Chapter 7
"Who do you think you are?" Malamig na saad nito. Kinabig ko ang kamay nya na nakahawak sa damit ko.
"Put me down!"
"Youre crazy." Sambit nito atsaka ako binitawan
"Ano di mo kayang lumaban?! Kasi nga duwag ka! Bakla."
Nakita kong nagtiim ang bagang nya at dali dali akong kinwelyuhan.
"Do you know who am i?"
"Im not interested." malamig kong ani atsaka ko ulit kinabig ang kamay nya.
"Riley, please stop." Rinig kong sambit ni Steve.
"Shut up. Do i know you?"
"Riley, listen to us." Halos hirap makapagsalita na sambit ni Chris.
"No Chris. I got this." Pagkasabi ko nun ay agad kong makita na ngumisi si ugok. Bumwelo ako atsaka ko sya buong lakas na sinuntok dahilan para mapatumba sya. Nagulat ang mga barkada nya pati na din si Chris.
"Minamaliit mo ba ko?" Sambit ko habang nakayuko at sapo sapo ang kamao ko na ubod ng sakit dahil tumama sa mukha nya. Humarap sya sakin hawak ang labi nya na dumudugo.
"So tingin mo talaga kaya moko?" Nakita ko syang tumayo at dali daling tumakbo atsaka hiniklat ang kwelyo ko dahilan para mapadikit ako sa pader. Bago pa sya may gawin sakin ay agad ko na syang sinipa sa ari nya dahilan para mapaupo sya.
"YOU BITCH." Nagulat ako ng biglang dumating ang haliparot na queen bee na humarang sakin sa cr ng girls. Agad nya akong sinuntok sa sikmura dahilan para mapaupo ako. Sobrang sakit, ngayon ko lang naranasan yung ganito.
"Kilalanin mo kung sino binabangga mo!" Singhal pa nito saakin. "My king are you okay?" Baling nito kay ungas na halos katapat ko lang. Nandidilim ang paningin ko. Di ako papayag na tapak tapakan lang nila ako ng ganito.
Dahan dahan akong tumayo atsaka ko hinawakan ang buhok nya ng sobrang higpit.
"Better apply it to yourself!!" Halos dumagungdung ang buong gymnasium dahil sa lakas ng sigaw ko habang hila hila ko sya at kinakaladkad.
"let go of me!!" sigaw nito.
"tangina mo pala eh!!" sigaw ko sa kanya atska unti unti akong tumakbo habang hila hila ko parin ang buhok nya. Inikot ko sya sa buong gymnasium ng paulit ulit ng ganon ang sitwasyon nya. "Sabi sayo eh wag moko kinakanti eh!" Patuloy parin ako sa pagtakbo habang hila hila ko ang buhok nya.
"P-p-please let go o-of me." Umiiyak nyang saad. Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod.
"Tangina, pumasok ako sa eskwelahan na to para makapagaral ng maayos di ko inaasahan na yung pinangarap kong eskwelahan impyerno pala." Dahan dahan akong tumayo atsaka nagmartsa palabas ng gymnasium.
Dirediretso lang ako sa paglalakad ng unti unting lumandas yunng luha ko sa pisnge na kanina pa gustong kumawala. Nakarating na ako sa locker area ng marinig ko ang boses ni Chris na tinatawag ako habang papalapit saakin. Dali dali kong pinunasan yung mukha ko at humarap sa kanya.
"Oh Chris."
"Dalhin kita sa clinic."
"Ako magdadala sayo sa clinic. Wait moko dito ha bibihis lang ako." Bahagya syang tumango atsaka umupo sa mga benches na katapat ng mga locker. Kinuha ko ang gamit ko atsaka ako pumasok ng cr. Pagupo ko palang sa nakasarang bowl ay muli na namang lumandas sa pisnge ko ang mainit na mga luha. At mahinang humagulgol na ako sa loob ng banyo, siguro kahit langgam hindi maririnig ang pagiyak ko.
"Kaya mo yan Riley. Marami ka ng pagsubok na pinagdaanan. Walang kwenta to compare sa mga napagdaanan mo na." Pagchecheerup ko sa sarili ko. Pinahidan ko ang mukha ko atsaka nagayos ng sarili at lumabas ng cubicle.
Paglabas ko ng cr nakita ko si Chris pagod na pagod na nakaupo sa bench. Pagtapat ko sa kanya ay agad kong kinuha ang braso nya. Napatingin sya sakin, ang mga gwapong mata ni Chris na halos papikit na dahil sa sakit at pagod.
"Halika na Chris." Binigyan ko sya ng napakapait na ngiti. Inalalayan ko sya at nagsimula na kaming maglakad sa hallway papuntang clinic.
"You're." Napatingin ako kay Chris ng magsalita sya. "You're so fucking brave." Pagpapatuloy nito napangiti nalang ako. "That's what i like. An strong independent woman." Pagsasalita parin nito.
Kung alam mo lang Chris. Kung alam mo lang. Nakarating na kami sa Clinic at agad syang pinahiga sa kama habang ako ay nakaupo habang pinapanood yung nurse na ginagamot yung sugat ni Chris hanggang sa nakatulog na nga sya. Inantay kong matapos yung nurse sa ginagawa nya atsaka nya ko nilapitan.
"Gamutin din kita." Pagalok nito sakin habang pinapakita yung first aid kit nyang hawak. Umiling ako bilang sagot.
"Hindi na po. Pasabi nalang po sa kanya kapag nagising sya na umuwi na po ako."
"Sigurado ka?" Usisa pa nito. Tumango nalang ulit ako. "Oh sige sabihin ko nalang paggising nya."
"Thank you po." Sambit ko atsaka umalis.
Naglakad na ako sa hallway. Hindi ako papasok sa susunod na subject nawalan ako ng ganang magaral ngayong araw.
Naglalakad nako ng makasalubong ko si Daile. Di ko dapat sya papansin ng bigla nya akong kinausap.
"San ka pupunta, Estrada?" Nakangiting tanong nito.
"Uwi."
"May klase pa tayo ah."
"Di nako papasok."
"Ah. Ganon ba. Sya hatid na kita."
"Wag na. Pumasok kana lang."
"No. I insist. Bawi ko nalang sa ginawa naming pagtunganga lang at di pagtulong sayo kanina."
"Okay?" Pagoo ko nalang para makaalis na ako sa impyernong to.
Nung nasa kotse na nya kami bigla syang nagsalita.
"I'm Sorry pala sa di namin pagtulong sayo ah. Si Cole na kasi kalaban mo eh."
"Hindi okay lang. Gets ko na kayong mayayaman."
"Riley, plea--" Napahinto sya ng itaas ko ang palad ko at sumenyas na tumigil na sya.
"Ingay." Malamig kong saad. Buong byahe namin ay tahimik lang ako ganon din sya. Sino ba naman kakausapin nya? Alangang sarili nya.
Nagpahatid ako sa kanya sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Ilang araw din akong di pumasok don, katanghaliang tapat kaya wala gaanong tao dahil karaniwan naorder drive thru.
Pagpasok ko palang ng coffeeshop as usual nakasunod sakin si daile papasok. Ano ba problema nito. Lahat ng staff na andon nakatingin sakin at halos lahat sila ay lumapit at hinila ako papasok.
"Omg, Riley ano nangyare sayo?" Ericka.
"Hala bat ganyan, san ka nakipagsuntukan?" Si Kyla.
"Riley ano nangyare? Bat ganyan ang mukha mo?" Si sir Felix.
"Ah ano kasi hmmm. Ano." Halos di ko alam sasabihin ko ng magsalita si Daile.
"Sorry sa nagawa ng kaibigan ko sa kaibigan nyo. Sorry di ko napigilan si Cole."
"Eh tarantando ka pala eh!! Ano pang ginagawa mo dito ha? Kapal din ng mukha mo eh no!! Sabihin mo sa mga barkada mo wag na wag na kayo magkakape dito baka lagyan ko pa ng lason inumin nyo." Nagulat kaming lahat kay Marcus at akmang susugod pa sya kay Daile.
"Marcus kalma." Sambit ko.
"S-sorry talaga sa inyo, sorry talaga Riley." Sambit ni Daile atsaka umalis.
Sila naman ay inusisa ang buong nangyare sakin sa halos isang linggo kong di pagpasok. Kinwento ko sa kanila kung anong totoong nangyare, mula don sa nilock ako sa cr ng girls hanggang sa nangyare kanina. At lahat sila galit na galit. Napapadiin na nga yung panggagamot sakin dahil sa sobrang inis nila.
Kahit ako naiinis, pagaaral ang pinunta ko dito hindi gulo. Kung gulo din naman pala kahihinatnan ko dat sumali nalang ako ng rally sa edsa atleast don magkasakitan man may pinaglalaban naman. BWISET!!! GRRR
---
Franco Daile Sebastian☝️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top