Chapter 8

Ngayong araw ay sabado duduty ako ngayon sa coffeeshop para makabawi naman ako kahit papano. Hehehe.

"Ate si Kyla nagtext sayo?" Tanong sakin ni Lucas habang kumakain ng agahan.

"Ha? Bakit?"

"Wala lang."

Chineck ko yung cp ko.

"Wala naman message eh."

"Text mo nga ate, try mo nga kung magrereply?"

"Ano ba kasing meron?" Puno ng kuryosidad kong tanong.

"Basta ate dali na please." Pagmamakaawa nito.

"Hoy ikaw Lucas nakakahalata nako sayo ah." Dinampot ko ulit yung cp ko atsaka ko tinext si kyla.

To: bff kyla

Pasok kaba today?

"Oh ayan na ha. Dalisan mo na malelate ako sa panggugulo mo eh no!" Tila pagkairita kong sambit at ng biglang tumunog ang cp ko.

From: bff kyla

Yes bessy. Ikaw?

"Oh nagreply na. Happy kana ba?" Tanong ko atsaka ako tumayo.

"Ate ano sabi?" Pangungulit parin nito pero hindi ko pinansin.

"Mama alis nako. Magingat kayo sa pagpasok." Halos pasigaw kong wika kay mama dahil nasa kusina ito naghahanda ng mga tinda nyang ulam para sa mga katrabaho nya. Para sa extra income. Agad itong lumabas sa kusina.

"Ikaw din anak magiingat ka."

"Opo. Ikaw lucas ah, magaral ka muna!" Baling ko kay lucas na kumakain.

"Anak, Riley, ikaw ah lagi kanang may bangas dyan sa mukha mo. Nakakahalata nako sayo."

"Mama wala to." Nagmano ako kay mama. "Kaya ko po sarili ko, para sa inyo. Bye po." Sambit ko atsaka dali daling naglakad palabas ng bahay.

Pagdating ko sa coffeeshop ay agad na akong nagbihis na pang crew ng makita ko si kyla habang kumukuha ng mga bagong cups.

"Hoy gaga!" Tawag ko.

"Yes bessy?" Tanong nito habang nalapit sakin.

"Ano kayo ng kapatid ko ha?!" 

"Ha? Bessy a-ano ba yang s-sinasabi mo?" Maang maangan pa tong haliparot nato.

"Tigilan mo! Di bagay sayo!"

"W-wala naman k-kasi bessy."

"Aamin ka o sisipain kita?"

"K-kami."

"Sasabunutan kita eh! Magaral muna kayo kebabata nyo pa." Sambit ko atsaka ko sya nilayasan.

"Bessy sorry naman kung di ko sinabi sayo. Nahihiya kasi ako baka isipin mo tinetake advantage ko yung friendship na meron tayo."

"Okay lang, Kyla. Basta alam mo yung ayoko. Bata pa yung kapatid ko, bata kapa din. Sa edad nyong yan dapat alam nyo na ang pagiging responsable sa lahat ng bagay." Pangangaral ko.

"Oo naman ate Riley." Malapad na ngiting sambit nito.

"Sipain pa kita dyan eh."

Si Kyla at Lucas ay magkaedad lang at schoolmate sila ngayon. Nagkakilala kami ni Kyla nung second year highschool ako at first year naman sya. Nasa iisang club lang kami ang e-club. Simula nun ay kasanggang dikit ko na sya hanggang dito sa pagwowork namin magkasama parin kami. 

Natatawa pa nga ko dati kasi naikwento nya sakin na crush nya si lucas, hindi nya alam na kapatid ko yun. Buang! Hiyang hiya tuloy ang gaga.


"Riley, okay kana?" Pagaalalang tanong ni Marcus.

"Asus." Singit ni Ericka.

"Oo, Marcus. Salamat." Nakangiti kong sambit.

"Manahimik ka nga Ericka, wala lang si sir Felix ako na naman nakita mo."

"Lah paepal kaba?" Tila napipikon na ani ni Ericka.

Nagkakaasaran kami ng biglang pumasok ang grupo ni Steve kasama si asungot.

"Hmm. Riley, Marcus paayos naman nung bag ng coffee bean sa loob. Kami na ni Kyla magaassist. Thank you." Ani ni Ericka. Kami naman ni Marcus ay pumasok na sa loob.

Dumiretso kami sa mga coffee bean bag atsaka namin to inayos.

"Riley, anong sabi ng kilay sa isa pang kilay?"

"Ano?"

"Edi, Eye Brow!"

"Wooow. Wala kabang mas luma pa dyan Marcus?"

"Ang kapal ng mukha di mo nga alam."

"Ayoko lang masira yung moment of truth mo." Humahagikhik kong sambit.

"Umuwi kana nga!" Tila napipikon na sambit nito.

"Anong tawag sa kambing na di naliligo?" 

"Edi no ligoat." Pagtawa nya sa sarili nyang joke.

"Mali."

"Eh ano?"

"Edi Marcus Bautista." Di ko na napigilan ang sarii ko na humalahak. Pikon pa naman tong si gago.

"Eh kung ihampas ko kaya sayo tong coffee bean bag?"

"Si Marcus si marcus ay pikon. Si marcus si marcus ay pikon. Si marcus si marcus si marcus si marcus si marcus mapangasar pero pikon." Pangaasar ko sa kanya habang kumakanta gamit ang tono ng pangaasar ng bata. Tawa lang ako ng tawa don pano yung itsura nya parang gusto nya na kong sapakin. Hahaha jusko ka marcus!

"Riley, may naghahanap sayo." Nagulat kami ng magsalita si Kyla.

"Sino daw?"

"Di ko alam pero gwapo." Tila kinikilig na sambit ni kyla.

"Sumbong kita sa kapatid ko." Sambit ko habang naglalakad papunta sa labas.

Paglabas ko ay nakita ko ang maamo nyang mukha na nagaantay sa harap ng counter.

"Hello Riley." Nakangiting sambit nito.

"Hi, bat moko hanap?"

"Hmm. Can you please assist me?" Tila may panlalambing sa boses nito.

"Oh-kay? What's your order sir?"

"Two hibiscus herb."

"Venti na po sir?"

"Yes please."

"With pearl sir?"

"Yes."

"I repeat your order sir, 2 hibiscus herb with pearl, venti size. 330 sir." Iniabot nya sakin yung 350. " i receive 350, change 20 pesos sir. Name po sir?" Nakangiti kong ani.

"Wag na."

"Okay. Thank you po sir. Have a nice day." Ngumiti ako sa kanya ng pagkalawak.

"Thanks, Riley."

Nagayos na ko ng iba pang kaylangan don hanggang sa tinawag ako ulit ni Chris.

"Riley" Sambit nito habang nakatayo sa harap ng counter. "Gotta go." Sambit nito ulit habang pinapatong sa counter yung isang cup ng hibiscus herb.

"Ano yan?"

"For you. Thank you for yesterday even though you leave me." Bahagya itong tumawa. Namula ata yung pisngi ko sa di malamang dahilan.

"S-sorry Chris."

"Nah. I'm just kidding. I want to stay and wait for you until your time out but i can't. I need to go. I'm sorry Riley." Pakiramdam ko nangilabot ata ako sa sinabi nya at tila bumilis yung tibok ng puso ko.

"A-a-ano k-kaba Chris. O-kay lang. Magiingat ka. S-s-salamat dito. Nagabala kapa."

"Take care, Riley. Bye." Ngumiti ito ng pagkalawak kayat sinuklian ko din naman ito.

"Bye." Agad syang umalis pagkasabi ko nun.

"Aaaaahhhhhhhhh. Super nakakakilig naman si Chris!!! Like omg!!! HE.IS.THE.ONE!!" Halos sumisigaw na pangaasar ni Kyla.

"Hey! Can you please keep quiet? Can't you see, youre disturbing us?" Malamig na saad ni Ungas.

"Sorry sir." Sambit ni Kyla. Pagtapos nya humingi ng sorry ay bumalik agad ang baling nya sakin. Nakangiti ito ng malawak di ko narin maiwasan yung sarili kong mapangiti ng sobrang lapad habang nakatingin sa pinto.

"Pose ka, picturan kita. Hawakan mo yan." Sambit ni Kyla. Ako naman ay agad na pomose habang hawak yung cup na bigay ni Chris. "Yan ganda oh, pose mo sa ig dali daliiii." Halos pabulong na ani ni Kyla.

Agad ko itong inayos para iupload.

"Ano ilalagay ko?"

"Hmmm. Thank you with kilig emoji." Kinikilig na sambit ni bruha.

Ako namang si uto uto ginawa ko din naman.

'Thank you, @chrishernandezzz😊'

Uploaded.

Jusko ka!!! Kinikilig din ba ako? Hala Chris ah balakajan pagako nafall saluin moko. Chos.

Napatigil kami ng magsalita si ungas.

"Umalis na nga tayo. Bukod sa maingay dito ang lalandi pa ng mga crew."

Lah? Paepal lang? Wala kang friends? Hanap ka din minsan try mo. Pero dahil masaya ako today di ko nalang sinabi. Hehehe. Balakayong umalis.

Nagulat ako ng magvibrate yung phone ko. Notification sa ig, dalawa.

'@chrishernandezzz like your post & @chrishernandezzz commented on your post'

Jusko ka! Nagcomment pa. Ano kaya comment nito? Bat ko ba kasi sinunod si kyla na lagyan ng kiligemoji eh no! Kinakabahan at halos nangangatog kong binuksan yung notif.

'@chrishernandezzz youre always beautiful😘'

Nagulat ako sa nabasa ko nanlamig na din ata. Pakiramdam ko nastuck ako sa kinatatayuan koooooo. Hala Chris bakit?

---

Kyla Abigail Sarsoza☝️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top