Chapter 6

Asher’s POV

Katatapos ko lang kumain and I am now sitting on the sofa while scrolling on my social media pero paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko.

Pwede naman akong lumabas, umalis sandali rito sa bahay nila pero I can’t stop myself on staying.

Hindi ko na nga mapigilan ang bahagyang magulat nang tuluyang makita ang mukha ng babae na humalik kay Maxi. They are now both on their way down to the sala. They are both smiling habang ang babae ay nakahawak pa sa braso ni Maxi. Hindi ko alam pero parang tinutusok ulit ang puso ko.

Hindi ko agad napansin na bitbit ni Maxi ang supot ng pinamili ko kanina. Bitbit ko iyon nang umakyat ako sa kwarto niya pero nabitawan ko nang magmadali akong bumaba.

Tuloy-tuloy itong nalakad papunta sa gawi ko pero para bang hindi niya ako nakikita dahil nakatuon ito sa babae. Tinapunan lang ako nito ng pansin nang huminto sa paglalakad ang babae.

“Siya ba ‘yong sinasabi mong kasama mo?” Tinuro ako ng babae, ngumiti naman si Maxi sa kaniya.

“Yes, he’s the one I am telling you about. He’s the son of my mom’s best friend.”

Tumayo ako nang magsalita siya.

Even though hindi ko gusto na harapin sila at pormal na magpakilala, the way he introduced me I will look rude kung hindi ako magsasalita.

“Hi, I am Asher.”. Malapad na ngumiti ang babae bago tinanggap ang kamay ko.

“I am Krystal Nevera, Maxi’s one and only girl best friend. Nice to meet you.” Pinilit kong ngumiti sa kaniya. Even on the way she introduces herself as Maxi’s one and only girl best friend hit me so hard. She's so proud that she's Maxi's friend.

Ngunit hindi naman tumagal na magkaharap kaming tatlo dahil aalis na raw si Krystal. Ihahatid lang daw ito ni Maxi sa labas kaya hindi na ako sumunod sa kanila.

Muli akong naupo at inabala ang sarili sa pag-scroll sa social media ko. Gayon pa man hindi ko maiwasang paulit-ulit na bumalik sa isip ang sinabi ni Krystal kanina. She said she’s Maxi’s best friend. Hindi kaya wala namang malisya ‘yong halik na nakita ko kanina? Am I just over thinking?

“Nag-almusal ka na?” Mabilis na bumaling ang paningin ko kay Maxi na nasa harap ko na pala.

Mabilis ko siyang tinanguan at nginitian bago nagsalita, “oo, kanina pa. Hindi na kita naaya dahil baka busy ka sa kwarto mo.”

Tumango lang ito sa akin bago naglakad papunta sa kusina. Sa kinilos niyang iyon ay sapat na para maging sure ako sa hinala ko. Hindi siya tumanggi ehh. It hurts.

Kinakain man ako ng sari-sari kong pananaw sa utak ko ay nagawa ko siyang sundan sa kusina. Nakaupo na ito at magsisimula nang kumain.

“Do you wanna go somewhere else today?” Nag-angat ito ng tingin sa akin.

“Sorry, hindi ko talaga trip umalis ehh. Hindi ako magalang tao and I would prefer to stay on my room kaysa pumunta sa kung saan.” Mabilis na sagot nito na sinigundahan ko naman.

“I know. Alam kong taong bahay ka lang. Kaya nga gusto ko ipasyal kita ehh. I would love to get you out on your comfort zone.” I smiled widely, labas ngipin pa. Nakita ko itong natawa kaya mas nilawakan ko pa ang pagngiti ko.

“I don’t know, pag-isipan ko muna.” Hindi ko alam ngunit sa sagot niyang iyon ay napangiti ako. I am confident na papayag siya.

“Sige, sa sala lang ako ha.” Tango na lang ang sinagot nito sa akin.

Pasalampak kong inupo ang sarili sa sofa. Kinuha ko ang aking cellphone at kahit walang messages and notifications sa account ay scroll lang ako nang scroll. Pampalipas oras lang. Hindi ko na matanggal ang ngiti sa labi ko. I really love seeing Maxi’s smile. The smile na ang gaan panoorin and I know it is precious dahil bihira mo lang iyon makita sa kaniya.

Lumipas na ang minuto hanggang sa nahagip na ng mata ko si Maxi na lumabas ng kusina. Sinalubong ko agad ito ng ngiti kaya sinuklian din ako nito ng isang ngiti before he mouthed Sandali lang”.

Hindi agad ako nakasagot dahil tumakbo agad ito papunta sa kwarto niya. Pagbaba mula sa taas ay nakasuot na ito ng jacket. Nagpalit ito ng damit mula sa suot na itim kanina, nakaputing t-shirt na ito ngayon.

“Saan ba?” Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti nang ngumiti dahil sa winika nito. Nakatayo ito ngayon sa harap ko. Hindi ko na siya sinagot at nauna na lamang na maglakad papunta sa sasakyan. Ramdam kong nakasunod ito sa akin. I can’t stop myself to feel the excitement.

Hindi ako nagsalita nang makasakay kami sa sasakyan hanggang sa umandar ito. Ngiti lamang ang binibigay ko sa kaniya for him to feel that anywhere ko man siya dalhin, ayos lang. I know that he’s feeling safe too dahil sa ngiting sukli nito sa akin.

At first akala ko mahihirapan akong yayain siyang mamasyal. When I met him first sinungitan niya agad ako that’s why I am not confident na mapapapayag ko siya. Now I still can’t believe that I made him agree with just my smile.

My first plan is to bring him somewhere else na crowded, pero as we’re on our way there naisip ko agad ang personality niya. He was an introvert person. Hindi siya sanay sa maraming tao kaya naalala ko na baka hindi rin siya maging comfortable if I’ll bring him there. So I changed my plan. I will bring him to the place where we both officially met again. Dadalhin ko siya sa lugar na pinili niyang puntahan noon.

“Here we are.” Walang ngiting gumuhit sa labi niya nang huminto ang aking sasakyan at tuluyan nitong nakita ang lugar na pinagdalhan ko sa kaniya. Mabilis tuloy na lumabas ang pag-aalala sa damdamin ko. Mali ba na rito ko siya dinala? “Sorry, hindi mo na ba gusto rito?”

Mariin ko siyang tinitigan. Nasa labas na ang paningin nito hanggang sa bumaling ito sa akin. Saka unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya rason para unti-unti ring kumabog ang puso ko.

“Thanks for bringing me here again.” Iyon lang ang wikang binigkas niya bago excited na lumabas ng sasakyan pero grabe na ang dulot niyon sa puso ko.

Lumabas na rin ako ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Naglakad ito papunta sa tabing dagat. Nasa likod lang ako nito at sinubaybayan siya.

Dahan-dahan nitong sinuksok ang mga daliri sa bulsa ng shorts na suot bago tumingala sa langit. Saka ako naglakad papunta sa tabi niya at doon siya nahuling nakapikit habang nakangiti. Hindi ko mapigilan ang sariling mamangha sa maamong mukha niya.

Ever since the first day na lihim ko siyang sinusundan at pinagmamasdan sa malayo, hindi ko pa siya nakitang ngumiti nang ganito kaganda. I have seen him smile like this simula nang magkasama kami pero bilang iyon at hindi pa umaabot ng lima. And seing him like this up-close makes me adore him more…secretly.

Nanatili pa itong nasa ganitong sitwasyon kaya mabilis kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko. Pasimple ko siyang kinuhaan ng litrato saka mabilis na ibinalik sa bulsa ang cellphone. This time, ginaya ko ang ginagawa niya.

Ilang minuto kong ninamnam ang masarap na hangin at ang ganda ng kalangitan bago ko ipinikit ang aking mga mata. Being in this situation made me feel the best feeling I haven’t felt before.

Tahimik ang paligid. Ang ganda ng asul na langit at ang banayad na tunog ng mahinang alon ng dagat. Damang-dama ko ang mga iyon habang nakatayo lang.

Nagpakawala ako ng malapad na ngiti bago muling binaling ang paningin kay Maxi. Ngunit ganun nalang ang bilis ng pintig ng puso ko nang hindi ko na ito nakita sa tabi ko. Agad kong pinalibot ang paningin ko sa paligid. Napabuga nalang ako sa hangin nang makita ko itong nakaupo na sa sementong upuan na siya niya ring pwesto noong una niyang pumunta rito.

“Hindi ka naman nagsabi na aalis ka. Pinakakaba mo ako,” bungad ko agad sa kaniya nang makalapit. Mabilis lang akong binalingan nito ng tingin bago tumingin ulit sa malayo. Ngunit ang siyang umagaw sa atensyon ko ay ang mga ngiti niya. Nagawa niya pang ngumit sa sinabi ko.

“Hindi na kita inisturbo. I left you to take your time. Pasensya na at hindi na kita nahintay.” Mahinahon ang boses niya and hearing him talk in that tone calms me. Ang sarap niya lang pakinggan.

“Okay lang, ano ka ba. Nagbibiro lang ako.” Binawi ko ang sinabi ko. Okay lang naman talaga na umalis siya sa tabi ko, basta ‘wag niya lang akong tuluyang iiwanan.

Ngiti nalang ang natanggap kong sagot sa kaniya. Nasa malayo pa rin ang paningin nito at hindi ko na siya inisturbo. Nag-eenjoy siyang pagmasdan ang kapaligiran at nag-eenjoy rin akong titigan lang siya.

Ilang minuto kaming nasa ganoong sitwasyon. Kinain kami ng katahimikan pero walang awkwardness na namamagitan sa amin. Nakangiti lang siya all the time kaya mas lalong natatalo 'yong puso ko. Until I decided na magpaalam para bumili ng makakain ngunit agad niya akong pinigilan.

“Gutom ka na? Can you just stay here beside me?” Those lines of him made me froze. Am I hearing it correctly?

Hindi ako nakasagot sa kaniya. If I am just dreaming sana hindi na ako magising. Ayaw niyang umalis ako sa tabi niya, at ‘yon ‘yong matagal ko nang pangarap ever since the day I know him. I want to stay on his side and be his comfort zone. I want to stay on his side and make him feel na kahit iwan man siya ng mga tao sa paligid niya, I will be always on his side.

“You really love this place?” Ilang minuto ulit kaming natahimik hanggang sa magsalita ako. Saglit niya lang akong tiningnan bago ako nginitian at ibinalik ang paningin sa karagatan.

“Yes. Maliban sa kwarto ko, I feel safe here. This is my second comfort zone.”

I also want to be one of your comfort zone, Maxi.

“If you don’t mind, bakit ka nga ba hindi madalas lumabas at lagi lang sa kwarto mo? If okay lang naman, if you’re not comfortable to share it with me, naiintindihan ko,” I asked him. Nakatingin ako sa kaniya at ganun din ang ginawa niya. He was the first one na bumitaw sa tinginan namin.

“I was bullied when I was on grade school.” There’s sadness on his voice. Binalingan ko siya ng tingin, but this time hindi siya tumingin pabalik.

After hearing what he said kahit hindi ko pa alam ang deep story inside it, naintindihan ko siya. Iba talaga ang naidudulot ng bullying sa taong nakaranas nito.

“Is it okay if sa ilang araw ko na ikuwento nang buo? It’s just, I am not yet ready. Bumabalik pa rin talaga sa akin tuwing naaalala ko ‘yon.”

“It’s fine,” mabilis kong sagot sa kaniya. “Actually hindi mo naman kailangan ikuwento sa akin lahat. Now I already know the reason. You don’t have to force yourself na ikwento lahat sa akin,” dagdag ko. This time, humarap na ito sa akin. Kung kanina ay gumuhit sa mukha nito ang lungkot, this time, nakita ko ulit ang ngiti niya.

“I will tell you everything once I’m fine.”

Dahil sa sinabi nito ay binigyan ko siya ng malapad na ngiti. Bumalik na ang paningin nito sa dagat pero nanatili akong nakatingin sa kaniya. After hearing just a brief past of him made me adore him more. It made me feel that I want to hug him.

After a seconds of hesitating whether to hug him or not, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I hugged him mula sa gilid niya. Mahigpit ito sapat na para iparamdam ko sa kaniya that everything is okay, I am here.

“If you feel like the world is against you, Max. Always remember that I am here for you. Iwan ka man ng lahat, ako ‘yong nag-iisang tao na mananatili sa tabi mo.”

And that hug lasted for a minute and two. Naramdaman ko siya na nabigla sa ginawa ko pero wala na akong pakialam doon. I want him to feel na maaasahan niya ako and he can talk to me kapag kailangan niya ng kausap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top