Chapter 15
I can’t stop myself on staring on the man sitting beside me. Nakatingala ito sa langit habang pikit ang mga mata. Ako naman ay hindi matanggal ang paningin sa kaniya.
It isn’t a miracle. Ngunit nakapagtataka kung bakit nandito siya ngayon. I thought he’s on the US. Why is he here now?
“You keep on staring at me, gan’on na ba ako kagwapo? Did you miss this handsome face?”
Nag-iwas ako ng tingin nang magsalita siya. Mabilis kong ibinaling ang paningin sa kalmadong dagat.
“I miss you, Maxi.”
Dahil sa sinabi niya ay ibinalik ko ang paningin ko sa kaniya.
“Anong iniisip mo? Akala ko ba nasa US ka? Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin na aalis ka? Why did you leave me? Is it true na nagpakasal ka na? Then where’s your wife?” Hindi ko na napigilan ang sarili na sunod-sunod na nagtanong.
Gumuhit ang payak na ngiti sa labi niya kaya ibinaling ko ulit sa dagat ang paningin ko. I miss those smiles pero hindi na ako pwedeng magpadala sa mga ngiting iyon.
“I said I miss you, sapat na bang sagot ‘yon?”
“Then why did you leave me?” Mabilis kong balik na tanong.
This time ay tumingin na ito sa akin. He’s looking at me at wala akong kahit anong bakas ng takot o lungkot sa mga mata niya. I only see happiness on his eyes.
Sinasabayan ko ang mga tingin niya nang bigla niya nalang akong yakapin. Hindi agad ako nakagalaw nang mga oras na iyon dahil sa higpit ng yakap niya. And that moment tila ba bumalik lahat ng alaala and the strange feeling I felt nang yakapin niya rin ako noon.
“Kailangan kong lumipad papuntang ibang bansa, Maxi. I have to do it para makasama pa kita ng matagal. Sorry. Sorry kung iniwan kita nang walang pasabi.” As he whisper those words on my ear, my tears started forming. Napakalamig ng boses niya na ang sarap sa taenga.
Hindi ko naintindihan ang kahulugan ng kaniyang sinabi but still, I trusted his words, gaya ng pagtiwala ko noon sa kaniya.
Nang humiwalay kami sa pagkakayakap ay mariin ko siyang tinitigan. Napunta ang paningin ko sa ulo nito hanggang sa bumaba sa kaniyang mga labi.
He’s wearing a bonnet at pansin ko rin na wala na ‘yong makakapal niyang buhok. He also has pale lips kaya.
“What happened to you?” Nagsimula akong mag-alala.
“Wala,” mabilis niyang sagot pero hindi ako kumbinsido. I was about to speak again nang muli itong magsalita. “Nagugutom ako, Maxi. Ang aga-aga palang o at hindi pa ako nag-aalmusal. Dumiretso kasi agad ako rito pagkagising ko kanina ehh. Tara, hanap tayo ng makakainan.”
Without hesitation ay agad akong tumayo. Mabilis akong naglakad pauna sa kaniya ngunit agad ding napahinto nang hindi ko maramdaman ang presensya niya. Binalik ko ang paningin sa kaniya dahilan para makita ko itong malapad na nakangiti. Agad tuloy sumilay ang pagtataka sa mukha ko. But hindi pa ako nakapagsasalita nang maglakad na rin ito at sumabay sa akin.
Ganun din ang gulat ko nang hawakan nito ang kamay ko. He held my hand at pinagkuros iyon sa mga daliri ng kamay niya. I was shoock at first pero hindi ko nagawang labanan at tanggihan ‘yon. I think I really missed him kaya hinayaan ko na ang sarili kong nasa ganoong sitwasyon.
Nag-alala ako nang maisip na kasal na ito, pero hindi ko makontra ang bugso ng damdamin ko ngayon.
Nang matapos naming mag-almusal sa malapit na lugawan ay sinuwestiyon kong bumalik sa tabing dagat. Pero agad itong tumanggi dahil iba raw ang gusto nitong puntahan. He said that he wanted to go back to the little town na maraming stalls at magagandang attractions na lugar.
Masyado pang maaga ngayon kaya sigurado akong wala pang masyadong tao at hindi pa bukas ang lahat ng stall. But he said that it’s okay, and it’s better.
“Gusto ko ulit mapuntahan ang lugar na ‘yon ehh. Kahit for the last time, basta kasama ulit kita, Maxi.”
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at sinunod nalang siya. Gaya nga ng ini-expect ko ay wala pang masyadong tao. May ilan ng stalls na bukas pero kakaunti palang.
Kitang-kita ko ang ngiti at saya sa mukha at mga labi ni Asher. He’s been on the other country for almost a year at ngayon lang siya ulit nakabalik sa lugar na ito kaya talagang masayang-masaya siya. Seeing him like this makes me smile too.
Sinuyod lang namin ang lugar sa pangunguna niya. He’s just watching every stalls na bukas tapos lilipat ulit sa isa. Naubos ang ilang oras namin doon kaya halos mag-aalas-dyes na nang makabalik kami sa tabing-dagat.
“Ang laki na ng pinagbago mo, Max noh?” Tiningnan ko siya nang magkasalubong ang kilay ko. He’s still smiling.
“Ahhh, ‘yong ugali ko ba? ‘Yong pagiging takot sa tao noon? Hmmm, I think yah. Malaki na nga ang pinagbago ko, sabi rin nila. And that’s all because of this one guy who helped me a lot.” Matapos kong banggitin iyon ay bumaling ako muli sa dagat.
“Is that guy sitting beside you now?” sagot niya naman dahilan para lihim akong ngumiti. Hindi ko alam ngunit sa simpleng salita niyang iyon ay lowkey akong kinikilig.
“If ‘yon ang tingin mo, okay then.”
Ngiti lang ang isinagot nito sa akin. Ibinaling nito ang paningin sa dagat at gayon din ako. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas nang may sumaging tanong sa isip ko. It was the question na matagal ko nang gustong itanong sa kaniya.
“Kumusta nga pala ang buhay may asawa?” seryuso kong tanong dahilan para tumingin ito sa akin. He looked at me saka dahan-dahang ngumiti.
I wasn’t prepared to hear his answer. Natatakot ako na baka mas masaktan lang ako lalo specially if sagutin niya ako na masaya siya.
“Buhay may asawa?” Agad akong tumango sa kaniya. Tumingala ito saka umakto na parang nag-iisip. “If I had only experienced that ‘buhay may asawa’ I will tell you every detail how that feels. Pero Maxi, hindi ko naranasan ‘yon ehh.”
Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. Parang tumalon ang puso ko oras na narinig ang mga sagot niya.
“Why? Anong hindi mo naranasan? Diba kaya nga pumunta ka sa ibang bansa para magpakasal? ‘Yon ‘yong sabi 'nong guard niyo nang pumunta ako sa bahay niyo noon.”
“Talaga? Pinuntahan mo ako sa bahay noon?” Ngayon ay sumilay na ang nanunuksong ngiti sa labi niya. Bago pa niya ako tuluyang asarin ay binigyan ko siya ng seryusong mukha. “Pero to give you an answer sa tanong mo, yes. Pumunta ako sa US ngunit hindi para magpakasal. Gaya ng sinabi ko sa ‘yo kanina, I went there para makasama pa kita ng matagal.”
“Why? Bakit nga gusto mo akong makasama ng matagal? At bakit kailangan pang pumunta sa malayo para makasama mo ako ng matagal? Hindi ba if you want someone to be with you hindi ka aalis at lalayo. Diba? Pero umalis ka ehh. Bakit?”
Hindi ko napigilan ang sarili na magsimulang mamuo ang luha. I stared at him waiting for an answer at gayon din siya. Nakatitig lang siya sa akin at ramdam ko na marami ang tumatakbo sa isip niya.
“Kailangan pa bang malaman yon, Max?” Umusog ito sa akin at hiniga ang ulo sa balikat ko. I am desperate to know his answer pero ito pa rin ang ginagawa niya.
“You have to tell me, Ash. Hindi ko maiintindihan kong hindi mo sasabihin sa akin. Kailangan kong malaman para naman hindi mahirap sa akin.”
Dahil sa sinabi ko ay bumangon ito mula sa pagkakahiga sa balikat ko. Dahan-dahan nitong kinuha ang kamay ko at mariin akong tinitigan sa mata.
“I love you, Maxi.” Oras na binigkas niya ang salitang iyon ay parang naistatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa hindi ko gusto ang sinabi niya, kundi dahil nabigla ako at hindi makapaniwala. Out of the blue, he said he love me?
“Asher.”
“My parents know this already. May hint na rin ang mga magulang mo. Now, I am telling this to you officially. I love you, Maxi del Mundo.”
“Kailan pa?”
“Simula una.” Nagsalubong ang kilay ko. “Simula noong nakita kita noong 21st birthday mo. Your personality made me fell for you. I know you since then at naikwento ko na ‘yon sa ‘yo, diba? At mas lalo lang akong nahulog sa ‘yo noong naging malapit tayo sa isa’t isa. Kaya hindi ko makakaya na maipakasal sa iba because noon palang I fell for the guy, and it’s you. Ikaw ‘yon Maxi.”
Sa unang pagkakataon sa buhay ko naranasan kong makaramdam ng halu-halong emosyon. Kinikilig, naiiyak, natatakot, at para bang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin ng ngiti o dapat umiyak ako.
“You love me too, right?”
“Ano bang magagawa ko kung gusto kita o hindi? Iniwan mo na ako nang matagal, Asher. Marami nang nagbago.”
“But your feeling for me is still the same, right?”
Hindi agad ako nakasagot.
“Ano bang connect nito sa tanong ko, Ash? I asked you why did you leave? Sagutin mo nalang ‘yon nang diretso. Why?”
Saglit itong natahimik at mariin ulit akong tinitigan sa mata.
“May…” Huminto ito. He’s still looking at me at kita ko na ngayon sa mga mata niya na mukhang ayaw nitong ituloy ang kaniyang sinasabi.
“May ano? Anong meron, Ash?”
“May sakit ako. May cancer ako, Maximillian.” For the first time again he called me with my whole first name. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya malalaki ang mga mata ko na tinitigan siya.
“You’re lying, sabihin mo hindi totoo ‘yong sinabi mo.”
Ngunit umiling ito. Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya kaya maging ako ay naluluha na rin, hanggang sa nag-unahan na itong tumulo sa mga mata ko.
“I only had 1 week left, Maxi. At nasayang na ‘yong tatlong araw sa linggong ‘yon. 4 days, apat na araw nalang and you won’t ever see me again.”
Doon din tuluyang gumuho ang mundo ko. Ang kaninang iyak ay naging hagulgol na ngayon. Binaling ko ang paningin kay Asher at doon ko tuluyang naunawan kung bakit ganoon ang kaniyang itsura.
Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Alam kong kung nasasaktan ako, mas nasasaktan siya nang sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top