6

"Kung di man ayos ang lagay mo, ako'y nandito tatayong gabay mo..."


Nagawang ikubli ni Anya ang ngiti matapos niyang i-save ang natatandaan niyang lyrics sa katatapos lamang na kantang kanyang narinig sa radyo. Namayani pa rin ang katahimikan sa pagitan nila ni Gelo sa mga sandaling iyon. Pakiwari niya, may kakaibang kilig na hatid ang sandaling magkasama sila ngayon. O baka dahil lang ito sa kantang narinig niya, she's still clueless about it.

"Siguro nga, kinilig lang ako sa kanta at hindi sa taong kasama ko." She pursed her lips. Minabuti niya ring ituon ang paningin sa kalsadang nadadaanan nila at ilang saglit pa, nakaramdam din siya ng antok.

It took them five hours to reach their destination in Mariveles. Inabot din ng iskalahating oras bago sila nakarating sa isla at kinailangan nilang umarkila ng bangka para mabilis silang makarating doon.

"Enjoy your stay, ma'am and sir," sabi ng boatman habang tinutulungan silang dalawa sa pagbaba ng kanilang mga bagahe sa kanyang bangka.

"Salamat," nakangiting sagot naman ni Gelo na pagkuwa'y sumulyap kay Anya na tila hindi komportable habang hawak ang mabibigat nitong bag. Umiwas na lang siya ng tingin at ibinigay sa boatman ang kanyang tip at bayad sa paghatid sa kanila nang ligtas sa White Haven.

"Mag-asawa po ba kayong dalawa? O magboypren, girlpren?" biglang tanong ng boatman na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Hindi po, kasama lang niya ako sa trip. Nailibre lang kami ng kakilala niya," paglilinaw ni Anya.

"Opo tama siya sa sinabi niya," dagdag pa ni Gelo habang awkward ang ipinakitang ngiti. Sa wakas, nakahanap na rin siya ng lugar kung saan posibleng ma-enjoy niya ang kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao at malayo sa medyo toxic na career bilang isang mang-aawit.

"Well, maganda kayong tingnan na magkasama. Sabi din ng asawa ko kanina bago ko kayo ihatid, pamilyar ka raw para sa kanya sir noong una ka niyang makita. Parang nahahawig ka raw sa isang vlogger o modelo pero hindi lang niya matandaan kung saan ka niya nakita." Napakamot sa ulo ang boatman nang tanggalin niya ang kanyang sombrero saglit nang tanggapin ang bayad ni Gelo. Kahit sa puntong iyon, hindi nito magawang iaalis ang tingin kay Gelo na parang inaalala nito nang husto kung saan niya nakita ang binata; na para bang napakahalagang i-recall ang lalaki sa kanyang harapan.

Hindi umimik si Anya. Kahit siya, walang idea kung sikat si Gelo hindi. Ang alam niya lang, tumutulong si ito sa boutique ni Shantel at isa itong male stylist. Pero hindi niya inaalis ang posibilidad na sikat nga si Gelo dahil gwapo siya at parang celebrity ang pormahan.

"Sabi nila marami raw po akong doppelganger o mga ka-look alike," kibit-balikat na sagot ni Gelo.

"Oh. Posible dahil gwapo ka. Kailangan ko na pong bumalik. Pasensya na sa pagiging madaldal ko, enjoy your stay." Ngumiti sa kanila ang boatman bago siya bumalik sa kanyang bangka.

"Salamat sa pagtulong sa amin!" Kumaway naman si Anya.

Ngumisi rin si Gelo at sumulyap sa kanya. "Salamat sa tulong."

"Ano bang laman ng bag mo? Medyo mabigat kasi." Sa wakas, sinisimulan na rin ni Gelo na hindi maging awkward ang sitwasyon nila ni Anya. Wala naman siyang choice kundi kausapin ito at sila lang naman ang magkakilala sa lugar na kinaroroonan nila.

"Mga laruan," pakli ni Anya. Sa puntong iyon, lalong lumalalim ang kunot sa noo ni Gelo. "Ano kamo?"

"Laruan. Toys, mga gano'n," sagot ni Anya at alanganing ngumiti. "Laruang pambata kasi 'yon, toy collector kasi ako tapos ayun, naging business ko na rin ang pagtitinda ng laruan."

"Nabanggit nga ni Shantel ang tungkol dyan." Napangiti lang si Gelo. And all of a sudden, his curiosity about Anya sparked even more. Nakitaan niya ito kaagad ng enthusiasm sa kabila ng pagiging mahiyain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top