Chapter 3

Ever since the argument that happened between me and dad, I never go out of my room. Ilang araw na akong nakakulong lang sa kwarto ko. Hindi sa nagtatampo ako kay dad, dahil may karapatan naman siyang magalit, at talagang kagalit-galit ang ginawa ko. Kundi dahil nahihiya rin ako sa ginawa ko. Hindi lamang noong gabi ng party, kundi dahil nasigawan ko rin siya at sa harap pa ng bisita nila.

I didn’t even take a shower for two days already and I don’t care. Wala namang ibang tao rito sa loob ng kwarto ko. Dahil sa nangyari mas tinamad na akong bumangon sa higaan ko. I prefer lying on this bed the whole day and stare on the ceiling of my room than face the people in this house na galit naman sa akin. I know mom feel the same way like dad. Alam ko na pinakikitunguhan niya lang ako.

Simula noong nagbago ang behavior ko, nagbago na rin ang pakikitungo nila sa akin. Mas gusto nila na nasa labas sila, do their businesses kaysa makasama ako rito sa bahay. Kaya siguro mas lumala ang loneliness na nararamdaman ko. Kaya siguro I am more afraid to face people outside dahil dito palang sa loob ng bahay, wala na akong nakakasalamuha. Even my dad and mom hates me. I don’t feel love or presence from them.

Minsan nga mapakla nalang akong natatawa. Ang ganda-ganda ng buhay ko pero ang lungkot-lungkot ko. I have everything pero pakiramdam ko kulang ako. Maging ang mga katulong, hindi ganun kalapit sa akin. They will only talk to me if they have something to say. I always feel lonely.

Ilang araw na akong nasa loob lang ng kwarto ko hanggang sa naisipan kong lumabas. Wala na rin akong stack ng junk foods na siya ko lang kinakain tuwing nagugutom ako. Suddenly bigla ring naghanap ng sariwang hangin ang katawan ko. Ilang araw na akong nasa loob lang ng kwarto ko, I want to inhale fresh air again. Kahit saglit lang.

Hindi na ako nagpaalam pa sa kahit kanino sa bahay. Bukod sa sigurado akong wala naman dito sina mom at dad dahil sa mga businesses nila, abala rin ang nga katulong sa kaniya-kaniya nilang trabaho. Ni hindi nga nila ako kinakatok sa kwarto at tinatanong kung kumusta na ako eh. Sigurado akong wala ring maghahanap sa akin hanggang matapos ang araw na ito.

Pagsakay sa sasakyan ay mabilis ko itong pinaharurot papunta sa malapit na convenient store. Mabilis din akong nakalabas matapos bumili ng mga importante at kailangan ko lang sa kwarto. I made sure that I bought different kind of ready to eat food dahil pinaplano ko pang magkulong ng ilang araw sa kwarto.

Nang mailagay na ang lahat sa loob ng sasakyan ay nagsimula muli akong mag-drive. This time hindi ko na alam kung saan ako sunod na pupunta. Basta ang gusto ko ay makalanghap muna ng sariwang hangin.

Naghanap ako ng lugar kung saan walang masyadong tao o hindi dinarayo ng mga tao. I don’t care if it has a good view or not, as long as walang maraming tao satisfied na ako. After all, makalanghap ng sariwang hangin naman ang dinayo ko.

In the middle of driving ay hindi ko matanggal ang paningin sa rear view mirror ng sasakyan ko. Kanina ko pa napapansin ang isang sasakyan na sumusunod sa akin. Kanina palang nang bumili ako ng makakain, huminto rin ito ngunit hindi naman bumaba ang nagmamaneho para bumili.

Nagkibit-balikat nalang ako hanggang sa makahanap ako ng magandang lugar. Naisip ko na baka pareho lang kami ng pupuntahan. Huminto ako sa gilid nang makita ang lugar na magandang paglipasan ng oras. Maayos ko na ipinarada ang aking sasakyan. Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad papunta sa tabing dagat.

Isinuksot ko ang aking mga daliri sa bulsa ng maong na suot bago dahan-dahang naglakad. Iginala ko ang aking paningin para maghanap ng upuan. May nakita naman ako sa hindi kalayuan kaya naglakad ako papunta sa gawing iyon.

Ipinikit ko ang aking mata habang dahan-dahang ninanamnam ang sariwang hangin ng kapaligiran. Gumuhit din ang ngiti sa aking labi habang sinusuyod ng paningin ang kabuoan ng kapaligiran. Mangilan-ngilan lang ang tao. Sa tingin ko ay hindi naman mga dayo ang nakikita ko base sa pananamit nila. Wari ko’y dito rin sila naninirahan malapit sa dagat.

Nakangiti akong naupo sa gawa sa sementong upuan na nasisilungan ng anino ng puno ng niyog. Sunod ay mariin akong tumingin sa kalmadong dagat.

Gaya ng tuwing tinitingnan ko ang sariling repleksyon sa salamin, I also feel calm while looking sa kalmadong karagatan. Nahagip pa ng mata ko ang mangilan-ngilang kabataan na naliligo kaya hindi ko rin maiwasang matawa dahil sa nagbabatuhan sila ng tubig. Nagalit pa ang isa sa kanila nang matumba dahil sa biglaang pagtama ng tubig sa kaniya.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at bahagyang lumapit sa kanila para kuhaan ng litrato. Nang makuhaan sila ay itinutok ko naman ang camera sa akin. Ngunit gano’n nalang ang aking gulat nang may isa pang pigura ng tao ang nahagip ng aking camera.

Aambahan ko sana ito ng suntok nang mabilis nitong itinaas ang kaniyang kamay. Tatawa-tawa pa itong sinabayan ang mga tingin ko.

“Relax, relax. Ako lang ito.” Nakataas pa rin ang kamay nito na para bang sumusuko.

Hindi ko maiwasang mainis dahil sa ginawa niya kasabay ng pagsalubong ng mga kilay ko. It was the guy on the night of my party.

“What are you doing here?” I asked him bago muling iniharap ang camera sa sarili. I took a picture together with the sea, gayon din ng mga batang naglalaro. Nang masatisfy sa nakuhang litrato ay naglakad na ako pabalik sa upuan ko kanina.

“Nandito rin ako para magpahangin, Maximillian. Bawal ba?” Narinig ko ang sagot nito pero hindi ko ito ginawaran ng tingin. Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa makaupo ako sa pwesto ko kanina.

Kauupo ko lang nang umupo rin ito sa tabi ko. Tiningnan ko ito nang masama dahilan para tumawa ito.

I noticed that he smiles a lot. Kahit pa hindi ko ito pinakikutunguhan nang maganda, tumatawa at ngumingiti lang ito sa akin. It was different on the night where I first saw him kung saan seryuso lang ang pagmumukha niya.

I suddenly remembered the car na kanina pa sunod nang sunod sa akin. Siya marahil ang sakay ‘non.

Nilingon ko tuloy ang pinag-parkingan ko ng sasakyan at nakita ko nga ang pamilyar na sasakyang sunod nang sunod sa akin kanina. Siya nga iyon. Pero bakit niya naman ako susundan? Sino ba siya? Wala siyang karapatan.

“Bakit mo ako sinusundan?” Tiningnan ko siya ng diretso at diretsahang tinanong. Muli ay nginitian niya ako. Hindi ko alam pero talagang naiinis ako sa mga ngiti niya.

“Hindi kita sinusundan. I also want to come in this place, gusto kong magpahangin. Maybe it’s a coincidence that you’re also here.” Nakangiti pa rin siya.

“Bakit ba ngiti ka nang ngiti? You think you look good, ha?”

“You said it yourself. I look good, mismo.” Hindi ko na naramdaman ang hiya sa lalaking ito. Para bang nawala ang pagka-introvert ko because of the way I answer him. “Saka ikaw nga itong unang ngumiti sa akin ehh. And I think you are the one who looks good, Mr. Wear that smile always, Maxi.”

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Ang tono ng pagsasalita niya ay para bang close kami. And the way he pronounce my name, it confuses me pero ang sarap sa tenga. Napatitig tuloy ako sa kaniya. I am still absorbing what he just said.

Sumagi muli tuloy sa isip ko ang nangyari noong nakaraan, nang huli ko siyang nakita. ‘Yon marahil ang tinutukoy niyang nginitian ko siya. Nahihiya na ako noon dahil nakita niya pang nagsagutan kami ni dad, to ease the shame I am feeling, ngumiti ako.

Dahil hindi ko siya sinagot ay hindi na nadugtungan pa ang conversation naming dalawa. Nakaupo kami sa magkabilang dulo ng upuan at hindi ko na lang pinapansin ang presensya niya. Muli ay ipinikit ko ang aking mga mata, nagpakawala ng buntong-hininga saka ninamnam ang masarap at sariwang hangin. Nasa gano’n pa rin akong sitwasyon nang marinig ko itong magsalita.

“Ang tahimik mo naman. Hindi ka ba magtatanong kung sino ako? What’s my name?”

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakapikit. Sari-saring ideya ang muling sumagi sa isip ko habang ginagawa iyon. Mostly tungkol sa aming dalawa ni dad at ang relasyon ko sa pamilya ko.

Tahimik ang kapaligiran, maliban sa ingay ng katabi ko ay ang ihip ng hangin at mahinang hampas ng alon lang ang naririnig ko. Bumalik sa isip ko ang mga argumento na nangyari sa amin ni dad. Mula sa mga naganap noong party at kahihiyang naranasan ko. Parang kinukurot ang puso ko habang sumasagi ang lahat ng iyon sa isip ko.

‘Mom, dad, sorry,’ mahina kong bulong sa sarili.

Mas magaan ang pakiramdam ko sa lugar na ito kumpara sa kwarto ko. Sa tulong na rin siguro ng sariwang hangin at ganda ng tanawin ng dagat, mas panatag ang loob ko rito.

“Maxi.”

“Don’t call me Maxi like we’re close.” Nakapikit pa rin ako nang sagutin ko siya. Narinig ko ang mahinang bungisngis nito pero nagkibit-balikat lang ako.

“’Yon lang pala ang aagaw sa atensyon mo.” Hindi ko siya sinagot. Ilang segundo siyang natahimik bago muling nagsalita. “I know what you’re struggling with, Mr. Santos.” This time, hindi na ganun sa tono ng boses niya kanina ang tono nito ngayon. I feel it like more serious than earlier.

And here he go again, calling me Mr. Santos.

“Alam ko na may pinagdaraanan ka. And I also want to tell you that we’re the same. P’wede mo akong kausapin if kailangan mo ng kausap, Maxi.” Dahil sa sunod na winika nito ay iminulat ko ang aking mga mata. Mariin ko siyang tinitigan enough for me to caught him staring at me. Pakiramdam ko he was just staring at me the whole time na nakapikit ako.

“Anong alam mo sa akin? Bakit, sino ka ba?” Hindi ko napigilang magtonong masungit sa kaniya. Gaya ng inaasahan ko, binato ulit ako nito ng isang ngiti.

“Sabihin na nating, we’re on the same shoe, Mr. Santos. May pinagdaraanan ka, gano’n din ako.”

Dahil sa sinagot nito’y naguluhan ako.

I know what I am struggling with, dalawa ‘yon. My relationship with my family, and the confusion on my real gender.

Does it means, may problema rin siya sa pamilya niya at nalilito rin siya sa kasarian niya? He said it himself we’re on the same shoe.

“Bakit mo ako kilala?” Hindi ko inasahan ang tanong na lumabas sa bibig ko. Curious din kasi ako kung bakit niya ako kilala gayong hindi ko naman siya kilala. He talk to me like we’re close.

Umayos ito ng upo at itinuon sa karagatan ang paningin. Ako naman ngayon ang nakatitig sa kaniya.

“My mom and your dad are classmates on high school. They are business partners. I know your parents matagal na. Pati nga ikaw matagal ko ng kilala eh. Actually, nag-meet na tayo noong 21st birthday mo, hindi mo lang siguro ako maalala.”

After saying those words ay bigla itong humarap sa akin dahilan para magtama ang mga paningin namin. Ilang segundo akong hindi nakagalaw bago ko iniwas ang aking paningin. Sunod ay narinig ko itong mahinang tumawa dahilan para muli ko itong tingnan. Ngunit agad ko ring binawi ang paningin dahil sa hiyang nararamdaman.

“You are still the same like before. The first time I met you, naramdaman ko na agad that there’s something wrong with you. I know from your eyes before that you’re sad, you’re alone. You barely talk. Hindi nakapagtataka kung bakit hindi mo na ako maalala ngayon.”

Hindi ko magawang sumagot sa kaniya. Kahit ilang beses kong sinubukang alalahanin ang sinabi niya, wala talaga akong maalala.

Sumunod ang paningin ko sa kaniya nang tumayo ito mula sa pagkaka-upo bago tumayo sa harap ko.

“It’s been a long time so let me introduce myself again.” Hindi ko maipaliwanag ngunit bigla akong kinabahan nang tumayo siya sa harap ko. “Hi, I am Asher del Mundo. I am happy to meet you again, Maximillian Santos.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top