Chapter 2

Ilang araw na ang nakalipas simula nang maganap ang birthday party ko. 

Ilang araw na rin akong nakakulong lang sa kwarto ko.

I am peacefully lying my body on the soft mattress of my bed. Thoughts are running on my mind as I stare on the ceiling of my room.

Different kind of thoughts are running on my mind, lalo na ang mga nangyari noong gabi sa party ko. But this one memory keeps on bothering me.

Inis kong binangon ang aking katawan saka pumungko sa higaan. Pinatong ko ang aking mga siko sa hita ko saka nangalumbaba. I am now facing my room's wall kung saan puno ng mga litrato ng mga idolo kong celebrity.

Simula nang gabing iyon, specially the unexpected hug that happened, hindi na ito mawala sa isip ko.

I was really shock when that unexpected moment happened. Sino ba namang hindi magugulat? Umiiyak ako. Tinakbuhan ko ang mga bisita sa sarili kong party. And I run through my room para makatakas sa mga tingin ng tao when suddenly someone, stranger, who I don't know at all, came to my room, talked nonsense…then hugged me?

I felt something strange on my body when that hug happened. A feeling that first time ever in my life I've felt.

Ngunit dahil hindi ko kilala ang lalaking iyon ay agad akong nabahala. Aminin ko man na unang beses palang naming magkita, by that hug that comforted me, gumaan na agad ang loob ko sa kaniya. But still, I thrusted him out of my room.

Paulit-ulit na rumirihestro ang mukha ng lalaking iyon sa mukha ko. Kahit saan ko ihilig ang aking ulo, kahit anong gawin ko, I see his face. His handsome face - to be exact.

Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagbutinting ng cellphone ko. Matagal ko munang ipinikit ang aking mata, I relaxed my mind, bago matapang na binuksan ang aking social media account.

Nothing's new. Ganun parin naman ang account ko. I got no message. Mayroong isang friend request pero iyon parin iyong friend request na noong isang araw pa hindi ko ina-accept. 

Bago ko isara ang account ay binuksan ko muna ang dalawang nofication ng account ko. When I open it, agad na bumilog ang mga mata ko. Maging ang kaba ay mabilis na umusbong sa dibdib ko.

I saw my name on a post. A video on my birthday party. Video kung saan tinalikuran ko ang mga bisita at tumakbo papunta sa kung saan. And in this video, it turns out like I'm rude.

Sari-saring komento na halos karamihan ay puro negatibo ang nababasa ko. And mostly of the reacts are angry.

"Ang bastos naman niyan."

"Common na sa anak mayaman ang ugaling ganyan. 'Wag na kayo magtaka."

"Kung ako sa kaniya, saya ang mararamdaman ko. Hindi ko pa naranasang magkaroon ng party gaya niyan eh."

Iba-ibang komento na masakit, pero alam ko namang totoo. I know that I am rude that day. But I didn't expected it na aabot pa sa social media.

Hanggang sa dumating ako sa ibabang parte ng mga comments. The comment that really made my heart beats so fast. Komento na high school days ko pa huling narinig. Comments that really broke my heart.

"Gwapo sana siya guys, pero bakit parang naiilang siya sa katabi niyang babae?"

"Bakla ba 'yan? Mukhang takot sa tao eh."

"Sayang siya, ang gwapo pa naman."

Kahit anong gusto ng katawan ko na ihinto ang pagbabasa, parang may kung ano sa katawan ko na pilit itinutuloy ang pagbasa. Alam kong masakit, pero tinuloy ko pa rin.

"I somehow feel disgusted for him, at the same time, I pity him."

"Bakla 'yan, sigurado ako."

"Ang gwapo sana, sayang!"

Hindi ko na namalayang tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa mga nabasa, pero alam ko namang totoo iyon. Ngunit ang isa sa pinakamasakit, na alam kong nag-iisang hindi totoo sa mga sinabi nila - that I am gay.

I am not gay.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla. 

Ngunit ano namang mali sa pagiging ga'non? Tama bang mang-akusa sa bagay na nakikita lamang nila sa social media. Is it right accusing someone dahil lang sa panlabas na anyo nila?

Hindi nila alam ang epekto nito sa kanila. They don't know the negative effect of this sa mga taong nakararanas ng ganito.

Gusto pa mang gumalaw ng mga kamay at mata ko para magbasa, ngunit nanaig ngayon ang damdamin ko. I close my phone bago pinunasan ang mga luha sa mata ko. I am soft pagdating sa emosyon. Ang dali kong umiyak. Pero kahit ganun, sa lahat ng bagay gusto ko na masagot ang aking kyuryusidad. That's why in everything I do, kahit masyado na itong nakakasakit sa akin, hindi ko ito tinatapos hanggang makuha ko ang gusto ko. Pero kung puso at damdamin ko na ang umaayaw, saka ako hihinto.

Sakto na tapos na akong maghilamos nang tumawag si aleng Daling na kakain na raw ng almusal. Muli ay inayos ko muna ang aking mukha bago lumabas ng kwarto. I made sure that I don't look like I just cried. I don't want someone see me crying, kahit pa sina dad at mom pa 'yan.

Pagbaba sa hapag kainan, tanging si mommy lang ang bumaling ng tingin sa akin nang umupo ako sa pwesto ko. Binigyan niya ako ng maikling ngiti kaya sinuklian ko rin siya. Ibinaling ko naman ang paningin kay dad ngunit talagang nasa pagkain ang atensyon nito. O sadyang ayaw niya akong tingnan dahil sa ginawa ko noong nakaraan.

Ilang araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap ni dad. Humingi na ako ng patawad sa kanila ni mom, ngunit tanging si mom lang ang tumanggap sa paumanhin ko.

Naiintindihan ko naman si dad. At tama naman talaga ang nabasa ko kanina. I am rude. I am the birthday boy, party ko 'yon pero ako pa 'yong basta nalang umalis sa harap ng bisita. At ang mga magulang ko ang sumalo ng kahihiyan na nagawa ko. Lalo pa't halos lahat ng bisita ay mga kilala at ka-business nila.

"Dad, are you still angry with me?"

Hindi ko na nagawang magtiis pa. Hindi ko talaga kaya kapag hindi ako pinapansin ni dad. Sila na nga lang ni mommy ang malapit sa akin, magkatampuhan pa kami.

I waited him to answer me, pero lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin ito sumasagot.

"Ahh…" Inangat ko ang aking paningin kay mom. Alam ko na siya nanaman ang sasagot for dad. "Pagod lang ang daddy mo, anak. He's busy this past few days, lalo na dahil sa isang building na ipagagawa niya. You can talk this things sa ilang araw."

Mas lalo akong nalungkot. Hindi ko na kaya na patagalin pa ito. Ilang araw pa nga lang na hindi ako pinapansin ni dad, iba na ang epekto sa akin. Lalo na kung masusundan pa ng ilang araw na hindi kami magkikibuan.

Ayukong mas lumala pa lalo ang loneliness na nararamdaman ko dahil sa tampuhan namin ni dad.

"Tungkol pa rin ito sa party ko, dad, diba?" Hindi ko na talaga kinaya. Tumayo ako sa aking upuan at nakayukong tumayo sa harap ni dad. After saying those words, lumuhod ako sa kaniya. Nagsimula nanamang mamuo ang luha ko, kahit pa pigilan ko itong tumulo, huli na dahil nag-unahan na silang tumulo sa mukha ko. "I'm so sorry, dad. Hindi ko naman po gustong mangyari 'yon. I am sorry if naging rude ako. I am so sorry. Promise, I'll do my best to be better. Hindi ko lang po talaga nakaya that day, I didn't expected ang ganun karaming tao."

Naramdaman kong umikot ang ulo ni dad sa gawi ko, kahit pa nakayuko ako. Kaya naman nag-angat ako ng tingin at sinabayan siya. I now see the anger on his face. Tunay ngang galit siya sa akin.

"Dahil nahihiya ka? 'Yon nanaman ang idadahilan mo, diba?"

Muli kong naibalik ang ulo sa pagkakayuko dahil sa sinabi niya.

Yes dad. Dahil nahihiya ako. At natatakot din. Natatakot na mahusgahan ng tao. Pero kahit naman umiwas ako noong araw na iyon, nahusgahan parin nila ako eh.

"I'm sorry dad."

Sunod kong narinig ang malakas na pagbagsak ng kutsara sa pinggan niya. Nagulat nalang ako nang marahas niya akong hinawakan sa braso at pilit na pinatayo at iniharap sa kaniya. 

"Siguro nga tama ang sabi nila." 

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Kung kanina kaba lang ang naramdaman ko, ngayon halos matanggal na ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Sa mga matatalim na tingin palang ni dad, at sa binitawang salita niya, parang pinupukpok na ang buong pagkatao ko. At mukhang alam ko na ang sunod na sasabihin niya.

"Rico!" Narinig ko ang pag-awat ni mom. She sounds like ayaw niyang bigkasin ni dad ang sunod na linya niya. "Let's talk about this sa ilang araw. 'Wag ngayon," dugtong pa ni mom.

Ngunit tila walang narinig si dad. His eyes is fixed on me.

"I am sure tama ang sinasabi nila," muli ay wika ni dad. 

Agad naman na sumabat si mom. "Rico, please."

Tanggap ko na ang anumang sasabihin ni dad. Mabilis naman kasi talaga tayong maniwala sa sinasabi ng iba. We all believe easily sa mga panghuhusga ng iba.

Hindi ko napigilan ang sarili at napapikit nalang ako nang tuloy-tuloy na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Ang sakit para sa akin na magkaganito kami ni dad. This is the first time that we argue at umabot pa sa ganito, na halos magkasakitan. Hindi ko na lubos maisip kung napakasama ba ng ginawa ko para magkaganito siya. 

O sadyang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya - na bakla, raw ako.

"Ah…ma'am, sir, pasensya na po, pero nandito na po 'yong bisita niyo."

I somehow felt relieved nang sumabat si nanay Berta. Dahil sa sinabi nito binitawan ako ni dad. Patapon niyang binitawan ang braso ko. Mabilis namang lumapit sa akin si mom.

"Come with me, Lorna." Ngunit hindi pa tuluyang nakalalapit sa akin si mom nang banggitin iyon ni dad.

Matapos namang magsalita ay bahagyang inayos ni dad ang kaniyang damit, bago tuluyan nang umalis. Sunod ko nalang na naramdaman ang haplos ni mom sa mukha ko. Kahit puno ng luha ang mga mata ko'y sinabayan ko ang kaniyang mga tingin.

"Ayusin mo muna ang itsura mo, Maxi, anak. Sumunod ka sa sala pagkatapos, ha." Matapos sabihin ang linyang iyon ay nagbitaw pa ng ngiti si mom. Sunod ay umalis na rin ito at sumunod kay dad.

Gayon pa man ay hindi ko parin napigilan ang sarili kong umiyak. 

Ilang minuto rin ang tinagal kong nakatayo lang bago ko napagdesisyunang pumunta na rin sa sala kung nasaan sina mom at dad at ang sinasabi nilang bisita.

Nadatnan kong magkatabi sina mom at dad, kaharap ang isang lalaki. Mula sa gawi ko ay nakatalikod ang lalaki, kaya hindi ko kita ang mukha nito.

Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang makaharap ko silang tatlo. Ngunit agad na gumuhit ang gulat sa mukha ko nang makita ang kabuuan ng lalaki. 

It was the guy, who just hugged me on the night of my birthday party!

Gulat man ay agad ko itong winaksi sa aking mukha at ibinaling nalang kina mom at dad ang paningin ko.

"What are you doing here?" Ngunit sa halip na batiin nalang sila ay hindi ko na nagawa nang galit na magsalita si dad.

"Pinapunta ko rin siya rito, hon." Mabilis namang sumabat si mom.

Ramdam ko ang paningin nilang tatlo habang ako ay nakatayo, at seryuso na nakatingin kay dad. I wish hindi siya ganito sa tuwing nakaharap kami sa ibang tao. It's somehow embarrasing for me.

"Hijo, siya nga pala ang anak namin." Hindi na nakapagsalita pa si dad nang magsalita si mom. Nasa bisita na ang paningin nito at ipakikilala ako. "He's…" Ngunit hindi na natuloy ni mom ang pagpapakilala sa akin nang putulin ito n'ong lalaki.

"Maxillian Santos?" Gulat kong ibinaling sa kaniya ang paningin ko. Muli tuloy bumalik sa isipan ko ang nangyari noong gabi ng kaarawan ko nang bigla nalang siyang sumulpot sa kwarto ko. Ibinulong niya noon ang apelyido ko sa taenga ko.

Sinundan ko ito ng tingin nang dahan-dahan itong tumayo mula sa inuupoang sofa.

"Asher del Mundo." Inabot nito ang palad sa harap ko. "I'm Asher del Mundo."

Agad na nagtama ang paningin naming dalawa. And by looking straight to his eyes is enough for me to say he has good looks.

Tila wala itong pakialam sa mga magulang ko dahil sa paraan ng mga tingin niya.

And okay, I'll give my dad a permission to call me - gay. 

Iba itong nararamdaman ko ngayon.

I immediately accepted his hand. With a smile on my face I said, "Nice to meet you, Asher."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top