Hello, Love: Habol

My friends say let her go. Maybe she'll come back.

Everyone's giving me advice to move on.

How?

When in my wedding day ... they're playing our song.

It was raining when I met Asha, my fiancé's best friend.

Again. After two years. Basa sa ulan, nanginginig...

Lumabas ako sa sasakyan at nilapitan siya.

"Ihahatid na kita,"

"Bumalik ka sa kaniya. Ikakasal na kayo, hindi ba?" agap niya bago binilisan ang lakad.

Hinila ko ang kamay niya. Nagkaharap kami. Ang payong na dala ko ay nabitawan, hindi namamalayan.

"Why do you have to leave?" diretso kong tanong.

I love her more than I could imagine. I thought I made her feel the same way.

Pero noong malaman na may gusto sa akin ang kaibigan niya, pinagtulakan ako. Umiwas siya at nagdesisyong lumayo...

She's silent.

"Minahal mo rin ba ako?" tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi,"

She turns her back at me.

"Mahal kita noon. But the moment you pushed me away for someone else? I realized I love the wrong girl." I gritted my teeth.

She glances back, eyes widen.

"Madaya ka. Wala kang pakialam sa nararamdaman ko."

Natauhan ako nang tawagin ako ni Aya. Tinitigan ko ang mukha niya sa ilalim ng puting belo. Hinawakan ko ang mukha niya, hinalikan sa noo.

"Neil ..." she sobs. "Piliin mo ulit ako. Huwag kang ... umalis ..."

Hahabulin ko si Asha. Hindi ko alam kung makaya na hindi sabihin ang tunay kong nararamdaman.

Sa mismong araw ng kasal, iniwan ko ang babaeng hindi nawala sa tabi ko...

Hindi pa ako nakasakay sa sasakyan, natanaw ko si Asha na nanakbo palayo mula sa likod ng simbahan.

"Hello, love. Where do you think you're going?" bulong ko nang mahuli siya sa aking bisig.

Sinaktan mo ako. Pero ikaw pa rin pipiliin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top