Chapter 4
Saktong 9am ng pumasok ang prof namin, mabilis itong nagayos ng gamit atsaka agad na nagsalita.
"Goodmorning freshies. Welcome to NFU!!" Masiglang bati nito. Lahat sila ay bumati pabalik maliban sakin. Dahil may kakaiba akong nararamdaman. Buset!! Di maganda to. "My name is Diana Villanueva your professor in engineering drawing. I'm 35 years old and i been working here for almost 6 years." Pagpapakilala nito.
"Any other further questions before we start our discussion?" Tanong nito.
"None." Sagot ng mga kaklase ko.
"I see. So before we start, i want you to go in front of class and introduce yourself. I want to know your name, nickname, were you came from and hobbies. So lets start on you." Turo ni maam sa babaeng nasa unahan.
Nagumpisa na ang introduce-yourself-keme and now its my turn. Naglakad ako papunta sa unahan atsaka nagumpisang magsalita.
"Hello everyone. I'm Riley Estrada." Napahinto ako ng magsalita si mayabang. Di ko alam kung bulong ba yun pero rinig ng lahat.
"Pwew. Such a boring name." Ani nito. Agad namang nagtawanan yung mga kaklase namin. Anong nakakatawa don?! Ang babaw naman nila ts. Nagpatuloy ako sa pagsasalita ng tumigil na sila sa pagtawa nila.
"As you can see my name is boring so i dont have any pen name. You can call me anything you want."
"Maybe, can we call you a bitch?" Sambit ng babae na dahilan ng pagtawa na naman nila. Here we go again.
"Yeah. I like that one. It fits on my personality girl, wanna try?" Sambit ko at binigyan ko sya ng matamis na ngiti na dahilan ng pagismid nya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Graduated from San Frachosko National Highschool, I just love to draw and draw and draw." Agad na akong umupo.
"Thankyou Miss Estrada."
Nasa center aisle ako kaya ang kasunod ko ay ang kabilang dulo na.
"Princess Francheska Hill but you can call me cheska I'm from Stuttgart High School in Germany. I just love doin tattoo art in my tattoo shop." Maangas na bigkas nito at umupo. Maangas ang galaw nito. Maganda sya may kulay ashed gray ang buhok. Madami din syang piercing at tattoo. Malaking babae sya kung titignan.
Kasunod naman nya ay ang babaeng balingkinitan. Maganda ito pero mukhang maldita. Kumpara dun sa babaeng katabi nya mas girly ito. Meron syang magandang mata na tila nakakapangakit.
"Hey guys, I am Alessia Cara De Guzman but you can call me Cara. Graduated here at NFU, i do really love shopping. That's all." Ani nito atsaka ifinlip yung buhok nya at agad na naupo.
Madami na ang estudyanteng nagpakilala ng sa huling row na matapat.
Tumayo ang isang babae. Mukha itong tahimik at cute din ito. Balingkinitan din ang katawan at may mahabang buhok.
"My name is Azizia Anne Gonzales but you can call me Zia. Graduated here. And my hobby is petting my dog." Ani nito atsaka umupo.
Ang kasunod nya ay lalaki na. Kasamahan nila steve. Matangkad ito na may malaking katawan na sapat lang para maglaway ang mga kababaihan. Mukha itong mabait compared sa lahat ng tropa ni Steve. (Syempre number 1 sa mabait si steve no)
"Hey I'm Thomas Frank Gonzales but you can call me Tom." Sambit nito.
"Wait, are you related with her?" Usisa ni maam atsaka nya tinuro ang babaeng kakatapos lang magsalita kanina.
"Yes she's my twin sister." Nakangiting sambit nito.
"Fraternal twins huh. Okay proceed."
"Graduated here and i dont have any hobbies." Usal nito atsaka umupo.
Kasunod nya ay ang isang maangas na lalaki may kulay ashed gold ang buhok nito at madami itong piercing. Buti pwede yan dito? Matangkad din ito at medyo moreno.
"Vincent Kid Patisson, Vince, Graduated here and surfing is my hobby." Cool na sambit nito atsaka umupo.
Kasunod naman nya ay si Steve. Habang nagsasalita sya nakafocus ako sa labi nyang manipis. Jusko! Lord ano ba hays.
"I'm Paul Steve Harrison but i prefer Steve. Came here and studying is my hobby. Just kidding." At bahagya syang tumawa. Ang pogi naman!!! Ang makasalanan ko naman. Nakakainis.
Kasunod ay ang lalaking di gaanong katangkaran. Singkit ito at napakaputi parang papel. Seryoso din ito na parang hindi ngumingiti pero siguro kung nangiti to cute to.
"I am Patrick Drew Ramos, Pat or Patrick but don't you dare call me Drew. Never! Graduated here. Loves listening to music." Anong issue nito sa second name nya?
Kasunod ay ang lalaking di rin katangkaran pero malaki ang katawan. Kaya ka atang ilambitin nito sa braso nya eh. Maganda ang mga ilong nito, magaling pagkakagawa ng magulang.
"My name is Brace Benedict Tenedero, Brace not the thing that cool kid and sungki one wearing. I've been studying here for a long time and thats totally bullshit. Playing computer games is one of the coolest thing."
Kasunod naman nya ay ang lalaking halos matakluban na ng bangs nya ang mata nya. Matangkad ito at mukhang magaslaw.
"Hello Guys. I'm Franco Daile Sebastian, Daile. Came here. Loves playing basketball."
Kasunod ay ang pagtayo ni mayabang kasama ang maitim na maitim na awra.
"Why I need to do this, Diana?" Iritableng sambit nito. Ano daw?! Wala talagang modo.
"Just do it, Sir. For the sake of transferies." Ano daw? Naguguluhan nako sa kanila ha!
"Clark Oliver Lee Evans, Cole for short." At astang uupo na.
"Sir, youre not done yet." Sambit ni Maam.
"Shut up. That's enough." Sabi nito at tuluyan ng umupo.
Walang modo!!!! Bat ba sya nandito sa star section?! Diba kabawasan din sa grades yun?! This school are really unfair. Tssk.
Pero dahil may kasalanan ako sa kanya, magsosorry ako sa kanya after ng dismissal sa engdraw. Para hindi na ako ginugulo ng konsensya ko tsaka para di na rin ako kabahan sa tuwing nakikita ko sya. After rin naman nun matatahimik na ang buhay ko at pipilitin kong lumayo sa grupo nila kahit kasama nila ang crush ko hays.
Dismissal na at naglakad na ang grupo nila Steve palabas.
"One..Two..Three" bagbibilang ko.
After ng 3 ay tumayo na ako atsaka lumabas. Hinabol ko sila at nakita kong nasa likuran si Mayabang ay este cole.
"C-cole" utal utal na bigkas ko ng makatapat ako ng paglalakad sa kanya. Mas matangkad sya saakin kaya bahagyang nakatingala ako sa kanya.
"What?" Ang lamig ng boses nya, parang lalagnatin ata ako.
"Hmm. I-im sorry p-pala about dun sa nangyare kahapon." Nanayo ang balahibo ko ng ngumisi sya kasabay ng pagngisi nya ay ang pagpatong ng mga braso nya sa balikat ko na ikinagulat ko. Agad akong napatingin sa braso nya na nakapatong sakin, ano to? Bat parang kinakabahan ako na hindi maintindihan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang aatakihin na ata ako. Jusme!!
"I don't need your sorry bitch." Bulong nito sa tenga ko na nagbigay sakin ng kilabot at halong kiliti. Akbay akbay nya parin ako habang naglalakad kami.
"A-ano?" Gulat na ani ko.
"I want you to pay for what you did." Maitim na awra ang nakikita ko sa kanya na nagpahinto saakin sa paglalakad. Naramdaman ko naman na kasabay ng paghinto ko ay ang pagbitaw nya sa pagkakaakbay saakin atsaka lumakad palayo.
"P-pay?" Bulong ko. Ng makita ko ang likod nya na nasa malayo na ay mas lalo akong kinabahan. Wala akong pera!!!!!
Pumunta ako sa cr para sana umihi ng harangin ako ng grupo ng mga babae.
"Youre new here?" Sabi ng leader nila. Maganda ito pero mukhang maldita. Nakaside bangs sya at nakasabit sa braso nya ang shoulder bag nya.
"Oo." Ani ko sabay ngiti.
"Oh i see. I just wanna clear something, stay away from my king." Sambit nito.
"Ha? Sino?"
"King Cole." Sambit ng mga aliporea nya.
"I saw you with him earlier."
"Hindi ganon. May pinagusapan lang kami."
"Shut up! I saw everything, gold digger." Atsaka nya itinama ang mga palad nya sa pisnge ko. Napahawak ako sa bahaging sinampal nya dahil pakiramdam ko namanhid iyon. Ng akmang aalis ako ay agad nyang hinawakan ang mahaba at nakapusod kong buhok. "I'm still talking to you!!" Tangina ano bang problema nito?!
"Bitawan moko!" Pagbabanta ko pero parang wala syang narinig.
"Better know who am I and know where you belong, bitch!" Sigaw nya.
"Sinabi ng bitawan moko!!" Sigaw ko atsaka ko kinabig ng napakalakas ang kamay nya dahilan para mapabitaw sya sa pagkakahawak sa buhok ko.
"Di mo ako kilala!! Kung gusto mo yung mayabang na yun edi sayo na saksak mo sa kilay mong hugis nike! Di uubra sakin yang bitchy attitude mo!!" Sigaw ko sa mukha nya atsaka umalis.
--
Alessia Cara De Guzman☝️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top