Chapter 31 - Connections
KATE CHANDRIA'S POV
" Uy, hindi kapa ba tapos dyan?! Malapit nang magsimula oh!." sigaw ni Aika mula sa labas kaya napairap nalang ako. Kanina pa siya nagmamadali.
" Wala nang bakanteng upuan ngayon kung magtatagal pa tayo. I'm sure almost all of the students would watch the tournament." sambit naman ni Jaimie.
" Hindi ko naman sinabing hintayin niyo ako, diba?! Mauna nalang kayo. Wala rin naman akong planong manood." Inayos ko ang P.E uniform ko at inulit ang pagkakatali ng rubber shoes ko.
" Walang iwanan kaya tayo dito sa squad. Remember?!." Alam kong nakataas ang kilay ni Doreen ngayon. Grabe naman na squad 'to, pati sa cr sinamahan talaga ako. Jusko!
" We musn't miss their game. We promised the boys, right?!." paalala pa ni Lucy. Kaasar naman kase eh, gusto ko pa namang matulog kase vacant hanggang hapon. Kahit hindi pa pwedeng buksan yung gate makakapagpahinga naman ako dito.
" Napilitan lang naman kase talaga akong umoo. But actually, I'm kinda tired right now and I want to rest." Hininaan ko ng konti yung boses ko na para bang inaantok talaga kaso bigla nilang kinatok ng malakas yung pinto kaya napilitan akong buksan nalang.
" We're running out of time guys." saad naman ni Aira.
" I won't atte----."
" KATRIA!." Napapikit ako sa malakas na sigaw nilang lahat. Mabuti nalang at wala nang tao dito sa corridor kaya walang nakakarinig sa'min. Nakakahiya pa kapag nagkataon.
Hindi na ako nakatutol pa nang pwersahan nila akong hinila. Okay lang sana kung naglalakad lang kami kaso tumatakbo kami mga 'te. TUMATAKBO. Kahit naman wala akong dibdib masakit parin ng konti kase tumatalbog yung maliit kong ano... yung ano..ah basta. Gusto ko sanang magreklamo ng makarating kami sa covered court kaso ang daming tao kaya baka useless lang din at hindi nila marinig. Sayang ang kyut kong boses. Chos!
" SAAN TAYO UUPO NGAYON?! OCCUPIED NA LAHAT NG BLEACHERS!." sigaw ni Aika kaya napatakip ako sa tenga ko. Magkatabi kase kami at nakalingon siya sa'kin nung sumigaw siya. Hindi kase kami magkakarinigan kung kaseng lakas lang ng utot ang boses namin.
" SA GITNA NALANG NG COVERED COURT PARA MAKITA NATIN SILANG LAHAT NG MAAYOS." sigaw rin pabalik ni Jaimie. Sa totoo lang, parang tanga kami dito. Ang O.A lang din kase ng iba dito, sumisigaw na kahit hindi pa naman nagsisimula.
Sinong sinisigawan nila? Yung panot na host sa stage?!
" GAGA BA KAYO?! SIGE, MAGPATAMA KAYO NG BOLA DUN. 'WAG NIYO KAMING IDAMAY!." kontra naman sa kanila ni Reen.
" WE NEED TO FIND A SPACE. I CAN'T STAND HERE FOR ANY LONGER." reklamo naman ni Lucy at nagpapadyak pa.
Hinila ko silang lahat papunta sa entrance ng covered court kung saan kami pumasok kanina. Hindi kase kami magkakaintindihan kung dun kami mag-uusap, puro sigawan lang ang mangyayari. Pati nga dito marami ring estudyanteng nakaharang, halos wala na ngang makapasok eh. Ang init nga eh sobra, naaamoy ko nga ang mga putok at mabahong hininga nila. Lol.
" I told you, almost all of the students were going to watch the tournament. Tingnan niyo, wala na tayong maupuan." inis na sabi ni Aika. Tumingin naman silang lahat sa'kin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
" 'Wag niyo 'kong tingnan ng ganyan. I also told you guys, don't wait for me but you did." Napairap nalang ako. Ang iingay kase dito, gusto kona talagang matulog.
" Look, may bakanteng upuan malapit sa stage. Kasya tayo dun." Pumapalakpak pa si Aira at hinila kami papunta dun. Sa gilid kami dumaan at todo excuse sa mga nadadaanan namin. Hinaharangan kase namin ang gitna ng court kapag dadaan kami. Jusme! Ang daming taong nakatingin!
" Finally, nakaupo rin." Nakahinga ng maluwag si Jaimie ng makaupo kami. Dikit-dikit lang kami sa mahabang upuan kaya masikip at mainit. Argh.
" Did anyone brought a fan? It's so freaking hot!." Pinapaypayan pa ni Reen ang sarili niya at humihinga ng malalim.
Kumunot naman ang noo ko."Akala ko ba sabi niyo malapit nang magsimula?! Bakit hanggang ngayon wala parin sila?!."
Pa-special naman kase masyado. Akala mo kung sinong mga gwapo at pinaghihintay pa talaga kami. Sila kaya dito sa posisyon namin hindi ba sila magrereklamo. Ilang minuto pa ang nakalipas bago tinawag ng host yung mga players. May palaro kase ng basketball at kada kurso may mga lalaking representatives. Ito ang dahilan kung bakit halfday lang ang klase namin ngayon. Konti lang yung mga estudyanteng hindi pumunta, sila yung mga focus masyado sa studies nila o nerd. Punong-puno talaga ang buong court grabe. Marami kaseng mga sikat kada kurso na sumali sa palaro kaya syempre, maglalabasan yung mga fangirls nila.
Sobrang lakas ng sigawan ng mga babae nung nagsilabasan na ang lahat ng players. Etong mga kasama ko tili din ng tili dahil kasama yung mga bebe nila dun. Sa kurso kase namin representative sina Shin, Phillip, Jeric, at Chris. Hinahati lang sila sa limang grupo dahil ang dami nila. Sa bawat grupo may dalawang kurso na kasali na siyang maglalaban. Gets?! Sinimulan na nila ang laro kaya hindi mapalagay ang mga babae kakasigaw lalong lalo na kapag nakashoot yung player ng bola. Nanood lang ako pwera lang sa katabi kong sina Jaimie at Lucy na nakikisabay rin sa iba. Yung tatlo tahimik lang na nanonood dahil hindi pa naman turn ng mga bebe nila na maglaro. Nasa group 2 pa sila and guess what?! Makakalaban nila yung mga taga Engineering kaya kasali dun sina Ri-Ri at Cohen. Kaya nga problemado si Aira dahil hindi niya alam kung kanino magc-cheer, sa mga kaibigan ba namin ko sa pinsan ko na bebe niya. Support lang naman ako sa dalawang grupo, bahala na kung sinong manalo.
Lumayo ako ng konti sa kanila dahil hindi na kaya ng eardrums ko ang mga sigaw nila. Mukhang wala ring silbi ang pagkuha namin ng upuan dahil nakatayo naman silang lahat at tumatalon pa. Nakatayo lang ako dito sa gilid at tahimik na nanonood. Turn na ng group 2 kaya todo hiyawan ang lahat, sinisigaw pa ng karamihan ang pangalan ni Cohen. Sikat eh. Pareho lang akong kampi sa dalawang grupo kaya wala akong chinicheer. At dahil pareho rin silang magagaling ay naging tie lang ang laban.
Nung isa si Daron sa mga naglalaro edi support ako sa kanya syempre. Napapasigaw rin ako kapag nakakascore siya, captain kase siya ng team ng basketball kaya sobrang galing niya. Sa kabilang banda, nandun ang grupo ni Stella at sumisigaw rin sa pangalan ni Dale. Ewan ko ba kung ako lang yung nandidiri kapag tinatawag niya itong 'babe'. Like duh. Mas gugustuhin ko pang mapunta si Daron kay Cheska kesa sa kanya. Nasa maling tao kase siya kung ganun. Chos! Sa dami ng nandito ay hindi ko makita sa Cheska pero alam ko namang nanonood din 'yun. Supportive ex kaya siya. Kasama ako sa mga humihiyaw at tumatalon nung manalo sila. Yay! Nanalo crush ko sizt! Bigla naman siyang napalingon sa direksyon ko kaya agad akong napatigil sa ginagawa ko at kunwaring walang ginagawa. Nakaiwas pa ako ng tingin para hindi halata. Gad! Nakita niya kaya 'yun?!
Huminga ako ng malalim at lumingon ulit sa kinaroroonan niya kanina. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nakatingin parin pala siya sa'kin. Maya-maya ay napangisi siya bago sumama sa mga kaibigan niya dahil tapos na ang laro. Napahawak na naman ako sa dibdib ko ng biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Nyeta! Mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Pa'no na 'to?!
" Wuy celebrate tayo oh! Tutal nanalo naman kami, libre niyo." Ngumiti ng napakalawak si Phillip kaya napailing nalang kami.
" Eh? Hindi naman kayo nanalo, tie nga diba?!." sambit naman ni Jaimie.
" Ganun narin 'yun. We don't lose either." saad ni Christophe na nakaakbay kay Doreen habang naglalakad kami.
" Bukas naman yung gate kaya pwede tayong lumabas. How about street foods? Okay lang?." suhestiyon ko. Ang init parin dito kahit hapon na. Mabuti nalang at hindi na ganoon ka sakit sa balat.
" Okay, go! I love street foods. I'll treat you guys." Napalingon naman kami kay Lucy nang magthumbs up siya. Palagi nalang siya ang nanlilibre. Lugi siya sa'min.
" Ano? Okay lang ba sa inyo?." tanong ni Aika sa'min.
Tumango naman si Jeric." Hmmm. Basta libre okay na. Kakain ka naman diba, hon?!." Tukoy niya sa bebe niya at tumango lang ito.
" Why does it need to ask your girlfriend if they're going to eat or not. Hindi naman magkadugtong ang atay niyo, ah." Napatawa naman kami sa sinabi ni Shin.
" Hayaan mona yang mga 'yan. Ngayon palang kase naka-experience ng lovelife kaya ganyan. Go with the flow nalang tayo." Nauna na akong lumabas ng gate dahil ang tagal nilang maglakad. Mainit kaya!
" Ikaw Kat? Have you ever been inloved?!." Umiling ako sa tanong ni Phillip kase hindi pa naman talaga.
" Crush lang meron ako pero wala pa akong love bukod sa family ko." Nakibit balikat lang ako." Hindi na siguro ako dadating pa sa puntong 'yun." dagdag ko pa.
" Eh? Why not?! You're pretty. Alam kong maraming nagkakagusto sa'yo pero hindi mo lang napapansin." Para sa'kin yung sinabi ni Reen pero kay Shin siya nakatingin. Ewan ko ba sa kanya.
" So what?! Wala parin naman akong plano sa mga ganoon. Dagdag lang 'yun sa mga iisipin ko. Hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral, pagt-trabaho, at pagb-boyfriend." Napailing nalang ako at kumuha ng limang kwek kwek at kikiam saka nilagyan ng sauce.
" Don't force her guys. Mahirap din ang sitwasyon niya ngayon. We'll just understand her." Sinenyasan sila ni Lucy na kumuha at ganun rin ang ginawa nila.
" Sabagay, there's a right time for it." Sinubuan ni Aika si Jeric kaya ang nangyari nagsusubuan na sila ngayon. Argh. Bakit ba naiirita akong tingnan ang mga magjowa na sobrang sweet. Bitter lang ang ate niyo!
Hindi nga lang kami kumpleto dahil wala si Aira, ninakaw sa'min ni Ri-Ri pagkatapos ng laro. Date daw sila. Aish. Ba't ba napapaligiran na ako ng mga magjowa ngayon?! Yung lima rin kukunin sana ako kaso tumanggi ako at nagdahilan na may gagawin pa ako. Pero ang totoo ay ayoko lang sumama sa kanila dahil kasama nila si Cheska. Madalas narin kase silang magkasama simula nung nagtransfer na siya dito. Siguro kase nasa iisang section sila ni Daron kaya palagi nila itong inaaya. Wala namang kaso sa'kin 'yun. Ano naman kung magkasama sila, hindi ko naman binabantayan lahat ng mga galaw nila. At saka isa pa, nasa kanila na 'yun. Wala na'kong pakialam.
" Daron, he's Ivan.... M-My fiancee."
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Cheska na nanginginig. Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi. Ivan?! Did I heard it right?! Nah.... Baka ibang Ivan ang tinutukoy niyang fiancee niya daw kuno. Bakit iniintroduce niya toh kay Daron?! Hindi ba niya naisip na baka masaktan siya dahil mahal pa siya nito?!
" So he's the reason why your dad separated us back way after our graduation? It's because he arranged you to marry another guy, huh?!."
Ramdan ko ang sarcastic sa boses ni Daron. Hindi nalang ako nagpatuloy sa pagpasok sa likod ng school dahil ayokong maistorbo sila. Mamasamain pa nila na pakialamera ako.
" But don't be mad at her, bro. She did everything she could just to stop the them. I even asked our parents for it but we couldn't do anything."
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses 'yun. I-Ivan?! Siya pala talaga ang tinutukoy niya?! 'Yun ba yung ibig sabihin ng sinabi niya sa'kin nung naging open kami sa isa't-isa?! Naguguluhan na talaga ako.
" I'm not mad, anymore. It already happened, what could I do?! Besides, I don't care after all." malamig na sambit ni Daron.
Kahit alam kong ganun ang boses niya, alam kong nasasaktan din siya ngayon. I may not know everything about him but after all that we've been together, I know when he's hurt, disappointed, or happy. Nakilala ko rin ang ibang pagkatao niya.
" B-But.... I-I can fight for you right now. I don't care if my family would neglect me as their daughter just... come back to me. I will do anything.. Please.. Fyron." pagmamakaawa ni Cheska.
If she wants him to come back, what about Ivan?! Maiiwan nalang ba siyang mag-isa? Sabi niya sa'kin mahal niya raw si Cheska at gagawin niya ang lahat basta maging masaya lang siya. Kung magiging masaya ang isa, maiiwan naman sa ere ang isa.
" What about the two of you? Didn't you fell for each other despite of all the days you've been together? I'm not that desperate to have you, Ches. I can understand everything."
Bilid rin ako kay Daron eh. Okay lang sa kanya na hindi mapasakanya si Cheska basta ang mahalaga hindi niya ito pinipilit. Ganun rin naman si Ivan pero ewan ko. Pinag-aagawan naman siya ng dalawa. Ang swerte ni Cheska, sobra.
" You're not. We don't have feelings for each other. If there is, we're just friends. Nothing more, nothing less. Believe me. Right, Ivan?." tanong ni Cheska kay Ivan.
" Uhm........y-yeah. She's right."
Halata naman napipilitan lang siyang umoo para gumana ang plano. She badly wants to have Daron and he also wants to support her. If I know, he was just forced to do this because Cheska asked him to help her. Hindi talaga siya makakatanggi sa kanya.
" I don't love him." buong tapang na saad ni Cheska.
" Forgive her. I'll do everything to cover the two of you if needed. Gagawin ko ang lahat basta magiging masaya lang kayo... siya." dagdag naman ni Ivan.
Sinasaktan niya lang sa sarili niya kapag ginawa niya 'yun. Anong tingin niya sa sarili niya?! Shield na kahit anong basag at bugbog hindi mababasag?! Ganun na ba talaga ang pag-ibig na 'yan?! Kailangan ng sakripisyo maging masaya lang ang isa kahit sarili niya ay sinasaktan niya. Pati ako nasasaktan sa nangyayari eh.
" I already forgive her since then. It's not her fault and I know she was just forced to. But it's too complicated right now." Bumuntong hininga siya." You don't need to cover us just to hide our relationship.... if ever I agreed. I can face the challenges by myself, with her. You don't need to get involved." Alam kong si Ivan ang tinutukoy ni Daron.
Napakagat nalang ako sa labi ko ng marinig 'yun. Hindi niya sasabihin iyon kung hindi siya papayag na magkabalikan sila. Akala ko si Ivan lang yung masasaktan, ako rin pala. Taena. Bakit ba pati ako nadamay?! Gusto ko lang naman siya diba? DIBA?! Hanggang dun nalang 'yun pero bakit.... b-bakit ganito yung nararamdaman ko?!
" I can wait.... Fyron. B-But if there's someone new, I won't forc----."
" There's nothing, Cheska. I didn't love someone instead of you. You're the one who makes me feel special eversince. I haven't fall inlove with someone since you left."
Parang hindi ako makahinga nung marinig ko ang mga katagang 'yun galing sa kanya. Sincere ang pagkakasabi niya nun kaya alam kong seryoso siya. Well, he didn't even know the word joke. Masakit lang eh. Hindi niya ba talaga naalala yung sinabi niya nung gabi ng acquaintance party?! Kase ako hindi ko talaga 'yun malilimutan. Bwisit.
" Really? So, do I really have a chance to be with you... again?."
Mabuti pa si Cheska masaya habang kami ni Ivan, paniguradong nagluluksa. Mukha nga lang mas masakit yung sa kanya kase mahal niya na eh. Ako gusto ko lang. Ayokong mas lalong lumalim 'yun nararamdaman ko sa kanya. K-Kase sa huli.... ako lang din naman yung masasaktan. Unang-una palang kase ako lang naman yung umaasa. Assuming kase ng ate niyo kaya ngayon eto, nasasaktan kahit wala namang kami. Kainis.
" Hmmm. Yeah. But I have to breathe for a moment. Just give me two days to think for some things."
Tama ako. He did gave her a chance. Ano pang magagawa ko?! Kahit kinrushback niya ako binawi niya naman. Ano 'yun?! Pinanganak ba siyang hindi sigurado sa buhay?! Nakakairita na! Sana kase hindi nalang akong nagpasyang pumunta dito sa likod para hindi ko toh narinig.
" I-I think you two should talk. I need to go."
Agad nanlaki ang mata ko at akmang magtatago kaso huli na ang lahat. Rinig ko ang mga yapak niya sa likod ko kaya napayukom ako sa kamao ko. Hindi ko alam kung anong gagawin, kung tatako ba ako o magpapaliwanag kung bakit nandito ako o ba----."
" Katria." pagtawag niya sa'kin sa maliit na boses.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tumungo nalang." Ivan. Sorry kung nakinig ako, hindi ko naman sinasa----."
" Tara sa music room. Dun tayo mag-usap para mas komportable." Nauna na siyang maglakad sa'kin at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makapasok kami sa music room. Walang katao-tao rito dahil wala pa namang singing contest kaya wala pang nagp-practice dito.
" You heard everything?." Umupo siya sa sulok ng music room kaya umupo rin ako sa tabi niya. Madilim dito kaya kahit may lumasol ay hindi nila kami makikita.
Tumango ako." Oo, narinig ko. I was about to rest there but..... I didn't mean to eavesdrop on your conversation."
" I wanna tell you what exactly happened. Is it okay? W-Wala....!kase akong kilala na mapagsasabihan nito eh." Nilagay niya ang baba niya sa ibabaw ng tuhod niya at ganun rin ako.
" Oo naman. I'll listen whatever it is." Ngumiti ako para kahit papaano ay hindi siya malungkot.
" During the tournament, she kept on cheering me whenever it's my turn on shooting the ball. Kaya nga ganado akong maglaro kanina dahil sa cheer niya. She's my strength, you know that." Ngumiti siya at kita ko ang saya sa mukha niya. Isa rin pala siya sa mga representative kanina." Masaya ako nung nanalo kami dahil nagpromise siya sa'kin kahapon na lalabas kami kapag nanalo ako. A friendly date, to be exact. Pero nung si Daron na ang naglaro, iba yung saya niya at todo cheer pa siya sa kanya. I even saw his glance and smile on her and it really hurts seeing her happy on someone. Wala eh. Siya yung nauna at hindi ako."
" Anong nangyari? Natuloy ba ang friendly date niyo?."
Bumuntong hininga siya at umiling." She asked me if it's okay that she would join Daron with his brothers for a celebration. I felt a pang on my chest when I heard it. She forgot our deal. Pero wala akong nagawa dahil kita ko ang saya niya kaya umoo nalang ako. I celebrated on my own. Ang sakit lang ulit dahil agad niyang nakalimutan yung pinag-usapan namin pero kapag tungkol kay Daron, kahit hindi pa siya ayain siya na ang mag-aadjust." Kahit madilim ay kita ko ang sakit sa mga mata niya nung sabihin niya iyon.
" Bakit ka pinakilala ni Cheska kay Dale kanina na fiancee ka niya. How did it happen? ." tanong ko ulit.
" She asked me for help. Ako naman na hindi makatanggi ay agad na umoo. How could I say no to her if I'm really willing to help her. Kahit ano basta siya. It's just that, I didn't expect that she would ask me to explain what really happened a year ago.... to Daron. I was afraid that I might lose her if ever he would accept her apologize. Magiging masaya nga siya pero ako..... masasaktan ng sobra." Tama nga ako. She asked a favor.
" Hindi ka naman nag-iisa." Mapakla akong tumawa." I didn't really know why I am also hurt when I heard those words from him. Sinabi ko naman na sa'yo na gusto ko siya pero dapat bang masaktan rin ako?! Gusto lang naman 'tong nararamdaman ko pero kapag nakikita ko silang dalawa. Argh. Nababaliw na yata ako." Napasabunot nalang din ako sa buhok ko.
" Maybe it's not like.... it's love. Yung like nawawala lang 'yan agad pero ang love matagal pa 'yan bago mawala. I even tried to unlike her so many times but I just found out that it's no longer like, coz it's love. Yung hindi ka mapakali kapag wala siya, nagseselos ka agad kapag may kasama siyang iba, nalulungkot ka kapag hindi ka niya kinakausap. I felt all of that. But it's too late. Malalim na ang pagkahulog ko sa kanya at parang hindi na kayang hukayin pa. Wala na tayong magagawa." Sumandal siya sa pader at pinikit ang mga mata niya.
" Meron pa, may magagawa pa ako."
Agad siyang dumilat at napatingin sa'kin, parang nagtatanong." What is it?."
" I will ignore him until this fucking feelings of mine will fade. I'll focus on my studies, anything that could put all of my attention. Pipilitin kong 'wag siyang isipin kahit mga isang linggo lang hanggang sa magtuloy-tuloy. It's the best for me.... to stop my feelings for him. Kase 'yun naman talaga ang dapat. Hanggang katulong lang ang katayuan ko, wala ng iba." sambit ko at tumunganga lang sa sahig.
" Is he treating you that way?." tanong niya.
Nakibit-balikat lang ako." I couldn't understand him. Nung una, okay lang naman sa'kin na ganun ang turing niya sa'kin. 'Yun bang cold at snob kase ugali niya naman 'yun simula palang nung makilala ko siya. But days have passed, something changed. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin nun sa'ming dalawa. Palagi niyang ipinapakita na parang importante ako sa kanya pero kapag si Cheska ang pinag-uusapan parang balewala nalang ako sa kanya. He's not aware that he's hurting me."
" Don't get me wrong but I think, you don't like him.... instead you love him. Hindi ka masasaktan ng sobra kung mababaw lang ang pagtingin mo sa kanya. Trust me, you can't do anything if you fall inlove with someone."
Napatingin ako sa kanya." Maski ako hindi ko rin alam. Naguguluhan talaga ako. Bahala na kung anong mangyari." sagot ko nalang.
Matapos naming mag-usap kanina ni Ivan ay dumeretso agad ako sa parking lot dahil bukas na ang gate. Naalala kong susunduin ko pa pala yung mga kapatid ko. Alam kong mag-iinsist na naman si Daron na samahan ako kaya nag-isip ako ng paraan para makalusot. Mahirap na, ayoko munang makasama siya. Nang makarating ako dun ay nandun na sila pwera lang kay Daron. Hindi na ako nag-abalang tanungin sila dahil alam ko naman ang sagot.
" Uy Vera!." Napalingon naman agad siya sa'kin." May gagawin ka ba? Samahan mo naman akong sunduin yung nga kapatid ko, oh." pagmamakaawa ko sa kanya.
" Ha?! Eh bakit ako?! Diba kayo ni Daron ang gagawa nun?! Hintayin mo nalang 'yun." sagot niya naman at binalik ang atensyon sa phone niya.
Hinila ko naman siya kaya inis niya akong tiningnan." Mamaya na kase yang phone mo, samahan mo muna ako. Anong oras na baka magsara na ang skwelahan nila. Hindi ko alam kung kailan pa darating yung isang 'yun." pangugulit ko sa kanya.
" Letse naman oh! Sige na!." Napangiti naman ako ng pumayag siya." Anong sasakyan natin?! 'Wag mong sabihing maglalakad tayo, tulegg! Ikaw ang nagpapasama kaya ilibre mo'ko ng pamasahe." dagdag niya pa.
" Ate!." Napalingon naman ako ng tawagin ako ng Akken." Sa mansion ka naman matutulog diba? Uuwi ka, ah?!." Hinila niya ang laylayan ng tshirt ko kaya pinalo ko ang kamay niya.
" Oo nga, tigilan mo 'yan. Mapupunit ang tshirt ko sa ginagawa mo eh." sermon ko sa kanya.
" Sabihin niyo nalang sa kuya niyo na nauna kami." Tinanguan ko silang lahat bago kami umalis ni Vera. Pumara kami ng jeep, wala namang reklamo ang babaeng 'to dahil sanay na kami sa probinsya.
" Iniiwasan mo siya, 'no?!."
Agad naman ako napalingon sa kanya at kumunot ang noo." Ha? Iniiwasan sino?."
" 'Wag kanang magkunwari, Katria. Kilala kita pati lahat ng baho mo. Nagseselos kaba sa kanila ni Cheska?." Nagulat naman ako sa tanong niya.
" P-Pano mo nalaman?."
" Halata sa'kin. Pinagmamasdan kaya kita palagi." sagot niya naman.
" Manahimik kana lang. Wala lang 'to."
Apat na silang nakakaalam sa sekreto ko. Shocks! Problema 'to! Mas lalong lalala kung pati mga kaibigan ko makaalam rin. Gusto ko lang naman na itago 'to sa sarili ko. Pero ngayon.... Argh. Wala din namang sense 'tong nararamdaman ko.
----------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top