Chapter 13

“Sir? Sir?”

Kanina pa kumakatok ang katulong at tinatawag ang pansin ko.

“Pinatatawag na po kayo nina ma’am at sir, mag-aalmusal na raw po.”

But even how hard she try to convince me to get out of my room, wala silang magawa, even my parents.

Ilang araw na nga ba ulit akong nagkukulong sa kawarto ko? 1 day? Tatlo? Or maybe a week? Or should I say, month?

Hindi ko na alam. Hindi ko na mabilang.

I can’t count the days that had passed already that I am just inside my room. Hindi ako makausap, kahit pa ng mga magulang ko.

Ilang beses na nilang sinubukang buksan at pasukin ang kwarto ko pero hindi talaga nila ako mapagsalita.

‘Yong dating ako na minsan nang nawala at napalitan ng masayahin na Maxi, came back to its old self.

The old me who always stays on his room just because he likes to, mas lumala ngayon. I stay on my room hindi dahil gusto ko lang, I stay on my room because I want to escape, I want to escape from the things na maaaring magpaalala sa akin kay Asher.

I am hurt. I am broken, sobra.

Siguro kung nalaman ko na he’s leaving to stay on other country, matatanggap ko. But knowing the news that he leave and went to another country para magpakasal makes my heart rip into pieces.

Masyado na siguro akong nag-assume sa mga ipinakita niya sa akin noon. The way he acts. The way he treats me. And the way he made me realize I can be who I want to be, inakala ko that he was doing it because he feel something for me. Sino ba naman kasi ang gagawa ‘non sa’yo agad-agad kahit pa bago palang naming nagkakilala at nagkalapit sa isa’t isa. He’s the only one who accepted me and treated me the love na hinahanap ko na noon lalo sa mga magulang ko. And I thought magtutuloy-tuloy na iyon, ngunit saglit lang palang ipaparamdam sa akin iyon dahil in reality, sa babae pa rin siya babagsak, and now he's going to marry that girl.

Everytime I remember it, hindi ko na lang namamalayan ang mga luhang tumutulo na pala sa mata ko. The next thing I know is pinupunasan ko na ang mukha ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan na mag-isa ulit ako. Both my parents are busy on their work. Ang mga katulong naman na kasama ko sa bahay, hindi na ako kakatukin ulit once walang marinig na sagot sa akin tuwing ginigising ako sa umaga. I came back to my old self. The Maxi that’s always alone on his room.

Ilang buwan na ang lumipas simula nang umalis si Maxi. Ilang buwan na ring pinipilit ko ang sariling ‘wag nang umasa that he will come back home. Dahil kapag dumating ang araw na iyon, I will really ask him lots of why’s. Why’s na nagpapasakit lang sa puso ko lalo.

Sa loob ng mga araw at buwan na ‘yong naglipas, may ilang araw at gabi ring pilit kong nilalabanan ang sarili para lang puntahan at balikan ang places that once he brought me. Even though I know that I wanted to forget, hindi ko pa rin maiwasan ang sarili na balikan ang ilang mga lugar na iyon.

But this time, I came there back stronger. Itinatak ko sa puso ko na hindi dahil siya ang nagdala sa akin doon, I should be sad that he’s now gone. I did my best to stand there with confidence at itinatak sa puso ko na siya ang nagdala sa akin sa lugar na iyon, but it doesn’t mean for me to stop going there.

Kaya ko pa naman tumayo sa sariling mga paa ko nang ako lang eh. Ang pinagkaiba lang kapag kasama ko siya, I have the courage and confidence. Panatag ako dahil kasama ko siya.

“Hijo! Sabi ko na nga bang babalik ka!” Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng ale na nagtitinda ng mga accessories. Hindi ko napansin ang presensya niya kanina dahil abala ako sa pagtingin sa mga bracelets. Hindi ko na rin naalala na ito pala ang stall na matagal kong sinuyod ng tingin noon nang dalhin ako ni Asher dito.

“I am planning to buy a bracelet po,” sagot ko saka isa-isa pa ring tiningnan ang iba’t ibang designs.

Iginala ko lang ang paningin ko while searching for the design na natipuhan ko noong unang punta ko rito. Pero hindi ko na iyon mahanap.

“Ano bang hinahanap mo hijo? ‘Yan nalang kasi ang mga designs na natira, iyong mas magaganda noong isang araw pa naubos ehh.” Nag-angat ako ng tingin sa ale nang banggitin niya iyon. Lahat naman ng mga natirang designs ay magaganda. It’s just I love the design na natipuhan ko noon. It’s a color black bracelet with a moon printed on it. Hindi ko binili iyon noon dahil akala ko babalik pa kami. I thought we’re going back here so naisip ko na bumili ng dalawa para sa aming dalawa. And I regret it now na hindi ko pa ’yon binili noon.

“Ahh, ganun po ba?” Malungkot man ako dahil wala na iyong gusto ko ay iginala ko nalang ulit ang paningin ko to look for other design. “Ito nalang po, the cross one.”

Kinuha ng ale ‘yong binili ko saka inabot ang aking bayad. Nang maiabot naman sa akin ang bracelet at sinubukan ko na itong susuotin ay muli niya itong kinuha sa akin dahil mali raw ang pagkakasuot ko.

“Ako nang magsusuot sa iyo.” Ilang segundo ang lumipas hanggang sa maisuot ko iyon. But she still hold my hand at mariin na pinagmasdan ang bracelet na nasa kamay ko.”Bagay ang kulay blue sa kamay mo hijo, maputi ka kasi." Napangiti ako sa sinabi niya. "Pero alam mo ba ang sinisimbolo ng asul na kulay? Isa sa mga sinisimbolo nito ay freedom. It also represents trust, loyalty, wisdom, confidence, and faith. It suits you well, kaya gamitin mo ang kulay na ‘yan ng maayos, ha?”

Muli kong sinagot ng ngiti ang ale. Hindi ko alam ngunit ang kalma niyang pananalita makes my heart feel this calmness at tila ba parang bahagyang gumaan ang nararamdaman ko.

“Salamat po.” Hindi niya na ako sinagot instead ay nginitian na lang bago muling inabala ang sarili sa pag-asikaso sa ibang mamimili.

Ilang segundo pa akong nanatiling nakatayo at tinitigan ang maliit na stall niya bago muling naglakad at naglibot sa ibang stalls.

Going here again for the second time alone, mas masaya siya for me. I realized kaya ko pala. Even I’m hurt. Even I’m broken. Kaya ko palang bumalik sa mga lugar that can make me remember about him. And I am proud of myself na kaya ko rin palang i-overcome those struggles.

Madilim na sa paligid and I am on my last place. The place where everything started. Ipinarada ko muna ang aking sasakyan bago naglakad sa palaging pwesto ko noon sa tabing dagat.

Wala pa ring nagbago sa lugar na ito. The sound of the sea waves is there. Iyong malamig na ihip ng hangin. Iyong madilim ngunit nakakakalma na kapaligiran. And most importantly, the cemented chair na saksi ng pagiging feeling close ni Asher sa akin noon.

Mapakla akong natawa nang maalala ang nga nangyari noon. Pero hindi ako sa sementong upuan na iyon naupo. Naupo ako sa buhangin sa tabi ng dagat kung saan dinig na dinig ang hampas ng mahinang alon, ilang dangkal lang ang layo sa tubig ng dagat. Nakatingin ako sa malayo ngunit walang pumapasok na kahit ano sa isip ko. I just feel calm.

Ibinaba ko ang aking paningin at itinuon iyon sa bracelet na binili ko kanina. Ang ganda talaga ng kulay na asul.

“Pero alam mo ba ang sinisimbolo ng asul na kulay? Isa sa mga sinisimbolo nito ay freedom. It also represents trust, loyalty, wisdom, confidence, and faith. It suits you well, kaya gamitin mo ang kulay na ‘yan ng maayos, ha?”

Nang muling sumagi sa isip ko ang sinabi ng ale ay naalala ko si Asher.

I wonder what he’s doing right now? It’s night already here so probably umaga sa US. Naisip ko masaya na siguro siya ngayon kasama ang magiging asawa niya. I wonder baka nga asawa niya na. It’s been months already since he left.

Lagi man akong nasasaktan tuwing naaalala ko that he’s going to marry a girl, pinipilit ko ang sarili kong maging masaya nalang para sa kaniya. I bet he’s happy right now so I should feel the same for him. It’s the best thing I could do to show him my love.

Hindi ko plano na magtagal pa rito kaya I decided to leave. Pero bago ako tumayo sa kinauupuan ay nagsulat muna ako sa papel. I already planned to do this thing here so I already brought a paper and pen. I also have a box where I’ll put the paper and leave it on the cemented chair.

“How are you, Ash? For sure you’re happy now. Married life is happy, they say. Wala man tayong proper goodbye, happy pa rin ako for you. ‘Wag mo na akong isipin dito, ha, I’ll be happy. I wish you the best together with the woman you love, I’ll be just here secretly loving you and will support you. I love you, ‘til we meet again, Asher del Mundo.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top