Chapter 1

Agad akong napadilat at napabalikwas sa kama ko ng marinig ko ang sigaw ng kapatid ko.

"ATE!!! ATE!!!! ATEE!!" Pagsusumigaw nito at pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Mabilis na dagungdong ng dibdib ko ang naririnig ko. Tila walang paglagyan ng kaba. Dali dali akong tumakbo papunta sa pintuan atsaka pinihit ang seradora ng pinto atsaka nagmamadaling hinatak ang kapatid ko.

Halos maiyak na ako sa kaba kahit hindi ko pa alam ang dahilan ng pagsusumigaw ng kapatid ko.

"Ate ano ba yun?" Pagrereklamo ni Lucas habang hinahatak ang kamay nya saakin.

"Kaylangan na natin umalis!!" Halos paiyak na sabi ko sa kapatid ko pero si Lucas ay nakatitig lang sa mga mata ko atsaka humagulgol sa harapan ko.

Mas lalong lumalim ang kaba ko ng makita ko ang kapatid kong umiiyak ng ganon. Naulit na naman ba?

"Oh anong nangyayare?" Nagulat ako ng biglang magsalita ang mama ko.

"Mama may sunog!!" Sigaw ko at tangkang tatakbo papalapit kay mama ng yakapin ako ng kapatid ko mula sa likudan ko.

"Ate, sorry." Umiiyak na saad nito. "Alam kong di ka pa nakakarecover sa lahat ng napagdaanan natin sa buhay pero tandaan mo nandito lang kami parati ni mama para sayo."

Nanlambot ang tuhod ko ng marealize na walang dahilan ang kaba ko at napapraning na naman ako. Napapihit ako paharap kay Lucas atska nagpakawala ng malaking ngiti kasabay ang paglandas ng mga luha ko sa aking mga pisnge atsaka unti unting dumaus dos pababa sa sahig.

Yumuko ako atsaka humagulgol ng iyak. Hanggang ngayon masakit parin, lahat ng to ay dahil sa kanya! Kung hindi dahil sa kanya wala ako sa ganitong kalagayan ngayon at hinding hindi ko sya mapapatawad.

Lumapit sakin si mama atsaka kami niyakap ni Lucas. After ilang segundo ay unti unti akong humalakhak na ikinagulat ni mama at lucas.

Natatawa ako, para kong tanga. Tuloy parin ako sa pagtawa ng unti unti nilang marealized kung bat ako tumatawa at agad narin silang humalakhak.

Napafacepalm nalang ako, jusko nakakahiya. Buti nalang at di pa kami nakakalabas ng bahay at nagsusumigaw ng sunog kung hindi napahiya ako.

"Para kang tanga ate." Sabi ni Lucas habang humahangos pa sa pagtawa. Halos maiyak na sya sa sakit ng tyan nya kakatawa.

Habang tumatawa ang kapatid ko kitang kita mo ang mga mukha nyang nakangiti na tila nagsasabing magiging okay lang ang lahat. Si mama na nakakapit pa sa tyan nya habang tumatawa na tila walang pinagdadaanan na problema.

Masaya silang humahagikhik at ang mga mukha ay punong puno ng pagasa. Mga mukhang masaya, ganyang mukha ang gusto kong makita palagi.

At ng finally matapos kami sa pagtawa, may iniabot saakin si lucas na isang envelope.

"Ano to?"

"Buksan mo para makita mo." Ngayon ay makikita mo ang gwapong mukha ng kapatid ko. Ang mapuputi nitong ngipin, mapupungay na brown na mata, ang buhok nitong nakataas, ang dimples nya na parang balon sa sobrang lalim at ang katawan nyang lalaking lalaki ang tindig. Matured na matured kung titignan ang kapatid ko. Ang ibang tao ay napagkakamalan na mas matanda sya saakin at ang iba naman ay napagkakamalan kaming magboyfriend/girlfriend.

Mataam kong tinignan ang envelope na hawak ko at tsaka tinignan ang loob nito ng marealize kong scholarship iyun na natanggap ko sa school na pinagapplyan ko ng scholarship, ang New Faraday University. Ang pinakatanyag na eskwelahan kung saan madaming may kaya ang nagaaral.

Napatili ako sa gulat atsaka nagtutumalon ng makitang 85% scholarship ang nakuha ko dahil sa score kong 98. Napakalaking tulong na nito para sa gastusin namin sa bahay.

Sobrang saya namin, lalong lalo na ako dahil mapagpapatuloy ko pa ang pagaaral ko. Ako si Riley incoming freshmen college sa NEW FARADAY UNIVERSITY!!!!!!!!! IM SCREAMING!!!!!!!

Nagsimula ng masaya ang araw ko hanggang sa trabaho ko. Nakangiti at tila mapupunit na yung labi ko sa pagngiti.

"Aba't bakit ka naman nakangiti, ha?" Usisa saakin ni Kyla. Kasamahan ko sa isang sikat na coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

"Makakapagaral na kasi ako ng college dahil sa nakuha kong scholarship." Puno ng saya ang nararamdaman ko habang sinasabi iyon.

"Talaga? Masaya ako para sayo, Riley." Nakangiting sambit nito habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Natigil ang usapan namin ng may pumasok na customer, nakasumbrero ito, nakashades, nakablack na tshirt at black pants.

Ano ba to? Holdaper? Chos.

"Goodmorning sir." Nakangiting bati ko ng makatapat sya sa counter. Agad naman nyang hinubad ang shades at sombrelo nya. Tumambad saakin ang isang napakaamong mukha. Ang gwapo shemay!!!

"Hello." Nakangiting sambit nito na tilay nagliliwanag ang kanyang mga mata, matangos ang ilong nito, medyo mahaba ang buhok na naaabot ang kanyang tenga, at ang mapupula nitong labi na masarap titigan.

Jusko! Katapusan naba ng mundo? Puro magagandang pangyayare ang dumadating sa akin ngayong araw na ito ah.

"What's your order sir?"

"Hmm. One Espresso macchiato please."

"Solo or Doppio, sir?"

"Doppio."

"Name po sir?"

"Steve" saad nito. Agad ko namang isinulat sa baso nya ang pangalan nya. "120 pesos po."

Nakangiting inabot nya saakin ang bayad nya.

"I received 1000 pesos. Change, 880 pesos."

Pagkakuha nya ng sukli ay agad nya naring kinuha yung kape nya at agad na lumabas ng shop.

"Ang gwapo no?" Sambit ni Ericka, isa sa kasamahan namin.

"Laglag panty ko habang nagseserve eh." Ani ni Kyla.

"Hoy ano yan, ano yan?" Pagsingit ni Marcus.

"Wala. Chismoso." Ani ni Kyla.

"Sinasali nyo na naman si Riley sa kalokohan nyo ah."

"Okay! Tama na chismisan! Back to work." Sambit ni Sir Felix, manager sa stall namin.

Alas 10 na ng matapos kami sa duty namin. Agad na kaming naglinis ako naman ay nagtapon na ng basura. Papasok na kasi ang mga batch ng panggabi.

Ng malapit nako sa likod na may st. Garbage can, nakakakita ako sa bandang parking lot ng may nagsusuntukan. Dali dali kong itinapon ang basura at agad na sinaway sila habang lumalapit ako.

"Fuck!!" Sigaw ng isa sa kanila at dali daling nagtakbuhan palayo.

"Babalik kami!" Sigaw pa ng isa. Agad akong lumapit sa  lalaking naka salampak sa sahig. Nakajacket ito at nakasweat short.

"Aishhh! Tangina!!" Nagulat ako ng bigla syang bumangon at nagmumura. "Come on!!!! Were not done yet!!!" Pagsusumigaw nito.

Sya yung lalaking bumili ng kape sa akin kanina.

"Okay ka lang?" Pagistorbo ko sa nagwawalang lalaki sa harap ko. Nagulat naman sya sa inasta ko na tila bang ngayon nya lang ako nakita.

"H-hello. A-andyan ka nga pala." Sabi nito at hinawakan ang noo nyang may bukol.

Pasok ka muna sa loob kukuha lang ako first aid kit.

Agad naman syang pumasok sa loob at ako naman ay nagbihis atsaka sya ginamot. Laking osyoso ng mga kasamahan ko dahil bukod sa gwapo eh ay ang malaking tanong sa isip nila na gusto nilang itanong 'Anong nangyare'!

"Tapos na." Sabi ko at agad na niligpit ang ginamit ko tsaka kinuha ang bag ko.

"Bye, Sir Felix."

"Magingat ka." Sagot nito

"Bye Riley." Ani nilang lahat.

"Bye." Humakbang nako papunta sa pinto ng stall ng biglang magsalita yung lalaki kanina.

"Hatid na kita." Napatigil ako sa narinig ko.

"No need." Sabi ko ng nakangiti at agad na inihakbang ang mga paa ko palabas ng stall. Hinabol naman nya ako. Ano bang problema nito?

"No I insist. Pathankyou ko na sa pagtulong mo sakin at paggamot."

"okay na." Ani ko at inihakbang ulit ang mga paa ko pero hinahabol nya parin ako.

"Please?"

"Di naman kita kilala bat moko ihahatid. Di ba tinuro sayo ng nanay mo na 'Dont talk to stranger'"

"Im not a stranger. Im Steve remember?" Sabi nito atsaka ngumiti ng nakakaloko. Ano ba naman yan!

"Ts." Humakbang ulit ako pero nagulat ako ng buhatin nya ko ng pang kasal. Jusko! Hala! Ano bang pumasok sa isip nitong lalaking to?! "Hoy!!! Ibaba mo nga ako!!!!" Pagpupumiglas ko pero mabilis pa sa alas kwatro ng maisakay nya ako sa front seat ng kotse nya atsaka isineatbelt. Dali dali rin nyang isinara ang pinto atsaka tumakbo papunta sa kabilang side saka sya sumakay.

"Manyak!!! Tulong!!! Tulong!!!"

"Hey! Hey, Anong manyak? I just want to drive you home." Nakangisi nitong sambit.

"Di mo kaylangan gawin yun! Tulong!!! Rape!!! Rape!!! Ang gwapo mo pero manyakis ka!! Tulong!!!" Pagsusumigaw ko pero inandar na nya ang kotse. "Ibaba moko!!!"

"Hey don't worry i dont have any intention like what youre saying." Tumawa sya ng bahagya. "Im just returning the favor."

"Di ko alam kung magugustuhan ko ba yang sinabi mo." Sabi ko atsaka umilinh iling.

"Oh no. Im sorry." At muli na naman syang tumawa.

Nagkibit balikat nalang ako atsaka tumanaw sa bintana ng kotse nya. Mabilis lang na nakarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Thankyou for helping me, miss?"

"No problem. Riley. Thankyou sa paghatid." Malamig kong saad atska pumasok sa loob ng bahay.

What a long and tiring day! I need to rest. :)

--

Riley Estrada ☝️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top