Chapter 30 - Long Time No See
KATE CHANDRIA'S POV
Lunes na pala kaya gumising ako ng maaga para ipagluto sila. Kumuha lang ako ng bacon at spam sa ref para lutuin at sa kabila naman ay fried rice. Binilisan ko ang paghahanda sa pagkain nila dahil baka bumaba na sila. Napakusot ako sa mata ko dahil inaantok pa talaga ako. Meron kase akong dalawang project na kailangan ipasa at deadline na bukas, sinend nila sa'kin sa gc para makahabol ako. Natapos ko yung isa kaya ngayon ko iyon ipapasa at plano ko na bukas nalang ulit yung isa. Hindi masyadong mataas ang grade na makukuha kapag sa deadline na nagpasa pero wala na akong magagawa. Ayaw nang kayanin ng katawan ko.
" Goodmorning ate." Agad na umupo si Akken sa tabi ko. Nakabihis narin siya at ready na.
" Goodmorning, sis." Pumasok si Raizer bitbit ang bag niya at hinagis ito sa tabi ko. Bale ako yung nasa gitna.
" Goodmorning Katria." Sumunod naman si Cohen at umupo sa harap ni Akken. Pumupungay ang mga mata niya at halatang inaantok pa.
" Goodmorning honeybunch." Inirapan ko si Shael ng maupo siya sa tapat ni Raizer. Ibang endearment na naman ang tawag niya sa'kin. Eww.
" Goodmorning." Umupo si Daron sa bakanteng upuan sa gitna nung dalawa. At dahil kumpleto na kami at nagsimula na kaming magdasal bago kumain.
Kanina pa ako nakatingin sa phone ko at hinihintay ang text o tawag ni Ri-Ri. Anong oras na at kailangan hindi ma-late ang mga kapatid ko sa unang araw ng pasok nila. Alam kong naghihintay na ang mga 'yun na sunduin sila. Mga 7:30 ang simula ng klase nila dahil nga elementary pero 6:45 na at wala parin siya. Kainis. Pati kami nadadamay eh.
" Ano ba naman yang si Derrick. Ang bagal kumilos, may reporting pa naman ako ngayon." reklamo ni Vera at napakamot sa ulo niya.
" I also have an experiment to do." sambit naman ni Akken at ngumuso.
Bumuntong hininga nalang ako."Mauna nalang kayong lahat. Magj-jeep nalang ako papunta sa university. Sorry sa abala." Kinulikot ko ang phone ko at nakailang text na ako kay Ri-Ri pero wala parin.
" What?! No. That vehicle sucks, not just on its little space but also it's so hot in there. Magugusot lang ang uniform at mangangamoy pawis ka, ate." Napailing nalang ako ng laitin ni Raizer ang jeep. Sabi niya pa ayaw niya na raw sumakay dun.
" Hindi naman ako maarte katulad ng iba. Kahit nga mag-tricycle ako o di kaya'y maglakad okay lang." Lumingon-lingon pa ako para tingnan kung andyan na ba si Ri-Ri." Asan na ba kase 'yun?! Mag-aalas syete na oh! Nakalimutan niya ba yung pinag-usapan namin?!."
" You guys should go, use Shael's car. I'm sure all of you would fit in because no one of you is fat. I'll accompany Katria to send her siblings to their school." Lahat kami napatingin kay Daron ng sabihin niya 'yun.
" Eh? Hindi mo naman kami kailangan laitin, kuya." saad ni Cohen.
" Tara na. Wala na tayong oras para magreklamo. Hop in the car right now." Mabilis na pumasok si Shael sa kotse niya at ganun din sila. Nauna silang umalis bago ako lumasok sa kotse ni Daron.
" Where's your new house?." tanong niya sa kalagitnaan ng pagd-drive niya.
" Diretso lang tapos kanan, sa ikatlong bahay 'yun na 'yun." Binilisan niya naman ang pagmamaneho para makarating kami agad sa bahay namin. Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay agad akong lumabas at naghihintay na pala sila sa labas.
" Sasha! Cyd!." Tawag ko sa kanila kaya agad silang lumapit sa'kin."Pumasok na kayo, mal-late na kayo." Pinagbuksan ko sila ng pinto sa likod at pumasok naman agad sila.
" Ingat, mga anak." Kumaway si Inay sa kanila at ganun rin sila.
" Babye, nay. Uuwi kami mamaya." nakangiting sagot ni Sasha at nag-flying kiss pa.
" Una na kami, nay. Ihahatid lang namin sila pagkatapos ng klase nila." Hinalikan ko sa pisngi si Inay bago pumasok sa loob ng kotse.
" Ikaw po si kuya Dale, diba?." Nagkatinginan naman kami saglit ni Daron bago niya binaling ang atensyon kay Sasha para sagutin ito.
" Yeah. Why?."
Ngumuso naman siya." Ang daya naman. Kagay mo rin si kuya Cyd. Palaging nage-english. Amp."
Biglang natawa si Daron kaya hindi ko mapigilang umiwas ng tingin. Nadadagdagan ang kagwapuhang taglay niya kapag ngumingiti siya. Baka mas lalo lang akong mahulog sa kanya 'pag nagkataon. Hindi 'yun pwede.
" Don't worry lil sis, I'm going to teach you before going to bed." Ginulo naman ni Cyd ang buhok niya kaya mas lalo lang siyang napanguso.
" You're sister is a student teacher. Why won't you ask her to teach you." tanong naman ni Daron sa kanya.
" I know how to speak English a little bit. My sister was so busy on her works that's why I couldn't ask her. But it's okay by the way, I can learn it on my own since I know how to read." Lahat kami napatingin kay Sasha ng sabihin niya 'yun. Napa-break pa nga si Daron ng marinig niya ang sinabi ni Sasha. Kailan pa siya natutong magsalita ng ganyan?!
" Wow! There's no need to teach you, lil sis. Kuya's proud of you." Nag-apir pa silang dalawa ni Cyd at tumawa. Jusme! Napapaligiran na ako ng mga englishirists! Chos!
" We're here. Take off your seatbelts, your going to school." sabi ni Daron at tinanggal rin ang seatbelt niya.
Matapos naming hinatid ang dalawa ay nagmamadali naman kaming pumunta ng university. May 15 mins. pa kase bago kami nakarating dahil ganun ang distansya ng elementary dito. Agad kaming bumaba at nagpaalam sa isa't-isa bago pumasok sa gate. Konti nalang ang estudyante sa school ground dahil alam kong nasa classroom na sila. Malapit narin kase magsimula ang klase kaya nagmamadali akong sumakay ng elevator. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala pa si prof kaya malaya akong nakaupo sa gitna nung kambal.
" Goodmorning sis!." Humarap silang dalawa sa'kin at ngumiti.
" Anong ganap? Ba't masaya kayo?." Kumunot ang noo ko. Bukod siguro sa pareho silang may boyfriend, mukhang may ibang meaning pa ang ngiti nila.
" Wa naman. We're just happy that you're back. Imagine, you're gone for 5 consecutive days. Gosh! Nakakamiss talaga ang presence mo." sagot naman ni Aika.
Napangiwi naman ako." Nandito din ako nung Friday, baka nakalimutan niyo. Umattend din ako ng party dahil ata kayong makita ako." Nilabas ko ang project na ipapasa ko kay prof pagdating niya, sa kanya kase 'to.
" Guyss listen." Napatingin naman kami sa harap ng magsalita si Shin." Give me your projects about the 'Devered Developmental Reading'. I'm going to pass it to Mr. Rivera because that's what he told me." dagdag niya pa.
Agad ko naman binitbit yung project ko at pumunta sa harap. Ngumiti naman siya ng makita niya ako kaya nginitian ko nalang din siya. Tinanggap niya ang project ko kaya bumalik agad ako sa upuan ko. Hindi pumasok sa'min si prof at nagbilin lang ng notes kaya si Lucy ang naatasan na sumulat sa board. Napatigil ako sa pagsusulat ng may biglang kumalabit sa'kin kaya napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang buong barkada.
Tppumaas naman ang kilay ko."Bakit kayo nandito, ha?! Sa ibang row kayo diba, bakit nakipagpalit kayo?."
" Boring dun eh. The circle of friends were here that's why we moved. Unfair naman kung maiiwan kami dun." Ngumuso naman si Phillip. Actually, yung boys lang naman ang nandito.
" Ang sabihin niyo, mangongopya lang din kayo ng notes sa'min dahil tinamad kayong magsulat." Nilingon ko sila at napakamot lang sila sa batok nila." Tapos pati answer kokopyahin niyo kase may dalawang exercises na nakalagay." Napailing nalang ako.
" You're so smart, Katria. Pakopya kami mamaya, ah." sambit ni Christophe.
" Anong pakopya?." Biglang sumulpot si Doreen at umupo sa tabi ni Christophe. Nakisiksik lang din siya." Why aren't you copying?! Gusto mo ba ng sapak ha?!." Pinanliitan siya nito ng mata kaya agad siyang kunuha ng notebook at ballpen tsaka nagsimulang magsulat.
" Eto na, babe. Sorry na."
Lumingon din si Aika at tiningnan si Jeric."Hon? Nagsulat ka ba? Ayaw mo naman sigurong maputulan ng kamay, diba?!." pagbabanta niyo sa kanya kaya agad itong umiling ay nagsimula nang magsulat.
" Hay. Mabuti pa ako chill chill lang kase walang jowa." Nilagay pa ni Phillip ang dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya ay sumandal.
" Uy same din tayo 'no. Akala mo ikaw lang."Tumabi sa kanya si Jaimie dala rin ang notebook niya."Uy may bagong transferee daw sa Engineering na guy. I heard that rumor earlier, they said that he was very handsome. Omg! I want to meet him." Tili niya pa at kinagat kagat ang ballpen niya. Nagkagusto rin naman ako pero hindi ako ganyan kalala na kakain ng ballpen. Yoc.
Lumingon sa gawi nila si Aira." I heard it too. He's name was Ivan and he was very popular. I saw him and yeah, he's supper attractive." Humagikhik siya na para ring kinikilig.
" Huy taken kana, remember? Sumbong kita kay Ri-Ri na may crush ka, sige ka." pananakot ko pa sa kanya na agad niyang kinailing.
" Weh?." Tiniklop ni Reen ang notebook niya." May I see his picture? I just want to see it." Nagpuppy eyes pa siya kaya sinubsob ni Chris ang mukha niya sa dibdib nito. May binulong pa ito sa kanya na ikinatango niya. Binakuran nga talaga, tsk.
" Ano yung narinig ko? Who has a picture of him? I wan----."
" Don't you dare, Aika."
Tinikom namin ang bibig namin ng biglang sumeryoso si Jeric. Shet lang. Mukhang nagalit ata siya. Kumurap-kurap si Aika bago tumalikod at bumalik sa ginagawa niya. Magkatabi kami kaya kita kong palihim siyang ngumingiti. Hilig niya talagang asarin boyfriend niya.
Nang magbell na ay mabilis na nawala ang mga kaklase namin. Syempre, kakain na eh ano pang hinihintay nila. Nagkahiwalay rin kaming lahat dahil humiwalay sa'min ang mga may partner in crime. Si Jeric inagaw si Aika sa'min at ang gaga nagpadala naman sa honey niya daw kuno. Si Chris at Reen ayun nowhere to find na dahil hindi naman nila sinabi kung sa'n sila pupunta, for privacy daw. Si Aira naman ayun iniwan rin ang kyut na si ako. Sinundo kase ni Ri-Ri kanina sa room at nang makita niya ako ay sorry siya ng sorry dahil hindi niya nabasa ang text ko kanina. Pinagtripan ko kaya hindi ko pinansin. Magtiis siya! Pinatawag rin si Shin ng adviser namin sa office dahil may sasabihin daw, sumama naman sa kanya si Phillip dahil napag-iiwanan na raw siya. Si Lucy at Jaimie nasa library dahil may research sila sa isang subject na magkaklase sila.
" Aish, kaumay mag-isa." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw.
Plano kong kumain sa gazebo dahil malaki ang space doon at may bench pa. Wala rin masyadong tao dun dahil wala namang tumatambay ng mga ganitong oras. Maganda rin magpahinga dun dahil maaliwalas at tahimik ang paligid. Nilapag ko ang bag ko sa gilid ng puno at nilagay sa binti ko ang paper bag na nay lamang pagkain na kakabili ko lang cafeteria. Binuksan ko ito at kinuha ang burger tapos mcfloat. Hindi muna ako kakain ng kanin dahil busog pa naman ako.
" Hey, sorry for disturbing your eating session." Agad akong nag-angat ng tingin ng may magsalita. Nabulunan naman ako ng nakitang lalaki pala 'yun." Shit. Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka." Nagpapanic siya at hindi alam ang gagawin.
Umiling naman ako." No, it's okay. Nabigla lang naman ako." Hinampas ko yung dibdib ko at patuloy parin sa pag-ubo. Gosh. Nakakahiya na 'to.
" Can I sit there?." Turo niya sa tabi ko kaya tumango lang ako. Uminom ako ng tubig at ng makarecover ay kumain ulit ako pero dahan dahan lang dahil nakakahiya sa kanya.
" Why are you here?." Tinapos ko ang kinakain ko bago tumingin sa kanya." Marami namang ibang pwesto, bakit dito pa sa tabi ko." Binuksan ko ang mcfloat ng hindi tumitingin sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya." Ang taray mo naman, diba pwedeng nakikipag-interact lang. Besides, I'm annoyed on those girls who where chasing after me." natatawa niyang sambit.
Napakunot ang noo ko." Gwapo ka naman pero hindi ka mukhang artista. I haven't seen your face in any commercial in the TV." Sumipsip ako sa float ko.
" Yeah. I'm not an artsist but you did knew me." Napatigil ako sa pagsipsip sa float ko ng marinig ang sinabi niya.
Ano daw?! Kilala ko siya? Seryoso ba!
" Joke ba 'yan." Umiling ako." Saan naman tayo nagkakilala?! Ngayon pa nga lang kita nakita." saad ko.
Tumingin pa siya sa taas na parang nag-iisip."Sa mall 'yun, mukhang sa restaurant ata. I even did gave you free food because you're starving."
Nabulunan ulit ako sa pangalawang pagkakataon kaya nagulat ulit siya at hindi alam ang gagawin. Inabot niya sa'kin ang tubig na iniinom ko kanina kaya tinanggap ko nalang at uminom. Nakahawak pa ako sa dibdib ko nang makarecover ulit ako. Tiningnan ko siyang maigi at pilit inaalala ang mukha niya. Cute rin siya kagaya ko, may malalim na dimples, at gwapo-----Ay shete! Bakit ang liit ng mundo para magkita ulit kami?!
" Hey."
" Ay cute kong stalker!." Napatakip ako sa bibig ko nang bigla ko yung masabi." Sorry, nagulat lang." Hindi ko aakalaing maaalala niya ako at higit sa lahat, magkikita kami sa university na 'to.
" I thought you didn't remember me. You've changed a lot, Katria." Ngumisi pa siya kaya nakikita ang malalim niyang dimples.
" So as you, Ivan." Umirap ako."Hindi ko alam na ikaw pala yung tinutukoy ng mga kaibigan kong transferee na gwapo raw." Naalala ko yung sinabi ni Jaimie kanina. Hindi ko nga lang naalala na Ivan rin pala ang pangalan niya, nakalimutan ko kaya.
" Of course, I'm popular wherever I go. I'm a hundred percent handsome." Inayos niya pa ang buhok niya kunwari gwapo raw siya. Totoo naman pero hindi niya parin matatalo si Cohen. Syempre, mas lamang ang isang 'yun sa kanya.
" Oo naman, gwapo ka. Pero kung tutuusin nasa mga 75 % ka lang. Mag gwapo parin yung mga inaalagaan ko kesa sa'yo." Tumawa naman ako.
" 'Yun ba yung hinahanap mo nung naligaw ka sa mall?!." Tumaas ang kilay niya." What's their name? Maybe I know." Nakibit balikat siya.
" The Helveryst brothers a.k.a the five hot jerks." Tumingin ako sa kanya at nanlaki ang mata niya."Famous rin sila kahit saan kaya malamang kilala mo." sabi ko pa.
" Kaano-ano mo sila? They barely interact with people except Shael for being a cassanova and Akken for being friendly."
" I'm babysitting them because I was just told by their mother. They're really a jerk and hard-headed. But we're okay now." Ngumiti naman ako.
Hindi agad siya nakapagsalita."Whoah! I didn't expect that you did befriend with them. Ang sabi kase ng iba mahirap raw talaga silang pakisamahan." manghang sambit niya.
" Yeah they're right. Parang impyerno ang dinanas ko nung mga nakaraang buwan. But later on, we became close. Isa-isa ko na silang nakakasundo. The two of them even considered me as their older sister." Binunot ko ang mga damo na nasa gilid ko dahil bored ako. Kung alam ko lang sana na may story-telling na magaganap edi sana bumili ako ng snacks.
" What about you? Are you fine?."
Nilagay ko ang baba ko sa ibabaw ng tuhod ko at bumuntong hininga." A little bit. My father died last week and it was such a painful one. Pero okay naman na ako ngayon. Wala nang problema..... wala pa." Hindi ko naman kase alam kung kailan ulit darating ang pagsubok saamin. Ang kailangan lang namin gawin ay maghanda at magdasal lang palagi.
Natahimik naman siya saglit." Oh... I'm so sorry for your loss. I didn't mean to----."
" Hindi, okay lang." Pagputol ko sa sasabihin niya." You? Don't have problems in life?." tanong ko naman sa kanya.
Nilagay niya ang kamay sa likod ng ulo niya at sumandal sa puno."Every person has a problem, so as me. Ipinagkasundo ako ng pamilya ko sa isang babae pagkatapos kong makatapos ng high school. They said that I'm going to marry her right after college. She's quite pretty, kind, and sweet. Though she doesn't like me because she has a boyfriend that time. Her father forced her to broke up with her boyfriend but she didn't. She loved him very much and so with that guy. But she couldn't do anything. Wala siyang kapangyarihan at wala siya sa posisyon para tumutol. It wasn't okay for me too that's why I asked my parents to back out but they didn't listen to me." Huminto siya saglit at huminga ng malalim.
" I won't force you to tell me the whole story, Ivan. It's okay." Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti." Pero kung wala kang mapagsabihan, okay lang din. Makikinig ako." Sumandal rin ako sa puno kagaya niya.
" We've been forced to be together since then. Pretending that we're alright even if not. Pretending that we're together and we love each other even if all of that was just a lie. And the worst, pretending that we're both okay." Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago nagpatuloy." Time has passed and I didn't mean to fall inlove with her even though she just treat me as a friend. I confessed to her once but as what I've expected, she rejected me. How painful. She's still inlove with that guy until now... I guess. While me? I kept on loving her even though she couldn't exchange it. I'm happy with our situation right now. Seeing her happy makes me happy too."
" So sad. Where is she now?."
" We both transfered here today as what our parents compromised." Bumuntong hininga nalang siya at pinikit ang mga mata niya.
" Loving a person who doesn't love you is really hard. Ako nga may gusto rin kaso mukhang malabo rin na magustuhan niya ako." Mapait akong ngumiti nang maalala sina Daron at Cheska. Kahit anong gawin ko, hindi kayang kalimutan yung kisiing scene nilang 'yun. Pucha.
" Why? Does he also love someone?."
Napatingin ako sa kanya at nakadilat na ang mata niya ngayon at nag-aabang sa sagot ko. Tumango lang ako." Hmmm. He's still inlove with his ex. Last Friday was our acquaintance party and the day that my father was buried. At first I hesitated to attend because I was at our province that time and we just leave at 3:00 in the afternoon. Maswerte nga ako dahil nakahabol pa ako dahil 8:30 ng gabi ang simula at 9:00 na ako umabot dahil sa pagmamadali." Tumawa pa ako nang maalala ko yung time na 'yun.
" Go on. I'm listening."
" That guy that I admire the most was Daron." Nagulat naman siya sa sinabi ko." Funny right? I have a crush on the guy I was babysitting. He asked me to dance with him that night and of course I said yes. Nagulat nalang ako ng sabihin niyang gusto niya daw ako. I also didn't know why I answered him that I like him too. The atmosphere was really heavy that time." Bigla akong natigilan ng bumalik ulit sa'kin ang alaalang 'yun.
" You okay? If not, we can----."
" No. Umaga nun nang pumunta ako sa mansion at hindi ko inaakalang nandun pala yung ex nila. Dinalhan pa sila ng pagkain kaya natuwa sila. They were really close before I came. I even heard the conversation of Daron and Shael about last night. Syempre, kinilig ako kase baka sabihin niya sa kapatid niya na umamin siya sa'kin. But then, I was wrong. He said that he didn't remember any single detail about what happened last night. Lasing daw siya nun dahil napasobra siya ng inom kaya hindi niya naalala na inaya niya akong sumayaw. And you know what's worst?! He didn't even remember the confession that happened between us. Nakakainis lang, alam mo 'yun?!." Sa damo ko ibinuntong ang inis ko dahil parang kanina lang 'yun nangyari.
" Cheer up sa'ting dalawa." Ginulo niya ang buhok ko." We'll get better not now, but soon."Ngumiti siya at ganun rin ang ginawa ko. Sana nga.....
" Bakit nga pala natin pinag-uusapan 'to?! Kakakita lang ulit natin tapos feeling close na tayong dalawa." Hindi ko naman ineexpect na magiging open kami sa isa't-isa.
Nakibit balikat lang siya." We're close before so there's no need to wonder. I didn't even know that it was you and I just noticed that you're familiar when you looked at me. Malaki rin ang pinagbago mo kumpara nung una tayong magkita. You really look like a clueless girl."
Hinampas ko siya sa balikat."Seems like you're saying that I'm a dumb, aren't you?!." Tumaas ang kilay ko kaya humagalpak siya ng tawa.
" Hindi ah. Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako." tumatawa parin niya sabi.
Nanlaki ang mata namin pareho ng marinig namin ang malakas na ring ng bell, senyales na tapos na ang lunch break. Dali-dali kong pinulot ang bag ko at tumayo ganun rin siya. Putek! Ilang metro ba ang layo dito mula sa building ko? Mabuti sana kung nakakalipad ako kase walang problema kaso hindi eh.
" The heck! I need to go now, malayo pa ang building ko. Nice seeing you again, Katria." Kumaway siya sa'kin at tinanguan ko lang siya.
" Sige. It's nice to see you too, Ivan. Next time ulit." Kinawayan ko rin siya bago umiba ng direksyon. Tumakbo ako sa abot ng makakaya ko sa malawak na ground. Ang init pa, matutusta ata ako neto. Shocks! Tatlong building pa ang kailangan kong lagpasan bago makarating sa building ko. Bakit ba kase hindi namin namalayan ang oras?!
" Hala! Sorry talaga, hindi ko sinasadya." Pinulot ko ang mga gamit ng babaeng nabangga ko at agad itong binigay sa kanya.
" No it's okay." Tumingin siya sa'kin." It's you, Katria. I didn't expect to see you here." Ngumiti siya sa'kin kaya pilit lang akong ngumiti. Siya na naman pala.
" Sorry if I bumped on you, Cheska. Hindi kita nakita, nagmamadali kase ako. Pasensya na."Narinig ko pala yung usapan nila nung isang araw, ngayon pala ang transfer niya dito.
" It's okay." Napatingin ako sa ID niya at hindi na ako nagulat sa kurso niya. She's taking Bachelor Of Science In Business Administration, just like Daron. Ewan ko kung bakit 'yun ang kinuha niya. Dahil ba 'yun ang gusto niya o dahil 'yun ang kurso ni Daron. Kung ano man 'yun, wala na ako dun.
" Alis na'ko. I'm getting late." Hindi kona hinintay ang sagot niya at umalis na. Baka malock-an ako ng pinto dahil late ako, mukhang terror pa naman ang teacher ko ngayon.
" You're late Ms. Lyntheria." bungad sa'kin ni Mrs. Ries.
" I'm sorry, maam."
Bumuntong hininga naman siya."Okay, take your sit. Write an essay with a maximum of 3000 words about the 'Introduction Of Linguistics' and pass it right after the class hours."
Tumango naman ako." Yes, maam."
" May notes ka ba?." tanong sa'kin ng isa kong kaklase, Marvin ata ang pangalan niya.
Umiling ako." Wala eh. Kakarating ko nga lang diba?." sarcastic kong sagot. Hindi ba halata?!
" Oh ayan, may notes ako kaya dyan ka nalang kumuha ng idea. Ikaw na bahala ang umintindi sa handwriting ko." Napakamot siya sa ulo niya at palihim na binigay sa'kin ang notebook niya.
" Salamat dito. Mamaya ko nalang ibabalik kapag tapos na'ko." bulong ko sa kanya dahil baka marinig kami ni maam. Dagdagan pa naman ang isusulat ko, nakakapagod 'yun.
Nagkunwari lang akong nakikinig kahit na hindi naman talaga. Nag-iisip kase ako ng isusulat na essay, thousands of words pa. Sumusulyap lang ako minsan kay maam para hindi halatang hindi ako nakikinig. Lutang kase talaga ako sa kakaisip ng idea. Nang matapos ang whole period ay naging vacant kami kaya laking pasasalamat ko dahil malaya akong makakapagsulat ng essay. Binilisan ko nalang ang pagsasagot sa quiz na pinadala ng teacher namin para magsusulat nalang ako ng essay pagkatapos.
Dumeretso ako sa library sa kabilang building dahil dun makakapagfocus ako. Tahimik kase at kapag may kailangan akong hanapin ay nandun na agad. Library is the heart of the school, sabi nga ng iba. Nilagay ko ang mga gamit ko sa table at nagsimula nang magsulat. Nasa mga 2000 words pa ang nasulat ko pero tinamad na agad ako.
" Can I sit here?."
Agad akong napaigtad ng marinig ko ang boses na 'yun. Nag-angat ako ng tingin at nakumpirma kong siya nga 'yun. Nilagay ko sa gilid yung iba ko pang mga gamit para may mapaglagyan siya ng kanya. Umupo naman siya sa tapat ko dahil alam na niya na pumapayag ako. Bakit niya pala kailangang magpaalam sa akin eh sa kanila naman ang school na 'to?!
" Writing an essay?." Tumingin ako sa kanya at binalik ang atensyon sa ginagawa ko.
" Yeah." maikli kong sagot. Sinubukan kong magsulat pero nakakainis lang dahil wala na akong maisulat. Nakakailang kase ang presensya niya at hindi ako makapag-focus. Shet lang.
" Am I disturbing you?."
Umiling naman ako." Hindi ah. Wala lang akong maisip na isulat." Pero sa totoo lang nad-distract ako sa kanya.
" Give me your paper. I'll read it."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya." Ha?! Ah hindi 'wag na. Kaya ko na----." Kinuha niya ang sinusulatan ko ng hindi man lang ako pinapatapos magsalita.
Mas lalo pa akong nagulat nang sulatan niya iyon. Gad! Anong ginagawa niya?! Lumingon ako sa paligid at nakatingin sa'min ang ibang mga estudyante. Hindi lang naman kase kaming dalawa ang tao rito.
" Here." Inabot niya sa'kin ulit ang papel ko."It has a maximum of 3000 words." dagdag niya pa.
" Hindi mo naman kailangang gawin 'to, Daron. Tingnan mo nakatingin na sila sa'tin. Maissue pa ulit, mahirap na." Yumuko ako ng konti para matakpan ng buhok ko ang mukha ko.
" So what?." Napaangat ulit ako tingin ko sa kanya." I don't care if they're watching us. They can't even do anything since I'm here." Tumaas ang kilay niya.
" Ngayon wala pero mamaya baka meron. Remember, we're not even classmates and you're not with me in all the time. How could you say so?." Kumunot naman ang noo ko.
" Then I'll be with you from now on."
--------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top