10

Madaling ipinaling ni Anya ang tingin sa ibang direksyon ng balkonahe. Kahit hindi na siya nakatingin kay Gelo, alam niyang papalapit na ito sa kanya.

Habang si Gelo ay walang ekspresyon sa kanyang mukha nang mapansin niyang tila kinakabahan si Anya dahil tuluyan na siyang makalapit.

"Bakit nandito ka? Hindi ka rin ba dinadalaw ng antok?" tanong ni Gelo.

Napansin ni Anya ang pagsulyap ni Gelo sa kanyang mga mata bago ito tumingin sa malayo. Naramdaman niya ang kuryente sa pagitan nila-daig pa niya ang nalintikan, at hindi niya maiwasang mapangiti nang kusa.

"May hinahanap lang akong bituin," sagot ni Anya, ngunit hindi siya nagpakita ng pagkabahala sa pagitan nila ni Gelo.

"Bituin?" tanong ni Gelo. And within a second, he flashed his timid grin.

"Oo, bituin. Hindi mo ba nakikita? Sorry, I mean naghahanap ako ng signal kaso bigla akong tinamad," tugon ni Anya, at tumawa siya ng bahagya. Pakiwari niya, malapit nang kumawala ang puso niya dahil sa lakas ng pagdagundong nito.

Ngunit bago pa man niya dugtungan ang nais niyang sabihin, biglang nagsalita si Gelo.

"Kung bituin ang hanap mo, bakit hindi mo nalang ako tignan?"

Napangiti rin si Anya sa sinabi ni Gelo saka humirit ng, "Hindi ka naman bituin, I mean, nilinaw ko na nga sa'yo na signal talaga ang hinahanap ko," sabay tawa ulit.

Sa sandaling iyon, parang walang ibang tao sa mundo kundi silang dalawa lamang. Pero bigla silang napapitlag dahil sa paglakas ng hangin.

"Uulan yata," puna ni Gelo sabay tingala sa madilim na ulap. "Kaya wala kang mahahanap na stars ngayon. Or kahit signal."

Napansin ni Anya ang nagbabagang sulyap ni Gelo sa kanya, it made her feel nervous in a good way. Ngunit biglang may tumunog ang cellphone ni Gelo.

"Pasensya na, Anya. Emergency call ito. Kailangan ko munang umalis," sabi ni Gelo, sabay ngiti sa kanya.

Napansin ni Anya ang pag-alis ni Gelo, at hindi niya maiwasang ma-disappoint. Ngunit alam niyang may mga bagay na hindi kontrolado, pero nagpasalamat na lang siya dahil sa tumawag na 'yon.

"Okay lang," tugon ni Anya, sabay ngiti rin nang mayumi na para bang wala siyang nangitian nang gano'n, maliban sa binata. At sa sandaling iyon, napagtanto ni Anya na kahit wala man ang mga bituin, mayroon pa rin siyang dapat ipagpasalamat-ang pagkakataong makasama si Gelo.

Then, she suddenly realized that she needed a signal in the first place! Bakit may nakatawag kay Gelo? Ibig sabihin, may signal ang phone ng binata at kailangan niya rin nito!

Kaya naman, dali-dali niyang hinabol ang binata at naulinigan nga ang pakikipag-usap nito. At this moment, tila may kinalaman sa propesyon ni Gelo ang mga naririnig ni Anya tulad na nga lang ng rehearsal at recording. Mayro'n pang nabanggit si Gelo tungkol sa schedule ng pagpirma ng kontrata at kung kailan siya babalik sa Maynila.

"Ano kayang trabaho ni Gelo? Baka isa siyang celebrity? Hindi kaya?" Anya bit her lower lip upon that assumption.

Habang nakikipag-usap si Gelo sa kanyang kausap sa telepono, alam niyang may taong nakasunod sa kanyang likuran. Sino pa nga bang maiisip niya, si Anya lang naman ang tinalikuran niya kanina. He made his voice even more formal as he ended the call. Nagkunwari rin siya na hindi napansin si Anya na tahimik palang nakatago sa puno na malapit sa beach house.

Napansin din niya ang pagkakabahala sa mga mata ni Anya. Ngunit hindi niya alam kung paano ito masasagot nang hindi nagbibigay ng masyadong impormasyon tungkol sa kanyang trabaho.

"Ano ba yan, hindi ko tuloy matapos ang usapan ko," sabi ni Gelo, at ngumiti siya kay Anya. "Pasensya ka na, Anya. Nagmadali lang ako kanina, medyo urgent kasi."

"Ay, grabe. Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Actually, nagtaka lang ako kung bakit ka may signal. Kailangan ko lang din kasing tumawag sa ka-transact ko," apologetic na sagot naman ni Anya.

Napansin din ni Anya ang pagkakabahala sa mga mata ni Gelo, at hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung ano talaga ang trabaho nito pero alam niya na hindi maganda na tanungin ito nang diretso dahil hindi naman sila close.

Napagtanto rin ni Anya na kahit hindi niya alam ang trabaho ni Gelo, hindi ito nakapagpabawas sa kanyang interes sa binata.

"May pocket WiFi kasi ako. Hindi raw working 'yong WiFi dito sa beach house. Gusto mong maki-connect?" tanong naman ni Gelo.

Mabilis na tumango si Anya. "Hindi ba nakakahiya? Magpapa-load na lang ako."

"Hindi mo rin magagamit ang load mo, wala ngang signal ang network dito, right?" pagpapaalala naman ni Gelo.

"Oo nga pala." Napakamot-ulo na lang si Anya at mapagpaumanhin na namang ngumiti.

Finally, naka-connect na siya sa pocket WiFi ng simpatikong lalaking kasama niya ngayon. Pero kailan kaya siya makaka-connect sa puso nito nang walang interruption?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top