Chapter 18 - The Bullies
KATE CHANDRIA'S POV
Matamlay akong umupo sa upuan ko ng makarating ako sa room ko. Nilagay ko sa lamesa ko ang dalawang projects na natapos ko kagabi. Siguro mga lima o anim na oras lang ang tulog ko dahil pinagpuyatan ko talaga para may matapos ako. 'Yun nga lang, ang laki ng eyebags ko. Sinakal nga ako kanina ni Cohen dahil akala niya magnanakaw ako kase nga nag iba ang itsura ko. Bwisit na 'yun.
Umub-ob ako sa desk ko dahil wala pa naman ang teacher namin. Mga 30 mins. pa bago yun dumating pero inagahan ko lang ang pagpunta para hindi na naman maulit ang nangyari kahapon. Atleast madagdagan ang tulog ko. Akmang iidlip sana ako ng may biglang kumalabit sa'kin. Hindi ko sana iyon papansinin kaso may umaalog sa balikat ko kaya agad akong napaangat ng tingin.
" Oh my gosh! What happen to your face, Katria? You look like a zombie." gulat na sambit ni Aika.
Napaayos naman ako ng upo at inikot ang mga balikat ko." Ginawa ko kase yung project ko kagabi. Eto oh, dalawa nga lang ang natapos ko." Pinakita ko sa kanila ang gawa ko.
" Geez. You're really good. Nakatapos ka agad ng dalawa sa isang gabi lang. Kaso lang, ang laki ng eyebags mo." komento naman ni Aira.
Umupo silang dalawa sa tabi ko. " Oo nga. We have a lot of time to do that. Sana hindi mo sinagad. Hello? Tuesday pa ngayon sis. Excited ka masyado."
" Mas mabuti narin yung maaga, Aika. May natapos din naman ako, eh kayo?." tanong ko sa kanila.
" Isa pa ang natapos namin ni twinny. But first, I'm going to put a concealer to your eyes so that your eyebags would be hiden on your face." sabi naman ni Aira at may kinuha sa bag niya.
Conce---Ano? Kakasabi niya lang pero nakalimutan ko agad. Inaantok na kase talaga ako kaya hindi na magfunction ng maayos ang utak ko. Aish. Naramdaman kong may nilagay si Aira sa ibaba ng mata ko at maginaw ito. Hinayaan ko nalang siya dahil magaan naman sa pakiramdam.
" 'Yan na, hindi na halata ang eyebags mo sis. But be sure na hindi ka makatulog sa first subject natin. You know who's our teacher and he might rip your neck." paalala pa ni Aira.
Akala ko pa naman mahinhin siya. Grabr naman siya manakot.
" Don't scare her twinny." singit naman ni Aika." But I think she's right, Kat. Mukhang kailangan mong tiisin yang antok mo kundi lagot ka sa teacher nating kalbo."
Inaantok sana ako kaso napatawa nalang sa sinabi niya. Akala ko ako lang yung nanglalait ng kalbo dun sa teacher namin, pati rin pala siya.
" 'Pag kayo narinig nun, baka pati rin kayo kalbuhin." mahina kong sambit kasabay ng pagpasok ng pinag-uusapan namin.
Si Mr. Kalbo......
Nasa kalagitnaan siya ng pagtuturo ng bigla akong nakaramdam ng ihi. May 20 mins. pa bago matapos ang subject niya. Alangan naman hintayin ko pa bago ako umihi.
Magkaka-appendicitis ata ako 'pag nagkataon.
" Guys, gusto kong mag-cr. Labas muna ako." bulong ko sa dalawa.
" Sige sis. Ipagdadasal ko na sana hindi magalit si kalbo." Hinampas ko ng mahina si Aika dahil bigla akong natawa sa sinabi niya. Baka maihi ako dito ng wala sa oras.
" Ibuka mo ang bibig mo, iihi ako." saad ko.
" Yocs. Kadiri ka sis." nakangiwi niyang sagot na ikinatawa ni Aira.
" Girls at the back. What was the commotion all about?!." Napaigtad kaming tatlo ng biglang sumigaw ang professor naming kalbo.
Ay shet na malagket...
Natigilan din ang mga kaklase namin at lumingon sa'ming tatlo. Lintik. Center of Distraction na kaming tatlo ngayon. Nakakainis naman oh! Ngayon pa na hindi ko na talaga mapigilan ang ihi ko.
" Are you girls listening to me?." matigas niyang tanong.
" We're so sorry about that sir. You can punish us if you want but can I go to the restroom first?." tanong ko. Nakahawak ang kamay ko sa puson ko dahil anytime maiihi na ako.
Matagal tagal pa bago siya sumagot pero sa huli ay pumayag din naman siya, pinapatagal pa. Agaran naman akong tumakbo palabas at rinig ko ang tawa ng buong kaklase ko. Langya! Nakakahiya!
Nasa baba pa ang cr kaya kailangan kong aumakay muna ng elevator. Kung maghahagdan ako eh baka hindi ko na mapigilan kase tatakbo ako pero kung mage-elevator din ako ilang minuto pa ang hihintayin ko sa loob bago bumukas. Nakakainis naman. Ba't ba kase nasa baba pa yung cr. Wala tuloy akong ibang choice kundi mag elevator nalang.
Nagpapasalamat ako dahil walang ibang tao dito sa cr kundi ako lang. Nang matapos ako ay naghugas muna ako ng kamay at naglagay ng sanitizer sa kamay. Mabuti nalang may display dito na pwedeng gumamit ang kung sino. Papalabas sana ako ng biglang bumukas ang pinto kaya napatalon ako sa gulat. Bumungad sa'kin ang pamilyar na mukha na siyang ikinatigil ko.
" Wait... I think I've seen you somewhere." sabi niya at inilagay ang kamay sa ibaba ng labi niya na para bang nag-iisip.
" Sorry. I don't know you." kalmado kong sagot at nilagpasan sila.
Mabilis akong naglakad sa corridor dahil baka maabutan nila ako at nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi sila nakasunod sa'kin. Bakit ba palagi nalang kaming nagkikita? Coincidence ba 'to?
" Hey, where are you going?."
Napatigil ako sa paglakad ng marinig ko ulit ang boses na 'yun. Letseng Marie naman oh! Ba't hindi nalang siya maging biskwit.
" I have classes to attend so If you'll excuse me, I gotta go." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad na naglakad papunta sa elevator. Nang makapasok ako ay agad kong pinindot ang floor ng room ko at nagtagumpay naman ako. 'Yun nga lang, nagsilabasan na ang mga kaklase ko. T-Takte!
" Sis!." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Aika." What took you so long? Ilang balde ba ang ihi mo?."
Hinampas ko siya ng mahina sa balikat at kinuha ang bag ko na iniabot ni Aira sa'kin."May nakasalubong lang ako kaya medyo natagalan ako. Tara na sa next subject na'tin." sagot ko.
Ayaw kong sabihin sa kanilang nakasalubong ko si Marie kase unang una, hindi naman nila kilala ang babaeng 'yun. At saka marami nang tanong 'pag nagsimula na akong magkwento. Masabi ko pa ang mga sekreto ko.
" We're going to go to Mr. Rivera's office before going home. Sasabihin niya ang punishment natin." malungkot na sambit ni Aira."I wonder what would be our punishment." dagdag niya pa.
" Sus! Hindi 'yan mahirap. Sanay naman na ako sa kahit anong gawain. ' Wag kayong mag-alala akong bahala sa inyo." pagpapalakas ko ng loob nila.
Pumasok na kami sa next subject namin. 'Yung ibang mga kaklase namin sa unang subject hindi na namin kaklase. Magkakaiba kase ang mga kablock namin every subject kaya minsan nalilito ako sa mga kaklase ko. Mabuti nalang at kaklase ko pa ang kambal ngayon at after lunch pa kami magkakahiwalay.
Lunch time na kaya dumagsa na naman ang napakaraming estudyante sa cafeteria. Halos napuno na ang mga table kaya nagmadali agad kaming maghanap ng bakante. Ako ang iniwan nila para bantayan ang table namin habang sila naman ang oorder ng pagkain namin. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinapa ko agad ito sa bulsa ko at binasa ang text.
From : Ri-Ri
Nasa cafeteria ka ba ngayon, Cha-Cha? Kukunin ko sana yung libro ko, dala mo ba?
To : Cha-Cha
'Yung libro ni sa Science? Teka..... Binuksan ko ang bag ko at hinanap sa bag ko pero wala. Paktay! Naiwan ko pala sa locker. Aish.
From : Cha-Cha
Naiwan ko sa locker ko eh. Sorry Ri-Ri. Magkita nalang tayo sa lockers room ng BSED building
To : Ri-Ri
Pagkalagay ko ng phone ko sa bulsa ng skirt ko ay dumating yung kambal dala dala ng isang tray ng pagkain. Nagdadalawang isip pa ako kung kakain ba muna ako o pupunta na ako sa locker ko para kunin yung libro ni Ri-Ri. Baka papunta na siya dun at nagmamadali kase kailangan niya na yung libro niya.
" Is something wrong with your food?." Napalingon ako bigla kay Aira ng magtanong siya.
" Nothing. You guys should eat first. I have to go to the lockers room. May kukunin lang ako." nagmamadali kong saad at kinuha ang susi ng locker sa bag ko."Pakibantayan babalik ako agad. Thanks."
Mabilis akong tumakbo papunta sa lockers room. Walang gamit na elevator, bahala na. Nang makarating ako ay hindi nga ako nagkamali, nandun na si Ri-Ri. Agad naman ako lumapit sa kanya kaya napatingin rin siya sa'kin.
" Cha-Cha, ba't ka tumakbo? May humahabol ba sa'yo?." kunot noo niyang tanong.
" Tangek. Wala. Baka kase nagmamadali ka kaya tumakbo nalang ako. I didn't know that you're going to get your book this lunch time." sagot ko at binuksan ang locker ko gamit ang susi.
" Hindi okay lang. Kakarating ko lang din naman at saka after lunch ko pa gagamitin yang libro. Kinuha ko lang kase baka busy kana mamaya. Teka, kumain kana ba?."
Umiling ako at binigay sa kanya ang libro."Actually, kakain pa. Ikaw kumain kana?."
" Ngayon pa lang ako kakain pagbalik kasama yung mga kablockmates ko. Hinihintay na ako ng mga 'yun kaya mauna na ako. Sorry sa istorbo, kain kana pagbalik mo." sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Gagantihan ko sana siya kaso nakatakbo na ang loko. Argh. Palagi niya nalang ginugulo ang buhok ko kapag nagkikita kami. Gusto ko mang tumakbo pabalik ay wala na akong lakas kase hindi pa ako nakakain kaya maglalakad nalang ako. Isang oras din naman ang lunch time namin kaya okay lang.
" 'Wag please maawa kayo sa'kin. Hindi pa ako kumakain kaya pakibalik na ang baon ko."
Natigilan ako ng may marinig akong impit na umiiyak sa sulok ng isang silid. Pagkabasa ko sa taas ay janitors room pala. Nang sumilip ako ng konti ay wala namang tao kaya biglang tumindig ang mga balahibo ko. Gad. May multo ba dito?
" So what? Ano naman sa'min kung hindi kapa nakakakain ng lunch mo? Diba inutusan ka naming bumili ng chocolate chip? Where is it?."
Napaigtad ako ng may biglang nahulog dun sa loob. Ewan ko pero may hinagis ata yung babaeng nagsalita. Hindi ko naman makita kase malaki rin 'tong janitors room kaya hindi ko alam kung saang sulok nagmumula ang ingay.
" Wala naman po kayong perang binigay sa'kin." rinig kong sagot nung umiiyak na babae.
Dahan dahan akong pumasok at pinakinggang mabuti ang boses nila. Nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa sahig at gulo gulo ang buhok niya. Nagkalat rin ang sandwich at spaghetti sa tabi niya na sa tingin ko ay baon niya. Kumunot ang noo ko ng makita si Marie sa harap niya na nakangise kasama ang dalawang alalay niya.
So sila pala ang may gawa nito? Grabe! Mga walang awa talaga. Nagmamaganda lang naman at akala mo sila ang reyna.
" This is a private school, you know? How did you get here without money? Oh... I forgot you're a scholar lang pala. So cheap.." Tinadyakan ni Marie yung babae sa tiyan kaya namilipit ito sa sakit. Nakaheels kase amputa.
Niyukom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko. How could she do that to an innocent girl?! Ehh kung ipalunok ko sa kanya yang heels niya. Bwisit.
" Alam ko kung anong bagay sa'yo?." sabi naman nung isang babaeng kasama ni Marie." Eto.... You look like a trash kase eh." Hinila niya yung buhok ng babae at saka nginudngod sa spaghetti na nagkalat sa sahig.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinulak ko yung impaktang babae kaya nasalampak siya sa sahig. Hinawakan ko yung kawawang babae dahil nanghihina na siya at malapit nang mawalan ng malay. Sinamaan ko ng tingin yung tatlo at ganun din ang ginawa nila sa'kin.
" Sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam dito?." singhal sa'kin nung babaeng natulak ko.
" Bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko? At anong pakialam niyo kung mangialam ako?." nakataas kilay kong tanong sa kanya.
" Aba! Matapang ka ah. Kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo?." sabi naman nung isa.
" Alien... galing sa Mars." walang gana kong sagot.
" Ali----what? Are you messing up with us? You don't have the right to talk to us like that." singit naman ni Marie.
" Alam mo biskwit, salita lang 'yan. Hindi ka naman masusugatan ahlh. 'Wag kang maarte kase di naman bagay sa'yo." irap kong sambit. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Ewan ko kung naalala niya na ako o hindi.
Eh ano naman ngayon? Wala akong pakialam.
" I remember you. Ikaw yung girl sa bahay nila Daron. You said that you're his girlfriend, right?." Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Lumapit siya ng dahan dahan sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
" You know her, Stella? Nagkita na pala kayo?!." tanong nung nasalampak sa sahig kanina.
Like duh? Ilang beses na kaya kaming nagkasalubong pero hindi lang nila napansin. Ang tanga kase. Teka, ano nga bang pangalan ng mga 'to?!
" Yes, Precious. I've already met her in your ex boyfriend's house. Could you imagine how social climber she was?." sagot naman ni Marie dun sa kaibigan niya.
Pero ano daw?! P-Precious? Siya ba yung babaeng pinag-awayan nila Shawn at Colt? Yung ex ni Colt? As in? I thought that Precious is pretty and gorgeous, pero siya? Jusko! Ba't mukhang tae?!
" Eww. At sa tingin mo maniniwala kami sa'yo? Sino ka naman sa tingin mo." Tiningnan ako nung isang babae mula ulo hanggang paa." Ang panget mo pa manamit, panget ka pa. I felt so pity for you. Magsama kayong dalawa ng basurang 'yan." sabay turo niya dun sa babaeng tinulungan ko.
" Hayaan mo muna siyang makipag-usap sa kapwa niya low class, Angel." rinig kong saad ni Marie.
Hindi ko na siya sinagot pa at binalikan yung babae saka tinulungang tumayo." May extra ka bang damit dun sa locker mo?." tanong ko sa kanya habang tinutulungan siyang pulutin ang mga gamit niya sa sahig.
" Meron naman. Thank you ah, hindi mo naman ako kailangang tulungan." sagot niya.
" Basta. Etong pera oh kumain ka muna sa cafeteria bago ka pumasok. Kahit 'wag ka muna pumasok sa subject mo ngayon basta kumain ka. Ikaw na bahalang magrason sa teacher mo." Mahina ko siyang tinulak paalis pagkabigay ko sa kanya ng isang libo. Bahala na siya kung anong bilhin niya.
" P-Pano ka?." tanong niya.
" 'Wag kang mag-alala, makakalabas pa naman ako dito ng buhay kaya umalis kana." Nag-thumbs up naman ako sa kanya senyales na okay lang ako kaya tumango siya at dali daling umalis.
" Really? One thousand? At ano namang mabibili niya sa perang 'yun? Dog food?." Humagalpak sila ng tawa sa sinabi ni Marie.
May saltik ata 'tong mga 'to. Ano bang nakakatawa dun?!
" They can't afford expensive foods kase eh kaya dun nalang sila sa mga mumurahin. You know, you don't belong here because this school was just for wealthy people like us. And you're not like one of us." dagdag pa ni Angel.
" Ba't hindi ka nalang sa public school mag-aral?!." Dinuro duro pa ako ni Precious na nasa harap ko na.
" Eh ikaw? Bakit hindi mo muna pakialaman yang sarili mo bago ka mangialam sa iba? Tingnan mo yang ilong mo, nakadapa oh. Mukhang nahiya ata sa kagandahan ko." nakataas kilay kong sagot na ikinanganga niya.
Taray ng taray wala namang maibubuga. Ha!
" Saang banda ka ba maganda? Sa pwet?." Lumapit naman si Angel sa'kin.
" Syempre sa mukha, sa'n pa ba? Kesa naman sa'yo, Angel nga pero demonyo naman ang mukha. Magsimba ka kaya, baka sakaling bumagay naman yang pangalan mo sa ugali mo." sagot ko naman sa kanya.
" Enough of that." Tinulak ako ni Marie kaya napaatras ako ng konti." How dare you? My mom is one of the stockholder of this school so don't you dare to mess up with me or else you'll be dead." galit niyang sabi.
Huminga ako ng malalim. Gusto ko man siyang sagutin kaso baka magsumbong ang echoserang 'to sa mama niya kaya 'wag nalang. Kahit na hindi siya ang may-ari ng school na'to kailangan ko pa ring mag-ingat. Mahirap na dahil scholar lang naman ako dito. Pipigilan ko nalang muna ang sarili ko ngayon.
" Hindi ko kayo isusumbong sa ginawa niyo dun sa estudyanteng 'yun. Papalagpasin ko ang araw na 'to pero kapag naulit pa 'to, pasensya nalang." kalmado kong sagot.
" Tsk. As if I'm afraid. You can tell the principal right now, I wouldn't stop you. Besides, alam ko namang walang maniniwala sa ordinaryong babaeng katulad mo." nakangising sambit niya.
Napairap naman ako." Weh? Dahil ba sa tingin mo p-protektahan ka ng mama mo? Hindi mo ba naaalalang baka magsumbong ang babaeng binully niyo?!."
" Ha! She wouldn't do that. That girl was afraid of us and we're surely sure that she'll going to keep it as a secret, so as you. Pwede namang tumahimik ka nalang ah. Siguro naman hindi 'yun mahirap gawin sa'yo." singit naman ni Precious.
" Hindi. Pero hindi ibig sabihin nun tatahimik lang din ako. Estudyante lang din naman siya dito gaya niyo kaya bakit pinag-iinitan niyo siya? Dahil ba scholar lang siya dito? Pwes, kahit na ganun siya may utak din naman kahit papano, eh kayo? May utak nga wala namang laman. Kung edukada talaga kayo, sana naman alam niyo ang salitang respeto." mahabang saad ko.
" Ang dami mong alam ah. Kaano-ano mo ba ang babaeng 'yun at ganun mo nalang siya ipagtanggol. If I were you, I wouldn't talk back to the queens of this school." sabi ni Angel na ikinakunot ng noo ko.
" Haven't you heard about the spreading issue?." tanong ni Marie na mukhang nasasayahan pa.
" Hindi naman ako tsismosa kagaya niyo kaya pakialam ko sa mga issue na 'yan." nakataas kilay kong sagot na ikinairap nilang tatlo.
Char sabay sabay pa talaga. Eh kung pag untugin ko rin kaya silang tatlo ng sabay sabay. Makikita nila.
" Nevermind. Wala ka namang sense kausap. What I mean is we're the queens of the UE so you better treat us like a queen. Talking us back is rude." inis na sambit ni Marie.
" Should I kneel down in front of you and ask for forgiveness for what I did?." nagdadalawang isip kong tanong.
" Yes, of course. That's the right thing to do. Oh ano na? Napagtanto mo na talagang mali ka?."
Nginitian ko si Precious ng sobrang tamis." Oo napagtanto ko nang sobrang feeler niyo nga talagang tatlo. Hello? Asa namang gagawin ko talaga yung sinabi ko. Ano ako uto-uto At saka queens? Wala 'yan sa bokabularyo ko 'no. Diyan na nga kayo!." Binigyan ko sila ng mega-irap bago iniwan sa janitors room.
Anong akala nila sa'kin, basta basta nalang nila mapapasunod? I believe in the saying that 'I'm not their servant to follow their command'. Hmp bahala sila.
" Uy sis! Kanina kapa namin hinihintay. We're late to our next subject na, I think it already started. Sa'n ka ba nagpunta? Akala namin babalik ka agad? You haven't eaten yet, am I right?." Tinaas ko ang dalawang kamay ko dahil sa bungad sa'kin ni Aika.
" Chill. Mahinang kalaban, okay? At saka mahabang storya kaya 'wag nalang. Natagalan ako dun sa janitors room. Hindi parin ako nakakain." pagsagot ko sa mga tanong niya.
" What did you do to the janitors room? Pinalinis kaba dun ni Mr. Rivera? I thought we're going to his office right after the class?." tanong naman ni Aira.
Seryoso? Pa'no ko hindi makukwento sa kanila kung ganito sila kakulit? Baka masabi ko ang mga hindi dapat.
" Hindi rin naman 'yun importante. At saka hindi naman ako mukhang janitress para maglinis dun." sagot ko nalang.
" Seems like you're hiding something. Don't have a plan to tell us?." Nakataas kilay na tanong ni Aika." Oh c'mon Kate, we're friends so you don't have to hide secrets. Besides, late na rin naman tayo sa subjects natin eventhough weren't classmates."
" Okay, okay, pero sa cafeteria nalang tayo. I might pass out right now if I won't eat."
Nilagay namin ang mga gamit sa table pati na rin ang mga pagkain na tinake out nila kanina ng magbell. Nilantakan ko agad ang kanin tsaka fried chicken at sinunod ang beef steak. Meron pang mcfloat at spaghetti sa gilid kaya inubos ko agad 'yun.
" Uhm... gutom kapa?." Nag-angat ang tingin ko kay Aika at umiling. Pinunasan ko muna ng tissue ang bibig ko at umayos ng upo.
" Hayst, nabusog rin. Thank you pala sa pagtake out ng pagkain ko ah." sambit ko.
" Nah. It's okay. So what happened earlier?." Mukhang atat na talaga si Aika na marinig ang sasabihin ko." We both love to listen stories when we were just kids. Spill it." dagdag niya pa.
Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari. Ewan ko pero parang ginaganahan silang makinig sa mga sinasabi ko. Si Aika nga minsan sumisingit at nagsasalita na dapat daw sana kinarate ko yung tatlo kaya napangiwi nalang ako. Do I look like a judo master? Mabuti pa si Aira kase tahimik lang na nakikinig, ni hindi nga nagsalita. Kung sabagay, mahinhin pala ang isang 'to.
" I remember that. Twinny and I were in the hallway that time when we heard someone spoke in the microphone. We're confused when the crowd began to become noisy. It says that they will be the queens of the university until they graduate. Students should follow their command and if not, they will receive a great punishment. Rude, isn't it?." Nakibit balikat lang si Aira.
" You guys heard their name?." paninigurado ko. Sa sobrang laki ba naman nitong university, it's impossible that they could control all the students. Baka naman may iba pang naghahari-harian kagaya nila.
" We heard it loud and clear. Stella Marie Penelope, the leader. With her 2 assistants Precious May Penelope her cousin and Angel Syn Perez." sagot ni Aika.
" Tsk. Ibang klase talaga ang mga babaeng 'yun. How about the principal? Did she knew about it?."
Sabay naman silang umiling."Bakit?." tanong ko.
" Stella's mom has the highest position of all the stockholders in this university so the others couldn't tell her to stop what her daughter is doing. You know, magkaugali sila ng mommy niya." Napanganga ako sa sinabi ni Aika.
Pota. Pati mama nasabotahe din.
" She's educated, isn't she? How could she let her daughter did those dirty things? That is an embarrassment." komento ko.
Hindi talaga ako makapaniwala. As in.
Nang matapos ang klase namin ay agad kaming dumeretso sa office ni Mr. Rivera a.k.a kalbo para tanggapin ang parusa namin. Ano naman kayang parusa ang ibibigay niya sa'min. Sana lang hindi mahirap kundi baka iwan ako nung lima at magcommute pag-uwi.
" Come in."
Pumasok kaming tatlo ng marinig namin ang boses ni prof sa loob.
" Good afternoon prof." sabay naming bati.
" Are you here to claim your punishment?." tanong niya.
Malamang, ano pa ba? Pa special naman siya kung pupuntahan namin siya ng walang dahilan.
" Yes sir."
" The three of you should clean my office before I came back. I have to attend a meeting in the gymnasium and I'll be back at 4:45 so you better hurry." sambit ni prof.
4:45? So 45 mins. lang ang meron kami para malinis ang buong office na 'to? Langya! Ang laki pa naman ng office ni kalbo. Papalinisin na nga lang may minuto pa.
" I need to go." paalam niya.
Atittude ang lola niyo kaya hindi ako sumagot. Duh. Wala din namang nagtanong. Chos.
" Gosh! Could we do this? Ang laki nito." reklamo naman ni Aika.
" Kaya lang 'to. Simulan na natin, ako ang magwawalis tsaka magm-mop habang si Aira ang mag-aarange ng mga papel na nagkalat, tapos ikaw Aika ang magpupunas ng bintana." pag-aasign ko sa kanila.
" A-Ahh sis... hindi pa namin naranasan 'to. Baka magkamali kami." sabi ni Aira kaya binigyan ko nalang siya ng thumbs up.
" Okay lang 'yan. Magtanong lang kayo sa'kin kung meron kayong hindi alam." sagot ko at nagsimula na.
Almost 30 mins. na kaming naglilinis at salamat naman dahil malaki laki narin ang part na nalinis namin. Kaso medyo marami pa rin ang kailangang ayusin at linisin. Ano ba naman 'yun si kalbo?! Mukhang hindi alam maglinis. Akala ko ba private 'tong school eh bakit wala silang hinire na tagalinis ng office nila ke't once a week lang. Mukha na tuloy na bahay ng aswang dahil sa dumi at kalat. Mabuti nalang at konti nalang para matapos namin lahat.
" Wait.... I'm so exhausted. I can't do it." Napalingon ako kay Aika ng umupo siya sa sofa. Tiningnan ko si Aira at mukhang pagod na rin siya pero hindi siya nagreklamo. Nahiya siguro.
" Sige, okay lang. Magpahinga na kayo at ako na ang tatapos dito. Konti nalang naman 'to." sagot ko sa kanila at pumalit sa trabaho ni Aika. Pupunasan ko nalang naman ng tuyong pamunas ang bintana at tapos na. Tapos ibabalik ko ang mga libro sa bookshelf at yung ibang mga papel sa itaas ng drawer.
" God! Hindi ka pa ba napapagod, Kat? Hindi ka pa nagpapahinga simula kanina." saad ni Aika.
" We can explain if professor might scold us." dagdag naman ni Aira.
" Ano ba kayo? Sanay ako sa mga gawaing bahay kaya walang problema. Simple lang naman 'to at hindi pa rin ako napapagod, nauuhaw lang konti." sagot ko at sinimulan na pumalit sa trabaho ni Aira.
" You're really an amazing girl. Taga saan ka nga pala?." Natigilan ako ng konti ng tanungin ako ni Aika pero hindi ako nagpahalata.
" Bakit mo naman natanong?."
" Wala lang. We want to visit on you house this weekend. Bonding tayo." sagot niya.
" Baka marami akong gagawin niyan. You know why?." Nilagay ko ang panghuling libro sa bookshelf at tumingin sa kanila." I'm just a working student." Bakas ang pagkagulat sa mukha nila kaya bumalik ako sa ginagawa ko.
" OMG! Really? Could you teach me how?." Napaigtad ako ng biglang humawak sa kabilang balikat ko si Aika.
" I want too." Pati rin naman si Aira sa kabila.
" Teka nga lang, okay lang sa inyo? I thought you'd gonna hate me."
" Why would we? You're our friend so we would accept who you are. At saka saan ka nagw-working? Baka pwedeng pumasok rin kami." sabi ni Aira.
" Yup. Ano nga bang trabaho mo?." tanong ni Aika kaso hindi ako nakasagot dahil bumukas ang pinto at iniluwa nun si prof.
Tiningnan niyang mabuti ang buong sulok ng office niya at dahan dahang lumakad papunta sa table niya. Pinalandas niya ang mga daliri sa upuan niya at ngumiti sa'min.
" You girls did great. Thank you. You can go now." nakangiting sambit niya.
Ngumiti lang kami at nagbow bago lumabas ng office niya. Nag-apir kaming tatlo at tuwang tuwa sa ginawa namin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ulit nila ako tinanong tungkol sa trabaho ko.
" Wait... I forgot to ask you some----."
" Sorry girls, nandito na ang pinsan ko. Uuwi na ako. Bye, kikakits bukas." Kinawayan ko muna sila bago tumalikod at tumakbo papuntang gate. Alam kong 'yun ang itatanong niya kaya inunahan ko nalang. At saka baka kanina pa naghihintay yung pito sa parking lot. Lagot na naman ako.
" Ouch!."
Napaatras ako ng biglang matapunan ng cappuccino ang uniform ko. Napapikit naman akondahil sa init, mukhang bagong bili pa ata. Tiningnan ko naman kung sino yung nakatapon at napataas ang kilay ko ng malamang si Stella pala 'yun.
" Oh sorry. You're so stupid kase eh. At saka bagay lang din 'yan sa isang basurang kagaya mo. Bitch."
Inirapan ko nalang siya dahil ayokong gumawa ng gulo. Baka hindi ako makapagtimpi at magilitan ko siya ng leeg. Argh. Nakakagigil.
" What the fuck! Where have you been, Katria?!." singhal sa'kin ni Cohen ng makarating ako sa parking lot.
" Sa office, naglinis." maikli kong sagot. Wala ako sa mood ngayon.
" Anong mukha 'yan ate. Tsaka yang uniform mo, anong nangyari diyan?." tanong ni Akken.
" Wala. Natapunan lang ng cappuccino." sagot ko at naunang pumasok sa kotse ni Daron. Natahimik naman sila sa labas kaya binaba ko ang bintana ng kotse at tiningnan sila.
" Ano? Uuwi ba tayo o hindi?." Agad naman sila nagsipasok sa kotse silang lahat.
Si Ri-Ri nakatingin lang sa'kin kanina pero alam kong magtatanong rin 'yun sa text. 'Yun pa ehh pinsan ko 'yun at madali yung mag-alala. Tatadtadin ako ng text nun sa gabi panigurado.
" What happen?." biglang tanong ni Daron habang nagd-drive.
" Tinapunan ako ng cappuccino ni Marie. Bwisit na biskwit 'yun. Kairita." inis kong sagot kaya biglang naibreak ni Daron ang kotse sa daan dahilan para mapasubsob kaming dalawa ni Cohen. Kung hindi lang kami nakaseatbelt eh baka nahimatay kami.
" What?!." nakataas kilay niyang tanong.
------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top