Chapter 26 - Sudden Leave
KATE CHANDRIA'S POV
" Ate? Aalis kana ba talaga?."
Napalingon ako kay Akken ng magtanong ulit siya ng pangsampung beses na. Dito siya natulog sa kwarto ko kagabi dahil gusto niya raw akong makasama. Sa foam lang naman siya humiga, dun sa sahig sa gilid ng kama ko. Nilagay ko muna sa maleta ko yung panghuling gamit na dadalhin ko bago ko ito sinara.
" Ilang beses mona akong tinanong niyan, Akki . At pare-pareho lang din ang sagot ko. I do really need to go home." Nag-iwan naman ako ng mga damit sa cabinet ko dahil babalik pa naman ako dito. Yung mga gamit ko nandito lahat sa kwarto ko at gusto kong iwan lang ang mga 'to.
" Promise me you're going back, ate. You're the best babysitter in the world and I wouldn't accept a new one." Bumugsangot ang mukha niya na ikinatawa ko. Ginulo ko ang buhok niya at gumawa ng finger promise.
" Promise. Babalik ako." Nakipag-finger promise din siya sa'kin at hindi na nangulit pa.
" I'll help on your luggage." Napatingin naman kami sa pinto ng biglang pumasok si Daron. Lumapit siya sa'min at tiningnan ang mga gamit kong nakahanda na." Is this complete?." Tumingin naman siya sa'kin.
" Oo, kumpleto na 'yan. Nandun na ba sila sa baba?." tanong ko.
Kinuha niya ang maleta sa ibabaw ng kama ko at binaba ito." Vera was there but Derrick was on his way." Nauna na siyang lumabas ng kwarto ko habang kami ni Akken ay naiwan dahil kukunin ko pa yung bag ko at siya naman ang nagdala sa paperbags na binili kong regalo.
" Mamimiss mo rin ba kami, ate?."
Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya." Oo naman, bakit hindi?! Parang kapatid narin ang turing ko sa inyo at ilang buwan rin tayong magkasama. Bakit mo naman naisipang itanong 'yan?."
Huminto siya sa hagdan kaya napahinto rin ako." Yiie talaga? Pati si kuya Daron mamimiss mo?." Siniko ko siya dahil sa sinabi niya. Baka may nakarinig sa kanya at iba pa ang isipin.
" Gagi! Bakit ba palagi mong tinatanong sa'kin yang kuya mo?!." inis kong tanong. Wala talaga kaming usapan na hindi niya dinadamay si Daron.
" Eh? You just said that you'll miss us. Of course, kuya Daron was included."
" Eh ano naman ngayon kung kasali siya?." Tumaas ang kilay ko.
Ngumisi naman siya at nagpatuloy sa pagbaba." Nothing. I just confirmed." sambit niya at nagmamadaling tumakbo.
Hanodaw? Confirmed? Ano naman?! Aish. Ang gulo talaga ng batang 'yun. Tapos bigla bigla nalang mang-iiwan.
" Katria, they're here." bungad sa'kin ni Shael." Kumpleto na ba ang mga dala mo?." tanong niya.
Tumango naman ako." Oo, nakahanda na. Kaninong sasakyan ang gagamitin natin?."
Ihahatid daw kase nila kami sa airport para daw mabilis kaming makaalis. Sa totoo lang, bus lang naman talaga ang sasakyan namin pauwi, mga tatlo o apat na sakay lang makakarating na kami. Pero nag-insist si Cohen na mag-eroplano nalang daw kami para mas mabilis, hindi pa raw ako nakakasakay nun. Tsk. Mayabang talaga. Hindi sana ako papayag dahil mahal 'yun pero sabi naman ni Raizer kaibigan daw nila ang may-ari nun. Close friend ng pamilya nila. Sabi pa ni Akken mas okay daw 'yun kase libre na. Hindi naman ako nakatutol nang umoo na si Vera. Sinettle agad ni Shael yung passport namin at nagbook ng flight ng 4:30 am gamit lang ang phone niya.
" We're going to ride a van. Kuya Daron will drive because he's in the legal age." sagot naman ni Cohen na sumabay sa'kin palabas. Si Raizer na ang naglock ng mansion dahil alam niya na kung pa'no, tinuruan ko kase siya. Ibang klase kase yung lock nila, parang automatic.
" Give me your things. I'll put it at the back." Binigay ko naman sa kanya ang mga gamit ko at pumasok na sa loob ng van. Nandun narin pala sila Ri-Ri at Vera pero hindi sila magkatabi. Nasa passenger seat ako dahil gusto kong makita ang harap kapag nasa byahe na kami. Hindi dahil gusto kong katabi si Daron 'no! Asa!
" I thought you're gonna sit with us. But I think you prefer to sit beside kuya Daron instead of us." Humagalpak naman ng tawa sina Vera, Ri-Ri, at Akken sa sinabi ni Raizer. Mabuti nalang at nandun pa sa labas yung tatlo at mukhang hindi naman nila narinig ang sinabi niya.
" Tuleg! Sino bang may sabing gusto ko?! Dito lang ako umupo para makita ko yung harap." irap kong sagot at pinagkrus ang mga braso ko.
" Weh? Bagay naman kayo, ah. Alam niyo may naisip akong team para sa kanila, KatRon. 'Yan mas bagay." Nakipag-apir silang lahat kay Vera dahil sa sinabi niya. Na naman?! Ano ba yang team team na pinagsasabi nila?! Wala naman akong alam diyan.
" Team na naman?! Ayoko niyan. Palagi nalang ako shiniship eh hindi ko naman gusto." reklamo ko.
" Ha? Sino naman yung isang ship mo?." Kumunot naman ang noo ni Ri-Ri.
Bumuntong hiningi naman ako." Si Shin, yung kaklase ko. Almost perfect guy na 'yun at magkaibigan rin kami. But he's not my type." walang gana kong sagot.
" Eh si kuya Dale ba? Type mo?."
Halos maubo ako sa tanong ni Akken."Jusme. Kahit kailan hindi ako magkakagusto dun." Parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko 'yun. Hindi naman talaga... diba?
" It's up to you. Sabi mo eh." Nakibit balilat lang si Raizer at umayos ng upo.
Hindi nalang ako umimik hanggang sa umandar na ang sasakyan namin. Hindi naging tahimik ang byahe namin dahil todo pangungulit sila sa'min. Pa'no daw kung sumama nalang sila sa'min eh wala naman silang dalang mga gamit at baka mapagalitan sila ng mga magulang nila. At isa pa, hindi sila mabubuhay sa probinsya namin. Hindi sila sanay dun. Kailangan rin nilang atupagin ang pag-aaral nila para mataas ang mga markang makuha nila.
" Video call nalang tayo guys." suhestiyon naman ni Vera.
Napairap naman ako." Gaga ka talaga! Saan ka naman kukuha ng signal dun?? Akyat ka munang bundok ng limang araw bago kayo makapag-vc. Pwede namang sa tawag nalang o text, O.A niyo ah."
" At saka baka hindi ka rin payagan ng syota mo dun, Vera. Naalala mo pa? Si Joel." Tumawa kami ni Ri-Ri dahil sa sinabi niya. Nawala rin sa isip ko yung adik na 'yun. 'Wag niyang sabihin na nakalimutan niya rin. Putek!
" Hindi pa kayo informed? Matagal na kaming wala, nagbreak ulit kami. I realized that a guy like him doesn't deserve a pretty like me. Who you siya sa'kin mamaya." Nagflip hair pa ang bruha. Proud na proud ata na wala nang sila. Akala mo naman hindi rin pumatol nung musmos pa siya. Ngek!
" Uy Kat! Marami bang chicks dun? Bigyan mo naman ako oh, ke't dalawa lang. I'm out of girls." Hinagisan ko ng tissue si Shael kaya ayun sapol sa mukha niyang babaero.
" May balak ka pang target-in ang mga kababayan ko dun. You're not contended on what you've got." Napailing nalang ako. Ang daming babae sa university at halos iba't ibang mga babae ang kasama niya araw-araw. Halos lahat ata ng kurso may mga naging ex siya.
" Ang damot mo naman, ikaw nalang." sambit niya. Baliw talaga! Pati ako dinamay, amp.
" Gago! Papatol ka dyan eh malabo namang papatol din 'yan sa'yo. Ewan ko nga ba kung alam niya rin ba ang salitang gwapo. You're not her type. Lol." pagsagot naman ni Cohen sa kanya. At dun na naman nagsimula ang bangayan nilamg dalawa.
Tahimik lang kami ni Daron na nakikinig sa kanila. Siguro may mga ilang minuto pa bago kami makarating sa airport. Kinuha ko nalang yung phone ko, nag-aadjust pa ako ng konti dito. Marami kase akong memories dun sa dati kong phone, mabuti nalang at hindi nasira yung memory card kaya nagamit ko pa at narecover. Yung sim lang ang pinalitan kase ayaw nang gumana. Nasa kalagitnaan ako ng pags-scroll sa facebook ko ng biglang magsalita si Daron.
" How many days are you going to stay there? I think the hospital in the province doesn't have complete things to do such a treatment. 'Wag mong masamain, sinasabi ko lang." Mahina lang ang pagkakasabi niya nun at sakto lang na kaming dalawa ang makakarinig. Maingay rin namam sila sa likod kaya hindi nila kami napapansin.
Bumuntong hininga naman ako."Yah, I know. Ipapa-transfer ko naman agad si Itay dito kapag hindi talaga siya nagamot doon. I won't stay longer in there if he was transferred by chance."
" What hospital are you going to take your father? Maybe we could help." saad niya habang nakatingin parin sa harap dahil nagmamaneho pa siya.
" Hindi ko rin alam. Kung hindi rin naman siya maaasikaso sa public edi wala akong chance kundi dalhin siya sa private. Wala na akong pakialam sa pera, bahala na yung diyos sa'min. Pero, thank you." Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng panahon. Nakajacket naman ako dahil alam kong giginawin rin ako sa loob ng eroplano.
" We're here. Get out of the car now."
" Ay grabe si Daron, oh. Nagmamadali ka po, kuya?." Ngumiwi lang si Vera at lumabas na kaya lumabas narin kami. Yung boys na ang nagdala sa mga bagahe namin hanggang sa makapasok kami sa airport. Maaga pa lang ay may marami nang tao, baka dahil may gusto pang humabol sa flight. Umupo kami sa mga bench doon para hintayin na tawagin ang pangalan namin.
" Guys! Nakaready na ang private airplane na sasakyan niyo." sigaw sa'min ni Raizer sa kung saan kaya napalingon kami dito at agad na lumapit sa kanila.
" Ha? Akala ko ba dito kami pipila at hihintayin na tawagin ang pangalan namin?." litong tanong ni Ri-Ri. Naguguluhan rin kami ni Vera dahil hindi naman namin alam na private airplane pala ang sasakyan namin.
" Hindi ba namin nasabi sa inyo 'yun? We're so sorry about that but we think that it should be better if you'll take a private airplane so that you'll arrive fastly." Napakamot naman si Akken sa batok niya.
" Pero hindi niyo naman kailangan gawin 'yun. Hindi rin naman kami nagmamadali eh." sagot ko.
Nakibit balikat naman si Raizer."But it's already settled and the plane was waiting for you. Ano pang magagawa niyo."
Napailing nalang ako at hindi na kami nakatutol pa. Wala na eh. Nakahanda na, ano pang magagawa namin. Naglakad kami sa kabilang side ng airport kung saan may nakalagay sa itaas na PRIVATE kaya alam kong dito na 'yun. Nakipag-usap pa yung lima dun sa lalaki na sa tingin ko ay ang pilot ng eroplanong sasakyan namin. Yung isang lalaki naman ay kumaway lang at saka pumasok sa loob para ayusin ang mga gamit namin. Nang matapos na silang mag-usap ay pumasok na yung lalaki sa loob at binaling nila ang tingin sa'min.
" Pa'no na 'yan guys, alis na kami? Anong oras na din oh. Mag-iingat kayo dito habang wala kami." sambit ni Vera at kumaway sa kanila.
Kumaway din sila pabalik."Mamimiss ka namin ate VeraMundo! Balik ka din ah!." Bumugsangot ang mukha ni Vera ng sabihin ni Akken ang nickname niya kaya napatawa nalang kami.
" Ang panget pakinggan uy! Mas bet ko pa ang Fatima kesa sa ganyan." Tukoy niya sa second name niya." Sige babye na. Promise, babalik ako." Nauna na siyang pumasok sa loob kaya kami nalang dalawa ni Ri-Ri ang natira.
" Bro, sasama na ako sa kanila. Nakapagpaalam naman na ako sa mommy niyo pero babalik din ako. Sasamahan ko lang si pinsan." Nakipagbump fist pa si Ri-Ri sa kanila bago tumango at pumasok sa loob.
" Ate!." Nanlaki ang mata ko ng biglang yumakap sa'kin si Akken."Mamimiss talaga kita, balik ka agad ah." Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at ngumuso.
Ginulo ko naman ang buhok niya."Oo naman. Babalikan ko naman kayo. Basta 'wag kayong magpapasaway ah. Tatawag ako palagi sa inyo." paalala ko.
" Of course, I've grown up. I know how to wash my clothes and do the household chores." proud pa na sabi ni Raizer kaya napangiti ako.
" Ako rin." Sumingit naman si Shael." Hindi lang pambababae ang alam ko, I also know how to water the plants." Kahit naman ang dali lang nun matutunan proud rin siya. Juskoo.
Pinagkrus ni Cohen ang mga braso niya." Then what about me?."
" Hindi ako sigurado kung may natutunan ka sa'kin. Maliban nalang sa kayabangan na meron ka ano pa?." pang-aasar ko sa kanya kaya napairap siya.
" I know how to value prayers and respect other people." Napatango naman ako sa sinabi niya. May natutunan rin pala siya ke't papa'no.
" This isn't even a farewell, isn't it? Why is that you're like saying goodbye to each other? Stupid." Napalingon naman kami ng biglang magsalita si Daron. Kahit kailan talaga paepal ang isang 'to. Pero hindi ko naman maitatanggi na mamimiss ko rin yang ugali niya.... siya.
" Lol. Sabihin mo lang na mamimiss mo rin ako, magiging masaya pa ako." Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi 'yun."Mamimiss din kita kahit ganyan ka." Tumawa lang ako para hindi halatang awkward.
" Sige babye na! Naghihintay na sila sa loob. Text ko nalang kayo kapag nakarating na kami. Missyou!." Kumaway ako sa kanilang lahat bago pumasok sa eroplano pero bago pa man ako makaupo ay nagvibrate ang phone ko.
To : Engot
I'll miss you too, engot.
From : Kupal
Napangiti nalang ako at umupo sa pwesto ko bago tinago ang phone ko sa bulsa ng jacket ko. Nilingon ko muna sila sa bintana dahil umaandar na ang sinasakyan namin. Nakangiti silang lahat sa'min pero napako ang tingin ko kay Daron. Sa unang beses na nakita ko siyang ngumiti sa'kin ay parang magugunaw yata ang mundo ko. Ngumiti nalang ako pabalik at sumandal sa headboard ng upuan ko ng naramdaman kong lumipad na kami.
Owemji! Totoo ba talaga 'yun o namamalikmata lang ako. Ba't....... Ba't nakakalaglag ng panty kapag ngumiti siya?! Chos! Nalungkot tuloy ako ng maalalang naiwan ko sila dun. Mukhang sobrang napalapit talaga ang loob ko sa kanila kahit man lang ilang buwan lang kaming nagsama. Pero babalik din naman ako...nsiguro. Oo babalik ako. Nangako ako kay Akki at hindi kona pwedeng bawiin 'yun. Ako nang bahalang gumawa ng paraan kung paano ako makakabalik.
Nagising ako ng tapikin ni Ri-Ri ang balikat ko. Hindi ko namalayang nakalapag na ang sinasakyan namin. Ako nalang ang naiwan dito sa loob at pati si Ri-Ri. Nasa labas na yata si Vera. Ilang oras ba dapat ang byahe namin at parang ang dali lang?! Nakatulog kase agad ako nung paglipad palang ng eroplano dahil sa inaantok ako at kulang pa ang tulog ko. Hindi rin naman pwedeng i-on ang data ng phone namin habang lumilipad kami dahil bawal 'yun kaya wala ako pinagkakaabalahan.
" Kanina pa ba tayo nakalapag, Ri-Ri? Yung mga gamit natin, nasa'n?." Tumayo na ako at inayos ang suot ko pati narin ang itsura ko.
" Ngayon pa lang, Cha-Cha. Nilabas narin nung assistant niya yung mga gamit natin." sagot niya.
" Wow ha! Yung mga gamit tinanong kung nasa'n habang ako kinalimutan." Napalingon kami ng biglang magsalita si Vera sa may pinto habang nakacross arms at nakataas ang kilay.
" Malay ko ba kung lumalandi ka. 'Yan kaya yung gawain mo dito sa probinsya noon." Tumaas din ang kilay ko.
" Ano ba?! 'Wag mo na ngang ibalik yung dati. Hindi na ako ganun ngayon." Lumabas siya pagkatapos niyang sabihin 'yun kaya natawa nalang kami. Napikon ata siya.
Dumaan muna kami sa isang fastfood para kumain ng almusal. Nakilala agad kami ng mga serbidora dun at pati yung may-ari dahil dito kami palaging kumakain ni Vera nung high school pa kami. Nagulat sila sa itsura naming dalawa dahil ang laki raw ng pinagbago namin. Nagtanong pa siya kung bakit hindi na raw kami pumupunta dito at ang sagot naman namin ay lumuwas kami ng Manila para magtrabaho. Kaya pala daw hindi na nila kami nakikita na pumupunta dito.
" At sino naman amg gwapong nilalang na ito? Nobyo mo ba ito, Katria?." tanong ni Aling Teodora, ang may-ari ng fastfood na kinakainan namin.
Umiling naman ako agad." Siya po si Derrick, yung pinsan ko po. Matagal na siyang nanirahan sa Manila at ngayon lang siya nakabalik ulit dito. Naaalala niyo pa po ba siya?."
Ngumiti naman si Ri-Ri at nagmano sa kanya." Magandang araw po."
" Aba! Magandang araw rin, iho. Ang laki mona pala talaga at ang gwapo pa. May nobya kana ba iho? Naku! Pumili ka ng babaeng marunong sa mga gawaing bahay at may respeto. Hindi 'yung kagaya ni VeraMundo!." Pabiro naman siyang hinampas ni Vera dahil sa sinabi nito.
" Aling Dora naman eh! Nagbago na po ako 'no, hindi na ako yung dating kilala niyo. Pero maldita parin ako slight lang." Napatawa nalang kami sa inasta niya.
" Oh siya kumain na kayo ng mabuti dyan at nang makauwi na kayo. Alam kong namimiss niyo na ang pamilya niyo." sambit niya at umalis niya dahil aasikasuhin niya pa ang ibang pagkaing niluto niya para may maihanda na ang mga serbidora niya.
Nagpaalam ako saglit sa kanila para sumunod kay Aling Teodora. May dala akong limang libong piso para ibigay sa kanya. Maliit man lang ito pero atleast may maibibigay ako. Kahit naman nakapag-trabaho na ako sa Manila ay hindi ko parin siya nakakalimutan. Ang dami niya rin kayang naitulog sa'min nung highschool kami ni Vera. Siya yung naglilibre sa amin ng tanghalian palagi kaya sa kanya kami dumederetso kapag lunch break na. Alam niya kaseng puto lang yung baon ko at pandesal lang naman ang kay Vera kaya naawa daw siya sa'min. May isa rin naman siyang anak at dapat niyang ibigay lahat sa anak niya pero binibigyan niya parin kami. Hindi sapat ang salitang 'salamat' para sa lahat ng nagawa niya sa'min.
" Pssttt Kat." Napalingon ako ng biglang sumunod si Vera." Idagdag mona rin 'to, baka sakaling makatulog din sa kanya at ng anak niya." Binigay niya ang limang libong piso sa'kin at tinanggap ko naman iyon saka tumango.
Kumatok ako sa pintuan ng kusina niya at agad naman akong pinagbuksan." May ibibigay po kami ni Vera sa inyo." diretso kong sabi ng makapasok ako.
Kumunot naman ang noo niya." Ano ba 'yun, iha?."
Nilahad ko sa kamay niya ang dala kong pera kaya nagulat siya."Galing 'yan sa'min ni Vera, baka sakaling makatulong po dito sa inyo. Alam ko pong hindi po ito sapat sa lahat ng naitulong niyo sa'ming dalawa pero sana matanggap niyo po ito."
" Naku! Maraming salamat talaga sa inyo, iha. Plano ko talagang ipa-renovate itong fastfood ko. Ilang taon narin tong hindi napapalitan ng mga gamit." masaya niyang sabi kaya napangiti narin ako.
" Mabuti naman po at nagustuhan ninyo. Maraming salamat po talaga sa lahat." Nagbow ako ng konti tanda ng pagrespeto ko sa kanya.
" Wala iyon. Ikaw talaga ay isang napakamabuting bata, kayo ni Vera kahit pasaway kayo minsan. Ihatid mona rin ang pasasalamat ko sa kanya." Tumango lang ako at saka umalis na pabalik sa table namin para kumain.
Mabilis lang din kami natapos dahil sarap na sarap kami sa pagkain dito. Nakakamiss din pala ang lutong probinsya, ibang iba sa Manila. Puro mga sosyalin lang ang mga pagkain dun at hindi mapagkakailang masarap talaga pero wala nang mas sasarap pa sa lutong kinalakihan kona. Nagjeep lang kami hanggang sa makarating kami sa gilid ng eskinita. Maraming batang naglalaro pagkababa palang namin. Nagtataka yung ibang mga tao nang makita kami, nagbubulungan na na akala mo'y nakakita ng artista. Tsk. Hindi talaga sila nagbago, mga chismosa parin gaya ng dati.
" Tingnan mo ng naman, pinagc-chismisan kaagad tayo oh. Sarap palitan ng zipper ang bibig nilang lahat. Gad!." Napasapo nalang sa noo si Vera habang naglalakad kami papunta sa bahay namin.
Wala pa ring pinagbago dito sa lugar namin. Yung bakuran ni Manong Nikolas na puno ng lakatan na saging ay nandun parin, mas dumami nga lang ang bunga dahil hindi na kami pumupunta dyan araw-araw para manghingi. Binati namin siya ni Vera ng magandang umaga, mukhang hindi niya na kami nakikilala dahil matanda narin siya at madali nang makalimot. Kalaunan ay naalala niya rin kami ng sabihin namin ang pangalan namin. Binigyan ko siya ng tatlong libo at ganun rin naman si Vera. Mabait at matulungin kaya si Manong Nikolas. Yung bakuran ng ubas at durian ni Aling Sisa nandun parin, nagdagdagan nga ng puno ng mansanas at mangga. Diyan kami nagnanakaw ni Vera noong highschool din kami para pambaon sa paaralan. Kahit nakikita niya kami ay wala siyang sinasabi at hinahayaan niya lang kami. Ang sama namin 'no, pinagsasamantalahan namin ang kabaitan na meron siya. Binigyan rin namin siya ng pera ni Vera kagaya ng kay Mang Kolas. Natuwa siya syempre, akala niya nga hindi na raw namin siya naaalala. Haist. Ang dami talaga naming alaala sa probinsyang 'to. Nakakamiss din pala bumalik kahit papa'no.
" Pupunta nalang ako sa inyo mamaya, Kat. Uuwi muna ako sa'min, namimiss kona pamilya ko. Sabay tayong pupunta ng hospital mamaya." Tinanguan ko lang siya at dumeretso na sa katapat ng bahay nila, ang bahay namin.
Eto pala ang bahay niyo, Cha-Cha? Okay naman ah, kasya naman kayong lahat dyan diba?."
Binuksan ko ang gate namin na gawa sa kahoy at pinapasok ko siya." Oo, nagkakasya namin kami dyan kahit papa'no. Tara pasok ka sa loob."
Hindi naman nakalock ang bahay namin kaya nakapasok kami sa loob. Tahimik ang buong bahay kaya alam kong wala sila rito, nasa hospital pa siguro. Inaya ko siya sa kwarto ko at doon nalang din nilagay ang mga gamit niya. Wala kaming foam rito at naglalatag lang kami ng banig sa sahig kapag natutulog kami. Nahihiya tuloy ako na pinapasok ko siya dito.
" Pasensya kana Ri-Ri ah, ang panget ng kwarto ko dito. Alam mo namang mahirap lang kami dito mula nung lumawas ako, diba?."
Tumingin naman siya sa'kin at kumunot ang noo." Anong panget? Kagit gawa sa kahoy ang bahay niyo maganda itong tingnan dahil malinis at maaliwalas. Wala naman sa'kin kung maliit o kahit masikip ang bahay niyo basta ang mahalaga malinis, 'yun ang importante."
Nakafloorwax rin kase ang sahig namin kaya mapula at medyo madulas. Nilagay ko ng maayos sa malaking bayong ang mga ulam na binili ko galing Manila. Nag-grocery kase kami nung isang araw at pinadala nila sa'kin ang halos lahat para daw sa pamilya ko. Hindi naman ako nakatanggi kaya tinanggap ko nalang. Yung mga snacks nilagay ko sa malaking tupperware para hindi papyestahan ng mga langgam. Ang mga dala ko namang mga regalo ay nilagay ko sa kwarto ng mga kapatid ko. Nagsaing rin ako ng kanin gamit ang kahoy at nagluto ng ulam, ham lang naman at toccino na palaging niluluto ko sa mansion. Sigurado akong magugulat yung mga kapatid ko kung anong klaseng ulam 'yun dahil hindi pa sila nakakatikim nun kahit kailan.
" Cha-Cha, natext mo ba yung mga alaga mo na nakarating na tayo?." Nakabihis na ngayon si Ri-Ri ng short at tshirt.
" Hala! Hindi pa eh, nawala sa isip ko. Ikaw na ang magtext may ginagawa pa ako dito." Tiningnan ko yung sinaing ko at kumukulo pa naman kaya binalik ko ulit yung takip.
" Sige. Sa sala lang muna ako, hahanap ako ng signal para matawagan yung girlfriend ko." Tumango lang ako at hinain ang ulam na niluto ko. Pagkatapos naman ay binawasan ko ng apoy yung kanin dahil paluto na naman.
Nakalimutan ko palang sabihin sa mga kaibigan ko na umuwi muna ako ng probinsya dahil may importante ako aasikasuhin. Hindi kona rin kase 'yun naalala pa dahil sa dami ng iniisip ko. Inopen ko muna yung gc namin at bumungad sa'kin ang daming chats nila. Ang dami kong unread messages dahil hindi naman ako nag-online kahapon. Sad gurl, ate niyo!
'Kate! We na yu?!' - Jaimie
'Hindi ka pa ba gising? Hello?! 7:30 na oh!' - Aika
'Asa'n na kayo uy! Nasa jollibee na ako, kanina pa ako naghihintay dito tapos wala pa kayo' - Phillip
'Anak ng---Tol hindi sa jollibee yung pinag-usapan, sa starbucks tayo. Pfffttt' - Jeric
'Gago! Papicture kana rin sa bubuyog tapos profile mo with caption 'My happy pill' - Christophe
'Guys! I thought we're gonna celebrate at exactly 8:00 am? Katria wasn't here' - Aira
'I can fetch her on the mansion. The boys won't get mad, right?' - Shin
'She's not even replying to my texts'- Lucy
Agad akong nagtipa sa phone ko at sinabing hindi ako makakapunta. I send my explanation through voicemail because I'm tired to type words. Nagulat sila sa sinabi ko and at the same time nalungkot rin dahil hindi ako makakasama sa celebration nila. Humingi ako ng pasensya pero naintindihan naman daw nila ako dahil emergency raw. Balitaan ko nalang daw sila sa kalagayan ng Itay ko.
" Katria!." Agad kong pinagbuksan ng pinto si Vera." Sabi ni mama kailangan na raw nating magmadali sa hospital. Mukhang hindi pa raw nakakain ang Inay mo at wala ring sapat na tulog dahil sa pagbabantay sa mga Itay mo at pag-aasikaso sa mga kapatid mo." nag-aalala niyang sambit.
Nagmamadali naman kaming nagtungo sa hostpital ng baranggay namin. Hindi naman iyon ganun kalayo kaya agad kaming nakarating. Ang hospital namin dito ay kasinlaki lang ng clinic namin sa university. Hindi siya kalakihan dahil hindi naman kami mayayaman dito sa probinsya at walang nags-sponsor o nagd-donate man lang ng panggamot para sa mga pasyente. Kaya nga check-up lang ang tinatanggap ng doktor dito at kapag may nagkasakit tulad ng kidney o sa puso ay hindi nila tinatanggap. Bukod sa wala silang panggamot ay wala rin silang sapat na gamit at hindi rin sila propesyonal para gawin 'yun.
" Magandang araw po, nurse. Sa'n po dito ang kwarto ni Darwin Lyntheria?." tanong ko agad pagkapasok namin.
Binuklat niya ang isang folder at may binasa."Ahm... room no. 4 po maam."
" Sige, thank you."
Agad kaming dumeretso sa room na sinabi nung nurse. Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sa'kin ang mga kapatid kong nakaupo sa gilid habang matamlay na nakatingin kay Itay na nakaratay sa kama at walang malay. Nang mapatingin naman sila sa'kin ay agad na nagliwanag ang mata nila at tumakbo papunta sa'kin.
" Ate! Kanina kapa namin hinihintay, namimiss na kita."Agad sumampa sa'kin si Sasha at sumunod naman si Cyd. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit at hindi ko namalayang umiiyak narin pala ako. Ang sakit rin pala mahiwalay sa mga kapatid ko..... sa pamilya ko.
" Sorry kung natagalan si ate. Kumain na ba kayo?." Pinunasan ko ang mga luha nila nang kumalas sila sa pagkakayakap sa'kin.
" We haven't eaten breakfast. Pumunta si Inay sa kabilang bayan para bumili ng gamot ni Itay. We're left here to look after him." malungkot na sagot ni Cyd kaya pilit akong ngumiti at ginulo ang buhok niya.
Lumuhod naman si Ri-Ri sa tabi ko para pumantay sa kanila." Gusto niyo bang sumama kay kuya Derrick? Maraming pagkain sa bahay na dinala namin para sa inyo." Agad naman sila tumango kaya binuhat ni Ri-Ri si Sasha at hinawakan niya sa kamay si Cyd.
" Okay lang ba sa'yo, Ri-Ri?." Ngumiti naman siya at tumango kaya napabuntong hininga lang ako.
" 'Wag magpapasaway kay kuya, ha? Kumain kayo ng madami para bumalik ang lakas niyo."
Tumango naman silang dalawa."Opo ate."
Lumingon naman ako kay Vera nang makalabas na sila." Pwede bang samahan mo si Ri-Ri na bantayan ang mga kapatid ko? Baka kase hindi 'yun sanay."
Kumunot naman ang noo niya." Eh pa'no ka? Ikaw lang mag-isa rito?."
" Kaya ko ang sarili ko Vera. Babalik din naman si Inay mamaya at papauwiin ko rin siya para makakain at makapagpahinga. Ako muna ang magbabantay at mag-aalaga kay Itay." saad ko.
" Sige, pero magtext ka lang kung gusto monang umuwi, kami ni Derrick ang papalit dito."
" Hmmm. Salamat."
Sinara ko ang pinto at lumapit sa kama ng Itay ko. May dextrose na nakalagay sa kamay niya na konektado sa isang plastic ng tubig, 'yun lang. Diba dapat may makina na nakasuporta sa katawan niya dahil nahihirapan siya sa paghinga?! Oo nga pala, wala sila nun dito. Mukhang buo na talaga ang desisyon ko, ipapalipat kona si Itay sa Manila habang maaga pa. Hindi siya gagaling kung sa ganitong klase ng hospital siya mananatili.
" Itay, nandito na po ako. Ako po 'to si Kate, nakauwi na ang anak niyo." Umupo ako sa upuan at hinawakan ang kamay niya. Namamayat na siya at ang bagal na niyang huminga. " Kung naririnig niyo po ako ngayon, sana gumising na kayo. Namimiss kana ng mga kapatid ko Itay, si Inay rin nag-aalala na sa'yo, pati ako. Huwag po kayong mag-alala, ipapalipat ko kayo ng hospital para mas madali kayong gumaling." Akmang tatayo ako ng may humawak sa kamay ko kaya mabilis akong napalingon.
" A-Anak....'wag na.... H-Hindi narin naman.. ako magtatagal pa..."
Umupo ako ulit at hinawakan ang kamay niya." Itay, 'wag po kayong magsalita ng ganyan. Gagaling kayo, pangako 'yan. Manalig lang po tayo sa Diyos, magpahinga nalang po muna kayo." Napakagat ako sa labi ko dahil naaawa na talaga ako sa ama ko. Nahihirapan na siyang huminga pero pinilit niya paring magsalita, makausap lang ako.
" H-Hindi na.... kailangan anak... H-Hindi na k-kaya ng puso ko...." Nahihirapan na talaga siyang huminga kaya napatayo ako at natataranta na kung anong gagawin.
" Itay! Tatawag lang ako ng doktor, maghintay lang po kayo saglit." Gusto ko sanang umalis kaso hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Hindi ako makaalis at napaiyak nalang dahil sa sitwasyon niya ngayon. Masakit.... sobra. Yung makita siyang nahihirapan pero wala kang magawa.
" A-Anak.... alagaan mo ng mabuti ang mga... k-kapatid mo pati ang Inay niyo... M-Mahal na mahal ko kayo." Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa nun si Inay na may dalang gamot. Nagulat siya siya nakita at agad na lumapit sa'ming dalawa.
" Darwin! Anak, anong nangyari?." Hinawakan niya ang kamay ni Itay at tumabi sa'kin." Tumawag ka ng doktor anak, bilis."
" Doc! Tulungan niyo po kami! Yung ama ko hindi na makahinga!." sigaw ko sa labas ng pinto kaya nagmamadali ang doktor at pumasok sa kwarto.
" Anong nangyari."
" Hindi na po siya makahinga. Sinabihan ko siyang magpahinga lang at 'wag nang magsalita pero hindi siya nakinig. Doc! Please! Tulungan niyo kami." pagmamakaawa ko pero napabuntong hininga siya.
" Sinabi kona nung una pa lang na hindi namin kayang gumamot ng pasyenteng may malalang sakit. Base sa nalaman namin, may heart attack ang tatay niyo at hindi niya na kayang magtagal pa dahil unti unti nang nabubutas ang puso niya."
Napatakip ako sa bibig ko at hindi na napigilang humagulhol. Bakit.... w-wala akong alam sa nangyayari? Hindi ko lubos maisip na may ganung sakit ang Itay ko. Wala naman siguro kaming malaking kasalanan para pagbayarin kami ng ganito, diba?!
" Wala na po ba tayong ibang magagawa, doc? Sobrang bata pa po ng mga anak namin, hindi ko kakayanin kapag ako nalang mag-isa." Umiiyak narin si Inay kaya may dumoble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
" May alam ako, ipapatransfer ko sa Manila si Itay para doon ay magamot siya. Kumpleto lahat ng gamit nila dun at tiyak na gagaling si Itay." suhestiyon ko at pinahiran ang mga luha na patuloy paring umaagos mula sa mga mata ko.
Umiling ang doktor." Huli na kayo. Hindi na kinaya ng puso niya. Wala na siya... wala na ang ama mo."
Tuluyan na akong nanlumo sa narinig ko. Para akong nabingi sa sinabi niya at natulala nalang. Hinayaan kona lumabas ang mga luha ko dahil wala na akong lakas para punasan pa ito. Kung sana lang panaginip lang ito para pagmulat ko ay nandito pa si Itay sa tabi ko. Kahit sampalin ako ng ilang beses para ipamukha sa'kin na hindi ito totoo. Kase hindi ko kayang tanggapin eh. Ang taong palaging nagbibigay sa'kin ng lakas sa lahat, ang walang sawang sumusuporta sa'kin.... ay iniwan na ako. Wala na... wala na ang Itay ko.
--------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top