4
2:45 AM
Hindi na mapakali si Anya at tila nagdadalawang-isip na umalis at lisanin pansamantala ang toy shop na kanyang pagmamay-ari.
"Paano kung pag-alis ko biglang pumunta rito 'yong mga inuutangan ko at sirain nila ang shop?" Halos mabaliw na siya sa kaka-overthink. Isinara niya nang maigi ang bawat pinto at bintana ng shop. Nagdasal pa siya bago umalis sa tapat nito.
"Lord please guide me sa byahe ko at sana bantayan mo po itong shop ko." Dalawang beses na sign of the cross pa ang ginawa ni Anya at saka napangiwi.
"Inutusan ko pa si lord na bantayan ang shop ko, hindi naman siya guard in the first place." Naasiwa siya sa kanyang sarili dahil na rin sa corny ang joke na kanyang binitawan.
Nag-check siya ng kanyang cellphone bago pumara ng tricycle. Hindi pa rin siya tini-text ni Gelo kung saan sila magkikita! She should have texted him yesterday pero nakalimutan niya dahil sa dami ng iniisip.
"Bakit gano'n? Napakasuplado naman niya or wala ba siyang load?"
Anya made her first move to text him. Hassle sa kanya ang mag-commute papuntang Bataan lalo na't wala siyang sasakyan. Shantel also informed her that Gelo has his own car.
Dali-dali niyang t-in-ext si Gelo..
Anya: Hi. Si Anya ito. Ang makakasama mo sa White Haven. Saan pala tayo magkikita?
Saka lamang siya nakahinga nang maluwag matapos niyang makitang successfully sent na ang message niya kay Gelo.
Inabot ng dalawang minuto bago siya reply-an ng binata.
Gelo: Hindi ba sinabi sa'yo ni Shantel na hindi na ako matutuloy? If preferred mo pa ring magpunta, ikaw na lang mag-isa. Okay?
Anya: Wala. Hindi ka na ba tutuloy dahil dalawa lang tayo? I understand. Sige, pupunta pa rin ako. Buti na lang nag-reply ka kahit sa ganitong oras, kung hindi— maghihintay pa rin ako sa wala.
Gelo: Kinokonsensya mo ba ako?
Anya: Kung nakokonsensya ka, ibig sabihin aminado ka na mali ang ginawa mo. Ginu-goodtime mo ba ako? Ang hirap kayang mag-decide kung iiwan ko ang shop ko o hindi.
Gelo: Well, mag-decide ka na, you're not going. Period. Para at least, hindi ka na mahihirapang mag-decide.
Anya: Huy!~ Pinangarap kong magpunta sa Bataan.
Gelo: Eh 'di pumunta ka, on your own.
Anya: Okay. Thanks!
Gelo: Wala kang auto? If mayro'n, magkita na lang tayo sa Pasay.
"Hindi ko pa siya nakikita ulit pero nase-sense ko na ma-ere na siyang tao." Pagak na natawa si Anya. Kung pangit man ang magiging pakikitungo sa kanya ni Gelo, magkakaroon siya ng dahilan para mag-back out sa trip nila pero mukhang pumapayag na ito, this time.
Anya: Wala kasi akong sasakyan. Pero sige, pupunta na lang ako sa Pasay kung doon mo gustong mag-meet up tayo.
Gelo: Saan ba ang exact location mo? Ako na lang ang lalapit.
Meanwhile, Anya smiled upon reading the polite response from Gelo. In fairness, kinambyo rin ng binatang iyon ang kasungitan.
Anya: Sige, i-text ko na lang dito lang naman ako sa Quezon City.
Gelo: Layo. Pero sige.
Sa mga sumunod na palitan ng mensahe, inabisuhan na lang siya ni Gelo na maghintay sa mismong kinaroroonan niya.
Alas kwatro na rin ng umaga. Madilim pa sa labas at kahit malamig, kakayaning indahin ni Anya para lang hindi mawaglit sa kanyang mga mata ang pagdating ni Gelo. Nilabanan niya ang matinding antok sa pamamagitan ng pag-inom ng kape na kabibili lamang niya sa vendo machine ng convenient store na open 24/7.
Nakarinig siya ng busina ng sasakyan at napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Base sa pagkaka-describe ni Gelo sa dala nitong sasakyan, kulay green na owner type ang pagmamay-ari nito—katulad sa paparating na sasakyan sa hindi kalayuan. Dali-daling nilagok ni Anya ang natitirang kape kahit ikapaso iyon ng kanyang dila. Nakumpirma niyang si Gelo nga ang nasa loob ng kotse pagkalabas pa lang ng tao sa loob ng humintong sasakyan.
Tanaw ni Gelo ang isang babaeng weird kung pumorma. Si Anya ang babaeng iyon na may hawak pang paper cup at pinaniningkitan siya ng mata. Unti-unti siyang lumapit sa dalaga at pinakitaan ito ng hilaw na ngiti.
"Anya? Pinaghintay ba kita nang matagal?"
Hindi makahuma si Anya sa narinig niyang boses ni Gelo. Gwapo na nga ito, gwapo rin ang boses. Bakit gano'n? Iyong boses niya ang tipo na kayang magpasunod ng kahit sino at pwede rin siyang mag-voice over sa waze app.
"Hindi naman. Nakapagkape pa nga ako, eh." Nginitian pabalik ni Anya si Gelo. Hindi niya kayang ialis ang mga mata niya sa gwapong lalaki. Kaaya-ayang tingnan si Gelo, matangkad ito na sa tantiya niya ay 6'2 ang height at medyo kayumanggi ang balat. Katamtaman din ang pangangatawan nito. Mas malaking points na ang ibibigay niya dahil chinito rin.
"It means that I made you wait for too long," sagot ni Gelo na hindi mawari ni Anya kung nauuyam ba sa kanya o baka gano'n lang ang modulation ng boses nito.
"Nakapagkape ako at hindi ko na pinalamig 'yong kape. It means, hindi naman ako naghintay nang gano'n katagal," pakli ni Anya.
"I'm Anya Marie Therese Serafino," dagdag niya pa at inabot ang kamay kay Gelo.
"Gelo. Angelo Troy Rivera, Shantel's friend," sagot ni Gelo.
Nakipagkamay din siya kay Anya. Ang lamig ng kamay nito, tama lang para mas magising ang kanyang diwa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top