Chapter 10 - Cousin's Bonding
KATE CHANDRIA'S POV
"'Wag kang magmadali, Katria. Hindi ko matandaan ang ginagawa mo eh?." Kumunot ang noo ko at nilingon si Shael na nakatayo sa gilid ko at pinapanood akong magsampay ng mga nilabhan ko.
Kanina pa siya dyan at pinapanuod ako. Ewan ko ba kung anong trip niya at nandyan siya. Mainit pa naman ang sikat ng araw ngayon kaya baka umitim ang isang 'to. Pero malabo atang manyari 'yon dahil imported na sabon ang gamit ng nila at may lotion pa. Paniguradong hindi tatalab ang sunburn sa balat niyan.
"Bakit ba kase?! Pumasok ka na lang kaya sa loob at baka sumakit pa ang ulo mo dahil sa sikat ng araw." Tinaboy ko siya pero hindi siya nagpatinag kaya pinameywangan ko siya.
"Ayoko nga. Nakakatampo ka naman sugar cube eh. Parang mas gusto mo si Akken kesa sa'kin. Hmp." Nagcross-arms pa siya at nag-iwas ng tingin.
Ayoko man aminin pero ang kyut kyut niya. Lahat naman sila kyut eh, mas lamang nga lang ako. Chos!
"Hindi niyo naman ako kailangan tulungan ni Akken eh. Kaya ko ang sarili ko at isa pa, trabaho ko 'to. Ano na lang sasabihin ng mommy niyo kapag nalaman niyang gumagawa rin kayo ng gawaing bahay." Pinagpatuloy ko nalang ang pagsasampay ko. Bahala siya dyan.'Wag lang niya ako sisisihin kapag umitim siya.
"As if mom would be angry. Mas masaya pa nga 'yon kapag nalaman niyang natuto na kaming gumawa ng mga gawaing bahay. For her, that's the biggest miracle of our life," sambit niya. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa matapos akong magsampay.
Inaya ko na siyang pumasok sa loob dahil kanina pa kami nakabilad sa araw. Amoy pawis na rin ako kaya maliligo na ako. Mabuti na lang at tapos na ako sa lahat ng trabaho ko ngayong araw kaya malaya na akong gawin ang gusto ko.
"'Di ba day-off mo ngayon? Why did you wash the clothes? May bukas pa naman." Napalingon ako kay Raizer na may dala dala mobile gadget. Galing na naman siguro toh sa music room.
"Okay lang 'yon. Atleast hindi na ako maglalaba bukas 'di ba? At saka may lakad rin naman ako ngayon kaya mawawala rin ang pagod ko."
Kinindatan ko siya at kumuha ng tubig sa loob ng ref. Grabe. Isang oras kaya akong naglaba kaya sobrang uhaw ko. Mauubos ko na yata ang tubig sa buong mundo. Lol.
"Sa'n ang lakad mo? May date ka?" Bago pa man ako makasagot ay pumasok si Cohen sa kusina at lumapit sa'min.
"Walang date 'yan Raizer. Ililigaw niya lang ang sarili niya sa Mall tapos hahanapin natin siya. Asa namang may papatol dyan." Hinampas ko ng malakas ang balikat ni Cohen kaya napadaing siya.
"Eh ano naman kung wala akong date, aber?! Ikaw nga walang girlfriend hindi naman ako nagtanong. At saka iba ang kasama ko ngayon 'no." Sinamaan niya ako ng tingin kaya inubos ko na lang ang tubig na iniinom ko.
"Oh sya sige. Maliligo na ako. Baka malate pa ako sa lakad ko."
Agad akong umakyat sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos, hinalungkat ko ang closet ko para maghanap kung anong susuotin ko. Apat lang naman ang jeans ko kaya mas pinili ko na lang suotin yung black jeans ko. Kumuha ako ng white tshirt at white shoes na FILA, bili sa'kin 'to ni mama no'ng last birthday ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at hinayaan ko lang na nakalugay. Bagong ligo naman ako kaya hindi ako maiinitan. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at halos hindi ko makilala ang sarili ko.
"Jusmeyo! Ako ba 'to?! Ganito pala ang itsura ko kapag nag-ayos ako ng maayos. Grabe. Kamukha ko na yata si Kyline Alcantara. Char."
Ngumiti ako sa salamin ng paulit ulit at ng magsawa ako ay dinampot kona ang pink kong shoulder bag bago lumabas ng kwarto ko.
Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng biglang tumunog ang phone ko. Binasa ko ang nagtext at nakita kong si Ri-Ri lang pala.
To: Cha-Cha
I'm on my way. Fix yourself.
From: Ri-Ri
Taray ng pinsan ko ah. Akala mo sa America tumira eh dito lang naman sa Manila. Mag paenglish-english pang nalalaman. Aba! Hindi rin ako papatalo 'no. Valedictorian kaya 'to.
To: Ri-Ri
I'm done. Take care on your way. I'll wait you here. Love you.
From: Cha-Cha
Natatawa ako habang tinatype ko 'yon. Mukha kaming magjowa eh hindi naman. Pero okay lang, magpinsan naman kami kaya walang masama do'n.
"Wow, ate Katria. Ikaw ba yan? Ang ganda mo ah. Sa'n punta mo?" biglang sumulpot si Akken sa harap ko na may dala dalang popcorn. Gutom na naman ba siya?
"Ako lang 'to Akken, chill ka lang. May lakad ako ngayon eh, alam mo na day-off ko. Sa'n ang mga kapatid mo? Magpapaalam lang sana ako."
Napatawa naman siya kaya tinakpan ko ang bibig niya at sinenyasan na lunukin muna ang kinakain niya. Baka tumalsik sa mukha 'ko ang kinakain niya. Mahirap na, ang ganda pa naman ng ayos ko.
"Nasa living room sila Ate, manonood kase kami ng movie. Kaya nga may dala akong popcorn eh. Tara samahan kita." Sumunod ako sa kanya papuntang living room.
Malapit lang naman kaya rinig na rinig namin ang tunog ng pinapanood nila. Ang lakas ba naman ng volume.
"Excuse me lang mga zer. Aalis muna ako ngayon kaya kayo na'ng bahala dito. Hindi ako makakauwi nang maaga kaya mag-order na lang kayo ng tanghalian niyo. 'Wag na 'wag kayong tatakas kung ayaw niyong ibitin ko kayo patiwarik sa likod ng mansion." Lahat naman sila napatingin sa'kin at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Problema ng mga 'to.
"Ayos ah. Nagmukha kanang tao ngayon."
Kung hindi lang sana ako nakabihis ng maayos at wala akong lakad ngayon, baka napatay ko na si Cohen kaso hindi pwede. Baka masira ang pinaghirapan ko kaya tiis tiis na lang.
"Mabuti naman at ayos na ang suot mo. Hindi gaya ng dati na mukha kang sinaunang tao na napag-iwanan ng panahon." Okay na sana 'yong unang sinabi ni Raizer kaso panira 'yong pangalawa. Mukha ba talaga akong sinaunang tao, ha?! Ha?! Hakdogens!
"Ang ganda ganda mo sugar cube. Ikaw na talaga ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Daig mo pa ang kagandahan ni Liza Soberano at Catriona Gray." Kinuyom ko ang kamao ko dahil anumang minuto ay lilipad na 'to sa mukha ni Shawn.
Naniniwala na talaga ako sa kasabihang, 'Kung may LAITERO meron ding BOLERO'.
"Finally, you look good." Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Daron.
A-Ano daw? Totoo ba 'yong narinig ko? Aish. 'Wag na nga akong mag-assume. Baka inaantok lang ang isang 'yan at sa tingin niya ako 'yong girlfriend niyang si...Sino nga ulit 'yon? Ah Cheska...
"Ay. Andyan na pala yung sundo ko. Sige na guys. Bye." Nginitian ko silang lahat at ginulo ang buhok ni Akken na nasa tabi ko at kumakain ng popcorn. Dali dali akong lumabas at nakita ko si Ri-Ri na nakasandal sa isang itim na kotse.
Takte! Sa'n niya ninakaw ang kotseng 'yan?! Wala nga siyang motor tapos kotse meron siya?! Abat! Baka 'pag nahanap 'to ng may-ari makulong siya at madamay pa ako. Gad. Marami pa akong pangarap.
"Oh, oh. Anong mukha 'yan ha, Cha-Cha?! Hindi ko 'to ninakaw uy. Grabe ka naman. Ikaw na nga 'tong sinundo tapos pagbibintangan mo pa akong magnanakaw," reklamo niya at dinuro duro pa ako kaya akmang kakagatin ko ang kamay niya ng bigla niya itong nilayo sa'kin.
"Naninigurado lang ako Ri-Ri. Baka mamaya sa kulungan ang bagsak ko. At saka wala ka namang kotse ah. Saan galing 'yan?!" Tinulak ko pa siya para makita ko ang kabuuan ng kotse. Malapit nga siyang mahulog sa kanal pero hindi ko na lang pinansin.
"Ano ba, Cha-Cha. Pinahiram sa'kin 'yan ni tita Elizabeth dahil alam niyang aalis tayo ngayon. Dahan dahan nga sa pagtulak, gusto mo ba akong maligo sa kanal?!" Sinamaan niya ako ng tingin na tinawanan ko lang.
Hindi ba obvious?! Char.
"'Wag kang mag-alala Ri-Ri. Mas mabaho ka pa rin sa kanal kaya hindi tatalab sa'yo ang amoy niyan." Tinap ko pa siya sa balikat at tinanguan bago pumasok sa passenger seat. Kitang kita ko sa bintana ang nakabugsangot niyang mukha kaya napatawa na lang ako.
Hindi naman talaga siya mabaho eh. Ang bango bango niya kaya, mukhang mamahalin ang perfume ng isang 'to. Gusto ko lang talagang asarin siya. Matagal na kaya kaming hindi nagkasama kaya sulit sulitin ko na. Excited na tuloy ako sa pupuntahan namin. Sabi kase niya pupuntahan daw namin ang buong Manila, promise niya daw 'yon. Kahit naman malabo talaga dahil isang araw lang ang meron kami.
"Wuy Ri-Ri, sa'n tayo pupunta?" nakangiti kong tanong sa kanya habang siya ay mukhang wala sa mood habang nagd-drive.
Problema neto? Hindi pa ba siya naka-get over sa sinabi ko kanina?
"'Wag na 'wag kang magtatampo sa'kin dahil hinding hindi talaga kita susuyuing animal ka! Hindi tayo magjowa ulol." Pinagkrus ko ang braso ko kaya napalingon siya sa'kin pero agad din niyang binalik ang tingin sa daan.
Pota. Grabe naman ata ang topak neto.
"Aish. Ano ba?! Nagtatampo ka pa ba?!" Okay chill. Ako na lang muna ang magbababa ng pride. Baka magbago ang desisyon niya at ibalik niya ako sa mansion.
"Eh ikaw kase eh! Sinabihan mo pa akong mabaho eh bagong sabon nga ang ginamit ko tapos branded na perfume pa ang gamit ko para lang maging presentable ako sa harap mo. Tapos sasabihan mo'kong mabaho." Sumimangot ulit siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pisilin ang mataba niyang pisngi. Ang kyut ba naman ng pinsan ko, mana sa'kin.
"'Wag ka nang magtampo Ri-Ri. Namimiss ko lang kaseng asarin ka pero mabango ka talaga. Promise." Ngumiti naman siya bago hininto ang kotse at tinanggal ang seatbelt niya. Napatingin naman ako sa harap at nagulat ako kung nasaan kami.
Dali dali akong bumaba at tiningnan ang buong paligid. WAH NASA ENCHANTED KINGDOM KAMI! Akala ko sa TV ko lang 'to makikita pero ngayon nasa harapan kona. Gad! My best dream ever!
"Tara na Ri-Ri. Pasok na tayo, dali." Hinila ko na siya papasok sa loob pero bago pa man 'yon ay nagbayad muna kami sa entrance. Ako na sana ang magbabayad pero nagbigay na agad siya ng pera do'n sa taga bantay kaya wala na akong nagawa.
"Tara sa ferris wheel. Matagal ko nang pinapangarap na makasakay dito." Akmang hihilahin ko siya kaso bigla siyang umatras at umiling."Ano ba Ri-Ri, tara na. Aandar na 'yan maya maya oh." Pilit ko siyang hinihila pero hindi talaga siya nagpatinag. Ang tigas ng ulo eh.
"Nakakasuka 'yan Cha-Cha. At saka takot ako sa matataas." Ewan ko kung maiinis ba ako o matatawa sa kanya.
Duh. Kalalaking tao tapos takot. Bakla ata 'to eh.
"Asus! Hindi 'yan promise. Tara na kase. Kaya walang nagkakagusto sa'yong babae eh kase matatakutin ka. Nakakaturn off ang gano'ng klaseng lalake Ri-Ri."
"Anong wala?! Maraming nagkakagusto sa'kin 'no. Sadyang ayoko lang pumatol kase study first ako."
"Ah talaga? At sino namang nagkakagusto sa'yo? Mga bading kaya ayaw mong pumatol? Tsk. Wala ka pala insan eh." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad pero bago paman ako makadalawang hakbang ay nauna na siya sa'kin. Natatawa naman akong sumunod sa kanya. Papayag rin pala eh.
"Umupo ka na do'n. Ako nang magbabayad." Inabot ko 'yong bayad sa may-ari bago pumasok at umupo sa tabi niya.
Tahimik lang siya habang pinaglalaruan ang kamay niya. Halatang takot talaga siya. Magsasalita sana ako nang biglang umandar ang sinasakyan namin. Nagsisimula na kaming umakyat pataas. Halos kumunot ang noo ko ng biglang hinawakan ni Ri-Ri ang laylayan ng tshirt ko habang yung isang kamay niya ay nakahawak sa inuupuan namin.
Jusko! Bakla ata talaga ang pinsan ko!
"Hoy! Mapupunit mo na ang tshirt ko oh. Grabe ka naman Ri-Ri. Hindi naman tayo mahuhulog eh. At saka ang sariwa kaya ng hangin dito." Huminto ang ferris wheel at sakto namang kami ang nasa pinakataas. Kitang kita namin ang buong syudad ng Manila.
"Takot nga ako sa matataas Cha-Cha eh. Nahihilo na rin ako, feeling ko masusuka na ako." Akmang lilingon siya sa'kin ng ilayo ko ang mukha niya. Punyemas. Sana pala hindi ko na lang siya pinilit na samahan akong sumakay.
"Teka--wuy----"
"Acckk." Agad akong tumalikod ng bigla siyang sumuka.
Mabuti na lang at walang masyadong tao sa parteng 'to ng EK kundi baka palabasin kami dito. Nakakadiri kase ang lalaking 'to.
"Hindi ka pa ba tapos dyan?" tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. Baka kase pag lumingon ako sumuka siya kaagad, e 'di mahahawa din ako.
"Oo tapos na. Nagugutom na tuloy ako dahil nasuka ko lahat ng kinain ko kanina." Hindi ko na lang siya nilingon at sinenyasan na sumunod sa'kin.
"Kakain na lang muna tayo at pagkatapos samahan mo'ko sa palawan. Magpapadala ako ng pera kina Inay."
"Ayos ha! Ang dami mo na pa lang pera, Cha-Cha. Halos linggo-linggo ka na lang nagpapadala sa pamilya mo. Paniguradong maginhawa na ang buhay nila tita ngayon," sabi niya. Napangiti naman ako at nilingon siya.
"Sana nga eh. Miss na miss ko na rin sila. Gusto ko na ngang umuwi eh." Hindi na siya nakasagot dahil nakapasok na kami sa Mcdo.
Pinahanap niya ako ng mauupuan dahil siya na daw ang mag-oorder. Ang bigatin din pala ng isang 'to, ang daming pera. Nilapag niya ang inorder niya sa harap ko. Tig-dalawa kami ng spaghetti, fried chicken, french fries, mcfloat, at saka kanin.
"Ba't ang dami nito nito Ri-Ri? Okay lang naman sa'kin ang kanin at fried chicken eh. Baka naubos na ang pera mo dahil sa'kin." Sumimangot ako kaya pinisil niya ang pisngi ko. Hinampas ko naman ang kamay niya dahil ang sakit niya makapisil.
"'Wag mo nang alalahanin 'yon Cha-Cha. May pera pa naman ako. Ang mahalaga mabusog ka, bonding kaya natin ngayon kaya dapat i-enjoy natin ang araw na 'to."
Nagsimula na kaming kumain at talagang sarap na sarap talaga ako sa kinakain ko. Gosh. Pangalawang pagkakataon ko na ang makakain sa labas dahil 'yong una ay 'yong sa mall. Remember, the time when Ivan and I's first met. Lol. Napapa-english kapag naaalala si crush. Yes po, opo.
Crush ko na 'yong gwapong nilalang na 'yon. Buong magdamag ko ngang sinearch 'yong pangalan niyang 'Ivan' sa facebook tapos puro mga arabo lang ang lumalabas. Langya! Ba't ba kase hindi ko tinanong kung anong full name niya. Busy rin kase ako sa pagpapanic kung nasan 'yong limang timawa no'ng time na 'yon. At saka bitter pa ako no'n kase wala akong jowa. Eh ngayon ko lang narealize na crush ko pala siya. Shunga!
"Hoy! Nakikinig kaba sa'kin Cha-Cha?! Kanina pa kita kinakausap tapos nakangiti ka lang habang tinutusok tusok yang spaghetti mo. Sinaniban kaba o may lason yang nakain mo." Napabalik ako sa wisyo ng biglang hampasin ni Ri-Ri ang balikat ko.
Bwisit na lalake 'to. Sinisira ang pagda-daydream ko.
"Ano ba kasi 'yon?! Grabe ka naman manghampas. Baka nakakalimutan mo, babae ako Ri-Ri. Babae. Makahampas 'to kala mo langaw ako na gustong patayin." Inirapan ko siya dahil naiinis nga ako.
Iniimagine ko kase 'yong mukha ni Ivan tapos bigla na lang mapapalitan ng mukha niya. Ang layo layo pa naman ng itsura nila sa isa't isa. Maderpader. Ayoko na lang idescribe dahil baka magkasala ako sa pinsan ko.
"Tinatanong nga kita kung kamusta ka na do'n sa mansion ng mga Helveryst. Huling linggo ng June no'ng dumating ka dito at pangalawang linggo na ng July ngayon. Ibig sabihin tatlong linggo kanang nakatira sa kanila," sambit niya.
Oo nga 'no. Akalain mo 'yon, tumagal talaga ako sa puder nila. Kahit na minsan naiisip kong tumakas na lang bigla at bumalik sa probinsiya namin hindi ko ginawa. Inaalala ko pa rin kase ang kapakanan ng pamilya ko. Saka na lang siguro ako aalis kapag marami na akong ipon. Hindi ko rin naman maiwan 'yong lima do'n kase napalapit narin ang loob ko sa kanila lalong lalo na kina Shawn at Akken. Kahit na hindi ko pa masyadong close 'yong tatlo, masaya pa rin ako kase hinahayaan nila ako na tumira do'n. Minsan nag-aaway away silang lahat pero nagkakabati din naman dahil palagi ko silang pinapaalalahanan na dapat hindi sila magtanim ng galit sa isa't isa lalo na't magkakapatid sila. Matitigas din ang mga ulo nilang lahat lalo na si Cohen, idagdag niyo pa 'yong snobero na kapatid ng yelo na si Daron.
"Okay lang naman. Minsan nakaka-stress pero masaya naman sila kasama. Hindi ko nga namalayan na nagtagal ako do'n." Kumuha ako ng french fries at sinawsaw sa ketchup na may cheese powder.
"Oo nga pala Cha-Cha, birthday mo na pala sa susunod na araw. Uuwi kaba sa inyo?" Akmang isusubo ko 'yong hawak kong french fries nang marinig ko ang sinabi niya.
Birthday ko na ba sa susunod na araw? Teka...Anong petsa ba ngayong linggo? July 17, oo tama. So, sa susunod na araw...19? Shems...July 19 pala ang birthday ko. Oh my gulay!
"Shocks buti pinaalala mo Ri-Ri. 'Di bale, alam ko namang tatawag sina Itay para igreet ako. Hindi nila makakalimutan ang birthday ng maganda nilang anak 'no." Inubos ko na yung french fries na kinakain ko pero may mcfloat pa ako at hindi ko pa nauubos. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang 'to dito kase syempre sayang. Libra pa naman sa'kin 'to ng pinsan ko.
"Bakit? Hindi ka ba uuwi? Alam kong nami-miss kana nila lalong lalo na 'yong mga kapatid mo." Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa mcfloat ko.
Uuwi ba ako? Hayst. Miss na miss ko na talaga ang pamilya ko. Gustong gusto ko nang umuwi kaso may part sa'kin na 'wag na lang. Para bang gusto kong mag-celebrate ng 19th birthday ko dito. Ewan ko. Basta.
"Miss ko rin sila syempre. Pero gusto kong maranasan na mag-birthday dito eh. Punta ka sa mansion ng Martes ah, magluluto ako," nakangiting saad ko kaya pinisil niya ulit ang pisnge ko.
"Trip mo ba ang pisnge ko, Ri-Ri?! Nakakaasar kana ah."
"Ang cute mo kaseng ngumiti eh. Nawawala ang mata mo."
"Eh kung yang mata mo kaya ang tanggalin ko para mawala rin. Gusto mo?"
"'Di joke lang."
Aish. Sobrang init naman ata ngayon. Nasisira na ang balat ko at baka magka-sunburn ako pag-uwi. Tsk. Kasalanan 'to ng mga babaitang nasa harapan ko eh. Ang tagal makapagpadala ng pera. Ano? Isang milyon ba ang pinadala niyo 'te?! Hala! Diyan kayo tumira tapos 'wag na kayong umalis.
Grabe. Isang oras na atang nakatayo dyan.
"Ah, Ate. 'Sarap mong ihambalos'. Hindi pa po ba kayo tapos dyan? Ang init napo kase dito eh." Kasing init ng ulo ko sa'yo.
"Ano sa tingin mo? Nakatayo pa ako dito 'di ba, e 'di hindi pa. Tanga mo naman," irap niyang sagot sa'kin.
DYOS POR SANTO. PIGILAN NIYO KO NANGGIGIGIL NA AKO. PUCHA.
"Hindi naman sa tanga ako. Tinatanong lang po kita kase mukhang nakikipaglandian lang po kayo dyan sa lalaki sa loob eh. Ano ate, nangangati na po ba kayo?" Dahil 'yong dila ko kating kati nang maglabas ng nakakainsultong salita.
'Wag mo'kong subukan dai. Dahil 'di hamak na mas maganda pa ako kesa sa'yo. Mukha mo pwet ng kabayo.
"Ang kapal naman ng mukha mong pagsabihan ako ng nakikipaglandian ako. Sino ka ba ha?! Makapagsalita kala mo naman kagandahan." Yong mga taong nakapila dito kanina, pinapalibutan na kami. Tapos 'yong mga taong nasa loob ng palawan, ayun nanonood din.
'Wag lang silang magkakamaling awatin kami dahil black eye ang abot nila sa'kin.
"Para sabihin ko sa'yo, ATENG MALANDI. Bago ka muna lumandi, siguraduhin mong nakapanghilamos ka na para naman hindi kahiya hiyang tingnan ang mukha mong puno ng blackheads. Tapos yang hininga mo 'te, kahit bumili ka lang ng tagpisong kendi para naman mabawasan yang baho ng hininga mo. Idagdag mo na rin yang buhok mong mukhang tirahan ng ibon dahil sa sobrang gulo. Grabe ka naman. Ayusin mo munang sarili mo bago ang landi. Gad."
Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Sabi kaseng 'wag akong galitin dahil masamang magalit ang mga magaganda. Leche kase eh. Napaka-maldita.
"Anong nangyari sa'yo? Ba't pawis na pawis ka tapos ang pula mo," bungad sa'kin ni Ri-Ri ng makabalik ako sa EK.
Hindi ko na kase siya pinasama sa'kin dun sa palawan dahil katapat lang naman ng EK. At saka gusto niya rin daw na sumakay ng ibang rides kaya hinayaan ko nalang siya.
"'Wag mo nang itanong sa'kin ang nangyari do'n sa palawan dahil naiinis parin ako hanggang ngayon. Tara, sakay tayo ng horror train." Akmang magpupumiglas siya ng sinamaan ko siya ng tingin kaya sumimangot nalang siya at sumunod sa'kin.
"WAH MULTO! MAMA TULONG!" Panay ang sigaw niya habang lumalapit sa'min ang mga multo ng huminto ang horror train sa gitna ng mukhang tunnel.
"Maiintindihan ko naman kung may fear of heights ka Ri-Ri pero ang takot ka sa multo, sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Bakla ka ba?"
"HINDI 'NO."
"EH BA'T KA SUMISIGAW?!"
"BAKIT MASAMA BA?!"
Nakalabas kami ng horror train ng hingal ng hingal. Nagsisigawan kase kami dun sa loob eh. Pati 'yong ibang kasama namin napapatingin samin habang yung iba sinisigawan kami ng 'ayiieee'. Like duh. Mukha ba kaming magjowa?!
Sumakay pa kami ng roller coaster at halos mapunit ang bibig ko kakatawa dahil malapit siyang umiyak no'ng tumaas kami. Like wtf. Tapos no'ng sumakay kami ng boating nahulog siya dahil sa sobrang likot eh ang liit din naman kase ng bangka. Sa viking naman sumuka din siya. Mukhang ako nga lang yung nagsasaya dahil pinagtri-tripan ko siya kada sakay namin eh. Sobrang saya ko talaga as in.
"Hija, hijo. Eto, bagay 'to sa inyong dalawa. Bagong gawa ko ang porselas na ito at mukha namang masaya ang relasyon niyong dalawa kaya ibibigay ko na lang sa inyo 'to. Wala nang bayad." Biglang sumulpot ang isang ginang sa harap namin habang may dala dalang mga porselas.
"Naku lola, hindi po ka---"
"Sige na tanggapin niyo na. Sa inyo na 'yan. Naway hindi kayo maghiwalay." Ngumiti pa siya saamin ni Ri-Ri bago umalis.
"Pft. Halos lahat ata ng tao dito pinagkakamalan tayong magjowa Cha-Cha. Sa gwapo ko ba namang 'to." Nagpogi sign pa siya sa'kin kaya siniko ko siya.
"Gwapo nga matatakutin naman. Sa'yo na lang 'to, ibigay mo sa magiging jowa mo kung sakali man." Binigay ko sa kanya 'yong akin at saka nauna nang naglakad. Hinabol niya naman ako at sumabay sa'kin.
"Anong kung sakali? Magkakajowa ako 'no, may nililigawan na kaya ako. At kapag sinagot niya ako, yari ka sa'kin." Binelatan niya ako tapos ay tumakbo kaya hinabol ko naman siya.
Naglalakad lakad kami dito sa park. Puro mga bata ang nakikita namin at 'yong iba naman magkakaibigan, magjowa, at pamilya. Nakakainggit talaga sila. Kapag nadala ko ang pamilya ko dito, ipapasyal ko talaga sila at magpi-picnic rin kami dito. Tapos magsasaya kami na para bang wala na kaming problema sa pera. Hayst. Sana nga dumating na ang araw na 'yon.
"Oh ice cream." Tinanggap ko ang cookies and cream na binili ni Ri-Ri do'n sa sorbetero kanina."Anong iniisip mo? 'Yong pamilya mo ba?" tanong niya.
"Oo eh. Naisip ko lang kung sakaling nandito sila, kasama ko. Ano kaya kung bumili ako ng bahay dito Ri-Ri? Tapos dito ko na patirahin ang pamilya ko para palagi ko silang makikita at palagi kaming magkasama?" tanong ko sa kanya.
Mas maganda ng siguro 'yon kaso mamimiss ko rin yung mga kapitbahay at kakilala ko sa probinsiya namin. Lalong lalo na si VeraMundo. Magkaibigan na kaya kami no'n.
"Oo nga 'no. Teka diba merong for sale na bahay malapit sa mansion ng mga Helveryst? 'Yong hindi kalayuan mula sa mansion? Balita ko wala pa raw bumibili no'n." Lumiwanag naman ang mga mata ko at hinarap siya.
"Seryoso ka ba Ri-Ri? Magkano daw? Baka kaya ng ipon ko para mapa-reserve ko na. Mas mabuti na rin 'yon at malapit lang sa pinagtra-trabahuan ko."
"Sige, isasama kita sa susunod. Dadaanan ko na lang mamaya at ipapareserve ko. Kapag nagkulang ang pera mo, papahiramin na lang kita. Mahirap na baka maunahan ka pa," sabi niya.
Dahil sa tuwa ko ay niyakap ko siya ng napakahigpit.
"Thank you talaga Ri-Ri. The best ka talagang pinsan. Hayaan mo ililibre talaga kita sa susunod na labas natin." Nagthumbs-up pa ako sa kanya kaya ginulo niya ang buhok ko.
"Oh sya, tara na. Iuuwi na kita. Baka namimiss kana ng mga alaga mo."
"Asa."
Kakaalis lang ni Ri-Ri kaya pumasok na ako sa loob ng gate. Mula dito sa labas ay rinig na rinig ko ang sigawan nila mula sa loob. Hindi ko naman malinaw kung ano ang pinagkakaguluhan nila dahil ang gulo ng mga boses nila. Ewan ko nga kung nag-aaway ba sila o naglalaro. Bubuksan ko na sana ang pinto pero ayaw. Inulit ko ulit pero gano'n padin. Nilock ba nila 'to sa loob.
"Nandito na ako! Pakibuksan ang pinto." Rinig ko naman ang takbuhan sa loob at parang may nagbabangayan.
Ilang sandali pa akong nakatayo dito sa labas at naiinip na talaga ako. Akmang pipihitin ko ulit ang doornob ng biglang bumukas ang pinto at tumambad ang mukha ni Akken.
Nakakunot noo ko siyang tiningnan dahil pawis na pawis siya. Hingal ng hingal pa at akala mo'y galing sa pagtakbo. Ano bang pinaggagawa ng mga "to ng wala ako.
"A-Ah...ate Kat. And'yan ka na pala, pasok ka." Niluwagan niya ang pagbukas ng pinto at pinapasok ako.
Nagtataka naman ako dahil biglang tumahimik ang loob ng pumasok ako at nagkalat pa ang ibang mga gamit sa loob.
"Anong nangyari dito Akken? Nasaan ba ang mga kapatid mo?" Tiningnan ko siya pero umiwas siya ng tingin sa'kin at napakamot lang sa batok niya.
Magsasalita pa sana ako ng biglang kumalabog ang loob ng CR kaya agad ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad patungo doon. Pero bago pa man ako nakalapit ay biglang sumulpot sa harapan ko sina Shael at Raizer.
"Saan ba kayo galing? Sinong nasa loob ng CR?" tanong ko pero walang ni isa sa kanila ang sumagot. Nagkatinginan pa nga sila at nag-aalangan kung sasagot ba sila o hindi.
"Tumabi nga kayo d'yan. Papasok ako sa loob." Akmang itutulak ko sila ng bigla nila ako sinenyasan na 'huwag'.
"Ano bang nangyayari d'yan sa loob at ayaw niyo akong papasukin ha?! Tabi nga."
"Ah mamaya na Katria." pigil sa'kin ni Shael.
"Tabi nga sabi eh."
"Babysitter Kat, mamaya na nga," sabi naman ni Raizer.
"Nakakaasar na kayo ah. Lechugas tabi!." Malakas ko silang tinulak at agad na binuksan ang pintuan ng cr. Halos malaglag ang panga ko at gumulong sa sahig dahil sa nakita ko.
Si Daron na basang basa at nakahawak sa basket na punong puno ng mga nilabhan ko kaninang umaga kaso basa na lahat at may mga bula pa. Habang si Cohen naman ay hawak ang mga...UNDIES KO...
"HOY! ANONG GINAWA NIYO?!"
-------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top