napatingin kami sa kanya."Bahala kayo, basta gumana yang plano. Game," he answered as he shrugged his shoulders.

"Well, para sa'kin wala namang masama. Siguraduhin niyo lang na mawawala talaga ang babaeng 'yon. Panget na salot pa," And of course, the most boastful among the five of us, Cohen.

Dahan dahan naman silang tumingin sa'kin. As if they're waiting for my answer. All of them agreed and if I won't, we will just waste another time thinking for another plan. So...

"Fine. Let's do it," I answered coldly.

"Yes! Hintayin na lang na'tin na bumaba si babysitter Kat so we can start the plan," masayang sagot nito.

Whatever. I'm not sure if it would really work. But, I hope so.

KATE CHANDRIA'S POV

Kakatapos lang maligo ng magandang si ako at pagkatapos ko ring magbihis ay bumaba agad ako. Baka umalis na naman ang mga abnormal na 'yon at makaltasan pa ang sweldo ko kay tita. Nang makababa na ako ay nakita ko agad silang nakaupo sa living room at mukhang galing sa pag uusap.

Ano naman kayang kalokohan ang pinag uusapan ng nga 'to?!

"Oh andyan ka na pala. Akala ko nalunod ka na sa inidoro," pamimilosopo sa'kin ng lalaking akala mo kinagwapo niya ang pagbubugsangot niya ng mukha. No other than, Raize Kristoffer the philosopher.

"Excuse me, marunong ako lumangoy 'no," pambabara ko sa hari ng mga pilosopo.

Kahit naman na malabong malunod talaga ako sa inidoro dahil unang una sa lahat ay napakaliit lang ng butas at tanging tae lang ang magkakasya. Pano pa kaya 'tong ulo ko, kaya imbis na insultuhin siya sa kabobohan niya ay binara ko na lang siya.

Hindi naman ako masyadong realtalker ano?!

"Ang tagal mo kasing maligo eh. Kahit naman anong gawin mo, hinding hindi mababago ang katotohanang panget at maitim ka parin. Sana do'n ka na lang tumira at hindi na lumabas pa." Hulaan niyo kung sinong gwapo at laitero ang nagsalita? May iba paba, edi si Colt Henry the mayabang.

Siya lang naman ang mahilig mang insulto ng kapwa niya tao diba? At saka hindi ako panget 'no. Nanalo kaya ako bilang 'BINIBINING PRETTY NG SANTA CLARA 2020'. Tapos ang lakas mang insulto ng panget daw ako at saka hindi din ako maitim. Sadyang wala lang talagang maisip na panlait sa'kin kaya kung anong pumasok sa isip niya, 'yon na 'yon.

"Excuse me ulit, kaya ako natagalan kase naligo ako ng maayos. Hindi lahat ng taga probinsiya, madumi. At hindi naman ako tanga para tumira sa CR," irap kong sagot sa kanya na ikina-tsk niya.

Duh. Pake ko.

"Kahit na galit ka baby ang cute mo pa rin. No wonder that I fall inlove with you." Ayan na naman ang nakangising asong ulol sa kanto. Please welcome, Shawn Axcel ang dakilang babaero. Pumalakpak kayo mga gais.

Umarte lang akong parang nasusuka sa sinabi niya. Jusko! Kahit naman hindi ako umarte nasusuka naman talaga ako sa pinagsasasabi niya. Mukha niya pa lang hanggang sa salita.

"Mukha mo! Kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo. Cute lang ako pero di ako baby. Wag mo rin akong pinagloloko d'yan sa mga fall inlove, fall inlove na pinagsasasabi mo. Wala 'yan sa bukabularyo mo," sagot ko at dinilatan siya ng mata.

Anong akala niya sa'kin uto-uto? Lokohin mo ang manloloko. Lol.

"Masyado ka namang highblood babysitter Kat, kakaligo mo lang eh. Dapat huminahon ka muna," pagpapakalma ng bunso nilang si Akkiro Renz the talkative/maloko.

Kalma? Eh pano ako kakalma kung todo pangunguna ang mga kapatid niya. Highblood agad, diba pwedeng inis o galit man lang. Hay naku!

"Tsk, shut up your mouth, won't you? Nakakarindi ang mga boses niyo," malamig na sambit ni Dale at saka tumayo.

Sa'n na naman pupunta ang isang 'yon? Tsk. Ang sungit talaga. Bahala siya. Diyan lang naman siguro 'yan sa tabi tabi kase 'pag lumabas siya lagot talaga siya sa'kin.

"Oh? Sa'n din kayo pupunta?" nakataas kilay kong tanong sa kanila. Nagsitayuan kase silang lahat at maya maya ay nagkatinginan.

Anong ginagawa ng mga 'to?

"Ah kase baby, lalabas lang sana kami saglit. May pag-uusapan lang," napairap lang ako sa sinabi ni Shael.

Duh. Pwede naman sigurong sumagot kahit wala yung word na 'baby' di ba? Tsk. Nakakainis! Pati 'yong si Raizer napangiwi sa sinabi ng manyak niyang kuya at si Cohen naman umiling lang. Pero 'yong bunso? Tumawa lang din.

"Edi umalis kayo. Mas mabuti kung wag na kayong bumalik," sagot ko sa kanila.

Pero syempre, binulong ko lang 'yong huling sinabi ko. Ewan ko lang kung narinig ba nila.

Nagkatinginan na naman ulit sila at tumango. Maya maya ay tumingin sa'kin bago naglakad palabas ng mansion.

Ano 'yon?

Nag uusap sila gamit ang mata? May special powers ba ang mga timawang 'yon? Hala! Baka alien sila. Ay naku! Hindi. Aish. Nakakabaliw isipin.

Pabagsak akong umupo sa sofa na inuupuan nila kanina. Bahala sila, manonood muna ako ng 'Crash Landing On You'. Hindi ako nakatapos kahapon kase umepal ang epal na si Cohen kaya hindi ko na alam kung anong nangyari.

Ah di bale. Wala naman sigurong eepal ngayon kase nasa labas silang lahat at nag-uusap kaya libre na akong manood.

Ba't gano'n? Hindi natuloy yung pag-alis ni Yoon Seri pabalik sa South? Haist. Siguro destiny talaga sila ni Ri Jung Hyeok kaya hindi siya pinaalis. Tsk. Tadhana nga naman. Pero kase naman eh...Kinikilig ang lola niyo. Wah!

Napatayo ako ng wala sa oras ng may marinig akong nahulog galing sa labas. Naalala ko agad yung lima kaya bigla akong kinabahan. Dali dali kong in-off ang TV at patakbong lumabas papunta sa pinanggalingan ng ingay. Nakita ko sa harap ng gate si Akken at napakunot ang noo ko ng binuksan niya ito at napatingin sa...

PAKSHET!

Lumabas sa garahe ang isang BMX na kotse at nakita ko yo'ng apat sa loob. Ang masungit naman na si Daron ang siyang nagdri-drive at papunta sa gate na binuksan ni Akken. Takte! Di 'to pwede.

"HOY MGA TIMAWA! LUMABAS KAYO NG KOTSE KUNG AYAW NIYONG MAPUTULAN NG ULO!" sigaw ko habang hinahabol 'yong sasakyan nila.

Nakaabot na sila sa gate at laking pasalamat ko ng huminto ang kotse kaya huminto narin ako habang hingal ng hingal. Ngunit laking gulat ko ng binuksan nito ang pintuan ng kotse at pinapasok si Akken. Nanlaki ang mga magaganda kong mata at saka ko napagtanto na hindi sila babalik dahil tuluyan na silang nakalabas ng gate.

Bwisit! Pota! Ano nang gagawin ko ngayon?! Ah bahala na.

Ginamit ko lahat ng powers na meron ako para tumakbo ng mabilis hanggang sa makalabas ako ng gate at pagkatapos ay inilock ito. Mahirap na, baka manakawan pa kami lalo na't hahanapin ko pa 'yong limang timawa at baka mawala. At kapag nangyari 'yon, wala rin akong sweldo kaya triplekill. Mabuti na lang at may taxi agad na dumaan kaya agad ko itong pinara at sumakay.

"Manong, pakisundan po 'yong kotse na 'yon." Turo ko sa itim na kotseng sinasakyan ng limang timawa. Medyo mabilis ang pagpapatakbo nila kaya malapit na silang mawala sa paningin namin.

"Manong naman eh, nagtitipid ka po ba ng gasolina? Ang bagal bagal ng pagpapatakbo mo oh. Mas mabilis pa maglakad ang pagong kesa dito sa taxi mo. Bilis bilisan niyo nga po," inis kong sambit kay Manong driver.

"Sorry po, maam," pagpapaumanhin niya.

Nakakaloka. May hinahabol na nga ako tapos ang bagal bagal pa magpatakbo. 'Pag talaga nawala 'yong limang timawa na 'yon ipapakidnap ko 'tong si Manong driver kay Joel.

Nakita ko sa di kalayuan 'yong itim nilang kotse na huminto at nagsilabasan na silang lima. Palinga linga pa sila kaya yumuko ako ng konti para di ako makita. Baka mamaya may telescope pala sila at makita nila ako, edi mission failed na.

"Pst, manong." Napatingin naman siya sa'kin."Wala na ba 'yong limang binata na sakay no'ng itim na kotse?" halos pabulong na tanong ko sa kanya habang nakayuko parin.

"Wala na maam. Pumasok na sila sa Mall," sagot niya kaya agad akong umupo ulit at inayos ang mukha ko bago lumabas. Pero bago ko pa man isara ang pinto ng kotse...

"Yong bayad niyo po?"

"Ha?"

"Ang sabi ko, yung bayad niyo." Napalunok ako ng ilang ulit at kinakapa kapa ang suot kong pajama.

Pano na 'to? Mukha namang wala akong dalang pera kase hindi ko naman inaasahan na mangyayari ang ganito at saka nakapajama kaya ako. Aish.

May nakapa akong papel sa bulsa ng pajama ko kaya halos tumalon ako sa tuwa ng may dala akong singkwenta. Teka? Pano 'to nagkaroon ng singkwenta? Eh hindi naman ako naglagay ng pera dito kanina no'ng nagbihis ako ah.

Basta. Thank you na lang sa napakabait na santong tumulong sa'kin.

"Oh eto po manong. Salamat po," nakangiting sambit ko at agad na binigay sa kanya ang singkwenta pesos na nadala ko bago kumaripas ng takbo. Narinig ko pa yung sigaw ni Manong driver pero hindi ko na siya pinansin at agad na pumasok sa mall.

Napatingin ako sa paligid at sobrang namangha sa nakita ko. Napakaraming mga pwedeng puntahan at para bang kumpleto lahat. Hindi ko maipagkakailang sobrang yaman ng may ari ng mall na ito.

May napakalaking ice cream store sa harap ko at kitang kita ko sa glass door ang napakaraming tao na bumili. 'Yong iba nakaupo sa mga table at kumakain kasama ang mga kaibigan nila at pamilya. Napabuntong hininga naman ako ng maisip ang pamilya ko.

Naglalakad ako at may nakita naman akong bookstore. Naglalabas pasok ang mga tao para bumili do'n sa loob. Ewan ko kung anong itsura do'n pero baka marami ngang libro kase nga bookstore diba? Tanga lang? Lol.

Haist. Asan na ba kase ang limang timawa na 'yon. Nakakainis!! Hindi ko pa naman kabisado ang Mall na ito. Saka ang daming tao, baka maligaw lang ako.

"Look that ugly creature. Pa'no 'yan nakapasok dito? Tingnan niyo ang suot niya, naka oversized tshirt at pajama tapos slippers. So jejemon." Napatingin ako sa mga babaeng nasa di kalayuan.

Nakatingin din sila sa'kin na para bang nasusuka sa itsura ko. Tiningnan ko ang sarili ko, okay naman ah. Wala namang masama sa'kin pero bakit parang nandidiri sila sa'kin. Pati rin 'yong ibang taong nakatingin sa'kin ay nagbubulung bulungan.

"Oh my god. Why did the guard let her in? 'Di ba halata na pangmayaman ang Mall na 'to? Yuck. 'Di siya bagay dito," rinig ko namang bulong ng babaeng nasa likod ko.

Ano bang problema ng mga 'to? Ganito ba sila kapag nakakakita ng mga taong ganito magsuot? Eh ano naman ngayon kung naka tshirt at pajama. Big deal ba 'yon sa kanila. Mas mabuti na nga 'to kase simple at walang arte sa katawan.

Tse! Magbulong bulongan kayo kung gusto niyo. Kahit i-microphone niyo ba para marinig ng lahat. WALA AKONG PAKE. Masyadong mahal ang oras para pag aksayahan ng mga walang kwentang tsismis nila 'no. At saka marami pa akong kailangan gawin. Bahala sila sa buhay nila.

Kahit saan ako naghanap pero wala talaga akong makitang ni isa sa kanila. Sa sobrang laki ba naman ng lugar na ito ay paniguradong aabutin ka ng bukas para malibot lahat ng nandito. Ang nakakainis lang sa lahat ay palagi akong natutulak o kaya ay naapakan ang paa ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil namumula na ang mga paa ko dahil sa dami ng nakatapak nito. Limang beses na rin akong natulak nang kung sino at malapit akong masubsob sa kung saan saan.

Sa tingin ko rin ay sinasadya nila iyong gawin sa'kin dahil na sa itsura at pananamit ko. Kapag naman tumitingin ako sa paligid, pinagtatawanan nila ako at 'yong iba ang sama ng tingin sa'kin.

Napabuntong hininga na lang ako ng sa wakas ay nakaupo na ako isa sa mga bench na nakita ko. Ewan ko kung saang lugar 'to pero parang nasa 2nd floor na ako. Nakasakay kase ako kanina sa isang escalator dahil sa pagtutulakan ng mga tao. Haist. Hindi ko pa naman alam kung pano makababa ulit o kung saang direksiyon ako dadaan at pano ko ulit mahahanap ang entrance ng Mall na ito. Kahit na iwan ko nalang dito 'yong limang timawa na 'yon basta makauwi lang ako pabalik sa mansion, okay na.

Letse! Kasalanan 'yon ng lima. Siguro sinadya nila akong pasunurin para iligaw ako dito sa Mall dahil alam nilang hindi kopa kabisado ang buong Manila. At ako naman itong si tanga, hindi gumana ang napakatalinong brain. Ayon! Naisahan. Bwisit.

"Oh miss, kalma lang. Malapit mo nang masira ang tsinelas mo. Gusto mo pa namang makauwi sa inyo, ano?" Agad akong nag angat ng tingin sa nagsalita.

Shems! Ang gwapo ni kuya mga 'te. Matangos ang ilong niya at saka makinis rin ang balat. Napabalik naman ako sa earth ng bigla siyang kumaway sa harap ng mukha ko.

"You're drooling," natatawa niyang sambit kaya napahawak ako sa gilid ng labi ko at...totoo ngaa!

May konting laway sa gilid ng labi ko. Omay shomay! Nakakahiya!

"Pft, maiba nga tayo. Ano bang ginagawa mo dito at parang naliligaw ka ata. Halata kaseng hindi mo kabisado dito sa Mall na eh. Hindi ka taga rito, ano?" sunod-sunod niyang tanong.

Wow! Feeling close si kuya ah. Pero sige na nga, baka pwede akong makapagtanong sa kanya kung saan ang labasan dito.

"Ahm. May hinahanap kase ako dito pero hindi ko sila makita kase hindi ko kabisado ang Mall na 'to. At tama ka, hindi nga ako taga rito kase taga probinsiya ako. Nandito lang naman ako para magtrabaho at pangalawang araw ko pa dito," sagot ko sa samutsaring tanong niya. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa na para bang inoobserbahan ako.

"B-Bakit?"

"Wala lang. Ngayon alam ko na kung bakit gano'n na lang ang trato sa'yo ng mga tao kanina simula pagpasok mo pa lang. Akala kase nila pulubi ka at naligaw ka lang dito sa Mall, tingnan mo nga 'yang suot mo. Oversized tshirt, pajama at tsaka tsinelas." Napatingin naman ako sa sarili ko."Eto kaseng pinuntahan mong mall ay pangmayayaman lang at dahil napansin nilang hindi ka kagaya nila, mukhang naiinis sila sa'yo," pagpapaliwanag niya sa'kin.

"Wala naman akong pake sa kanila eh. Duh. Malay ko bang ganito pala ang mga tao dito. Mapanghusga," irap ko namang sagot.

Kahit naman gwapong nilalang 'tong nasa harap ko, magtataray at magtataray pa rin ako kung gusto ko 'no.

"Grabe ka naman. Hindi lahat 'no." Napatingin naman ako sa kanya at ngayo'y nakangiti na siya. Mukhang tinutukoy niya ang sarili niya.

Pero kahit gaano pa siya ka-cute dahil sa dimples niya, hindi 'yan tatalab sa'kin. Aba! Mahirap magtiwala sa kung kani-kanino lalo na't bago pa lang ako sa lugar na ito. Baka holdapper ang isang 'to o di kaya'y kidnapper.

"You're thinking that I'm a holdapper o a kidnapper, aren't you?"

Luh. Nababasa niya ang nasa isip ko. May pagka mind reader din pala ang isang 'to.

"Mind reader ka pala, ano? Pero teka nga, pa'no mo nalamang ginagano'n ako ng mga tao kanina? Nakita mo ba lahat?" Tumango siya."As in lahat?" Tumango ulit siya.

"Nice. Pangalawang araw ko pa lang dito pero may stalker na ako. Ang ganda ko talaga," biro ko na ikinatawa niya. Lumalabas na naman ang napakalalim niyang dimples. Kakyut.

"Btw, sino ba 'yong hinahanap mo?" biglang tanong niya.

Sasabihin ko ba o hindi? Wala naman sigurong masama kung sabihin ko pero kase kakakilala pa namin. Ayoko. Ayokong magpakipot. Char.

"Basta. Hindi mo sila kila----"

Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ito. Agad naman akong napatingin sa cute kong stalker na nagpipigil ng tawa. Wah! Pakshet. Nakakahiya. Mader earth
lamunin mo na ako please.

"Gutom na 'yong tiyan mo, oh. Tara kain muna tayo sa restaurant. Libre ko," nakangiti niyang sambit kaya napayuko ako at nagdadalawang isip kung sasama ba o hindi.

Kung sasama ako, mabubusog ako panigurado kase mukhang mayaman 'tong cute kong stalker. Pero kung hindi, baka mahimatay ako dahil sa gutom lalo na't kailangan ko pang hanapin 'yong limang timawa. No choice.

"Sige, pero pwede sa isang fastfood na lang tayo kumain. Nahihiya kase ako kung sa restaurant tayo kakain eh kase alam mo na. Kung okay lang naman sa'yo," nakayuko ko paring sagot.

Ayos Kat! Ikaw na nga 'tong inaalok ikaw pa 'tong nagde-demand. Sana lang hindi magbago ang isip ng cute kong stalker kundi nako!

"Sure. Ano? Tara?"

Magkahiwalay kami ng cute kong stalker na hindi ko naman alam ang pangalan. Nakalimutan ko siyang tanungin kanina tungkol do'n. Kumuha muna ako ng dalawang siomai, dugo-dugo, at syempre kanin bago bumalik sa upuan na si-nerve namin. Naghintay pa ako ng limang minuto bago siya bumalik dala dala ang dalawang plato ng pagkain.

"Di ko akalaing mahilig ka rin pala ng mga ganitong klaseng pagkain," sambit ko habang nakatingin sa inorder niyang manok, kare-kare, menudo, hotdog, at lumpia.

Nilunok niya muna yung kinakain niyang manok bago nagsalita. Mukhang gutom na talaga siya, ako rin naman eh."Oo naman. I prefer to eat on fastfoods that restaurants. Ewan ko nga eh, basta gusto ko lang."

Napatango naman ako sa sinabi niya. Ngayon pa lang, na-aattract agad ako sa kanya. Hindi attract na gusto ah, 'yon bang naamaze lang ako sa kanya. Halata naman talaga kaseng mayaman siya dahil sa suot niyang white polo at pants with matching relo pa sa kaliwang kamay at Lucky Chouette na sapatos. Nakaukit kase 'yong brand sa sapatos niya.

"Hey." Agad akong napatingin sa kanya ng magsalita siya."What's your name? I forgot to ask you earlier."

Ay oo nga pala. Nakalimutan kong itanong sa kanya. Busy kase ako kakalamon dito kaya hindi ko naalala. Pake niyo, eh sa gutom ako.

"Mukhang hindi ka ata nakakaintindi ng Eng----"

"Katria. Katria is my name," nabigla naman siya ng sumagot ako.

Anong akaka niya sa'kin? Kinder? Eh 'yong kapatid ko nga na si Sasha nakakaintindi na ng English, ako pa kayang nakatapos ng highschool at Valedictorian pa. Minamaliit niya ata ang magandang katulad ko.

"Ah. Okay. My name is Ivan."

"Hindi ko tinatanong." Nagpatuloy lang ulit ako sa pagkain ng tumawa siya. May pagka baliw rin pala ang isang 'to. Bahala nga siya.

"Ang sungit mo naman. Taga saan ka ba?"

"Taga Earth," maikling sagot ko.

Humagalpak naman siya ng tawa dahil sa sagot ko kaya napatingin sa amin ang halos lahat ng tao dito sa loob ng fastfood. Bakit siya tumatawa? May saltik ba ang isang 'to?

"Hoy! Tumigil ka nga diyan. Hindi ka na nahiya sa mga tao, oh. Nandito tayo sa fastfood wala sa sine kaya takpan mo yang mabaho mong bibig." Nang dahil sa sinabi ko ay tumigil na rin siya sa pagtawa.

"Grabe ka naman sa'kin Katria. Hindi naman mabaho ang hininga ko ah. Ang harsh mo sa'kin." Umarte pa siyang nakahawak sa dibdib niya kunwari nasaktan siya.

Aw. Cute. Mainis nga.

"Ah talaga. Bakit naaamoy mo ba ang hininga mo? Hindi diba. Kaya tumahimik ka na lang para hindi kumalat 'yang imburnal mong hininga." Pilit kong hindi matawa sa reaksiyon niya. Nakaawang kase ang bibig niya nanlaki pa ang mga mata.

"M-Mabaho ba t-talaga ang h-hininga ko?" nauutal niyang sambit kaya hindi kona napigilan ang sarili ko at tumawa na ako. Hindi nga lang kasing lakas ng tawa niya kanina.

Pero infairness, epic fail talaga ang mukha ng lalaking 'to. Feel ko magkakasundo kami neto.

"Di joke lang. Ano kaba? Ang dali mo namang maniwala. Kapag siguro may ginang na lumapit sa'yo at manghinga ng pera pampa-opera sa pusa niyang may cancer, siguro maniniwala ka rin."

"Ikaw naman kase eh. Kung ano anong sinasabi mo. At saka hindi naman ako ganun ka uto-uto 'no. Sa gwapo kong 'to? Magpapa-uto. Asa." Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

Shit. Naalala ko bigla si Cohen. Kailangan ko pa palang hanapin ang limang timawa na 'yon. Langya. Nakalimutan ko.

"Oh ba't parang nakakita ka ng multo."

Napatingin ako sa kanya at dali daling tumayo."Pasensya kana Ivan, kailangan ko na pa lang umalis. May hahanapin pa kase ako eh at maghahapon na. Salamat na lang sa libre mong tanghalian," nagmamadaling saad ko.

"Oo nga pala. Teka, sasamahan na lang kita. Baka maligaw kapa dito, kakasabi mo lang na bago ka lang rito diba?" tanong niya pa.

"Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko. Magtatanong na lang ako kung sakaling maligaw ulit ako," sagot ko naman.

Biglang tumunog ang phone niya sa ibabaw ng table na pinagkainan namin kanina kaya agad niya itong kinuha at tiningnan.

"Si Cheska, nagte-text na siya sa'kin. Umuwi na raw ako kase may emergency." Tumingin siya sa'kin na parang nalulungkot at ngumuso pa."Sorry Kat. Kailangan ko na kaseng umalis eh."

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango."Okay lang ako. Sige puntahan mo na 'yong nagtext sa'yo, hindi mo naman kailangang samahan ako. Nilibre mo na nga ako sa pagkain eh at nagpapasalamat ako sa'yo dahil do'n."

"Okay lang 'yon. Magkikita pa naman siguro tayo. Destiny tayo eh," nakangiting sambit niya.

"Baliw. Sige na umalis kana. Aalis na rin ako," natatawang sagot ko.

"But we're friends right?"

"Uhm..Yes? Basta. Oo na." Mukha naman akong napipilitan neto.

Ngumiti ulit siya at kumaway sa'kin bago tumalikod at naglakad papunta sa kaliwang direksiyon. Nang hindi ko na siya makita ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa kanang direksiyon para bumaba sa 1st floor.

Haist. Kailan ko pa kaya makikita ulit ang cute kong stalker na si Ivan. Sana magkita ulit kami kase siya lang 'yong bago kong kaibigan dito sa Manila. Ang swerte ko nga kase gwapo at cute 'yung naging kaibigan ko. Hihi. Ang ganda ko talaga.

"AY CUTE KONG STALKER!" Napadaing ako ng bumagsak ako sa sahig. Bwisit. Inangat ko ang tingin ko sa walang hiyang tumulak sa'kin at sinamaan ito ng tingin.

"Wag kang feeler, miss. Alam kong cute ako pero kahit kailan hinding hindi ako magiging stalker ng isang panget na katulad mo. Tsk. Diyan ka nga," inis niyang sagot sa'kin bago umalis.

"Hoy walang hiyang lalaki ka! Bumalik ka dito. Kainis. Walang modo. Humanda ka sa'kin kapag nagkita ulit tayo."

Inis akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Aray! Ang sakit ng pwet ko. Ikaw kaya ang maupo sa napakatigas na tiles, tingnan natin kung hindi ba mabali ang buto mo sa pwet. Huhu. Feeling ko, naging flat na ang pwet ko. Wala nang ka-shape shape.

'Yon kaseng lalaking 'yon eh. Actually, hindi niya naman talaga sinadyang matulak ako. Kasalanan ko nga rin eh. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kase iniisip ko si Ivan. Pero sana naman tinulungan niya rin akong tumayo. Napakalanghiya. Tapos nilait pa akong panget daw ako.

Argh. Ang yabang. Bakit ba maraming mayayabang ngayon? Ah alam ko na. Kase nandito 'yong leader nila. Gusto niyong malaman kung sino? Edi si COHEN. May iba pa ba?

Nilibot ko ng nilibot ang buong 1st floor pero wala akong nakitang ni isang anino ng mga limang timawa. Napapagod na rin ako kaya umupo muna ako sa bench dito parin sa loob ng Mall, kakalabas ko lang kase sa arcade. Halos buong araw na ako dito pero hindi ko pa sila nakikita. Baka mamaya nagsumbong na 'yon kay tita na pinabayaan ko sila at tumakas daw ako. Alam niyo naman 'yong mga 'yon. Malakas ang trip.

Tumingin ako sa napakalaking orasan sa ibabaw ng pinto ng ice cream store. Nanlaki ang mga kyut kong mata ng mapagtantong 4:30 na at malapit nang mag-alasingko. Jusko! Ano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko pa nahahanap ang limang timawa. Pa'no na 'to? Baka matanggal na ako sa trabaho neto.

Dahil sa pagpapanic ko at naiisipan ko na lang na lumabas ng mall. Wala na rin namang saysay kung manatili pa ako sa loob dahil natitiyak kong wala narin sila doon. Baka naglakwatsa na ang mga 'yon o umuwi. Gusto ko sanang umuwi na lang rin pero wala na akong pera pambayad ng taxi. May kasalanan pa nga ako kay Manong driver kaninang umaga dahil singkwenta lang yung binigay ko imbes 150. Ayoko namang madagdagan ang kasalanan ko 'no. Mabait kaya akong dalaga. Maganda pa. Pati kyut.

Pansin kong dumidilim na ang paligid at kokonti nalang ang mga tao sa loob ng Mall. Nagsi-uwian na rin ang iba dahil mag gagabi na rin. Binuksan na ang ilaw sa loob ng mall para bigyang liwanang ang buong mall. Hindi rin naman ako pwedeng pumasok para lang tumambay dahil baka kaladkarin ako ng guard. Iba na kase ang nagbabantay at hindi na 'yong guard kaninang umaga na mabait at nagpapasok sa'kin sa loob ng mall. Eto kase mukhang galit. Parang isang galaw mo lang, hiwalay na ang ulo mo sa katawan mo. Chos.

Kahit na gabi na ay naglakas loob parin akong maglakad sa gilid ng kalsada. Bahala na. Magco-comute na lang ako para makauwi. Kaysa naman maghintay ako sa wala, diba. Mukhang wala rin namang balak 'yong limang timawa na balikan ako dito at sunduin. Ha! Asa pa ako.

Medyo dumidilim na talaga ang paligid at pero meron namang mga poste sa kada kanto na madadaanan ko. May mga sasakyan din na dumadaan kaso nga lang, hindi masyadong marami kase hindi pa naman ako nakakaabot sa street. Idagdag pang ako lang talaga mag isa ang naglalakad dito at wala pang kasama. Mabuti nalang at hindi ako takot sa dilim kaya keri lang.

"Pst."

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag na kung sino kaya lumingon lingon ako sa kabilang gilid ko at wala naman, pati rin sa likod ko pero wala. Nakibit balikat lang ako, baka guni guni ko lang.

"Pst."

Lumakas ng konti yung tumawag kaya medyo kinabahan na ako. Diyoskopo! Wag niyo naman sana akong takutin ng ganito. Tumataas na ang balahibo ko eh.

"Miss."

Napatalon ako dahil sa gulat at napalingon sa likod ko. May nakita akong limang lalake na nakahood at hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil nakahood sila at madilim dito sa parte namin.

"Gusto mo bang sumama sa'min?"

Kanina iniisip kong baka sila Daron, Shael, Cohen, Raizer, at Akken sila at dahil ganyan ang suot nila dahil balak nila akong takutin pero nagkakamali pala ako. Kabisado ko na agad ang mga boses nila at paniguradong hindi sila 'yan.

"W-Wag kayong l-lalapit," kinakabahan kong sambit habang paatras ng paatras.

Diyos kong mahabagin, tulungan niyo po ako. Baka may gawin sila sa'king masama. Wag naman po sana.

"Sasama ka samin, sa ayaw at sa gusto mo."

Agad nagsilapitan ang tatlo sa'kin at agad na hinawakan ang kamay ko para kaladkarin ako pero nagpumiglas ako. Sadyang malalakas nga lang sila kaya hindi ko na nakayanang pumalag sa kanila.

Jusko! Ang bata bata ko pa at marami pa akong pangarap sa buhay. Sayang naman ang ganda ko. Sana may magligtas sa'kin dito.

------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top