Chapter 19 - The Trouble

KATE CHANDRIA'S POV

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng boses na nagmumula sa kabilang kwarto. Hindi ko nalang sana iyon papansinin kaso rinig na rinig ko talaga na parang may kaluskos ng kung ano. Wala naman sigurong baliw dito para mambulabog ng 3:30 ng madaling araw. Kainis. Alas 11:00 pa naman ako nakatulog kagabi dahil tinapos ko yung isang project ko kase ngayon na 'yun ipapasa. Inaantok pa talaga ako kaya kung sino man yang nag-iingay  ay hinaan man lang kahit konti. Hindi pa keri ng mata ko na bumukas at lumabas dahil maginaw pa. On kaya ang aircon dito magdamag, sa kwarto ko lang ang hindi.

Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin ako nakatulog. Kahit anong pikit ko sa mata ko ay hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Yung ingay naman ay parang tumigil na. Arhh. Ngayon pa tumigil kung kailan hindi na ako makatulog. Inis akong bumangon at dinampot ang jacket na nasa couch para pumunta sa kabilang kwarto. Sobrang tahimik pa ng buong mansion at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko pati na rin yung kaluskos sa kabilang kwarto.

Kumatok ako ng tatlong beses at ilang sandali lang ay bumungad ang nakabugsangot na mukha ni Cohen. Tumaas ang kilay niya ng makita niya ako at ganun rin ang ginawa ko sa kanya.

" What?!." inis niyang tanong.

" Anong ganap mo diyan sa kwarto mo? Ikaw ba yung kumakaluskos?." Sumilip ako ng konti sa kwarto niya at ang nakita ko lang ay ang nagkalat na mga sirang gadgets at automobiles sa sahig. Hindi na ako nakatingin pa dahil tinulak ako ni Cohen. Fishtea.

" Who cares? Bumalik ka na nga sa kwarto mo, ang aga aga panget na mukha ang nakikita ko." reklamo niya kaya pinameywangan ko siya.

" Aba! Dakilang laitero ka talaga. Kahit naman magka eyebags ako ng libo libo maganda pa rin ako. Yabang neto mukha namang tae." Nanlaki ang mata niya at akmang isasara sana ang pinto kaso tinulak ko siya kaya nakapasok ako.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang mga ginagawa niya. May mga papel sa study table niya at naka-on rin ang laptop niya na may research sa kung ano. Ewan ko, mukhang mahirap ata ang lesson niya. Di ko talaga magets dahil hindi naman Engineering ang kurso ko.

" Project mo?." Turo ko sa mga gamit niya na nasa sahig. Bumalik siya sa ginagawa niya at 'di nagtagal ay napahilamos sa mukha niya.

" Yeah. The deadline is on Monday and I haven't start any single step of it. It's so hard." sagot niya.

" Wala bang procedure kung anong dapat gawin?."

Kinuha niya ang papel sa gilid niya at binigay sa'kin. Binasa ko naman ito at naiintindihan ko ang iba.... hindi ko alam yung ibang words kase parang sila lang naman ang nakakaintindi neto. Basta ang alam ko ay sira ang LCD ng phone at dapat maayos ulit 'yun ni Cohen. May mga pisa naman siya at mga gamit kaya magagawa niya 'to.

" Kompleto naman ang mga gamit mo diba? Bakit hindi mo magawa? Hindi ko kase maintindihan ang ibang words na nakalagay dito. Mukhang topic niyo ata 'to." sambit ko at binalik sa kanya ang papel.

" Hmmm.... I even tried it three times but I couldn't. Sinunod ko naman ang nakalagay dito kaso tangina... ayaw talaga eh. Kaasar!." Tinadyakan niya ang sofa at mukhang sa may kahoy tumama ang paa niya kaya napatalon siya sa sakit.

Tanga lang ang peg?! Tarantado talaga ng isang 'to. Tsk.

" Wala namang nagagawa sa madalian lang. Syempre kailangan din ng sipag at tiyaga. Ulit ulitin mo lang tapos obserbahan mo kung ano yung mali. Sinasabi ko sayo magagawa mo 'yan." pagpapalakas ko ng loob niya.

" How could you say that? And why would I believe you?!." nakataas kilay niyang tanong.

Nakibit balikat lang ako at hinila ang paa niya para tingnan at may gasgas nga." Kase ganun naman talaga, natural lang naman na mahirapan ka. Syempre nasa college kana kaya expected na ang mahihirap na lesson. At saka ikaw ang pumili ng kurso na 'yan kaya problema mo na 'yan. Ang sa'kin lang, bawasan mo yang pagiging tarantado mo kapag hindi mo agad maintindihan ang isang bagay. Bahala ka, mas lalo kang mahihirapan kase hindi kalmado ang utak mo at hindi ka makakapag-isip ng maayos. Totoo ang sinasabi ko, mamatay man yung baka nila VeraMundo." Nilagyan ko ng alcohol ang bulak ng marinig ko ang mahinang tawa niya. Nang mapalingon naman ako sa kanya ay tumigil siya.

'Di nga? Tumawa talaga siya? Sayang di ko nakita. Psh.

" Akin na yang paa mo." utos ko pero tinago niya sa pajama ang sugat niya kaya sinamaan ko siya ng tingin." Akin na sabi, Cohen."

" No! Madadagdagan ang sakit kapag nilagyan ng alcohol."

Napairap naman ako." Malamang kase may sugat 'yan. Shunga ka talaga! Akin na nga yang paa mo, mukhang kang bakla." Sinamaan niya naman ako ng tingin at binigay ang paa niya. Pabebe pa ang timawa.

Nilagyan ko ng band aid ang sugat niya pagkatapos kong gamutin. Niligpit ko ang first aid kit sa cabinet niya kaya napadaan muna ako sa bookshelf niya. Nakita ko ang isang picture frame na may mukha ni Cohen at Precious. Nakangiti silang dalawa at nakasuot ng couple tshirt. Ewan ko kung saang lugar ito kinuha basta may mga building sa likod, mukhang five-star hotel ata.

Napaigtad ako ng biglang tinumba ni Cohen ang frame na tinitingnan ko. Nagulat naman ako ng tumingin siya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin at sakto namang napatingin ako sa alarm clock niya. Eh? 4:30 na pala. Ang bilis ng oras.

" Tapusin mo muna yang ginagawa mo, maliligo lang ako para magluluto nalang ako mamaya. Tandaan mo yung sinabi ko ah." pagc-change topic ko. Tumango naman siya kaya tuluyan na akong lumabas sa kwarto niya.

Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa totoo lang kinabahan talaga ako kanina nung bigla niyang tinumba yung frame. Galit ba siya? Mabuti nalang at hindi umandar ang pagkatarantado niya at hindi niya ako sinermonan. Jusko.

Bumalik nalang ako sa kwarto ko at niligpit ang higaan ko. Nakalimutan kong iligpit kanina nung lumabas ako. Pumasok ako sa cr at naligo, sobrang ginaw ng tubig dahil madaling araw palang. Aagahan ko nalang ang pagpunta sa university para dun nalang ako magpapahinga habang naghihintay sa teacher namin.

" Hindi ba masarap ang luto ko? Pasalamat nga kayo at hindi 'yan gulay eh." Matamlay silang napatingin sa'kin kaya kumunot ang noo ko." Para kayong mga ewan, anong oras ba kayo natulog kagabi?." dagdag ko pa at nagsimulang kumain.

" Mga 12 na ata ako nakatulog kagabi, ate. Ang dami kong researches sa Science namin at reporting na namin ngayon. Konti nga lang ang napractice ko, hayst." sambit ni Akken. Oras lang naman yung tinanong ko pero nag-explain na siya.

" Mga 11 na ako, nagreview kase ako sa lahat ng lesson namin simula sa una kase quiz namin ngayon. Shet lang! Nakakasakit sa ulo ang math lalo na't 70 items 'yun." saad naman ni Shael at napapikit pa. Katabi niya rin ang kwarto ni Cohen pero hindi man lang siya nagising sa ingay kanina. Samantalang ako kailangan pang dumaan sa kwarto ni Daron at Raizer bago kay Cohen pero rinig na rinig ko yung kaluskos. Inaantok nga talaga.

" I fall asleep at exactly 10:30 right after I finished writing my essay. It's my output and today is the deadline." sabi naman ni Raizer. Akala ko simpleng essay lang ang sinulat niya kaso output niya pala kaya umabot siya ng ilang oras sa paggawa. Pampataas siguro ng points.

" Around 9 na ako nakatulog pero nagising ako at 2:30 to do my project. Unfortunately I haven't start anything." singit naman ni Cohen. Alam ko na 'yan dahil nandun ako mismo kanina.

Sabay kaming napatingin kay Daron ng patuloy lang siya sa pagkain at hindi man lang kumikibo. Mukhang wala siyang balak na makisabay sa usapan namin. Sabagay, snobber siya at hindi niya ugaling makihalubilo sa iba.  Pero minsan hindi rin naman masamang magsalita. Baka mapagkamalan siyang pipi kapg ganoon.

" What?!." Irita siyang tumingin sa'min ng mapansing nakatingin pa kami sa kanya. Hindi ba siya aware na hinihintay namin ang sagot niya?!

" Anong oras ka natulog kagabi kuya? Mukhang hindi ka puyat ah!." tanong ni Akken. Siya lang naman ang makulit at tanong ng tanong.

" Past twelve in the midnight." tanging sagot niya.

Seryoso ba siya? Alas dose ng madaling araw? Eh hindi naman halatang pagod siya o inaantok. Wala namang nagbago sa itsura niya. Siguro ganoon talaga kapag mala diyos ang mukha. Yung mga kapatid niya ganun din naman pero halata sa expression nila na pagod sila pero siya, wala lang. Hindi rin naman nag-explain ang timawa kung bakit late na siya natulog kagabi. Tsk.

" It's not obvious that you're stress or tired. Did you put something on your face? Ke't ibulong mo lang sa'kin para hindi nila marinig. Ayokong ma-disappoint  ang mga fangirls ko, dude." nakabusangot na saad ni Shael.

Walang ibang iniisip kundi babae. Psh.

Inirapan siya ni Daron at pinunasan ang bibig niya." I didn't apply something on my face. Natural lang sa'kin 'to. Tsk. Focus on your studies and not on nonsense things." malamig niyang sagot at tumayo na.

Tinapos na rin namin ang kinakain namin pero si Shael ay nakasimangot pa rin. Oatmeal lang ang kinain ni Akken dahil wala raw siyang gana. Si Shael at Cohen naman sandwich lang din na may ham at cheese. Si Raizer at Daron ay cereal lang din ang kinain kaya ang resulta, ako lang ang kumain sa luto ko. Nilagay ko nalang sa ref yung natira para iinitin nalang mamayang gabi.
Napagdesisyunan kong pabaunan sila ng muffin na binake ko kanina dahil bored ako at maaga pa. Hindi naman nila alam na pababaunan ko sila kaya hindi ko rin alam kung tatanggapin ba nila. Bahala na, sayang naman kung mapupunta lang sa wala ang effort ko. Kumuha ako ng limang lunch box at nilagyan ng tagdalawang muffins bawat isa. Wala kase akong gagawin kanina kaya naisipan kong magbake nalang.

" Oh! Nagbake ako ng muffins kanina at naisipan kong ipabaon sa inyo. Hindi niyo pa naman kinain ang luto ko kanina." Agad tinaggap ni Akken at Shael ang binigay ko. Tiningnan nila ang laman at akmang kukuha sana ng pinitik ko ang kamay nila. Sinabi kong mamaya nalang sa school 'pag nagutom sila. Si Raizer kinuha naman yung sa kanya habang si Cohen naman ay nagdadalawang isip pa pero tinulak ko sa kaya ang lunch box niya kaya napilitan siyang tanggapin. Si Daron, parang wala lang pakialam. Hindi ko naman siya maapproach kase hindi naman kami close.

" Kuya oh! Lunch box mo. Sayang naman kung hindi mo kainin. Todo pa naman ang effort ni ate dito." Kinuha ni Akken ang lunch box niya at inabot sa kanya pero tiningnan niya lang ito.

" I'm not a kindergarten to use lunch box. I can also buy foods if I want." suplado niyang sagot.

Eto talaga ang pinakaiinisan ko sa kanya. Ang dami niyang arte, daig pa ang babae. Kung sabihin niya lang kaya ng diretso na ayaw niyang tanggapin ang ginawa ko. Dami pang satsat.

" Kung ayaw mo sa lunch box edi magplastic ka. At kung ayaw mo rin sa gawa ko edi 'wag. Akin na yan!." Hinablot ko kay Akken yung lunch box at nilagay sa ref. Kakainin ko nalang 'to pagkauwi ko.

Nagtext sa'kin si Ri-Ri na sasabay daw siya sa'min papuntang university. Motor ang gamit niya at hindi naman kalayuan ang bahay niya rito kaya alam kong darating na siya. Regalo daw ng papa niya yung motor bago ang pasukan. Bigatin na talaga sila. Nakatayo lang ako rito sa gate ng biglang may umakbay sa'kin bigla. Si Vera lang pala.

" Bad mood ka ata, Katria." Tiningnan niya ang mukha ko pero hindi ako tumingin sa kanya." May nakalimutan pala akong sabihin sa'yo kahapon. Ako yung nakacheck sa papel mo, yung sa quiz niyo kay Mrs. Dismal. Teacher niyo 'yun diba?." pagtanong niya.

" Oo eh. Hindi nga ako masyadong nakareview dun kase nakafocus ako sa isa ko pang assignment." walang gana kong sagot.

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong batukan kaya sinamaan ko siya ng tingin."Anong hindi masyado? Pinagloloko mo ba ako? Eh naperfect mo nga yung quiz niyo eh."

" There's nothing new about it, Vera. She doesn't care about her scores because she knew that she would pass it. Wether she reviewed or not." Alam ko namang hindi maiintindihan ni Vera ang sinabi ni Raizer kaya wala lang ako.

" Pa-humble rin kase 'yan minsan eh. Nakakairita." Gulat akong napatingin kay Vera sa sinabi niya." Oh anong mukha 'yan?." nakataas kilay niyang tanong.

" Anong ganap? Sinapian ka ba ngayon at nakakaintindi kana ng English. Wow! Congrats! Sana habang buhay na diyan sa katawan mo yang sumapi sa'yo."

Hinila niya ang buhok ko kaya napangiwi ako." Walangya ka talagang bruha ka! Sapi ka dyan. Tadyakan kita eh."

Pero masaya ako dahil nag-improve na si Vera nitong mga nakaraang araw. Nagmature ng konti ang ugali at pananalita niya, pati na rin pagkilos. Nawala sa isipan ko 'yun ng biglang huminto si Ri-Ri sa harap ko at tinaas ang salamin ng helmet niya.

" Goodmorning Cha-Cha." bati niya sa'kin.

Walang sabi-sabing pumunta ako sa likod niya at umangkas." Akin na yang isang helmet sa harap mo, susuotin ko." utos ko sa kanya.

" Ha? Ba't dito ka sa'kin sasakay? Mas ligtas kung sa kotse ka nalang kesa dito." gulat niyang saad.

" Aangal ka ba kung sayo ako sasakay? May tiwala naman ako sa pinsan ko kaya sige na." pagpupumilit ko pa pero umiling siya.

" Liliparin ng hangin yang skirt mo kapag umandar na tayo. Makikitaan ka." Napairap naman ako sa sinabi niya.

" Impyerno ang makikita nila." singit naman ni Cohen kaya nagsitawanan sila.

" Sampal, Cohen, gusto mo?." Akala ko ba okay na kami? Sabagay, ugali niya na naman 'yan.

" Here wear it." Napataas ang kilay ko ng inabutan ako ni Daron ng jacket niya. Palagi siyang may dalang jacket kapag pumapasok siya sa school dahil siguro maginaw. Naka-aircon kase lahat ng room dun, pati na rin yung sa'min pero palagi kong nakakalimutan na magdala ng jacket.

" No, thanks. Naka-short din naman ako." matigas kong sagot.

" Kahit na. Marami rin kayang mga manyak diyan sa tabi-tabi. Nakashort ka man o wala." sabi naman ni Ri-Ri kaya napaisip ako at bumaba nalang.

" Oo nga "no. 'Yun bang kagaya ba ni Shael ang tinutukoy mo? Sige sa kotse nalang ako." Akamang lalakad sana ako ni magsalita si Shael.

" Grabe ka, Kat ah! Porket close babaero ako manyak agad. Bawiin mo yung sinabi mo!." nakabugsangot niya sambit na ikinatawa niya. Tinap ko lang ang balikat niya at pumasok na sa kotse ni Daron at dun na natawa.

Ilang minuto na akong nakikinig sa teacher namin kaya bored na ako. Pinaglalaruan ko nalang ang ballpen ko habang tulala sa kawalan. Hindi ko bet ang subject na 'to. Naiintindihan ko naman at nakakasagot rin ako sa mga tanong kase nagt-take down notes ako pero minsan talaga hindi ako nakikinig lalo na kapag bored ako, kagaya nalang ngayon.

" Gosh! Kailan pa ba matatapos ang discussion na 'to?! Ang tagal naman magbell, I so hungry and I might eat you guys." wala sa sariling sambit ni Aika habang nakasandal ang ulo sa likuran ng upuan niya.

" 'Wag na, hindi ako masarap. Buto lang ang meron ako." walang gana kong sagot.

Si Aika ay tahimik lang dito sa tabi namin. Alam kong bored na rin siya dahil pinaglalaruan niya ang kamay niya at paminsan minsan ay bumubuntong hininga. Hindi lang naman kaming tatlo, lahat ng kaklase namin ganun din. Ewan ko ba kung nakakasense ba ang teacher namin na parang wala lang nakikinig sa kanya at patuloy lang sa pagtuturo.

" And that's all for today. You may take your lunch." pagtatapos niya.

Mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase ko dahil na rin siguro sa gutom. Meron pa nga akong naririnig na bulungan na akala daw niya ay hindi na matatapos pa ang klase. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko pati na rin ang kambal.

" Ms. Lyntheria." Napalingon kaagad ako kay Mrs. Dismal ng tawagin niya ang apelyido ko." Can you give this to Mrs. Salazar in the other building? I have to sign some documents so that I couldn't give it to her. She needed it right now. Here's the room number." Tinaggap ko ang librong binigay niya pati na rin ang room number.

" Do you know where is the Business Management building? It's not that far from here." tanong niya ulit kaya napatango ako.

" Yes maam."

Naghihintay na sa'kin ang kambal ng makalabas ako at napatingin sila sa bitbit ko." Ano 'yan?."

" Ano ang nakikita mo?." Napairap naman si Aika sa sagot ko. Sanay na kami sa ugali ng isa't isa. Mas komportable na nga ako sa kanila ngayon yun nga lang.... may mga sekreto pa akong hindi nasasabi sa kanila.

Napatawa naman si Aira." Is that a math book? I think it's for business students." Tama siya. Ang talino talaga ng isang 'to.

" As much as we want to accompany you, we're so hungry that's why we couldn't. Oorder ka nalang namin ng food. Okay lang ba?." nakangusong tanong ni Aika.

" Oo naman, sige ba. Kaya ko di naman 'to. Sige una na ako."

Naglalakad ako sa ground ng university dala dala yung libro at room number. Sinubukan kong ibuklat ang libro pero agad ko ring tiniklop dahil nakakasakit sa ulo ang mga numero. Kailangan kong hanapin yung building at pagkatapos ang room 5 para maibigay ko 'to. Nagdadalawang isip pa ako kung saan sa dalawang building na 'to ang BM building. Alangan naman papasukin ko yung isa para tingnan at kung wala ay dun na naman ako sa kabila, nagsasayang lang ako ng oras kapag ganoon. Gusto ko mang magtanong sa mga estudyante kaso baka hindi lang rin nila ako pansinin at mapahiya pa ako kaya 'wag nalang.

" Hala! Sorry po, I didn't mean to bump on you. May iniisip kase ako." Tinulungan akong tumayo nung babae ng masalampak ako sa sahig. Binigay niya rin sa'kin ang libro at room number na nahulog ko kanina.

" Hindi, okay lang. Hindi rin ako nakatingin sa dinadaanan ko." pagpapaumanhin ko. Napatingin ako sa kanya at napansin kong mukhang kaedad ko lang siya. Straight ang buhok niya hanggang dibdib at maganda rin ang mukha.

" Sure ka ba na you're okay? I can accompany you kung saan ka pupunta. Wala rin naman akong gagawin." nakangiti niyang sambit. May pagkaconyo siya at mukhang mabait naman.

Napatingin ako sa ID niya at nalaman kong BSID student pala siya." No need, I can go by myself. Thanks for the offer. Can I ask something?." Okay lang naman siguro kung tanungin ko siya kung saan ang BM building. May alam rin naman siguro siya dito.

" Yeah. What are you going to ask ba?."

" Do you know where is the Business Management building?." tanong ko. Baka kailangan na talaga ang librong 'to kaya kailangan kong magmadali, mapapagalitan pa ako 'pag nagkataon.

" Oo, I know. 'Yan oh, that building is what you're talking about. Are you going to give that book, ba?." tanong niya.

Tumango ako at ngumiti." Oo eh, sige una na ako. Thanks for the information. Bye." Kumaway ako sa kanya at ganun din siya sakin. Sumigaw pa siya ng 'no problem' kahit nasa malayo na ako.

Mabilis kong tinakbo ang building at pumasok. Mukhang nasa second floor ata ang room 5 kaya kailangan kong sumakay pa ng elevator. Nang makarating ako ay napasilip ako ng konti sa maliit na bintana sa pinto. May lalaking nagsusulat sa board habang ang teacher nila ay may sinusulat sa desk. Tahimik lang ang buong klase kaya nagdadalawang isip ako kung kailan ako papasok. Ah basta.... Bahala na si dora.

" Come in."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto kaya napunta sa'kin lahat ng atensyon, maliban nalang dun sa lalaking nags-solve sa board. Bumati muna ako bago pumasok at dumiretso sa teachers table.

" Excuse me, maam. Are you Mrs. Salazar?." paninigurado ko. Mahina lang ang boses ko at sakto lang na siya ang makarinig. Nakakahiya naman kung maabala ko pa yung mga estudyante niyang may ginagawa.

" Yes. Did Mrs. Dismal told you to give me that book?." Turo niya sa hawak ko kaya napatango ako.

" She can't give it personally for some reason that's why she asked me to. Am I late, maam?." magalang kong tanong.

Ngumiti naman siya at umiling."No, you're just in time. By the way, what's your name?."

" Kate Chandria Lyntheria, maam." sagot ko. Nagulat nalang ako ng biglang lumingon yung lalaki sa board at nanlaki ang mata ko ng makita siya. Mukha naman siyang nagulat pero hindi lang nagpahalata. Takte! Dito pala ang section ni Daron. What a coincidence!

" Thank you Ms. Lyntheria, you can go now." Ngumiti lang ako bago tumango at tatalikod sana ng makita ko sa Marie sa bandang gitnang row. Ang sama ng tingin niya sa'kin na para bang kakainin niya ako ng buhay. Pinagsawalang bahala ko nalang 'yun at lumabas na ng room dahil nagugutom na ako.

First subject namin sa afternoon class ng maihi ako. Eto na naman.... Hindi pa naman naging maganda ang resulta nung huli ako mag-excuse sa klase. Pero wala ako magagawa, nandito na 'to eh. Alangan naman tiisin ko baka magka-appendicitis pa ako.

" Psstt... iihi lang ako saglit." Muntik na maubo si Aika sa kinakain niya chichirya. Patago kase siyang kumakain dahil nagugutom raw siya eh hindi naman pwedeng kumain during classes hours.

" Yoc.. Sige na go!."

Nagpaalam ako sa teacher namin na magc-cr lang ako saglit. Pumayag naman siya kaya malaya akong nakalabas. Papasok na sana ako ng elevator para sana bumalik na sa room ng biglang may humablot sa braso ko. Nagulat naman ako ng makitang si Marie na naman 'yun. Ba't ba bigla bigla nalang siyang nagpapakita sa'kin na parang multo. Natatakot na ako sa babaeng 'to.

" Sa'n niyo ba ako dadalhin? Peste! May klase pa akong dapat pasukan." reklamo ko dahil hila hila niya ako papunta sa isang sulok. Mga ilang lakad galing sa elevator.

" What did I saw earlier? Bakit ka nakipagtitigan kay Dale?!." Diniin niya ang kuko niya sa braso ko kaya napadaing ako sa sakit. Mukhang nagkapasa na dahil sa ginawa niya.

" Lol! Hindi ako nakipagtitigan sa kanya, tumingin lang ako. At saka ano bang pake mo? Natural lang naman 'yun kase----."

" Kase girlfriend ka niya? Ha! Ang kapal naman ng mukha mong babae ka! Ako lang ang mahal niya kaya lumayo layo ka kay Daron kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo!."

Ay buang! Hindi ko naman sinabi 'yun ah. Totoo nga ang sinabi ni Shael na sobrang obsess ang babaeng 'to kay Daron. Kaso parang nasobrahan naman yata, pati pagtingin man lang hindi pwede? Eh malay ko bang siya 'yun.

" Sira ka ba?! Wala naman akong sinabing ganun. Sumobra naman yang ka O.A han mo!." Irap kong saad at hinablot ang kamay ko sa kanya. Mabuti nalang at walang tao dito kase oras ng klase, kundi magiging malaking gulo 'to sa lahat. Pero naiihi na talaga ako, jusme!

" What is mine is always mine. No one dares to touch my property." sabi niya pa.

" Property? Ano 'yun lupa? Teka nga, eto lang ba ang pinunta mo dito?! Am I that important for you to come here personally? Grabe na-touch ako sobra." Humawak pa ako sa dibdib ko na para bang masaya talaga ako kahit ang totoo ay gusto ko na siyang ihambalos sa sahig.

" Shut up! I will spread the issue about you and Daron. Sisiraan kita sa lahat para maraming magagalit sa'yo. You'll be my target so it's better if you'll pray for your life." Hindi ko maisip ko kung nagagalit ba siya o naiinis kaso mukhang magkahalo ata ang emosyon niya.

" Sisiraan? Hindi naman ako sikat para gawin mo 'yun. Everyone would think that you're so cheap if you'll do that. Lahat ng ginagawa mo ngayon ay walang kwenta, Stella. Simpleng bagay lang ay binibigyan mo ng maling kahulugan." matapang kong sagot. Hindi naman siya nagpatinag at ngumisi lang.

" Sorry not sorry. But I'll do everything to pull you down, lalo na ngayong alam ko nang scholar ka lang pala sa school na 'to. Biruin mo 'yun naging top 1 pa sa board exam ang isang basurang kagaya mo." panlalait niya pa.

Pagak akong natawa sa sinabi niya." Ano naman ngayon? Atleast ako utak ang pinapairal eh ikaw? Ganda at posisyon lang ang meron sa'yo kaya anong silbi ng pagiging estudyante mo? Tamang paganda lang at pasikat?!." Hindi na ako nakapagpigil dahil totoo naman. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinampal at tinulak kaya nasalampak ako sa sahig.

Lintik na babae 'to. Ang brutal!

'Hala! Look guys oh!'

'Si queen Stella 'yan diba? Sino naman yang babaeng inaway niya?'

'Tara na baka madamay pa tayo'

Napaayos ako ng tayo at napalingon sa bandang kaliwa. May mga estudyanteng nakatingin sa'min at hindi na nag-abalang pumasok sa elevator. Yung iba naman ay nagmamadaling umalis dahil siguro ay takot na madamay. Tapos na yata ang klase ngayong oras at may 30 mins. break pa bago ang sunod. Eto ang pinakaayaw ko sa lahat... ang makakuha ng atensyon.

" Tigilan mo na 'to, ano ba? Marami nang nakatingin sa'tin ohh. Wala na ba talagang hiya na natira dyan sa katawan mo?!." inis kong sambit sa kanya.

Natawa naman siya at lumapit saka pinadausdos ang kuko niya sa braso ko. Masakit pero tiniis ko nalang dahil marami nang nakatingin sa'min. Ako pa ang magiging masama sa paningin ng iba kapag nanlaban ako. Bwisit. Ayoko pa naman sa lahat ang nagpapaapi.

" Oh ano? Nasa'n na yung tapang mo kanina? I bet you're now embarrassed because students were watching us and you can't fight back. Poor you." malakas ang boses niya dahil alam kong nagpapasikat lang naman siya para marinig ng lahat ang sinasabi niya.

" I'm not an attention seeker like you to show my real atittude. Ang alam ko, nagpapasikat ka lang sa mga fans mo." Alam kong narinig ng iba ang sinabi ko kaya mas lumakas ang bulungan nila. Hindi naman 'yun malakas at sakto lang na marinig nitong kaharap ko pero ang talas ng pandinig nila.

" Okay, papalagpasin ulit kita sa ngayon. But be sure that you'll gonna show up after class at the garden. We're just going to.... talk." Binigyan niya ako ng isang demonyong ngiti bago naglakad paalis. Binulong niya lang 'yun sa'kin kaya nagtaka ang iba kung anong sinabi ng impokritang 'yun sa'kin.

Hindi naman na nagsalita ang iba at nagsialisan na rin. Sana makalimutan na nila ang nakita para wala nang gulo. Mabuti na lang at hindi kasama ng babaeng 'yun ang dalawang alalay niya kundi mas lalo pang lalala ang sitwasyon.

" OMG! Sis! What happen?!." Tumatakbo papunta sa'kin si Aika at kasunod niya naman si Aira. Siguro natapos na ang subject namin.

" It's just a misunderstanding." maikling sagot ko.

" We've heard that Stella bullied a girl near the elevator. Is it you?." Tumango ako sa tanong ni Aira. Wala naman na sigurong saysay kung magsinungaling pa ako sa kanila eh nangyari na naman.

" What the hell! Did she hurt you?." Itatago ko na sana ang kamay ko ng makuha ito ni Aika kaya nakita nila ang gasgas sa braso ko. Pulang pula ito pero atleast hindi dumugo.

" Hala! That girl is really a brat! Bakit ka ba niya inaway?." tanong ni Aira habang naglalakad kami papuntang clinic. Sinabi kong 'wag na silang mag-abala pero nagpumilit talaga sila kaya wala akong nagawa.

Ikinwento ko sa kanila ang buong nangyari kanina nung pumunta ako sa BM building. Bahala na kahit nasabi ko ang pangalan ni Daron. Hindi naman siguro nila kilala iyon at hindi rin sila magtatanong pero.....

" What? Si Daron? As in Dale Fyron Helveryst? Omo!."

Napakunot ang noo ko sa reaksyon ni Aika. Anak ng---Wala naman akong nababalitaan kay Daron sa mga kaklase at schoolmates ko kaya pa'no niya siya nakilala. Hindi naman siguro siya stalker ni Daron diba?

" He's the owner of this university. Actually lima sila kaso siya yung panganay kaya sa kanya nakapangalan ang university." sambit naman ni Aira.

Napanganga ako dahil hindi talaga ako makapaniwala. Nakalimutan kong sikat pala ang limang 'yun pero hindi ko naman inaakalang kilala agad siya ng dalawang 'to. Hindi naman siguro inannounce nung first day ah?

" Kilala niyo na pala siya." 'Yan nalang ang nasabi ko dahil parang may mas alam pa sila kesa sa'kin.

Nang matapos ang klase ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako sa garden o hindi. Hindi ko rin naman nabanggit 'yun sa dalawa dahil alam kong hindi sila papayag at baka madamay lang sila. Nag-guilty tuloy ako dahil ang dami ko nang hindi sinasabi sa kanila.

" Una na kami, sis ah. See yah tomorrow." nakangiting paalam sa'kin ni Aika at kumawat pa.

" Bye, Katria." sabi naman ni Aira kaya tumango lang ako at ngumiti.

Wala pa naman siguro silang lahat sa parking lot kaya pwede naman sigurong pumunta muna ako ng garden kahit saglit lang. Nang makarating ako ay nandun na silang tatlo at nakatalikod sa'kin kaya hindi nila agad ako napansin. May pinag-uusapan yata. Aalis na sana ako nang mapalingon sila sa'kin kaya nagtaka ako ng lumapit sa'kin sina Precious at Angel saka ako kinaladkad.

" Ano ba?! Kaya ko namang maglakad!." Tinulak nila ako sa damuhan kaya sinamaan nila ako ng tingin. May sinenyas si Stella sa kanila kaya tumango sila at may kinuha dun sa bag sa may bench. May dalang harina si Precious samantalang itlog naman ang kay Angel. Nalintikan na!

" Anong gagawin niyo sa'kin?! Marie ano 'to?! Akala ko ba mag-uusap lang tayo!." inis kong saad.

" Nagbago nang isip ko eh. Ang tagal mo kase dumating kaya nainip ako. Don't worry, I think students went home right now kaya wala nang makakakita sa itsura mo. Sinadya ko talagang ngayon kase alam kong mahihiya ka." sabay tawa niya pa.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi nalang akong pumunta. Pota.

" Do it girls."

Manlalaban sana ako kaso may dalawang lalake ang humawak sa magkabilang kamay ko kaya hindi ako makagalaw. Saan galing ang mga 'to?! Wala naman sila kanina ah!

Binuksan ni Precious yung harina at hinagis sa'kin kaya napapikit ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. Blur na rin ang mata ko dahil sa harina kaso hindi pa nga ako nakakarecover ay itlog naman ang binuhos sa'kin. Feel ko sobrang lagkit ko na at nakakadiri na akong tingnan.

Bigla nalang may sumampal sa'kin tapos may narinig akong tawanan. Alam kong si biskwit ang gumawa nun. Gusto ko mang gumanti pero nakahawak pa rin yung dalawang lalake sa'kin kaya nagpumiglas ako.

" Hayaan niyo na 'yan. Serves her right. Bitch."

Nakayuko akong naglalakad bitbit ang bag ko patungong parking lot. Wala akong pakialam kung may makakita man sa'kin na ganito, hindi rin naman kita ang mukha ko. Ang pinag-aalala ko lang ay kung ano ang magiging reaksyon nila 'pag nakita nila akong ganito.

" CHA-CHA!." Nag-angat ako ng tingin ng biglang sumigaw si Ri-Ri. Gulat na napatingin silang lahat sa'kin pero mas tinuon ko ang atensyon ko kay Ri-Ri.

" Pwedeng bukas nalang, Ri-Ri? Pagod ako eh. Sorry." mahina kong sagot.

" Anong nangyari sa'yo, Kat? Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa niyan?." Nilagpasan ko lang si Vera ng lumapit siya sa'kin at lumapit kina Daron na halatang gulat pa rin hanggang ngayon dahil sa itsura ko.

" Magc-commute na lang ako. Madudumihan yang kotse mo kapag sumakay ako." Lalagpasan ko rin sana sila nang may biglang humatak sa'kin.

" Get inside."

" Sina----."

" I said get inside." Hindi nagtaas ng boses si Daron pero bakas ang awtoridad sa boses niya kaya natakot ako at pumasok nalang."You'll explain everything when we get home." dagdag niya pa.

Ewan ko pero bigla nalang akong kinabahan. Hindi naman siguro siya galit diba? Baka alam niyang nabully ako kaya ako ganito. Eh ano naman ngayon?!




---------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top