19
Kinahapunan, habang naglalakad sila pabalik sa resort, napansin ni Anya ang ngiti sa mukha ni Gelo.
“Ano ba'ng nakakatawa?” tanong niya.
“Wala naman. Nakakatuwa lang na hindi ka marunong lumangoy pero nagpakalunod ka pa rin,” sagot ni Gelo sabay tawa.
“Eh kasi gusto ko rin naman mag-enjoy sa dagat, hindi lang naman puro picture taking,” paliwanag ni Anya.
“Tama ka naman. Pero next time, mag-swimming lesson ka na para di ka na mahirapan.”
Napangiti naman si Anya sa sinabi ni Gelo. Masaya siya na kasama niya ito sa bakasyon nila. Parang may kakaiba sa pagtrato ng binatang ito sa kanya, kaya naman hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano or simply, assuming na naman siya sa point na ito.
Habang naglalakad sila, biglang may napansin si Anya sa malayo. “Gelo, tingnan mo yung sunset. Ang ganda,” sabi niya sabay turo sa kanila.
“Wow, ang ganda nga,” tugon naman ni Gelo.
Napatingin sila sa isa't isa at biglang naramdaman ni Anya ang kakaibang damdamin. Tila ba may kuryente na dumadaloy sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ito pero hindi niya rin ito maipaliwanag.
Napansin din ni Gelo ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Anya. Hindi niya alam kung ano ito pero hindi niya rin ito pinapansin. Masaya siya na kasama si Anya sa bakasyon nila at hindi niya nais na masira ito dahil sa anumang kakaibang nararamdaman niya.
“Napakaganda talaga ng lugar na ‘to. Parang gusto ko na tuloy mag-stay dito nang matagal,” bulalas ni Anya sabay ngiti.
“Oo nga, ang sarap magbakasyon dito. Pero kailangan din nating bumalik sa totoong mundo,” tugon naman ni Gelo, as he was trying to shrug off those impending things after this vacation.
“Tama ka. Pero sana, may susunod pa tayong bakasyon—na naging memorable din kasi libre ni Shantel,” biro naman ni Anya.
“Siyempre naman. Hindi ko na kayang magbakasyon nang mag-isa after this,” sagot ni Gelo sabay ngiti.
Napangiti naman si Anya sa sinabi ni Gelo. Hindi niya alam kung ano ito pero masaya siya sa current situation nila, na parang it's only them out of the chaotic reality.
Habang naglalakad sila pabalik sa resort nang tuluyan nang lumubog, napansin nila ang mga bituin na unti-unting lumilitaw at nagliliwanag sa langit. Tila ba nagbibigay ito ng kakaibang liwanag sa kanilang dalawa. Hindi nila alam kung anong klaseng hiwaga ito pero hindi rin nila ito pinapansin.
At matapos iyon, halos hindi na makatulog si Anya sa sarili niyang silid dahil lang sa kakaisip ng moment nila ni Gelo kanina sa dalampasigan. Ngunit kahit gano’n, sinikap pa rin niyang matulog dahil bukas na ang huling araw nila sa White Haven. Sana nga, makabalik siya sa lugar na ito at kasama pa rin ang binata.
Ngunit hindi niya inasahan na maiiwan lang pala siyang mag-isa sa beach house at hindi man lang nagpaalam sa kanya si Gelo.
“Ale, sure ba kayo na umalis na ‘yong kasama ko?” tanong ni Anya sa caretaker o receptionist ng resort.
“Opo ma’am kanina pang 5 AM. Ang alam ko nga, hanggang maghapon pa po kayo,” sabi pa ng receptionist sa malungkot na tinig ng pananalita.
Nang malaman ni Anya na umalis na pala si Gelo, hindi niya maiwasang maging malungkot. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya at bigla na lang siyang iniwan. Napaisip tuloy siya kung may naging mali ba sa ginawa niya o kung mayroon siyang nagawang masama kagabi kahit alam naman niyang nagkapatawaran na sila.
Nagpakalungkot siya sa loob ng beach house at hindi na siya lumabas. Naging tahimik ang huling araw niya sa White Haven at hindi niya naranasan ang kasiyahan na dati niyang nararamdaman sa lugar na ito.
Hindi na rin niya sinubok pang itanong kay Shantel kung bakit umalis si Gelo nang biglaan. Pero surely, ang career naman nito ang nangungunang dahilan. Na baka kailangan pa nitong linawin ang lahat matapos ang pansamantalang pagkakakulong ni Anya.
Pero kahit ganito ang nangyari, mas minabuti ni Anya na maging grateful. Masaya pa rin siya na nakapagbakasyon sa magandang lugar na ito. At kahit hindi niya nakasama si Gelo sa huling araw nila, masaya pa rin siya na nakilala niya ito. And that’s the point na hindi na rin niya inaasahan na magkikita pa sila dahil sa career nito bilang isang idol.
Nang dumating na ang oras ng pag-alis, nagpaalam na siya sa mga tao sa resort at naglakad patungong bus station. Habang naglalakad, napapangiti siya sa mga alaala nila ni Gelo sa lugar na ito. Nakakamiss din pala ang mga panahong iyon.
Nang makarating na siya sa istasyon, naaninag niya ang isang lalaking nasa malayo. Hindi niya alam kung bakit pero may kakaiba sa lalaking iyon. Parang nakikita niya ang sarili ni Gelo sa lalaking iyon.
Ngunit hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Baka ito na ang simula ng delusional phase niya dahil sa nabuong paghanga niya kay Gelo.
“Mula ngayon, hindi ko na siya iisipin. Akala naman niya kung sino siya,” iritableng bulong niya sa sarili at napansin naman siya ng kundoktor.
“Ma'am, sa Cubao ba kayo pupunta?” magalang na tanong nito.
“Opo, kuya. Siguro mamaya pa kayo aalis? Ayos lang, I'm willing to wait. Dito ko lang kayang maghintay, hindi sa taong nagbibigay ng motive o nagkukunwaring mabait,” may hugot na sagot naman ni Anya.
“Gano'n po ba? Tingin ko nagkamali kayo ng sasakyan. Arkilado po kasi ito. Doon kayo sa bandang kanan, may commuter bus,” apologetic na sagot naman ng kundoktor sabay bungisngis nang alanganin.
Napamura tuloy si Anya sa isip at mabilis na kumamot sa ulo. Napabuga rin siya ng hangin habang nilisan niya ang bus at hirap na hirap sa pagbitbit ng kanyang bag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top