16

Sa bandang huli, nakipagkasundo na lamang si Anya sa nakaalitan niyang lalaki sa KTV bar at nasurpresa siya nang lumitaw naman ang babaeng kasama nito.

"Pasensiya na, miss. Alam kong concern ka sa tulad ko that time. Pasensiya na at hindi ako nagpakita agad. Ayusin na lang natin para wala nang maganap na kasuhan," mungkahi ng babaeng ipinagtanggol ni Anya na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong.

Habang si Gelo naman, tahimik lang na nag-oobserba sa isang tabi. At mas nakatutok siya sa galaw ni Anya dahil baka kung ano na naman ang sabihin nito na pwede nitong ikapahamak na naman.

"I think kulang pa ang sorry. Sana pala next time hinayaan ko na lang kayo, lalo na kung patatawarin mo rin pala ang lalaking barumbado na 'yan," inis na sagot ni Anya.

Nabigla naman ang babae na si Mae sa salitang inilabas ni Anya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso sa mga salitang iyon.

"Pasensya na po talaga, hindi ko po sinasadyang magdulot ng gulo o ikasama ng loob ninyo. Ang totoo, girlfriend ako ng lalaking nakaaway mo. Pero it's all my fault. May bagay lang talaga na nangyari at hindi maganda ang kinahinatnan," sabi ni Mae na may pag-aalala sa kanyang tinig. Pinakita pa niya sa phone ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng misunderstanding ng isa sa mga lalaki sa bar.

“Nalimas ko ‘yong ATM niya. Dahil nagastos ko sa kalaguyo ko,” nahihiyang pag-amin ni Mae. “At ako dapat ang nakakulong. Naintindihan ko kung bakit siya nagalit that time.”

Nanlumo si Anya sa narinig. But still, she will never buy that reason. “Eh, hindi sana, sa presinto ka na dinala, hindi sa KTV bar.”

“Hinuli nila ako, ng kasama niya. Akala ko, yung other boyfriend ko na ang kasama ko. Sorry, Ms., nadamay ka pa.”

Frustrated na napailing si Anya, gano'n din si Gelo na nakikinig sa kanilang usapan ay biglang naglakad papalapit.

"Anya, siguro nga natatakot lang siya that time. Patawarin mo na lang," sabi ni Gelo habang sinusubukan niyang bigyang-linaw ang sitwasyon. "Hindi naman natin nalaman agad ang mga naging pinagdaanan niya o mga dahilan kung bakit hindi siya kaagad lumantad. Ngayon, iwan na natin sa pulisya ang issues nila. Okay?”

Hindi pa rin nakuntento si Anya sa mga paliwanag. "Paano ako magtitiwala sa mga sinabi niya? Napakadali lang palang magbitaw ng sorry pero umabot pa sa pagkakakulong ko. Paano na ako makakaahon niyan pag nalaman ng parents ko na nakulong ako?” Nagsimulang lumitaw ang mumunting huni ng pagpalahaw sa boses niya.

Naramdaman tuloy ni Gelo ang pagkaka-intense ng sitwasyon. "Anya, hindi rin ito madali para sa kanya. Maaaring marami tayong mga hindi pagkakaunawaan, pero kailangan nating magtiwala sa isa't isa kung gusto nating malutas ang mga issue. Saka sinabi na rin naman niya at ng lalaking nakaalitan mo na wala nang magaganap na pagsampa ng kaso basta makipag-areglo ka na lang. Nasaktan mo rin siya, kaso rin ‘yon laban sa'yo kapag idinemanda ka nga nila."

“Lesson na rin ‘yan na bago kumilos o mamagitan, alamin muna natin kung ano ba talagang motive ng mga tao. O kung may nakita kang mali, leave it to respectful authorities.”

Matapos marinig ang mga sinabi ni Gelo, nagdalawang-isip si Anya. Marahil ay oras na upang bigyan ng pagkakataon ang iba na ipaliwanag ang kanilang mga panig.

At sa wakas, nagpirmahan na ang magkabilang panig na magkaayos na ngunit nagkaroon pa rin ng record si Anya na na-detain siya sa himpilan ng Mariveles. Hindi ito ang bagay na ine-expect niya sa biglaang bakasyon.

“Sir, kahit anong reason mo, dapat hindi ka nananakit ng babae. At idaan mo sa legal na proseso,” payo ni Gelo sa isang lalaking nakaalitan ni Anya. Alam naman niya na somehow, hindi rin maganda ang ganoong behavior na ipinakita nila kay Anya, at sa babaeng si Mae.

Pagkatapos ma-release ni Anya, nahihiya na siyang humarap kay Gelo dahil sa naidulot niyang inconvenience sa loob ng mahigit dalawang araw.

“Sorry. Alam kong galit ka dahil sa kagagahan ko. Sa tingin ko, kailangan ko nang umuwi sa Maynila,” nahihiyang sambit ni Anya nang makasakay siya sa sasakyan ni Gelo na nanatili pa ring nakasimangot sa sandaling iyon.

“Okay. Have a safe trip. Ingat,” kibit-balikat ng lalaki na tila wala nang concern kung makipag-usap sa kanya.

“Okay. Ihinto mo na lang ako sa safe na bababaan,” pakli naman ni Anya na tila nagpipigil ng luha. Malinaw na sa kanya na talagang masama ang loob ni Gelo. Ni hindi man lang siya nito pinigilan sa pag-alis kahit pa alam nito na masama ang panahon.

Dire-diretsong naglakad si Anya at pinailaw ang flashlight ng kanyang phone. Hindi maalis ang pagsimangot sa labi niya nang maramdaman niya ang pagbuhos ng ulan. Kahit anong mangyari, kahit pa kumidlat sa kinaroroonan niya, hinding-hindi siya hihingi ng tulong kay Gelo, baka kay Shantel pwede pa. Para siyang itinatwa sa mga sandaling iyon.

“Diyos ko…”

Nakahanap agad si Anya ng waiting shed sa malapit o kahit saang lugar na pwede niyang tutuluyan habang hinihintay na tumila ang ulan.

"Ang pag-alis sa oras na ito ay tila hindi magandang ideya kung tutuusin. Pero hindi tama na parang pinanigan pa niya ang dalawang ‘yon at i-push ako na makipag-ayos na lang." Nagsimula muli ang pagpatak ng kanyang mga luha na parang malakas na ulan.

Nangangamba siya na hindi magkaroon ng kulog o kidlat. Naglagay na siya ng headset sa tainga habang binubuksan ang music application sa phone niya. Nagsimula nang tumugtog ang kanta. Inilagay niya ito sa pinakamataas na volume. Gagawin niya ang lahat para lang ma-distract sa sandaling iyon. Ayaw niyang isipin na napahiya siya dahil sa pagiging pakialamera niya kanina.

Nilapitan niya ang may-ari ng tindahan at hiniling na manatili muna sandali sa harap ng tindahan. Doon lang siya matutuluyan habang naghihintay. Buti nalang pinayagan siya ng may-ari na maghintay doon.

“Uuwi ka ba ng Maynila? Wala pang schedule ang mga bus. Kung ako sa'yo, bumalik ka na lang muna sa pinanggalingan mo,” mungkahi ng tindera.

Napatango lang si Anya. “Ayos lang po ba kung dito muna ako mag-stay? Magbabayad na lang po ako. Parang hindi na kasi safe na bumalik pa. Hindi ko rin nasagap ang update sa mga byahe.”

“Walang problema.”

“Salamat po.” Nilaparan ni Anya ang pagkakangiti at naisip na kailangan niyang ipaalam kay Shantel na released na siya at hindi na siya kasama ni Gelo.

“Ate, pwede magpa-load? May urgent lang po akong kakausapin,” diretsang tanong ni Anya.

“Oh sige.”

Matapos no’n, ipinaalam na niya kay Shantel ang pag-uwi niya sa Maynila. Dala ng pagkainip, biglang pumasok sa isip niya na alamin ang tungkol kay Gelo.

Nagmukmok si Anya sa kanyang mesa, namamangha habang tinititigan ang screen na nagpapakita ng pagkakakilanlan ni Gelo. Inubos niya ang ilang oras sa masusing pagsasaliksik sa bawat detalye tungkol sa binata na para siyang matinik na detective at determinadong alamin ang katotohanan. Ngunit ang natuklasan niya ay nag-iwan sa kanya ng pagkamangha at labis na kalituhan. Si Gelo, ang lalaking kanyang sinusuri, ay hindi isang ordinaryong tao. Siya ay isang sikat na newbie idol na maraming tagahanga sa bansa. Bakit hindi niya nalaman ang tungkol dito?

Sa tuwing nag-scroll si Anya sa iba't ibang artikulo at pahina ng mga tagahanga na inilaan para kay Gelo. Determindado si Anya na makahanap ng mga kasagutan, kaya't mas lalo pa siyang bumaba sa pampublikong katauhan ni Gelo. Pinanood niya ang mga music video ng boy group na kinabibilanhan nito at binasa ang mga interview. Sinuri niya ang mga post nito sa social media. Habang mas lumalalim ang paghuhukay niya ng impormasyon, mas napagtanto niya na ang kasikatan ni Gelo ay hindi lamang isang palamuti at totoong pinaghirapan nito ang lugar na tinatahak nito sa industriya ng entertainment. Enthusiastic din si Gelo na laging hinihimok ang mga manonood sa pamamagitan ng pagpapakita ng talent nito sa pagsayaw at pagkanta. Pinamamalas din ni Gelo, bilang leader, ang perseverance at humility kasama ng mga kagrupo niya sa BGYO na binuo ng isang sikat na entertainment company sa bansa.


Paano kaya nagawa ni Gelo na itago ang tunay niyang career? Nagpapaka-humble lang kaya siya?

Alam ni Anya na kailangan niyang harapin si Gelo, harapin ang lalaking tila nabubuhay sa dalawang magkaibang mundo. Na may bagong determinasyon na nagliliyab sa kanyang kalooban, isinara ni Anya ang kanyang phone at naghanda upang harapin muli si Gelo.

“Kailangan kong mag-sorry sa kanya! Ngayon alam ko na kung bakit siya galit at tila nag-aalala sa nangyari!” windang na bulalas ni Anya sa kanyang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top