22

Sa mga sumunod na araw, patuloy na nag-uumapaw ang excitement ni Anya tungkol da ideya na makikita na niya si Gelo bilang isang idol na ginagawa ang pangarap nito at trabaho sa iba nitong personality. During her free time, nagsimula ulit siyang mag-search online tungkol sa mga pangyayari sa buhay ng binata, pati na rin ang mga narating ng BGYO bilang grupo. Tila mapapabilang na nga siya sa mga fan ng grupo na tinatawag na 'ACEs'.

Habang naglalakad sa mall kasama si Shantel, napansin niyang may mga posters at billboards na may larawan ng BGYO na nagpo-promote ng kanilang upcoming concert.

"Shantel, tingnan mo. Talagang well prompted pala ang BGYO. Look, may billboards at posters pa!" halos patili na bulalas ni Anya. Nagbigay tuloy ng meaningful look sa kanya si Shantel.

"Hindi naman halatang kinikilig ka," panunudyo nito. "Let me tell you, marami ka nang kaagaw sa kanila, lalo na kay Gelo. Humahaba na raw ang pila sa kanya."

"Ay, oo nga no? Mga fans niya, siguradong excited na sa concert. Pero teka, wala bang mga ticket sa boutique mo?" Kunwari'y hindi affected si Anya sa pambubuyo ng kanyang kaibigan kay Gelo. But deep within her, gusto na niyang maihi sa sobrang kilig. Maybe, it was just a phase. But as time goes by, napagtanto niyang hindi matatawaran ng anumang love languages ang ligayang dulot ng pagiging tagahanga ng isang public figure, lalo na sa mga idol artist na may malaking pangarap na nais abutin.

"Wala kaming tickets, saka hindi naman magandang idea na mamburaot ng tickets ano, kung hindi lang nag-insist si Gelo na puntahan natin ang concert ng group niya, hindi rin tayo makakanood," prangkang pag-amin naman ni Shantel.

Biglang natigilan si Anya sa sandaling iyon saka tumingin sa kanyang e-wallet account. "Nakapag-save pa ako ng fund na maipambibili ko sa ticket. At least, hindi libre. Mapupunta 'yong profit sa kanilang lahat."

"Anya, don't get me wrong. Hindi ko naman sinabi na nakakahiya 'yong nilibre tayo ni Gelo para mapanood natin siya. Sana hindi ka na-offend or what, kasi wala naman akong hangarin na gano'n," agad na paglilinaw ni Shantel.

"Hindi ko inisip na gano'n. May nabasa lang kasi ako sa FB groups ng fans nila, na ang pinakamagandang way para magpakita ng support, aside sa streaming at pagbili ng merchs and albums, ay pagpunta sa actual fan meeting and concerts. Napakarami kong na-miss sa fan girl moments na ito, samantalang wala naman yatang ganito noong mga year 2011 na sikat pa ang 1:43 at ibang ppop groups." Anya didn't sound offended at all. Sa katunayan, mas natutuwa siya sa mga bagong discovery niya bilang participant ng united fans ng BGYO. She could say that it's a genuine dedication to stand up and support those idols she admired, especially Gelo. Because honestly, if it wasn't for 'him' or her accidental knight in shining armor rather, she wouldn't be this much invested.

"Mayro'n ah. Elementary ka pa lang yata that time kaya hindi ka aware. Or ako rin, elementary pa lang din ako no'n. Wala pa akong alam sa mga ganyan kahit sa mga boypren boypren at crush crush. Naku wala akong alam dyan," pambubuyo muli ni Shantel habang patuloy sa pagbungisngis.

"Hindi naman parehong elementary school ang pinasukan natin kaya hindi kita makokontra," biro naman ni Anya. "Basta. Pramis, alam kong wala namang meaning 'yon. Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng sama ng loob sa'yo. Ikaw ang laging to the rescue sa'kin, lalo na ngayon sa financial struggle ko. Naintindihan mo rin na gusto kong ipagpatuloy ang Playful Dreams."

"Nakatulong ka rin naman sa'kin lalo na sa anak ko, eh. At least, alam ko na hindi na puro laruan ang aatupagin mo. This time, may admiration ka na rin tuwing nakatingin ka sa tao. Or should I be more specific? Kay Gelo ka may admiration. Apple of the eye mo siya, it's very obvious. Kumbaga, naka-blur 'yong ibang members sa'yo pero si Gelo lang ang malinaw." For the nth time, naisingit na naman ni Shantel ang kanyang panunudyo kay Anya para kay Gelo.

"Hindi, ah. Para sa'kin special din si JL or si Akira, or si Mikki, even Nate," hirit naman ni Anya saka kumuha ng ilang segundo para bumuga ng hangin at bumwelo sa pag-speak out ng gusto niyang ipunto.

"Hindi ba pwedeng parang laruan lang din siya? Nagf-function siya ag nakapagpapasaya siya ng sinumang makakakita sa kanya. I believe, may kanya-kanyang katangian ang mga laruan na pwedeng ihambing sa distinction ng bawat tao. Kahit pa sabihing man made lang ang mga laruan, nakapagpapasaya pa rin sila. Same as the other celebrities. Wait, parang nag-conclude na rin ako na minsan, tinatrato sila nang hindi maganda ng ibang non supporters or bashers na parang wala silang pakiramdam gaya ng mga laruan? Minsan, nagpapakalat pa sila ng disinformation para masira ang isang celebrity o sinumang public figure na hindi nila gusto o tinuturing nilang threat sa career ng mga sinusuportahan nila?"

"Wow. Anya." Ngumiti nang abot tainga si Shantel saka pumalakpak. "Parang hindi na ikaw 'yan. Dati ang naririnig ko lang sa'yo, ay tungkol sa mga imbensyon mong laruan at mga pinupuntahan mong toy convention pero gosh! You sounded like a humanitarian advocate! Kung tatakbo ka sa public office o kaya sa SK, pwede ka pang manalo!"

"I-convert mo na lang sa cash ang compliments mo, please?" Tinapik lamang ni Anya si Shantel sa braso nito saka sila nagpatuloy sa paglilibot ng mall.

***

After almost a week, nabigyan din si Anya ni Shantel ng ilang araw na pahinga para asikasuhin ang sarili naman niyang toy shop na isinara niya sa loob ng halos dalawang buwan. Hindi niya inaasahan na may mga bata palang naghihintay sa muling pagbubukas ng Playful Dreams.

"Totoo pala na parang karenderya lang din ang negosyong ito, mas maraming nakaka-miss kapag sarado." Mayumi ang ngiti ni Anya nang buksan niya ang kanyang shop. Nagtatyagang pumila ang ilang kabataan na galing pa sa kani-kanilang paaralan. Mabuti na lang at mas maaga siyang gumising para makapag-ayos ng mga display na laruan at kahit papaano, natanggalan naman niya ang iba ng mga alikabok.

'Siguro may pa-project ang school nila na kailangan bumili ng laruan. Posible kaya 'yon?'

Anya quickly dismissed that thought. Sa halip, pinakitaan niya ng matamis na ngiti ang mga batang posible na bumili ng kanyang abot-kayang laruan.

"Paano kaya nangyari na naging popular ako, I mean, ang tindahan ko ngayon? Samantalang dati, wala man lang nagbabalak na pumasok dito," bulong pa ni Anya sa sarili. Talagang unexpected ang pagdami ng kanyang customers at maghapon siyang napagod. Kung isa na ito sa pagpapala ng Diyos, tila hindi pa rin niya ito deserve.

"Wow! Ito na yata ang pinakamalaking kita ko since binuksan ko itong Playful Dreams. Kung ganito ang kikitain ko sa araw-araw, pwede na akong magpatuloy sa college. O kaya, baka within this year, mabayaran ko na ang ibang utang ko."

Para siyang nakahiga sa alapaap nang matapos siya sa pagbibilang ng kinita niya sa maghapon. Napaigtad lang siya nang marinig ang pagtunog ng kanyang tyan.

"Sa sobrang pagka-busy ko, hindi pa pala ako kumakain. Since afford ko nang mag-order sa fast food chain, order nga ako ulit!" Daig pa niya ang batang paslit sa sobrang excitement na makakain muli ng mga pagkaing d-in-eprive niya sa sarili noong kinakailangan pa. At least, sa ngayon, hindi na siya magi-guilty kung higit sa limandaang piso ang magagastos niya para lang sa pagkain.

Pero hindi na siya makapaghintay sa order niya kaya naisip niyang mag-init na lang ng cup noodles at habang naghihintay, binuksan niya ang speaker na matagal niyang hindi nagagamit at pinatugtog lang naman niya ang mga kanta ng BGYO.

"Lilingunin, saka ipapaling ang ulo, sa ibang direksyon..." 🎶

Napangiti si Anya habang sinasabayan ang bawat liriko ng kantang naririnig. Kahit may kumatok na sa pinto, hindi pa rin niya hininto ang pagpapatugtog sa speaker.

"Excuse me? Bukas pa ba ang store?" dinig niyang tanong ng tao sa labas.

"Sarado na po!" mabilis na sagot ni Anya at saka nagpatuloy sa pag-awit na parang out of the blue, nalimutan niyang may hinihintay pala siyang food delivery.

Meanwhile...

"Kaibigan ko ang nag-order niyan. I think may ginagawa pa siya sa loob, ako na ang magbabayad."

"Okay Sir. Five fifty lang po lahat."

"Thank you. Keep the change."

"Thank you sir. Ang bait mo naman. Sana dumami pa ang kagaya mo."

Gelo didn't say any word, but he showed a humble smile before the motorcycle rider went away. What matters most is now, nakikita na niyang masaya si Anya. Parang siya pa ang nahiya na kumatok. Ngunit malakas an ang ulan sa labas kaya kailangan na niyang sumilong. Dalawang beses na pagkatok lang ang ginawa niya at sa bandang huli, pinagbuksan naman siya ni Anya.

"Sarado na nga po kami Sir—"

Anya looked like she saw a ghost in front of her. At that moment, it feels more awkward to see Gelo again, while his song is playing on the background. Pwede bang i-pause ang pangyayari kasabay ng urge na i-pause ang tumutugtog na speaker?

"Nahulog ang puso ko sa iyo,

Walang halong bola,

Mahal na kita..." 🎶

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top