Chapter 22 - Activities
KATE CHANDRIA'S POV
Ilang araw ang lumipas at hindi pa ako nakakabalik sa university. Totoo talagang hindi ako pumasok ng mahigit tatlong araw dahil kailangan kong ipahinga ang siko ko. Wala ngang kaalam alam si Inay na nagkapasa ako dahil hindi ko naman sinabi sa kanya nung tumawag siya. Mag-aalala lang 'yun kaya hindi nalang. Kung tungkol sa issue naman, sabi ni Aika unti-unti na raw yung nawala. Baka kase hindi na ako nakikita ng mga estudyante roon dahil nga absent ako ng tatlong araw. Sabi pa nila na kinausap raw nung lima ang lahat ng estudyante roon, karamihan sa kanila ay nakinig pero si Stella daw, patuloy pa rin. Bahala na yung impaktang 'yun, may problema na ata sa pag-iisip.
Papasok na ako sa university dahil pang-apat na araw ko na ngayon kung hindi pa rin ako papasok. Gumaling naman na ang siko ko at nagagalaw ko na pero hindi pa pwedeng pwersahin. Kay Ri-Ri ako sumabay kanina dahil namimiss niya raw ako kaya pumayag nalang ako. Naka P.E ako ngayon kaya komportable ako na sumakay sa motor niya. Sobrang busy raw siya nitong mga nakaraang araw dahil ngayong week na ang prelim nilang mga engineering students.
May kakaunti akong bulungan na narinig pero hindi ko na lamang pinansin. Dumeretso agad ako sa building ko at sumakay ng elevator papunta sa room ko. Alam ng kambal na papasok na ako ngayon dahil wala atang araw na hindi nila ako kinukulit sa chat. Naglalakad pa lang ako papunta sa room ko ay rinig na rinig ko na agad ang ingay nila. Wala sigurong teacher kaya naging elementary na naman ang asta ng lahat.
" Uy Katria, okay ka na? Ang dami nating projects, kailangan mong humabol para hindi ka mapag-iwanan." bungad sa'kin ni Shin at ginulo ang buhok ko. Mabuti nalang at nakaponytail ako.
Ngumiti lang ako at tumango." Oo, medyo okay na. Nagsend yung kambal sa'kin ng copy kaya nakagawa ako. Iniwan ko nalang yung iba pero patapos na rin 'yun."
" Marami tayong activities ngayong araw, narinig ko lang. Makakasali ka ba, Kat?." Napalingon naman ako kay Jaimie na nagsusulat sa board ng notes. May ibinilin pala yung subject teacher namin na kokopyahin.
" Susubukan ko pero kung mahirap, mag-eexcuse lang siguro muna ako." sagot ko at tumungo sa upuan ko. Hindi pa nga ako nakakaupo ay inambahan agad ako ng yakap ng dalawa. Napapalo ako sa likuran nila dahil hindi na ako makahinga. May balak ata silang patayin ako, putek.
" How are you feeling?." tanong sa'kin ni Aira ng makaupo ako.
" Eto, okay na. Gumaling na ang mga sugat ko at nawala na rin yung bukol sa siko ko." Nilabas ko ang mga projects na natapos ko sa loob ng tatlong araw. Lima pa lang ito at iniwan ko yung tatlo dahil may kulang pa.
" Good to hear that. 'Wag na 'wag kana ulit lalapit sa babaeng 'yun. I heard that Daron scolded her that's why she stopped bullying stydents... but I know it's just permanent." sambit naman ni Aika.
Tumango nalang ako dahil wala naman na akong dapat pang sabihin. I don't want to thank Daron for what he did because I'm still pissed. Sa loob ng tatlong araw na hindi ako pumapasok ay iniiwasan ko siya at hindi niya rin naman ako kinakausap. Duh. Hindi na kami close ulit.
" Zup, Kat! Tapos kana pala sa Language and Literature Assessment." Turo ni Jeric sa isa ko pang project. Matagal ko 'tong natapos dahil sa sobrang hirap."Pwedeng pakopya? Ang hirap kase talaga eh!." Ngumuso siya kaya hinampas ko sa mukha niya ang project na tinutukoy niya.
" Gagi! Ba't teacher ang kinuha mong kurso kung mangongopya ka lang din." Napangiwi ako dahil kadiri siyang tingnan kapag ngumuso, parang pwet ng manok."Oh ayan na! 'Pag 'yan nalukot, lulukutin ko rin 'yang mukha mo. Makikita mo!." Agad naman siyang nagpasalamat sa'kin at bumalik sa upuan niya dala dala ang isang project ko.
Lumapit sa kanya yung iba ko pang mga kaklase, mga tropa niya sila Shin. Tawang tawa sila dahil kalalaki raw ni Jeric pero nangongopya sa babae. Ba't kase sa'kin pa siya nangopya eh matalino naman si Shin?!
" Guys! Tara daw sa gymnasium, nandun na si Mr. Rivera!." sigaw ng secretary namin, si Lucy.
Agad naman kaming nagsitayuan at dinala ang bag namin palabas. Nag-uunahan pa yung mga makukulit naming kaklase, pinagtitinginan tuloy kami ng taga-ibang section. Ang ingay kase nila eh. Si Shin naman chill lang, akala mo hindi siya yung President dahil hindi naman niya pinagsasabihan. Kami ata ang may pinakamalalang section dito sa building.
" Anong activity daw?." tanong ko. Hindi ko kase sila masyadong marinig dahil nagsiaigawan yung iba pa naming kaklase sa likod.
" Zumba daw, so it means we're going to dance." sagot ni Aira.
Hanodaw?! Sasayaw kami?! Hindi naman sa hindi ako marunong o ayoko pero hindi ba 'yun nakakahiya? Like, sa gymnasium kaya 'yun. Most of the students that occupies gymnasiums were the sophomores. Baka maihi lang ako kapag nanood sila sa'min. Kahit na hindi naman talaga ako ang titingnan nila. Chos!
" Twinny and I really loves dancing. It's our hobby eversince." Tumingin sa'kin si Aika habang naglalakad kami sa ground." Ikaw sis? Do you know how to dance?." tanong niya sa'kin.
Bumugsangot ang mukha ko nang akbayan ako ng dalawa." Yeah. But I'm not used to dance in public. I prefer singing than dancing." sagot ko.
Nakarating na kami sa gymnasium at halos magpasalamat ako sa lahat ng santo dahil walang katao-tao dito sa loob. Nakita namin si Mr. Rivera na nakaupo sa gitna ng gym. May sinabi si Christophe, yung treasurer namin na gugulatin niya raw si prof at titingnan daw namin kung mahuhulog ba siya. Kaso hindi natuloy kase napatawa ng sobrang lakas si Doreen, yung auditor namin kaya napalingon sa'min si prof at tinaasan kami ng kilay.
" What took you so long? You're 5 mins. late! All of you assemble in the middle." matigas na utos niya kaya agad naming nilapag ang mga bag namin sa mga bleachers. Impit pang tumatawa ang iba naming mga kaklase kaya nadala rin kami. Nyeta! Magt-teacher pa kami neto ehh wala na kaming respeto! Susginoo!
Na-divide kami into two groups, girls and boys. Ewan ko kung anong trip nitong si prof at sa unahan niya ako pinwesto. Magrereklamo pa sana ako kaso mukha naiinis ata siya kaya baka matadyakan niya ako kaya hindi nalang ako umangal. Ang unfair lang kase nasa gitna sina Aika at Aira kaso hindi lang sila pinagtabi. Sina Lucy at Jaimie ang nasa tabi ko kaya okay na siguro 'to. Bakit kase hindi nalang by height o kahit by surname nalang ang assemble na 'to. Hindi talaga ako makakasayaw ng maayos dahil maraming nakatingin sa'kin sa likod. Hiniling ko na sana may gustong makipagpalit na galing sa likod pero kung minamalas ka nga naman.... walang may gusto dahil kapag nagkamali raw sila eh takot mapagalitan ni prof kaya ayaw nilang magrepresenta.
" I wonder why he chose Zumba instead of other school activities. Don't tell me prof was a gay?!." biglang sambit ng isang kaklase ko sa likod kaya bigla akong napaubo. Ay shet. Nalintikan na!
" Yes, Ms. Lyntheria? Any problem?."
Umiling naman agad ako." No sir."
Palihim akong lumingon sa likuran ko at nalaman kong si Doreen pala yung nagsalita."Punyeta! Umayos nga kayo, mapapahamak tayo neto eh!." inis kong sabi sa kanila kaya napakagat sila sa labi nila para pigilang tumawa.
" Aish. Grabe. I couldn't catch up the steppings. Ang hirap tsaka ang bilis, mababali na ata ang buto ko." reklamo ni Lucy sa tabi ko. Napatawa nalang ako dahil maski ako ay nahihirapan din. Anong klaseng sayaw ba 'to?
" Gosh! My legs aren't elastic to split. Hindi ako marunong." saad naman ni Jaimie. Tama siya. May split ang zumba na 'to kaya takot kaming lahat na hindi alam kung pa'no. Except for the twins that enrolled in a dance entertainment, they know how to split. Yowo! Hindi naman kami nag-enroll ng dance lesson para matutong magsplit.
Hingal ng hingal kaming lahat na umupo sa bleachers para magpahinga saglit. May 20 mins. break lang kami bago ang susunod na activity, badminton. Si Mr. Rivera pa rin ang prof namin dun dahil siya ang naka-assign kapag P.E namin kaya siya ang kasama namin buong araw. Malapit nang maubos ang tubig ko sa tumbler dahil sa sobrang uhaw ko. Biruin niyo, isang maling kilos lang namin back to the top agad.
" Time is up. Let's go to the school ground." utos ni prof at naunang naglakad.
Pagod kaming tumayo at sumunod sa kanya. Ang sakit kaya ng mga kamay at paa ko kakastrech. Matagal tagal na rin kase akong hindi nakakapagsayaw. Tapos pinipilit pa kami ni prof na magsplit kahit hindi namin kaya. Mabuti nalang at tumunog yung bell senyales para sa susunod na activity. Mamamatay ata kami 'pag pinwersa namin ang sariling magsplit. Hindi na siguro babalik ang paa namin sa dati. And swerte nga nung boys kase ibang zumba yung sinasayaw nila at ang basic lang ng stepping. Nakakainis si prof eh, favoritism. Amp.
" What?! Prof naman, ang unfair naman nun." Nagpapadyak si Aika dahil ang makakalaban namin ay boys na naman. Dalawang representative sa boys at ganun rin sa girls. I agree to her. Mahirap kalabanin ang boys lalong lalo sa sports. Kakaiba ang physical strength nila kumpara sa'ming mga babae. Pero hindi ibig sabihin nun magpapatalo kami. Ha! Asa!
" Okay lang 'yan. Ngayon niyo ipakita ang galing niyo." pagmamayabang naman ni Jeric na ikinairap ni Aika. Bumulong pa siya na sana madapa si Jeric at nagulat nalang ako ng mangyari talaga. Seryoso? Mangkukulam ba ang isang 'to?!
" Ang lampa mo pare." natatawang sambit ni Shin at umiiling. Napatawa nalang din kami kase ang panget ng itsura niya, mukhang tae.
Tumayo si prof at pumunta sa gitna." The time is running, let's start. The first pair in boys would be Shin Harris and Christophe Cyndi. And from girls, Kate Chandria Lyntheria and Doreen Manilorre."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ko. Ba't ako? Kanina first line ako sa Zumba tapos ngayon first pair na naman sa badminton?! Anyare?!
" I heard that there would be an additional points if ever you participated in the activities." Agad naman ako tumayo ng sinabi 'yun ni Aira. Wala nang arte arte 'to, sasali na ako." But it also depends on your scores. Goodluck." Babalik sana ako dahil naalala kong hindi pala ako maalam sa badminton kaso nahila na ako ni Doreen sa gitna.
Pumito na si Jaimie habang si prof naman ang scorer para walang daya. Nagsimula na kaming maglaro at nasa amin ang serve dahil nag-insist si Shin na 'ladies first' daw. Naka limang puntos na kami habang anim naman ang sa kabilang grupo. Naghihiyawan ang mga kalase namin dahil nag-uunahan lang naman ang mga puntos namin. Kung sila ang mauuna ay makakahabol din kami at kapag kami naman ang mauuna ay makakahabol rin sila, ganun lang. Sa huli ay nagtie lang rin ang grupo namin at sa kabila.
Nagtatalo pa si Christophe at Doreen kase hindi raw dapat tie 'yun. Minsan kase naa-out yung bola kaya hindi counted eh binilang nila kung sino dapat yung may maraming puntos. Sabi ni Doreen kami daw yung panalo at hindi sila kasama. Pinaglayo namin silang dalawa ni Shin kase baka magkasapakan na sila sa inis.
" You're good in badminton, sis ah!." puri sa'kin ni Aika nang makabalik ako sa grupo namin at nagsquat sa damuhan kagaya nila.
" Hindi ah. Chamba lang 'yun." pagtanggi ko.
Pinanood namin yung susunod na maglalaro. Sina Aira at Lucy sa team namin habang si Phillip at Jeric naman sa kabila. Todo cheer kami sa grupo namin syempre, lalo na't si Aira din ang naglalaro. Binabash ni Aika si Jeric kase nga lampa siya at parang totoo naman. Hindi niya kase masalo ang mga tira ni Lucy sa kanya, langaw ata ang hinahampas niya at hindi yung bola.
Kaya ang ending, sa'min din napunta ang korona. Hindi naman nagreklamo ang kabilang grupo at tinawanan lang sila. Talaga namang nakakatawa silang panoorin, comedy ata ang pinapanood namin at hindi laro.
Nang magbell ulit ay agad kaming nagproceed sa susunod na activity. Volleyball raw kaya hindi ako nakasali at nanood nalang. Excuse nalang daw ako sabi ni prof dahil alam niyang kagagaling lang ng siko ko. Baka mabalian ako kapag nagserve ako ng bola. Kung anong rules ang sinimulan namin, 'yun din ang sinunod. Babae at lalaki pa rin ang magkakalaban. Sabi nila mas pabor raw sa'min 'yun kase mga babae kami, kadalasan kase sa mga kaklase naming lalaki hindi marunong magvolleyball.
Tawa lang kami ng tawa habang nanonood sa kanila. Kapag kase nasa grupo namin ang serve inaabangan agad ito ng kabilang grupo dahil kailangan may makasalo nito. Ang nakakatawa lang ay halos magpanic sila kung saan lalapag ang bola. Nababangga pa nga nila ang isa't isa dahil sa bola sila nakatingin at hindi sa tinatakbuhan nila. Pati si prof ay hindi na napigilang matawa. Yung grupo naman namin ay ganun din, sa sobrang lakas makaserve ng kabila ay nananakit ang kamay nila kapag nasalo ang bola, lalo na kapag si Jeric ang nags-serve ay pinapatamaan niya si Aika. May galit talaga ang dalawang 'yun sa isa't isa. Pero kahit ganun ang naging laro nila ay mataas ang additional score na nakuha nila. Nakakainggit nga lang kase hindi ako nakasali.
" Awng sharap talagwa nwang pwagkwain nila ditow." Napangiwi ako ng magsalita si Aika ng puno ang bibig niya. Kumakain kami dito sa cafeteria dahil kakatapos lang ng paglalaro nila ng volleyball. Mamaya pang ala una ang susunod naming activity kaya masusulit namin ang pagpapahinga.
Isang banquet ang inorder naming lahat. Nag-ambag ambag kami para sa isang table lang kami umupo. Maraming pagkain ang nasa mesa namin todo kain kaming lahat. Yung mga ibang estudyante nga ay napapatingin sa'min dahil sa ingay nila. Nagtataka rin siguro sila kung bakit nasa iisang table kaming lahat.
Nang matapos kaming kumain, naghiwalay kaming lahat dahil may kanya kanya kaming pupuntahan. As usual, I'm with the twins. Ang grupo ni Shin nasa school ground, magpapasikat na naman 'yun panigurado. Ang grupo naman ni Jaimie nasa classroom, magkakalat na naman 'yun panigurado. Yung ibang kaklase naming focus sa pag-aaral ehh nandun sa library. Kaming tatlo? Ewan. Naglalakad lakad lang kami kung saan saan, ang sakit pa naman ng paa ko. Ang sarap matulog ng ganitong oras.
" Look guys, the Helveryst Boys are on the ground." Mabilis akong napalingon ng sabihin 'yun ni Aira. Totoo nga. Naglalakad sila sa ilalim ng sikat ng araw kaya todo tili naman ang mga estudyante na nadadaanan kami. Kesyo ang hot raw nilang tingnan tapos cool daw. Psh. Wala naman akong nakitang ikakakilig nila. Naglalakad lang naman 'yan, pwera lang kay Shael na nagf-flying kiss sa mga babae. Yuck! Kaderder!
" I wonder what's the feeling of living with them." Kunot noo kong nilingon si Aika na mukhang nagpapantasya." Eh kung palit nalang tayo ng posisyon, Kat. Ako yung babysitter nila tapos ikaw naman ang kambal ni Aira." Wala sa sariling sambit niya.
Hinampas ko nalang siya para bumalik siya sa katinuan niya. Gaga! Kung ano anong iniisip. Akala niya siguro ganun lang kadali ang trabahong 'yun. Baka tumanda siya agad sa gagawin niya.
" 'Wag ka nang mangarap uy! Mahirap intindihin ang ugali ng limang 'yan, maliban nalang kay Akken dahil may respeto sa'kin ang isang 'yan. Kami yung pinakaclose sa kanilang lahat." Umiiling ako at hinatak silang dalawa papuntang covered court. Doon raw kase gaganapin ang unang activity namin ngayong hapon pero hindi pa sinabi sa'min ni prof kung ano.
Nauna na kami sa covered court at kami pa lang ang tao dun. Mas mabuti narin 'to para hindi kami ma-late. Pinagmamasdan lang namin ang paligid. Maraming bleachers ang nakapaligid sa buong court, dito raw kase ginaganap ang basketball kapag may laro. Sa unahan, may stage at sa gilid naman nito ay may dalawang table tennis. Malaki rin kase ang court na 'to kaya magkakasya kahit ano. Napalingon ako sa isang malaking basket sa gilid na puno ng bola, eto ata ang ginagamit nila sa basketball dahil may numbers. Busy naman yung dalawa na kinakalikot ang phone nila kaya hindi nila ako napansin. Kumuha ako ng isang bola sa basket at nagtry akong magdribble. Napalakas bigla ang pagkahampas ko kaya gumulong sa likuran ko. Nagulat ako ng makitang papasok ang grupo nila Shin at sa paa niya tumama ang bola. Napaigtad siya at napalingon sa pinanggagalingan ng bola, sa akin. Napa-peace signa lang ako at patakbong lumapit sa kanya.
" Sorry, nagpractice lang."
Pinulot niya ang bola sa sahig at binigay sa'kin." No, it's okay." Ngumiti siya at sumama sa mga kaibigan niya sa bleachers. Gwapo naman si Shin, gentleman din at saka mabait. Bagay sila ni Aira, maasar nga mamaya.
" Katria, marunong ka? Tara laro tayo." Bigla nalang akong hinila ni Christophe sa gitna at kinuha ang bola sa kamay ko. Napalingon ako kina Aika at Aira at pareho silang nakangisi sa'min. Alam ko na ang iniisip ng mga 'yun. Tsk.
" Hindi nga ako marunong magdribble, maglaro pa kaya?! 'Wag nalang ako ang ayain mo, si Doreen nalang. Marunong 'yun, promise." Tinapik ko siya sa balikat at saka tinuro ang kinaroroonan ni Doreen na kakapasok lang kasama ang mga barkada niya.
Biglang bumugsangot ang mukha ni Christophe." 'Wag na lang."
Napatawa nalang ako at nilapitan si Doreen sa kabilang bleachers."Uy Doreen! Marunong kang magbasketball?." tanong ko sa kanya.
" Oo, medyo. Bakit?."
Ngumisi naman ako." Gusto raw makipaglaro sa'yo si Christophe mamaya. Kung okay lang daw sa'yo."
Bigla naman siyang natigilan at umiwas ng tingin." S-sige."
Nilingon ko si Christophe at nakatingin din pala siya sa'min."Okay lang daw." sigaw ko sa kanya at nagthumbs up. Nanlaki pa ang mata niya at agad nag-iwas ng tingin. Takte! Nahiya pa ang loko.
" Wuy ano 'yun, ah?!." bungad sa'kin ni Aika ng makaupo ako sa tabi nila.
" Wala." Nilingon ko si Aira na nagmamasid lang sa paligid." Aira, bagay kayo ni Shin."
Halos lumuwa ang mata ni Aira na tumingin sa'kin." W-What?! Are you serious, Kat?."
Humagalpak naman kami ng tawa ni Aika dahil sa reaksyon niya."Wala lang, mukha kaseng match ang characteristics niyo. What's the problem? I think he's an ideal guy."
" Twinny has a suitor already, Kat. Baka hindi na 'yan ma-fall kay Shin." singit naman ni Aika kaya ako na naman ngayon ang nagulat.
" Since when? Mukhang wala ata kayong balak na sabihan ako."
Hinawakan kaagad ni Aira ang kamay ko. Mukha siyang tuta na napagalitan." It's not like that. You're not here for 3 days that's why I haven't tell you. Sa personal ko sana sasabihin pero nakalimutan ko." Nakanguso niyang paliwanag kaya umoo nalang ako dahil hindi ko kayang tiisin ang ka-cute-an niya.
" Anong pangalan niya?." tanong ko.
" De---." Hindi natuloy ang sasabihin ni Aika nang tinakpan si Aira ang bibig niya.
" Next time nalang, kung kami na." Humagikhik pa siya kaya napailing nalang ako.
Nagstart na ang activity namin at hindi nga ako nagkamali, basketball. Hindi na magkakalaban ang dalawang grupo kundi tuturuan ng mga lalake ang mga babaeng magbasketball. Syempre mukha akong tangang ngumingiti kapag nakikita ko si Christophe na tinuturuan si Doreen. Ako kase yung nagsabi kay prof na silang dalawa ang ipartner dahil marunong si Chris at medyo naman si Reen, para mag-improve ang skills nila. Si Aika, ayun nag-aalburuto na sa galit dahil sinadya ni prof na silang dalawa ni Jeric ang ipartner. Ewan ko kung anong trip niya pero mukhang mas masaya. Si Aira, si Phillip ang partner niya at okay lang naman sa kanya dahil wala naman siyang arte. Pero mas bet ko kung si Shin ang partner niya.
" Hey, why are you laughing? C'mon, I need to teach you so that we could get points." Napalingon kaagad ako kay Shin ng magsalita siya. Yes, he's my partner.
" Okay, sorry."
Tinuruan niya ako ng mga basic steps dahil nga baguhan pa lang ako. Tinuro niya sa'kin ang tamang pagdribble ng bola, pagdepensa para hindi maka-shoot ang kalaban, at pagshoot nito sa ring. Masasabi kong magaling talaga siyang maglaro. Ginawa ko rin ang mga tinuro niya pero tinatawanan niya lang ako kapag naagaw niya ang bola o kaya naman hindk ako makashoot kahit isa. Ang daya kase eh, amp.
" Ayoko na, Shin. Madaya ka eh, alam mo namang hindi ako marunong." pagsuko ko pero pinasa niya ulit sa'kin ang bola.
" Just try it, again."
Wala akong nagawa kundi magshoot ulit ng paulit-ulit. Muntik na talaga ako sumuko dahil ni isa hindi talaga ako nakascore. Kami na nga lang dalawa ni Shin ang naglalaro sa gitna at pinapanood lang kami ng mga kaklase namin dahil tapos na daw sila. Sabi niya magfocus raw ako para magawa ko ng tama at 'yun naman ang ginawa ko.
Napatalon ako ng makashoot ako ng isang beses. Sigaw sila ng sigaw dahil ang galing daw na tutor ni Shin. Pinalakpakan naman ako ni Shin at ginulo ang buhok ko. Grabe. Hindi ko talaga inexpect na magagawa ko 'yun.
" I told you. Pwede ka nang sumali sa basketball team kung gusto mo." pabiro niyang saad kaya pabiro ko siyang hinampas at napailing nalang.
" Mr. Rivera, will you mind if we'll use the court for our training?." Bigla kaming napalingon sa nagsalita, hindi ko man ito lingunin ay alam ko agad kung kanino ito galing.
" Sure, Mr. Shael. Besides, we're done in our activity. Let's go students, the Helverysts are going to use this court." Tumango lang kami sa sinabi ni prof at agad na akong lumapit sa kambal. Hindi ko nalang tiningnan yung lima dahil ayokong maissue na naman ulit. Ang tatalas pa naman ng paningin ng mga kaklase ko.
" Congrats! Bagay kayo."
Binatukan ko naman si Aika dahil sa lakas ng boses niya." Gagi! Pinagsasabi mo?!." Kinuha ko ang bag sa bleachers na inuupuan ko kanina. Tumawa naman silang dalawa na ikinairap ko.
" Mas bagay sina Christophe at Doreen." pagpaparinig ko kaya palihim akong siniko ni Doreen na nasa likod ko. Impit akong natawa dahil sa hindi maipintang reaksyon ni Christophe sa likod.
Ewan ko ba kung bakit sobrang indenial ng dalawang 'to. Halata namang may gusto sa isa't isa dinadaan pa sa pag-aaway. Kung ako siguro sa kanila aamin agad ako para wala na akong iniisip pa. Pinapahirapan lang nila ang sarili nila. Pero sabagay, habang hindi pa nangyayari 'yun, ako muna ang magiging tulay nilang dalawa. Tingnan natin kung aayaw pa ba sila.
" Kat, look oh. They were staring at you." Nilingon ko ang tinuturo ni Jaimie at agad akong napaiwas ng tingin ng kawayan ako ni Akken. Napahigpit ang pagkapit niya sa tshirt ko, nakita niya siguro yung ginawa ni Akken.
" Oh my gosh! Kinawayan ako ni Akken." Nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya inisip na ako 'yun. Mas mabuti na rin 'yun, para iwas gulo.
Mukhang sinasadya talaga ng tadhana na ipaiwan ako para iligpit ang mga bola. Gusto ko na talagang magreklamo dahil bakit ako pa? Dahil daw kaming dalawa ni Shin ang nahuli ay kami raw ang magligpit. Nakakahiya raw sa mga anak ng may-ari dito kung sila pa ang magliligpit sa kalat namin. At dahil dakilang mabait si Shin ay tinulungan niya akong magligpit. Kaasar naman!
" Hey." Napalingon kaming dalawa ni Shin ng tawagin kami ni Cohen."There's a ball over there. You might forget it." Napairap nalang ako sa sinabi niya. Nang-aasar na naman ang timawa. Bwisit.
" No, ako na. Just continue arranging it." Napangisi ako ng pulutin ni Shin ang tinuro ni Cohen. Akala niya lang ha! Nilabas ko ang dila ko para maasar siya kaya siya na naman ang napairap ngayon.
" Tara na, alis na tayo. Baka nakakaistorbo pa tayo dito." sambit ko habang nakatingin sa kanila. Akmang aalis sana kami ng magsalita si Shael.
" Do you guys have any relationship?." Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Magtatanong na nga lang walang kwenta pa.
" Uhm.... friends?." nag-aalangang sagot ni Shin. Hinila ko nalang siya palayo dun dahil baka ano pang tanungin nung mga 'yun.
" Bye, ate Kat! Galingan mo sa activities niyo!." Napalingon ulit ako ng biglang sumigaw si Akken, pati si Shin napatigil rin. Ngumiti lang ako at tumango bago kami tuluyang umalis dun. Nakasalubong pa namin paglabas ang mga sophomores na papasok sa covered court, kalaro ata nila sa basketball.
" You're really close with them, huh?."
Napalingon ako sa kanya at natawa nalang."Oo eh. Minsan."
Ang last naming activity ay soccer kaya nasa soccer field kami ngayon. Bumalik na naman ang dating rules na versus kaya nagreklamo na naman ang iba. Hindi ako marunong magsoccer dahil yung mga common sports lang ang alam ko. Sepak takraw siguro marunong pa ako, palaro kase 'yun dun sa probinsya namin at palagi akong representative. Nasa first group na naman ako kasama sina Doreen, Aika, at Jaimie. Nasa second group si Aira at mamaya pa ang laro nila. Sa kabila naman ay sina Shin, Christophe, Jeric, at Phillip. Nang pumito na si Lucy at nagstart na ang laro. Medyo mahirap 'to dahil masakit sa paa kapag nasobrahan sa sipa. Hindi pa masyadong nakakapasok ang bola sa goal dahil sobrang liksi ng kabila. Nababantayan agad nila ang mga galaw namin kaya minsan hindi kami nakakascore.
Sobrang tamlay ko ng makarating ako sa parking lot. Naghihintay na sa'kin si Ri-Ri dun dahil sa kanya ulit ako sasakay. Ganito na ang daily routine namin araw araw. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ang kotse nila Shael at Daron, eh wala naman sila dun. Hindi pa ba tapos ang training nila? Napatingin ako kay Ri-Ri na busy sa pagtitipa sa phone niya at ngingiti rin minsa. May saltik ba ang isang 'to?! Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumingin sa ginagawa niya pero agad siyang nakamalay at nilagay sa bulsa ang ohone niya. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil alam kong may tinatago siya sa'kin.
" Ano 'yan, ha?!." nakataas kilay kong tanong.
Umuwas naman siya ng tingin."Wala Cha-Cha, crush ko lang kachat ko."
Tinawanan ko naman siya sa reaksyon nila."Yiie, yung pinsan ko binata na. Sino ba 'yan? Baka gusto mong magpatulong?."
" Basta. Sa susunod ko na sasabihin kapag ready na ako." Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya at kinuha ang helmet sa motor niya.
" Tara na, pagod ako."
--------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top