Chapter 36 - Hurting
KATE CHANDRIA'S POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Aiisshhh. Hangover ata 'to kagabi. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong nasa kama na ako nakahiga. Inikot ko ang paningin ko at nagulat ng wala na yung mga kaibigan ko. Nasa'n na sila?! Mas nagulat ako ng nandito ako sa kwarto ko..... SA MANSION. Dali-dali akong tumayo at muntik pang matumba dahil nahilo ako saglit. Nang mapatingin ako sa salamin ay nanlaki ang mata ko ng makitang iba na ang suot ko ngayon.
" Wah." Napasigaw ako at napayakap sa sarili ko. Don't tell me..... Gosh! Hindi naman siguro, diba?!
" What happened?!." Napaigtad ako at napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa nun si Daron kasabay ng kapatid niya.
" Ate, okay ka lang?." Hinawakan ni Akken ang noo ko na may bahid na pag-aalala.
Napalunok naman ako bago tumango." Bakit ako nandito? S-Sinong nagdala sa'kin dito?!."
Nagkatinginan naman silang lahat at nag-uusap sa mata." Kuya Daron brought you here last night. You were so drunk and miserable. Wala ka na nga sa sarili at kung ano-ano na ang pinagsasabi mo." Si Raizer ang sumagot.
Hindi ako makapagsalita."A-Anong sinabi ko?! At saka s-sinong nagbihis sa'kin?!." Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba. Jusme! Lord sana wala akong ginawang kahihiyan kagabi.
" Don't you remember anything? Kahit isang scenario lang, wala ba talaga?." tanong ni Shael sa'kin.
Umupo ulit ako sa kama at pilit na inaalala yung nangyari kagabi kaso napadaing ako dahil sumakit lang yung ulo ko. Bakit ba wala akong maalala ni isa?! Ganun ba kadami ang ininom ko kagabi?!
" Ang naalala ko lang ay yung nag-movie marathon kami ng mga kaibigan ko kagabi. Tapos nag-inuman kami ng isang bote ng wine at pagkatapos ay nag-truth or dare. Umiyak ako tapos.... Argh bwisit!." Napangiwi ako at hinawakan ng mahigpit ang ulo ko ng sumakit iyon. Kaasar.
" Huh?! You cried because of what?!." Siniko ni Shael si Cohen nang magtanong siya.
" Just rest yourself for now. Don't force if you couldn't remember anything."
Hindi ko pinansin si Daron at tumingin sa mga kapatid niya."Sino ba kaseng nagbihis sa'kin?!." tanong ko sa kanila pero nag-iwas sila ng tingin.
" Si mommy, pinapunta namin dito kagabi. We didn't want to touch you that time because you're going to pinch our cheeks and punch our faces." nahihiyang sagot ni Akken.
Napanganga ako at napasapo nalang sa noo ko." Sorry talaga, hindi ko sinasadya na---teka pa'no niyo nalaman na nasa condo ako kasama ng mga kaibigan ko at uminom ako?! Hindi naman ako tumawag ah." Kumunot naman ang noo ko.
" Tumawag kami sa'yo kagabi, lasing kana nun ate. I bet you don't remember it. You even confe-----." Hindi na natapos ni Raizer ang sasabihin niya dahil biglang tinakpan ni Daron ang bibig niya at pinanlakihan ng mata.
" Ano? Ulitin mo nga."
Agad naman siyang umiling." Wala 'yun, ate."
Napapiling nalang ako at agad na pumasok sa cr para maligo. Kailangan kong magmadali dahil baka gising na yung mga kaibigan ko at hinahanap ako. Baka nag-aalala na 'yun kung nasa'n ako at kung ano nang nangyari sa'kin. Nagbihis lang ako ng black jogger na Fila at sports bra na white saka pinaresan ko ng black na jacket at white rubber shoes. Black and white ang theme ko ngayon. Baka magj-jogging lang ako papunta sa condo. Exercise na lang rin.
" Kumain kana mu----Ow sexy!!l Ang hot mo ngayon ah. Sa'n punta mo?." Binatukan ko si Shael dahil sa kamanyakan niya.
" Aalis na ako. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko at marami pa akong gagawin." sagot ko at pumasok sa kusina para kumain. Nadatnan ko si Akken at Raizer na nagluluto tapos si Cohen naman ang naghahanda ng kakainin. Nauna na akong umupo at naghihintay na matapos sila. Mabuti narin at wala si Daron dito. Wala rin naman akong pakialam.
" You confessed to him last night, on the phone call."
Bigla akong natigilan at napatingin kay Shael nang seryoso siyang nagsalita. Ramdam ko ring natigilan yung tatlo sa ginagawa nila." A-Anong.... s-sabi mo?! You're just kidding me, right?!."
" He's right." Umupo naman si Cohen sa tapat ko." We all heard what you've said. You even cried that make him feel worry about you. You did like kuya Daron." dagdag niya pa.
Napayukom ako sa kamao ko dahil halos hindi na ako makahinga." I have to go. Sa condo nalang ako kakain." malamig kong sambit at agad na tumayo.
" A-Ate, don't be hurt." Napalingon ako kay Akken nang magsalita siya." Ayokong makitang nasasaktan ka." Ngumiti ako ng pilit sa kanya at tumango.
" Okay lang naman ako, 'wag kang mag-alala. Hindi naman ako nasasaktan. What I've said last night was just a misunderstanding. Just forget about it." Akmang tatalikod sana ako ng biglang magsalita si Raizer.
" You're always saying that you're okay but the truth is you're not. You said that you're not hurt but deep inside you are. Stop pretending that everything's alright."
Natigilan ako pero hindi ako lumingon." It's okay for me. Sanay naman na ako sa sakit. I don't want anyone to get worried about me. Kaya hangga't kaya pa, okay lang." saad ko bago binuksan ang pinto kaso nakasalubong ko si Daron.
" Where are you going?! You have to do me a favor."
Mapakla akong tumawa."Nag-resign na nga ako, diba?! Hindi na kita kailangan pang sundin."
" I brought you here last night and it was hard for me to do that. Now to pay me back, you have to do what I'll ask you to do."
" Why would I?! I didn't even ask you to do it. Ikaw ang nag-insist hindi ako." pagmamatigas ko naman.
" It's just simple, you're just going to accompany Cheska in the mall. I couldn't do it because I have so many things to do. She'll pay for yo-----."
Malakas ko siyang sinampal kaya lumapit sa'min yung mga kapatid niya." How dare you?! Ikaw yung boyfriend niya kaya ikaw dapat ang gumawa nun. Hindi kona problema kung hindi mo siya masamahan. Ang akin lang, 'wag mo 'kong idamay kung anong meron sa inyo. At isa pa, mukha ba talaga akong pera sa paningin mo para sabihin sumama ako sa kanya dahil babayaran niya naman ako?! Ibang klase ka pala." Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala. Kahit kailan, hindi ko inisip na sasabihin niya 'yun sa'kin.
" Kuya, just let her. 'Wag mo siyang pilitin kung ayaw niya. She have a lot of things to do not just you. Pwede mo namang sabihan si Cheska na sa susunod nalang para masamahan mo siya. Maiintindihan niya naman." singit naman ni Shael. Mabuti pa siya at nakakaintindi, ang kuya niya hindi. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya.
" Why can't you just do my favor?! Minsan lang naman ako humingi sa'yo eh." Kumunot naman ang noo niya, sinisigawan niya ako.
" Aren't you aware, huh?! Gusto mo pa talagang ipamukha sa'kin lahat para masaktan ako?! Ano tanga-tangahan lang ha, Daron?! Hindi mo rin ba inisip na baka masaktan rin ako?! Oo nga pala, ni minsan naman hindi mo'ko inisip. Bakit naman, diba?! I'm nothing special compared to her that's why you just treat me like a nobody." Bago pa man tumulo ang luha ako ay agad ko na siyang nilagpasan at tumakbo palabas. Rinig ko pa ang tawag nila pero hindi ako lumingon o di kaya'y huminto. Muntik pa nga ako masagasaan ng motor dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko.
Nandun naman si Ivan ah, ba't hindi nalang siya ang pakiusapan niya tutal mag-fiancee naman sila ni Cheska. Ayaw niya ba kase nagseselos siya?! Bakit ba kailangang ako pa?! Gusto niya ba talagang masaktan ako ng sobra?! Punyeta! Ba't ba palagi nalang akong nasasaktan?!
" Gosh! Where did you came from?! Alalang-alala kami sa'yo, Katria." bungad sa'kin ni Jaimie ng makapasok ako sa condo.
Umupo ako sa sofa at ganun rin sila." Daron fetch me last night because I was so drunk. Hindi siya nakapag-paalam sa inyo dahil tulog na kayo at lasing na rin. Sorry for the inconvenience."
" What?! How did he know that we're at the condo and drinking some alcoholic drinks?!." Kumunot ang noo ni Doreen.
" They called me last night, probably asking if I'm doing good. Lasing na daw ako at wala na sa katinuan kaya kung ano-ano nalang ang pinagsasabi ko. The worst is, I confessed to him." Bumuntong hininga ako at sumandal sa sofa.
Bakas ang gulat sa reaksyon nila."Oh my god! So what happened?! Did he rejected you or confessed to you something?! Ano?." tanong ni Aika.
Umiling naman ako." I don't know. Hindi ko rin naman tinanong sa mga kapatid niya at wala rin silang alam. Besides, he confessed to me the night I came back from our province. Acquaintance Party. But he said that he was just drunk that time that's why he said he like me. Binawi niya yung sinabi niya kaya babawiin ko rin yung sinabi ko kung sakaling magtanong siya tungkol dun. Quits lang kami."
" Uh..... That's really painful. Just forget about it since we're here to celebrate. Wait. Why are you sweating. Tumakbo ka ba papunta rito?." tanong sa'kin ni Lucy
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil pagod ako sa kakatakbo." Yeah. I just.... exercise. Are you guys hungry? I'll cook food."
Akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Aira kaya napatingin ako sa kanya." We've eaten already and we've cleaned up all our mess. Just rest on you room, we know you're tired."
" It's alright. Hindi na ako pagod kaya mag-mall nalang tayo. I want to calm myself for now." Hinila ko silang lahat patayo at tinulak papunta sa guest room para magbihis. Agad din naman ko pumasok sa kwarto ko at nagbihis din dahil puno ng pawis ang suot ko.
Nagsuot lang ako ng high-waisted black jeans at black fitted croptop. I partnered it with black boots and tied my hair into ponytail. Medyo favorite kona ang black ngayon, pupunta ako sa lamay ng namatay kong puso. Char joke lang. Nang lumabas ako ay nagulat sila sa itsura ko at hinead to toe pa talaga ako. Ano bang mali sa suot ko?!
" Halatang bitter ka ghorl." komento naman ni Jaimie.
" I'm not. I just love black." Binaling ko ang tingin ko kay Lucy." Nandyan pa ba yung sasakyan mo sa baba?." tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya." Yeah. It's on the garage of this building. I left it there since there was a guard wandering everywhere to look for it."
" 'Yun nalang ang gamitin natin para iwas gastos. Sa mall nalang tayo magwaldas ng pera." Tumawa ng mahina si Doreen at nauna nang lumabas sa condo kaya sumunod rin kami sa kanya. Naka-jeans kaming lahat kaso ako lang yung naka-black. Ewan ko ba, ako lang yung naiiba ng suot sa kanila.
" Anong katangahan 'yan, Katria? Ba't nakasuot ka ng black na cap at black na mask?! Nagmumukha ka lang na kidnapper niyan." Kumunot ang noo ni Aika.
" Isn't it hot? Baka pagpawisan ka lang niyan." saad naman ni Aira.
" I just don't want to show myself to everyone. Wala lang. Pa-mysterious?!." Binaba ko muna yung mask ko nang makapasok kami sa van ni Lucy.
" Eh? Ano naman kung makita ka ng iba? Hindi naman sila mangangagat ah. At saka wala silang pakialam sa'yo."
Siniko ko naman si Jaimie ng sabihin niya 'yun." Why are you like that?! Hayaan niyo na nga lang akong ganito. Teka, may extra mask at cap din ako dito. Suotin niyo rin tutal nasa iisang squad rin naman tayo." Inabot ko sa kanila isa-isa yung mask at cap kaya nagdadalawang isip sila kung susuotin ba nila o hindi.
" Susuotin niyo o susuotin niyo?!." Tinaasan ko sila ng kilay kaya dali-dali nila iyong sinuot.
" Grabe! Kailangan ba talaga 'to eh magm-mall lang naman tayo? Mamamatay ata ako sa init." Pinapaypayan pa ni Doreen ang sarili niya na parang hindi makahinga.
" Makisabay nalang kayo sa'kin. One for all, all for one." sagot ko nalang at lumabas na dahil nasa mall na kami.
Nauna kaming pumunta sa ice-cream parlor dahil 'yun ang pinakagusto kong spot dito sa mall. Pumayag rin naman sila dahil naiinitan raw sila at gusto nila ng pampalamig. Umorder ako ng cookies and cream dahil 'yun ang favorite ko kaso may biglang tumabi sa'kin na babae. Umiwas ako ng tingin ng makitang si Cheska 'yun. Bakit ba sobrang liit ng mundo para makita ko siya?! Sino bang kasama niya rito?! Argh. As if I care. Hindi ko rin naman pagmamay-ari ang lugar na "to.
" One strawberry ice-cream and one cookies and cream." Rinig kong sabi niya sa counter. Hindi muna ako nagsalita dahil baka makilala niya ang boses ko.
" Here is it, Fyron. So where are we going to sit?." Natigilan ako ng marinig ang sinabi niya. K-Kasama niya si Daron? A-Akala ko ba marami siyang gagawin?!
" Come with me. I already preserved a table for us." sagot naman ni Daron sa kanya bago ko naramdamang wala na sila sa likod ko.
" They're here, Kat. Pa'no kung 'wag na tayo dito kumain? Maglakad-lakad nalang tayo sa labas para mas enjoy." suhestiyon naman ni Jaimie kaya tumango lang ako.
Pagkatapos naming mag-order ay agad kaming lumabas. Nilingon ko muna sila saglit sa glass wall at nakita ko silang masayang nag-uusap. Iniwas ko nalang ang tingin ko at nilibang ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid. Nag-arcade kami at nakuha ng atensyon namin ang videoke-han. Hinila nila ako papunta dun at kanya-kanya silang pili ng kanta. Hindi lang ako gumalaw at nakatingin lang sa kanila. Wala naman akong planong kumanta dahil nakakahiya, panget pa naman ang boses ko.
" Kat, it's your turn." Tinulak pa ako ni Aika para pumili ng kanta."It's unfair if you won't sing. Kumanta na kami kaya dapat ikaw rin. It's up to you if you'll sing sad songs or OPM. Basta kumanta ka." dagdag niya pa.
Pumili ako ng kanta sa song list kahit labag sa kalooban ko. Nahihiya talaga ako kahit kasing kapal ng pader ang mukha ko. Chos. Yung mga kaibigan ko lang naman ang nandito at may dalawang babae at isang lalaki na hindi ko kilala. Okay lang naman siguro, hindi naman sila marami. Umakyat ako sa mini stage dahil dun raw ako kakanta. Malakas silang sumisigaw kaya tumubo ulit ang hiya sa katawan ko. Pa'no ba naman kase eh ang iingay nila, pangalan ko pa ang sinisigaw. Aish.
Nakinig nalang ako sa music ng magstart na itong tumugtog. Tahimik lang din silang nakikinig at naghihintay na kumanta ako. Hindi naman ako masyadong magaling kumanta ng mga kanta ni Moira Dela Torre pero tinry ko lang yung isa. Kakarinig ko lang din nito na ang title ay 'Kahit Kunwari Man Lang'.
" 'Sang lihim ang pagtingin sa'yo." Panimula ko." Sa tago lang ang pag-ibig ko. Dahil sa lihim hinding hinding hindi ka lalayo. Ngayon na may nagpapaligaya na. Sa lihim na lang binaon ang luha. Pinilit pilit pilit maging masaya." Pinakiramdaman ko ang kanta. Hindi ko tinanggal ang mask ko kaya panatag ang loob ko.
" Kahit kunwari man lang. Inamin lang san'ang nararamdaman. Kahit sandali man lang. Sa'yong mga ngiti ako'ng dahilan." Pinikit ko ang mga mata ko at pagdilat ko ay may nagsidatingan na para manood sa'kin."Kahit saglit man lang. Sana sinabing ayokong kaibigan lang. Kahit kunwari man lang. Kahit kunwari man lang." patuloy ko pa at nag-hum.
" Mga ngiti mo'y kaligayahan ko. Lahat ng narating, pinagdiriwang ko. Mga pangarap mo'y, unti-unti unting nabuo. Sa bawat pag-angat, nasa likod lang ako. Ngunit ngayon sa tuktok nito. Hindi pala ako ang katabi mo." Napahinto ako saglit ng makitang pumasok si Cheska hawak ang kamay ni Daron. Masakit sa mata kong makitang masaya siya at hindi ako ang dahilan. Wala naman akong ibang hinihiling pa pero taena, ang sakit lang dahil alam ko namang malabo ang gusto ko.
" Kahit kunwari man lang. Inamin lang san'ang nararamdaman. Kahit sandali man lang. Sa'yong mga ngiti ako'ng dahilan. Kahit saglit man lang. Sana sinabing ayokong kaibigan lang. Kahit kunwari man lang. Kahit kunwari man lang." Medyo lumakas na ang boses ko dahil damang-dama kona ang kanta. Hindi ko iniinda yung mga taong nanonood sa'kin kahit parami na sila ng parami.
Inulit ko ulit yung chorus ng pangalawang beses at sa pagkanta kong 'yun. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Malakas ang loob kong titigan siya dahil alam ko naman hindi niya ako nakikilala. Tanging mata ang ang nakikita sa mukha ko at mas mabuti narin 'yun. Tinapos ko ang kanta at pinapalakpakan ako ng lahat, kahit si Cheska. Lumapit agad ako sa mga kaibigan ko dahil nahihiya ako sa atensyong nakuha ko.
" We need to go, they're here. Nawalan na ako ng gana." sambit ko sa kanila na ikinatango nila at sumunod sa'kin palabas. Nagt-thank you lang ako sa mga pumupuri sa'kin kesyo maganda raw ang boses ko.
" Infairness, you have a great voice. You should join a singing contest. Panalo ka, panigurado." saad ni Aira habang naglalakad kami sa main ng mall.
" Marunong lang akong kumanta pero hindi maganda ang boses ko. I hate attentions so I won't bother to join any contest. Nakakahiya lang 'yun."
Hinarangan naman ako ni Lucy."But I'm sure you'll win. Just believe in yourself and you could do it. May price rin na pera kaya sulit, sayang kung hindi ka susubok."
Nakibit balikat lang din ako."Pag-iisipan ko, baka sa susunod."
Naglalakad ako sa hallway dahil kakausapin raw ako ni Akken. Balik na ang klase kaya todo effort kaming lahat para sa midterm. Tambak-tambak na ulit ang mga assignments at projects kaya double time na. Mabuti nalang at lunch break ngayon kaya may oras akong makapag-relax kahit saglit lang. Ano naman kayang sadya nung isang 'yun. Naglalambing na naman.
" Look who's there." Napahinto ako ng humarang sa'kin ang pagmumukha ni Stella."The bitch who pretends that she's a girlfriend of the popular Dale Fyron Helveryst. So? Anong feeling na makitang sila na ulit ni Cheska? Is it exciting." Nginisihan niya ako, yung ngising aso.
Kinalma ko nalang ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay." Yeah, you're right. I was just pretending as his girlfriend because that's what's her mother told me to do. Pero ngayon na nag-resign na ako, pwede bang tantanan mona ako. Wala kana rin namang mapapala dahil may girlfriend na si Daron."
" Ha! As if I'll let you go. For all what you did to me?! Asa ka pa!." Lumapit siya sa'kin at dinuro-duro pa ako kaya napaatras ako."What's the feeling of being left alone, huh?! Hindi kana niya pinapansin dahil may Cheska na ulit siya. Kung noon close na close kayo, pwes hindi na ngayon. Bumalik na ulit ang dating minamahal niya at wala kanang magagawa dun. You're just nothing compared to her so there's no way he would choose you over her. You don't have any single chance to be with him. Never."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama siya. Sino ba naman kase ako para mahalin niya pabalik. Hindi maganda ang estado ng buhay ko at hindi rin ako kagandahan. Bakit ko nga pala pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya eh wala naman talaga akong chance sa puso niya. Masakit pero 'yun talaga ang totoo.
" I know it from the very start, Stella. Hindi mona kailangan pang sabihin." Akmang lalampasan ko siya pero hinila niya ulit ako pabalik.
" Where are you going?! Hindi pa tayo tapos mag-usap kaya 'wag kang bastos. Gusto ko pang isampal sa'yo ang katotohanang hinding hindi magiging kayo. Gusto ko pang ipamukha sa'yong hindi ka bagay para sa kanya. Walang kahit sinong magkakagusto sa isang panget na probinsyanang katulad mo." sigaw niya sa mismong pagmumukha ko. Narinig kami ng ibang estudyante kaya nasa amin na ang atensyon nila at pinalilibutan na nila kami.
" Panget man ako at probinsyana sa paningin niyo, atleast matalino at may ibubuga. Eh ikaw? Bukod sa posisyon at kalandian na meron ka, ano pang maipagmamalaki mo sa iba?!." Napasinghap lahat ng estudyante na napatingin sa'min at ang iba ay impit na tumatawa."Bago mo'ko kalabanin, siguraduhin mong hindi ka mawawalan ng sasabihin. Nakakahiya sa mga nakakapanood." Inirapan ko siya at binangga sa balikat bago nilampasan.
Agad naman akong dumeretso sa likod ng building kung saan namin napagkasunduan na magkita ni Akken. Favorite place ko rin 'yun dahil tahimik kaya mas maganda. Nang makarating ako dun ay nakaupo na siya sa ilalim ng puno at may sinusulat pero agad niya din namang ibinalik sa bag niya ng makita niya ako. Ngumiti siya at ganun rin ako sa kanya.
" Bakit natagalan ka, ate?." tanong niya pagkaupo ko sa tabi niya.
" Nakasalubong ko si Marie, iniinis na naman ako. Pinamumukha niya sa'kin na hindi raw kami bagay ng kuya mo kaya hindi ko nalang pinatulan. Totoo rin naman." Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng tuhod ko.
Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya."Sorry for what my brother said to you yesterday. Kaya ba hindi kana bumalik dun dahil sa nangyari? Nalulungkot ako kase gusto ka naman ni kuya kaso hindi ka niya kayang mahalin pabalik. He really loves ate Cheska."
Mapait naman akong ngumiti."Ang hirap pala magmahal ngayon 'no? Itsura at estado na ng buhay ang basehan. Kapag hindi ka kagandahan at hindi karin mayaman, ni lamok siguro ayaw lumapit sa'yo. Pero kapag maganda ka at may kaya, syempre magiging sikat at ka-kaibiganin ng lahat. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung may magmamahal rin ba sa'kin. 'Yun bang kaya akong tanggapin kahit ano ako. 'Yung hindi panlabas na anyo at kayamanan ang habol. Pero mukha namang wala nang ganun ngayon. Tatanggapin ko nalang siguro na hanggang dito nalang ako."
" Don't say that, ate. Every person has a worth. Maybe he doesn't love you but it doesn't mean that no one would love you. Every person comes in the right time, not now but soon. Hindi lahat kagandahan at kayamanan ang habol sa isang babae. And if ever that you'll meet the right person for you, I'm sure that he'll love you like you're the most beautiful treasure he'd ever had. I'll promise that." Niyakap niya ako at ganun rin ako. Maswerte ako dahil nandito siya palagi sa tabi ko kapag malungkot ako. He always lighten up my mood.
" Thank you for being such a caring brother to me, Akki. Even though we don't have the same blood, still you treat me like your real sister. I'm so lucky to have you. Mahal ka ni ate." Ginulo ko at buhok niya kaya natawa siya.
" Pero mas mahal mo parin si kuya." Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko." Alam mo ate minsan nagtataka rin ako kung bakit hindi pwedeng maging kayo ni kuya. I mean, is it possible for the two of you to be together if ate Cheska didn't came back? I'm just curious. Kase kung nangyari 'yun, ang saya na sana. Hindi kana masasaktan pa, hindi kana iiyak dahil sa kanya----sa kanilang dalawa. Why is it needed to be like this?!." sabi niya ang ngumuso.
Napabuntong hininga naman ako."Wala na tayong magagawa. It already happened. Siguro ganun lang talaga 'yun. Darating ako para ibalik ang dating ugali niya kaso nung bumalik ang dating mahal niya, parang nakalimutan niya yung babaeng palaging nandyan para sa kanya. I don't even know if I made him happy. Sa buhay marami talagang hadlang kaya hindi na ako nagulat sa mga nangyayari bagkus ay tinatanggap ko nalang. Wala naman tayong laban sa tadhana." Mapakla akong tumawa.
" Nagawa mo nga kaming pasayahin, pa'no pa kaya siya. Napapansin ko ang mga titig niya at palihim na ngiti kapag hindi ka nakatingin sa kanya. I know he really did admire you. Kahit minsan inaaway ka niya, alam kong inaasar ka lang nun. Iniisip ko nga na mas malakas ang tama niya sa'yo kesa kay ate Cheska. Seems like he think that he's still inlove with ate Cheska because she's his first love but the truth is you're the one he really loves because you're always there for him before she came back."
Nagulat ako sa sinabi niya."W-What?! You're just kidding me right? Kahit kailan hindi ko 'yun napansin. Hindi rin naman ako nag-assume dahil masasaktan lang ako. Maybe what you said was just your opinion. Nasa kuya mo parin ang desisyon, Akki. Suportahan nalang natin siya. Ayoko din namang manira ng isang relasyon dahil lang sa may gusto ako sa kanya. Hindi ko ugali 'yun. Let's just accept that truth that Dale and I would never been together."
" Oo nga. How sadden." Napailing nalang siya.
" Kahit masakit para sa'kin, Akki." Napatingin naman siya sa'kin at bakas ang sakit sa mga mata niya."Tatanggapin ko, para sa ikasasaya ng kuya mo. Kahit siya nalang at 'wag ako. Kaya ko pa naman.... k-kakayanin ko." Isang butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata ko at kasabay nun ay ang marami pa. Umiiyak na yata ako.
B-Bakit ba.... palagi nalang akong nasasaktan?!
-----------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top