Chapter 10
Pumunta na kami sa next class namin, sa pagkakataong to magkakatabi na kami. At hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Chris. Problema nito?
Dahil wala pa namang prof ay nagcr muna ako. Papunta na ako ng cr ng makasalubong ko ang grupo ni Steve.
"Wait guys." Sambit nito sa mga kasamahan dahilan para huminto sila sa di kalayuan. "Riley, I want to talk to you. Please?" Baling nito sakin.
"Ano ba kasi yun, Steve?"
"Are you avoiding me?" Lungkot ang gumuhit sa mukha nito.
"Hindi. Bakit naman?"
"Tangina. Im not stupid!! Tell me the truth." Madiin na pagkakabigakas nito habang hawak ng mahigpit ang braso ko. Tinignan ko yung mata nya na malungkot na nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
Habang nasa ganon kami nagulat nalang ako ng may humila sa buhok ko dahilan para matumba ako at mapahiga sa sahig habang kinakaladkad nya ako.
"Youre witch!!! How dare you to touch him!!!" Singhal nito sakin habang kinakaladkad ako.
"Babe! Monica! Please stop! Please listen to me!" Kita kong takot na sambit ni Steve habang pinipigil ang dimonyong humihila sa buhok ko. Tangina naman. Iihi lang ako diba? Putrages.
"Dont touch me steve!!! Stay away from him you flirt!!!" Singhal nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Bitawan moko!!" Paguutos ko.
"It seems you want everyone's attention, isnt? Ill give it to you then, motherfucker!!" Sigaw parin nito.
Ngayon ko lang napansin na dumadami na yung tao. Andon na din si Chris at iba pa.
"TANGINA!!!" Singhal ni Chris.
"What's going on?!" Ani ni Cheska.
"Nakita nyang naguusap si Steve at Riley." Sambit ni Daile. Ngayon ko lang din napansin na nanonood lang sila mula kanina. Tangina. Wala ka talaga aasahan sa mga to!!
"Putangina!!! Stop her!!!" Singhal ni Chris habang hiniklat ang polo ni Steve.
"I cant." Malungkot na tugon nito. Nagulat ang lahat ng sapakin ni Chris si Steve.
"Keep her safe or stay away from her!!!" Sambit nito. "Monica, let her go!!!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw nito habang papalapit kay monica kuno!
"You cant stop me you asshole!!" Sigaw nito atsaka tinadyakan ng ubod ng lakas si Chris habang nakahawak parin sa buhok ko. Tangina somosobra na tong babaeng to.
Bumwelo ako tsaka ako matigas na tumayo mula sa pagkakahiga dahil don ay nabitawan nya ang buhok ko. Parang makakalbo ata ako dito ah! Puta talaga. Sa pagkakataong to ay nasa harapan na nya ko!
"Let your boyfriend explain everything. Try to think first before bursting out your anger with everyone here. You spoiled brat!!" Sigaw ko atsaka ko sya sinampal ng ubod ng lakas. Sa sobrang sakit ng pagkakasampal ko ay namula ang mala porselanang pisngi nito dahilan para mapahawak sya dito.
Sa sobrang galit nya ay itinulak nya ako sa hagdanan. Habang nalalaglag ako pakiramdam ko ay nagslowmo bigla ang buong paligid. Mabilis nya akong naitulak sa kadahilanang wala akong balance di ko din naman kasi akalain na magagawa nya akong itulak.
Pagkalagpak ko sa baitang ng mga hagdan ay pakiramdam ko nabalian ako ng buto. Umabot ako sa palikong parte ng hagdanan. Rinig na rinig kong nagkakagulo sila sa taas merong nagcucurse, sigawan, tilian. Halo halo na lalaki babae. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sobrang sakit ng katawan ko. Idinilat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko na may bumubuhat sakin.
Di ko inaasahan ang makikita ko sa pagmulat ng mga mata ko. Ang makikinis nyang mukha, ang makapal nitong kilay na lalong nagpaganda sa mga mata nya, ang mata nitong kulay brown, maliit na labi at matangos na ilong. Naluha ako ng di ko alam ang dahilan. Inilingkis ko ang mga braso ko sa balikat nya at tuloy parin sa pagagos ng mga luha ko.
"T-thank you." Yan ang lumabas sa bibig ko at agad na akong nakatulog.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa tabi ng kama ko ang lalaking nakaupo habang nagcecellphone ito. Hindi nya agad napansin na gising nako dahil sobrang titig nya sa cp nya.
"Bat andito ka parin?"
"Fuck!!" Halos mahulog ang cp nya sa pagkataranta nya dahil sa gulat. Bahagya akong napangiti. "Were in the hospital i brought you here."
"Pwede namang clinic."
"Youre critical." Nauutal na sambit nito.
"Oa ah pero thank you." Sambit ko habang nakangiti.
"You owe me." Seryoso nitong sambit.
"A lot." Nakangiti kong sambit. Yumuko ito siguro mga 3 seconds atsaka ulit tumunghay. Habang ako ay unti unting umuupo.
"Hey. Hey. What are you doing?" Pagpigil nito.
"Hmm. Papasok?" Bahagya akong tumawa.
"What?! Are you crazy?!"
"Yes." Tumawa ako. "Diba may quiz? Sayang nireview ko." Nakangiti kong sambit.
"Youre crazy." Sambit nito atsaka ako inalalayan.
Paglabas namin ng hospital ay nagpaalam na ako.
"Thankyou, Cole. Babayaran ko expenses ko dito sa hospital but please bigyan moko oras ah. Wala pa ko pera eh." Tumawa ako ulit. "Pumasok kana. Ingat. Thank you ulit." Agad na akong humakbang. Medyo nahihirapan pa din ako pero medyo okay okay na kaysa kanina.
"Hey hey! Where do you think youre going?!" Sambit nito.
"Hmm. Papasok?"
"Look at you! Can you walk?! Can you commute?! Can you?!"
"Oo"
"Stubborn! Come with me." Hinawakan nya ako sa braso. Ramdam na ramdam ko ang mainit nyang palad.
"Hindi na. Salamat nalang. Pumasok kana. Kaya ko." Nakangiti ko paring sambit.
"Shut up!" Tuloy parin sya sa paghila sakin ng bagya.
"Kaya ko Cole."
"Can you please just listen to me?!" Hinawakan nya ulit ako sa braso atsaka ako uit hinila ng dahan dahan.
"Cole nakakahi---" napahintoo ako sa sinasabi ko ng humarap ito sakin.
"You owe me." Tumalikod sya saakin atsaka patuloy na paghila sakin. Humarap ulit sya sakin. "A lot." Sambit nito atsaka ibinalik ulit ang tingin sa daanan. Sa di inaasahang napangiti ako.
Woah. Di ko ineexpect na may gantong side pala si Cole.
Inalalayan nya ako sa pagsampa ko sa sasakyan nya atsaka sya pumasok.
"Hmm Cole. Thank you pala ulit ha."
"Shhh shut up." Dahil don ay tumahimik nalang ako. Di ko parin maiwasang mapangiti at di ko mamalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng marinig akong may kausap si cole sa telepono.
"Can you just put Monica's name on that fucking list!!!!" Bulong nito pero puno ng galit kung pano nya ito sambitin.
"I dont care if she's steve's goddamn girlfriend!! I dont give a damn!!!"
"Who's the owner of that fucking school?!"
"Just put her goddamn name on that fucking list or else i will replace it with your name!!"
Dahan dahan akong kumilos at tinignan sya.
"Okay okay. I have to go. Bye." Mahinahon na sambit nito.
Nakita kong nasa parking lot na kami ng university.
"Youre finally awake."
"Sorry." Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan nito atsaka bumaba. Ganon din ang ginawa nya. "Uy Cole thank you."
"Shut up. Lets go."
"Hindi na. Tatawagan ko nalang si Chris para sunduin ako dito sa baba."
"Okay." Sambit nito atsaka humakbang palayo.
Ako naman ay naglakad na din patungo ng elevator. Wala na agad si Cole ang bilis naman nya? Kung sa bagay ang bagal ko kasi maglakad dahil sa sakit ng paa ko.
Pagbukas ng elevator ay agad na akong dumiretso sa klase ko. Kahit may mga benda ako sa katawan keri lang. Super dami ko absences. Baka mawala yung scholarship ko.
Pagpasok ko palang ng room nagkagulo lahat lalo na sila Chris.
"Where the fuck have you been?" Bungad ni Chris.
"Were fuckin worried, dont you know?!" Ika ni Cara.
"Are you okay riley?" Mahinahon pero puno ng pagaalalang tanong ni Zia.
"You bitch! Can you just answer their question so we can calm down?" Malditang ani naman ni Cheska.
"Review tayo? May quiz tayo. At.." pagbitin ko atsaka ako tumingin sa relo. "Meron nalang tayong 15 mins."
"Fuck i forgot!!" Sigaw ni Chris na agad pumunta sa upuan nya.
"Shocks!!" Ani ni Cara atsaka sumunod kay Chris ganon din yung ginawa ni Zia.
"We forgot about the quiz because of you!" Napangiti ako sa sinabi ni Cheska.
"Hmm. Di ko alam kung matutuwa ako or magsosorry." Ngumiti naman sya.
"Lets go." Ani nito at agad na nginuya yung kanina pang bubblegum na nasa bibig nito.
How lucky am i.
--
Patrick Drew Ramos☝️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top