Chapter 11
Ilang araw din ang lumipas. Puro pambubully ginagawa ng mga punyeta sakin merong tinapunan nila ng kape yung damit ko, merong hinila yung buhok ko mula sa itaas ng hagdan, merong bigla nalang hiniklat yung hikaw ko at kung ano ano pa. Mga puta. Pero buti nalang talaga may mga kaibigan ako para ipagtanggol ako.
Ngayong araw ay sabado at mamaya narin kami gagawa ng project.
"Sa school moko papasok next school year." Pangiti ngiting sambit ng kapatid ko.
"Magaral ka ng mabuti para maging scholar ka."
"Kahit di ako maging scholar makakapasok ako."
"Pano naman aber?"
"May kapit ako sa school nyo eh."
"Balakanga. Alis nako ma babye." Sambit ko atsaka lumabas ng bahay. Pagpasok ko palang ng coffeeshop ay nakita ko agad yung sasakyan ni Cole. Aga naman nito. Ah baka magaalmusal.
Ilang minuto lang ang lumipas ay umalis din ito. Ano kaya yun? Di ko nalang pinansin at nagsimula ng magtrabaho.
"Kamusta sa school mo, Riley? Binubully ka parin ba?" Tanong ni Marcus.
"Oo eh pero okay lang. May mga kakampi na naman ako ngayon." Nakangiti kong wika.
Alas singko ng makareceive ako ng text. Palabas na ko ng coffeeshop.
From: Cheska
Hey. Where are you? I can pick you up.
To: Cheska
Hindi na Cheska. Thank you. Andyan nako mga 20 mins.
From: Cheska
Okay. Take care.
Bumyahe nako papunta sa village nila. Pagbaba ko palang grabe super laki naman dito tapos hindi uso tricycle. Hala pano na?? Pano ko makakapasok? Maglalalakad ba ko?
"Hija san ka pupunta?"
"Hmm kala Gonzales po kuya."
"Ano pangalan mo?"
"Riley Estrada po."
"Asan sasakyan mo?"
"Ay wala po kuya eh."
"Pano ka makakapasok sa loob walang tricycle dito." Ani nito.
"Maglalakad po ako kuya."
"Ay di kita papapasukin. Mamaya modus mo pa yan eh."
"Kuya di poko masamang tao."
"Hija hindi nga pwede. Bakit hindi mo nalang tawagan yung may ari ng bahay para sunduin ka dito? O baka naman wala ka lang talagang kakilala sa loob. Mayayaman mga nakatira dito." Sambit pa nito.
"Nahihiya po kasi ako magpasundo kuya eh."
"Nako hija luma na yan. Mabuti pa umalis kana lang."
"Kuya gagawa po kami ng project. Kaylangan ko po--" napahinto kami ng may bumusina. Kotse ni Cole.
"Sir, Cole."
"May problema ba?"
"Ito po kasi gusto pumasok eh. Mamaya po criminal po to." Sambit nito.
"Hop in." Sambit nito habang nakatingin sakin.
"Sir?"
"I know her. " sambit nito. Nakayuko naman akong sumampa sa kotse nito.
"Hmm cole thank you ha." Sambit ko.
"Shut up." Mahinahon na ani nito habang nakatuon ang buong atensyon sa manubela.
"Hmm Cole. Wag mo nalang sabihin kala Cheska na hinarang ako ng guard ah. Pati kay Zia."
"No problem."
"Bat ka pala andito sa village nila Zia?"
"For the project."
"Okay."
Nang makarating kami sa gate ni Zia ay agad nalang itong bumukas atsaka ipinark ni Cole yung Kotse nya. Super laki nung gate grabe. Tapos ang daming kotse. Parang parkinglot ng supermarket. Pagbaba palang namin sumakay kami sa elevator dahil underground yung parking lot. Wooooow. Napapanganga nalang ako.
"Ang laki naman dito, buti nalang nakita moko sa labas kung hindi baka maligaw ako dito." Sambit ko pero hindi nya ako sinagot. Patuloy parin sya sa paglalakad sa mala palasyong bahay ng mga Gonzales. Nasa lobby kami ng bahay. Nasa salas silang lahat as in lahat. Supeeer laki ng salas.
"Bat kayo magkasama?" Tanong ni Chris. Di ko sya pinansin dahil sa pagkahanga ko sa bahay nila Zia.
"The heck you pick her up bro?" Pangaasar ni Daile dahilan para magtawanan ang lahat.
"So tell us Cole, do you like Riley?" Nakangising sambit ni Vince.
"Ano ba naman kayo. Nagkita lang kami ni Cole sa gate tapos naawa sya sakin kasi balak kong maglakad papasok."
"Oh really?" Tumataas taas na kilay na sambit ni Brace.
"Pwede ba ko humingi ng favor?"
"What?" Sambit ni Tom.
"Pwede ba wag kayo english ng english pagkasama nyoko." Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Nagtatagalog naman kami lalo pagmagkakasama lang kami." Sambit ni Patrick.
"Nice nice." Sambit ko habang nagtathumbs up.
"Since everyone are here---" naputol ang pagsasalita ni Cheska ng umubo kaming lahat except kay Cole, Chris, Zia at Cara. "What?!" Takang tanong nito.
"Are you deaf?" Tanong ni Vince.
"Ehem." Pagubo ni Daile.
"Wait wait."
"Ehem." Pagubo ni Tom.
"Are you bingi?" Nagtawanan kami sa sinabi ni Vince except kay Cole, Cheska at Chris.
"What?" Tanong ulit ni Cheska.
"Tagalog." Halos bulong ni Chris kay Cheska.
"Oh sorry. I forgot. Okay wait. Party tayo mamaya. Dali naaa."
"Were here para gumawa ng project." Sambit ni Cara.
"Edi after. Goal yun yung matapos natin ngayon." Sambit ni Zia. Si zia? Bomoboses? Inuman?
"Wait... party? Inuman?"
"Yah." Sambit ni Tom
"Di kasi ako umiinom eh." Sambit ko.
"Give it a try, Riley." Wika naman ni Daile.
"Psh. English." Sambit ni Patrick.
"Sorry. Subukan mo." Kamot ulong ani nito.
"Uuwi na tayo Riley pagnatapos na." Sambit ni Chris. Lahat sila nagtatakang nakatingin kay Chris.
"Seriously Chris?" Sambit ni Cheska.
"Oo bakit?" Seryosong sambit ni Chris habang nakatingin sakin ng diretso.
"Why dont you ask Riley if she wants to go home after gumawa ng project?" Sambit ni Cole habang nakatingin sa malayo.
"Why? Di naman umiinom si Riley why do she need to stay?" Sagot ni Chris.
"Hmm Chris nagpaalam kasi ako kay mama na overnight ako dito eh. Baka akalain nya nagsisinungaling ako. Di nalang ako iinom." Sambit ko.
"Uuuhh. Why naman Riley? Youre so corny." Ani ni Cara.
"Hmm. Tapusin na muna natin project natin." Singit ni Steve.
"Dinner muna tayo 6pm na." Sambit ni Tom. "Baby girl samahan mo muna si Riley ibaba gamit nya." Pagpatuloy nito.
"Okay. Lets go Riley. Go change your clothes na rin." Sambit saakin ni Zia.
Umakyat kami sa 2ndfloor ng bahay. Hanggang 3rdfloor lang yung bahay nila pero super lawak. Pwede nga ata dito magpark sa sobrang lawak eh.
Pumasok kami sa kwarto nya. Tangina super laki at lahat color pink. Si Zia kasi pagtinignan mo sobrang hinhin at babaeng babae. Maganda si Zia kung ako magiging lalaki sya ideal girl ko.
"Bihis kana don sa closet. Wait kita dito." Sambit nito.
Pumasok ako sa pintuan na tinuro nya. Pintuan yun na dalawahan. Pagbukas ko super laki parang kwarto na puro damit at puro salamin. Ang lawak din nito. Daming damit.
Nagbihis nako. Kinuha ko yung tshirt ko na pantulog malaki to at nakashort lang ako ng maong. Pinuyod ko din ng nakabun yung buhok ko atsaka ako lumabas.
"Laki ng closet mo parang kwarto ko na." Napatawa kaming dalawa sa sinabi ko.
"Youre crazy riley."
"Totoo Zia tas ang dami mong damit nakakatuwa."
"You want some?"
"Naku hindi na. Nakakahiya. Madami din naman akong damit sa bahay di nga lang magaganda." Tumawa ulit kaming dalawa. "Asan nga pala parents mo?"
"Lagi silang nasa business trip kaya kami lang ni Kuya laging magkasama."
"Kaya siguro super close nyo ni Tom."
Bumaba na kami sa lobby at pumunta sa dinning table. Grabe yung ambiance. Parang may tension na di ko malaman. Whoa nakakasakal. Bakit ganto dito?
Umupo na kami. Ang katabi ko si Zia at Chris. Habang nakain lahat sila kalikot ng kalikot ng cp except kay Chris at Cole di ko alam kung anong ginagawa nila.
"Uy Zia anong ginagawa nyo?"
"Nagreresearch na para mapabilis tayo mamaya." Ani nito. Tumango naman ako atsaka itinuloy ang pagkain ko.
"Gusto mo Chicken fillet?" Alok ni Chris.
"Oo." Nakangiti kong sambit.
Agad naman nya kong nilagyan sa plato ko.
"Dami nilang pagkain no. Ganon ba talaga pagmayaman? Parang may handaan?" Tumawa naman si Chris sa sinabi ko at kinurot ako sa pisngi.
"Sobrang cute mo Riley sarap mong pisatin." Sambit nito.
"Ah ganon?" Sabi ko atsaka ko sya pinalo sa hita.
Tumatawa naman sya nagpatuloy na kami sa pagkain. After kumaen nagtakbuhan sila papunta sa elevator except sakin, cole, Chris at Tom.
"Di nyo man lang liligpitan pinagkanan nyo? Sige ako nalang." Sabi ko atsaka hinawakan ang mga plato at utensils.
"Tulungan na kita." Sambit ni Chris atsaka dumampot ng mga plato.
5 segundong katahimikan ng biglang umubo si Tom.
"Wag na Riley. Manang paligpit naman ng mga plato. Thankyou." Sambit ni Tom.
"Opo sir." Agad namang niligpit ng mga kasambahay nila Tom yung mga plato. Nakita ko namang tinapik ni Tom si Cole habang nakangiti.
"Akyat na tayo Riley."
"Okay.
---
Brace Benedict Tenedero☝️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top