Special Chapter 1
May special chapter tayo guys! Ito ang special story tungkol paano mangliligaw si Jeydon kay Tiana at may mga back story din sa bawat isa. So stay tune. Thank you sa pag subaybay nito kahit ang tagal kong mag uupdate. I love you all sa walang sawany sumusuporta sa akin at sa mga magbabasa pa lamang sa nag enjoy kayo!
Again, dalawang italize ito. First is the flashback at ang isa ay kapag nagsasalita sila ng Korean or hangul
-----
Special Chapter 1
Tiana's POV
"Nanliligaw ka ba talaga, Jeydon?"
Napairap ako nang tumingin ito sa akin habang nakangiti sa mga dumadaang babae dito sa University.
"Oo naman," he looked at me cutely habang pinipikit ang kaniyang mata.
Napabuntong-hininga ako. Simula noong sinurpresa niya ako dito sa Korea ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Nabigla akong nakita siya dito mismo simula noong break-up namin doon sa Pinas.
Noong unang umilaw ito ay noong kasama ko si President Kang habang tinutulungan niya ako sa mga poster.
Nang matapos ang meeting ay napanguso ako dahil sa malakiang dala. Isang malaking box puno nang mga papel na gagawin ko mamaya.
Habang nasa labas ako ay madaming nag offer na tulungan ako pero inaayawan ko. Nakakahiya naman sakanila.
May tumikhim sa likod ko kaya napatingin ako doon. "Oh? Pres?"
Nakita ko siyang nakasunod ito saakin. Napanganga ako nang kinuha niya saakin bigla ang malaking box saakin.
"Yah. What are you doing?" Tumaas ang isang kilay ko at tinignan siya na nakapamewang.
Lumingon ito saakin ng seryoso. "I'm helping you. You dummy." Una na itong naglakad saakin.
Umusok ang tenga ko sa narinig. "How dare you!"
Ngumuso siya saaking cellphone na nasa aking bulsa. "Your flashlight is on."
Napahinto ako. "Huh? Flashlight?" Napatingin ako sa aking skirt at may ilaw nga. Kinuha ko ang aking phone at biglang bumilis ng pintig ang puso ko. It's not my flashlight.
Napatigin ako sa paligid at wala akong makitang isang Jeydon.
Napatingin ako sa aking cellphone nang nawala na ang ilaw. Kinabahan ako. I don't know why.
"Hey dumb. Are you alright? You look pale?"
"Huh?" Tinignan ako ni President Kang na nag alala. Umiling ako at kinurot siya sa tagiliran. "Nothing. Let's go."
Maybe wala lang yun. Guni guni ko lang iyon. Sira lang ito.
Naulit rin ito sa sumusunod na araw.
Habang naglalakad ako sa loob ng university, hindi ko maiwasang may mararamdamang nagmamasid sa akin. Lingon ako ng lingon pero wala naman akong makita. It gives me chills, baka kung ano na naman ang naiimagine ko simula noong bumalik dito sa Korea.
"Ti, your phone."
Napalingon ako sa dumaang studyante at may sinabi sa akin. Ngumiti ito sa akin at umalis kasama ang ibang kaklase namin.
Lagi na itont umiilaw ang keychain na nakasabit sa cellphone. Napalingon ako sa paligid pero wala namang tao.
Sa sumusunod na araw ay ganun din. Umiilaw ito, pero wala naman akong nakitang Jeydon Perez.
Sinabihan ko pa si Yerin tungkol dito pero pinagtatawanan niya lang ako.
"Yerin, I have to tell you something." Napatingin ako sa cellphone ko at nilaro laro.
"Hmm?" She's busy texting someone. At feel ko si Rolly-- Roland ito. And now I'm questioning Rolland's gender. Nakahiga si Yerin sa higaan ko at magpapagulong gulong ito habang nagtetext.
Napanguso ako. "I was wondering. Maybe Jeydon is here." Bigla kong nasabi at tinignan ang star na nakapasok sa butas ng headset ko. Hindi na ko gumagamit ng headphones para hindi ito matanggal at baka mawala pa.
Napatingin ito sa repliksyon sa salamin ko at nakakunot noo ito. "Huh?" Bumunghalit ito ng tawa.
"Your imaginations Tiana." Umiiling ito at umupo. "You know what-- try to be free." Tumayo ito at lumabas.
Hindi ko alam kung na-offend ba ako. Pero nasaktan ako sa parte na umaasa pa rin ako noon.
"Hoy tulala ka na naman diyan!"
Pinitik niya bigla ang noo ko kaya napatingin ako sakaniya ng masama. "How dare you?" I gritted my teeth.
Masakit kaya ang pagpitik niya, anong akala niya? Maliit ang kamay? Ke-laking tao kaya nitong katabi ko. Napahimas nalang ako sa noo ko.
Magsasalita pa sana ako kaso may dumating at binigay sa akin ang mga documents. Napatingin ako sa nagbigay at napatayo sa gulat.
"Pres!" Sambit ko sa gulat.
Nakita ko itong tumingin kay Jeydon at sa akin. Ngumiti lang ito ng pilit at inabot sa akin ang documents. "Meeting later."
"Yes!"
Ngumiti ito at umalis na. Napabuga ako ng hangin at umupo uli.
"Teka, pamilyar sa akin 'yon ah. Saan ko kaya siya nakita?" Hinimas nito ang kaniyang baba at tila nag iisip.
Hindi ko mapigilang ngumiti sa inasta niya. Para pa rin talaga siyang bata. Ang cute niya kapag nag gaganyan ng hindi niya alam.
"President Kang 'yon," simpleng sabi ko at tinignan ang laman sa loob.
"Ha?!" Napatayo ito at akmang aalis pero tumigil at tinignan ako.
"Hindi mo ba ako pipigilan?" He acted cutely.
Tumingin ako sa kaniya na nakataas kilay. "Why would I?"
Ngumuso ito at umupo uli sa kaniyang kinauupuan. "Diba siya yung nangliligaw sayo?"
Napatingin ako sa kaniya. "Pano mo nalaman?"
Ngumiti ito. "I've heard it." Kinuha nito ang cellphone niya at napansin kong umiilaw ang keychain nito. "Hindi mo ba napansin na umiilaw 'to?"
Lumapit ito sa tenga ko. "Nandiyan lang ako lagi sa paligid at binabantayan ang mahal kong babae." bulong nito at lumayo.
Nanigas ako sa sinabi niya at uminit ang mukha ko sa kilig. Bakit ka ba ganiyan Jeydon?
"Tsaka, oo naman sagot mo diba? Why bother getting jealous of him anyway." Sabi nito na punong puno ng confident sa katawan.
"Pano mo naman nasabi na oo sagot ko sayo?" I teased.
"What?" Nanlalaking mata tinignan niya ako. "Binabusted mo na ako?" He sounded like a lost puppy.
I smiled kaya mas lalong lumukot ang gwapong mukha niya. Ang sarap talagang asarin ang isang 'to.
Tumayo ako. "May meeting kami ngayon. See you sa loob ng classroom."
Pagpaapam ko sa kaniya pero rinig na rinig ko pa rin ang pagtawag nito sa akin at pinipigilan akong umalis.
Hindi ko maiwasang mapangiti. I'm happy he's here, but is it worth it? Nasaktan ako, at nasaktan ko rin siya. Natatakot uli akong masaktan pero napaisip ako bakit ko ba uungkutin ang nakaraan? Nandito na siya at gumagawa ng paraan para bumalik uli kami sa dati.
"Tiana! Huwag kang lalapit sa mo'kong 'yon! Kundi masasapak ko siya!" Sigaw niyo kaya napahinto ako sa narinig.
Napatingin ang iilanh nakarinig sa amin at tinatanong na ano raw sabi ni Jeydon dahil 'di nila naiintindihan.
Hindi ko mapigilang tumawa at naglakad palayo.
Mahal ko pa rin talaga ang lokong 'yon.
-----
Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top