Chapter 12

Hindi ako mapakali sa kwarto ko habang nagpapalipas ng oras. Matapos kong subukang tawagan si Asher kanina, hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko. I can’t stop thinking reasons why suddenly Asher didn’t answer my calls.

Hindi ko man lang naisip ang possibility na maaaring mangyayari ito. I really trusted him. And I am still hoping that it won’t happen on the time na aamin ako sa mga magulang ko.

I think I can’t do this alone. Hindi ko kaya.

Habang lumilipas ang oras, kasabay ng mga kabang nararamdaman ko ang muli kong pagsubok na tawagan ang numero ni Asher. I already tried many times pero gano’n din karami ang cannot be reach na naririnig ko. Kanina hindi niya lang ako sinasagot, but this time it seems like he put his phone on power off.

Parang unti-unting pinupunit ang puso ko nang mga oras na iyon.

I thought everything’s okay already. Akala ko ayos na ako. Akala ko ayos na kami. I thought I finally found a friend who’ll stay with me everytime I need him, pero lahat ng iyon mabilis ko lang parang mararanasan at agad ding maglalaho.

He’s no different to other. Magaling siyang magsalita, and once nakuha niya na ang loob ng taong kausap niya, iiwan niya nalang sa ire kung kailan kailangan siya.

I still tried to call him pero mas lalo lang akong nadismaya. Pabato kong tinapon ang cellphone ko sa aking kama dahil sa inis.

‘Why Asher? Bakit? Kinuha mo lang ba ang loob ko? Para ano, paasahin ako? You helped me cope my insecurities pero ikaw lang din ang rason para bumalik lahat ng ‘yon. You did nothing but hurt me more.’

I wanted to shout. Gusto kong umiyak. Pero just by thinking of doing it alam kong wala namang magagawa ‘yon.

Mabilis na lumipas ang oras. Wala nang isang oras before 7. Ilang minuto mula ngayon sigurado akong tatawagin na ako for dinner. Ilang beses ko pang tinitingnan ang cellphone ko hoping for even just a text message from him. Pero mas lalo lang akong nadidismaya.

Hindi ko na hinintay na tawagin pa ako for dinner. Nag-ayos na ako ng sarili saka lumabas ng kwarto. Hindi gaya ng mukha ko paglabas kaninang umaga, you can’t see any smile on my face. I am mad. I am disappointed. I am hurt. Hindi ko na alam kung ano bang dapat maramdaman ko ngayon.

Even though I have nothing to expect, naghintay pa rin ako sa labas ng bahay namin waiting for Asher na dumating.

‘Nandito na ako sa labas ng bahay. I’ll be waiting for you, okay?”   - Sent

I waited for minute. Until turned 10 minutes…25 minutes.

‘I am still waiting for you. Okay lang kung ma-late ka, I know my parents will understand, makakapaghintay naman sila ehh. Ang importante, you’re here, sasamahan mo akong harapin sila. Okay?”   - Sent

6:55 pm, 5 minutes before 7. Masyado pang maaga para sabihing hindi talaga siya darating.

Inabala ko ang sarili ko. Pabalik-balik akong naglakad sa harap ng pinto, eyes are above heaven. Staring at the stars while wishing for Asher na dumating na.

‘Please Asher, ‘wag mo na akong pahirapan. ‘Wag mo na akong saktan.’

Hindi ko na namalayan na nagbadya na ang mga luha sa mata ko. Luha na nauwi sa unti-unting paghikbi. Ang sakit sa dibdib.

7:25, still…masyado pang maaga para sabihing hindi siya darating. Baka, late lang.

“I’ll be sending you this last message, Asher. Darating ka man o hindi, hihintayin pa rin kita. You know I’m excited for this day to come, I really want to open to my parents for my peace of mind. Matanggap man nila o hindi, at least they know. I know nababasa mo ‘tong messages ko, I hope you’re doing fine. Kung hindi ka nga talaga darating, still I want to say thank you. Thank you dahil kahit saglit lang naiparamdam mo sa akin na importante rin ako. I am hurt, yes. I am disappointed, yes, pero okay lang. Kung hindi ka talaga darating, I guess I know what it means already. Sana sinabi mo nalang sa akin ng diretso that you’re leaving, hindi ‘yong ganuto pa kasakit. Gayon pa man, I am still happy for meeting you. Thank you for everything.”

Matapos ma-isend ang message ay muli akong tumingala sa langit. This time, mabilis nang nag-unahan ang mga luha sa mata ko. Ang sarap sa pakiramdam na after years of being alone, finally I got to have someone who’s willing to listen and be on my side. Pero lahat ng masarap na pakiramdam na iyon ay agad ding naglaho, and what makes it hurt more is he leave me without even telling me properly. Umalis nang walang pasabi.

Matapos lumipas ang ilang minutong nakatayo habang umaasa na baka dumating siya, I decided to go to my room. Wala na akong lakas ng loob na harapin ang mga magulang ko. Hindi ko kaya at hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung wala sa tabi ko ‘yong taong nagparamdam sa akin that everything’s okay.

Hanggang sa lumipas ang oras, ang akala ko na ipatatawag ako para sa gabihan ay hindi nangyari. It’s already 8:30 pero walang katulong o mom or dad na tumawag sa akin. I guess, hindi talaga ako importante. Mapakla akong tumawa. Nagbago na ako pero ang mga magulang ko ganun pa rin. They still don’t care about their son.

Patuloy na lumipas ang oras, hindi ko na nararamdaman ang antok. It’s already 10 pm pero nakaupo lang ako sa sahig ng kwarto ko habang nakasandal sa gilid ng aking kama. I am staring on my phone. Hindi na ako umaasa na makatanggap ng tawag o message mula kay Asher. Malinaw sa akin na ang mga nangyari noong nakaraang araw ay dahil lamang kailangan ko ng kasama sa ilang araw na mag-isa ako.

May galit kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking mukha. I shouldn’t be crying because of him. Wala siyang pinagkaiba sa mga magulang ko. I scroll and find his phone number. Ilang segundo iyong tinitigan bago dinelete ang kaniyang numero. Even the message history I deleted it all.

I thought iba ka sa kanila. Akala ko naiintindihan mo ako, kagaya ka lang pala nila. Wherever you are right now, sana nga nasa magandang kalagayan ka.

KINAUMAGAHAN maaga akong nagising. Hindi ito ang nakasanayan ko because I usually wake up late. Para bang kusang bumangon ang katawan ko nang magising sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto.

Pagbaba ay hindi ko nasalubong ang kahit sino sa mga magulang ko. For sure umalis na ang mga iyon para magtrabaho. Dumiretso na lamang ako sa kusina para magpatimpla ng kape bago pumunta sa sala.

Ngunit hindi pa ako nakauupo nang maagaw ang pansin ko ng isang kahon. Katamtaman lang ang laki nito pero agad nitong napukaw ang pansin ko.

“Manang! Manang!” tinawag ko ang katulong na nagtimpla ng kape ko. Nang makalapit sa akin ay agad ko itong tinanong, “ano itong kahon na ito? Para kanino?”

“Sir, pinadala po iyan ng mommy ni sir Asher para sa mom at dad mo po. Kaso nang dumating ‘yan kaaalis lang nila kaya hindi nila naabutan.” I want to forget everything about Asher pero ang aga-aga related agad sa kaniya ang naririnig ko.

“Ah, sige po, salamat.” Tumango lang sa akin si manang bago naglakad palayo. “Ako na palang magbibigay nito kina mom at dad ha,” pahabol ko na agad niya namang tinanguan.

Hawak-hawak ko na ngayon ang kahon. I am curious on what’s inside it. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ito o hindi. Bigla nalang hindi nagparamdam si Asher sa akin so I think it is okay if I feel curious sa kahon na ito na pinadala ng mommy niya.

Walang alinlangan, kinuha ko ang gunting na nasa drawer na malapit sa akin. Mabilis kong nabuksan ang kahon at agad na bumungad sa akin ang isang marmol na nameplate dahilan para magsalubong ang kilay ko. Nagtataka ako kung bakit pinadala ito sa mga magulang ko gayong hindi naman pangalan or last name ng pamilya namin ang nakasulat dito.

Hanggang sa nakita ko ang isang maliit na papel na nakasingit sa nameplate.

“Please take this little gift bilang pasasalamat ko sa ilang taon ko sa kompanya. I’m sorry that I have to leave, sir. We are doing this for our son, kaya kailangan ko po talagang iwan ang trabaho ko. In this sacrifice, I am hoping and praying that I can still save my son’s life. No more drama’s, sir. Nasabi ki na rin naman po ang lahat nang magpaalam ako. Thank you po for everything.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa biglang pagkabog ng dibdib ko nang mabasa ang linyang ‘we are doing this for our son. I am hoping and  praying that I can still save my son’s life.’

What does she mean? Anong save his life?

“Manang! Manang!” muli kong tinawag ang katulong na nakausap ko. Mabuti nga at mabilis itong lumapit sa akin. Hindi ko pa alam ang buong kwento pero parang unit-unti nang pinupunit ang puso ko sa kabang nararamdaman.

“Anong oras dumating itong kahon na ito? Who brought this here? Mommy ba ni Asher?”

Mariin kong tiningnan ang katulong, expecting for her na tumango. Pero ganun nalang ang naramdaman kong pagkadismaya nang umiling ito.

“Hindi po sir, matagal nang dumating ‘yan. Saka po, pinadala lang po ‘yan ni ma’am, hindi po siya ang personal na nagdala niyan dito.”

“Bring me my car key. Bilis!” Wala na ako sa tamang pag-iisip. Nagsimulang mamuo ang mga luha ko.

Sana mali ‘yong naiisip ko. Pero iisa lang ang kahulugan na nakukuha ko sa nabasang letter, may sakit si Asher.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha nang makitang papatakbo sa akin si manang. Nang makuha ang susi ng sasakyan ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito.

I have no idea where Asher’s house is. Hindi ko alam kung saan ang bahay nila but I really want to go their house. Gusto ko siyang personal na puntahan and see his condition.

Wala na akong ibang choice kaya lumapit na ako sa mga magulang ko. I called them and asked the address of their house. Mabuti na nga lang at wala nang maraming tanong ang parents ko at ibinigay rin ang address.

Hindi lang naman pala kalayuan ang bahay niya sa amin kaya mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko roon. Kasama na sa sinabi sa akin ni mom ang description ng bahay nila kaya malaking tulong iyon para mahanap ko agad.

Malaki ang bahay nila kaya bahagya pa akong nagulat. I didn’t expected them this wealthy. Hindi ko na iyon pinansin dahil si Asher talaga ang pinunta ko.

Pagbaba ng sasakyan ay mabilis akong tumakbo sa kanilang gate. Sinalubong ako ng guard.

“Nandito ba si Asher?” mabilis kong tanong.

“Sir, wala na pong tao rito,” kalmado lang na sagot ng guard pero nagsalubong ang kilay ko. Anong pinagsasabi niyang walang tao.

“Ito ang bahay nina miss Del Mundo, hindi ba? Amo mo sila diba? Si Asher del Mundo, I know he’s living here, paanong walang tao?” Hindi ko na nakontrol ang boses ko. Halos pasigaw ko nang kinausap ang guard. I badly want to see Asher, kaya ‘wag niyang sabihing walang tao. “Or baka naman nasabihan ka na ng amo mo na ‘wag tumanggap ng bisita, ano? Tell him it’s important, kailangan ko siyang makita.”

“Sir, nagsasabi po ako ng totoo. At opo, ito nga po ang bahay nina ma’am del Mundo at anak nitong si sir Asher, pero kanina pa po sila umalis papuntang Amerika."

Saglit akong nabingi nang marinig ang huling sinabi ng guard. Umalis papuntang Amerika? Kahit kaunti, tinuring niya rin naman sigurong kaibigan ako, why didn't he tell me.

"W-what? Why? Bigla-bigla ata. May sinabi ba silang reason why? Kaibigan ako ni Asher, hindi niya naman binanggit sa akin na aalis sila." Pinilit kong maging kalmado kahit gustong-gusto ko nang umiyak.

"Ang narinig ko po kagabi nang kausap ni ma'am ang asawa niya, ikakasal raw si sir sa Amerika."

Ikakasal raw si sir sa Amerika.

Paulit-ulit na rumihestro sa utak ko ang linyang iyon. Nang mga oras ding iyon parang gumuho ang mundo ko.

Marahil kaya siguro. Kaya siguro hindi niya na sinasagot ang tawag ko. Aalis pala siya para magpakasal sa Amerika.

Sino ba naman kasi ako?

Sinamahan niya lang naman ako dahil pinakiusapan siya ng mga magulang ko. I should have thought that matatapos din 'yong araw na iyon.

At sinabi niya nga rin pala. He's attracted to both guy and woman. It was clear but I assumed too much. Hindi ko man lang naisip, he still has heart for a woman, maghahanap pa rin siya ng babae.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top