Chapter 11

“How’s your stay here with Asher?”

Hindi lang isa o dalawang oras akong naghintay na makarating sina mom at dad sa bahay. I waited for 3 hours before they arrived. It's almost 11 pm and I’m now sleepy. Pilit kong nilabanan iyon dahil ayuko namang sirain ang gabi nila. They are gone for weeks and I am sure they are tired kaya ayukong sirain ang gabi nila.

“Okay lang mom,” tipid kong sagot pero may kasama ‘yong ngiti. My mom looked at me surprised kaya nagsalubong ang kilay. “What? Why?”

Ilang segundo pa itong natitig sa akin bago unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya.

“You’ve changed, son.” Sinubo ko muna ang pagkain na nasa kutsara ko. Ilang oras akong naghintay sa kanila at tiniis ang gutom para makasabay silang kumain kaya talagang gutom ako. I was about to answer her ngunit naunahan ako nito nang muling magsalita. “Umalis lang kami for business trip then pag-uwi namin mukhang nagbago ka, ha. You never gave me and your dad that smile.”

Nanunukso na ito ngayon. Binalingan ko naman ng tingin si dad kaya nahuli ko ang saglit na pagtingin nito sa akin. Walang ekspresyon sa mukha niya nang maharap ako pero nakita ko ang saglit na pagguhit ng ngiti sa labi niya. Seeing it kahit pa saglit lang makes my heart feel happy. Parang nawala ang antok ko.

Nagbago ba talaga ako? Everybody in this house noticed it, at maging si mom na kauuwi lang ay napansin din. It was all because of Asher. He helped me a lot.

“Never mind mom. I’m just happy that you and dad are finally home,” palusot ko with still a smile on my face. Hindi ko alam ngunit para bang ayaw itong umalis sa labi ko. Masaya lang siguro talaga ako ngayon.

Hindi na ako sinagot ni mom. Ilang minuto ang lumipas before she talked again.

“Si Asher pala, umuwi na sa bahay nila noh?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

“What happened mom? Bakit nga pala nauna ng uwi ang mom niya kaysa sa inyo?” I asked full of curiosity. Hindi ko matanggap until now that Asher have to go back to their house as early sa plano. Dito pa sana sila mag-di-dinner sa amin.

“Hindi ko nga rin alam, son. We are supposedly traveling together pauwi, pero ilang oras before our flight she told us that her husband called her, it’s urgent that she needs to go home immediately.”

Nagtaka ako lalo. Asher told me may dinaanan daw sina mom at dad kaya nahuli ang mga ito.

Hindi na ako sumagot kay mom. Kahit naman gusto ko pa magtanong maguguluhan lang ako lalo.

I focus myself sa pagkain ko. Gayon pa man ay biglang pumasok sa isip ko ang daddy ni Asher. Sa ilang araw na nagkasama kami, wala siyang nakwento sa akin about sa dad niya. Maliban nalang nang banggitin niya that him and his mom are living separately sa dad niya, because his dad is living on the US. But what he assured me is that they are in good terms with his dad, they are just living separately because his dad is working abroad. That’s the only detail he told me about his dad.

Hanggang sa matapos kaming kumain at nagpaalam sina dad at mom to rest, hindi na mawala sa isip ko si Asher. I can’t stop imagining the possibility na baka mayroong problema. Simula rin kasi nang makaalis siya, he never called me nor texted me, kahit man lang magsabi na nakarating na siya.

“Sir, ako na po riyan. Magpahinga na po kayo.” Hindi ko na namalayan ang sarili ko na bitbit-bitbit ko na pala ang ilang plato ng pinagkainan namin. I am helping the maids again, na never ko pang nagawa before.

Hindi ko pinahalata that I am not on myself when I realized what the maid said. Ngiti na lamang ang isinagot ko kay manang bago umakyat na sa kwarto ko. I feel sleepy pero bigla kong hindi naramdaman iyon magmula nang marinig ko ang sinabi ni mom kanina.

I get my phone and dialed Asher’s number pagpasok sa kwarto. Lumipas ang ilang segundo hanggang sa matapos ang dial ngunit walang sagot akong natanggap mula sa kabilang linya. I started to feel worried. I tried dialing his number again. Until I tried thrice, fourth, fifth time, ngunit wala pa ring sagot. Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Okay pa kami kanina, why aren’t he answering my calls?!

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago muling sinubukang tawagan ang kaniyang numero. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko, praying for him to answer my call.

“Hello?” Naistatwa ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses niya. He sounds fine, wala namang kakaiba sa boses niya. But still, the next thing I felt is the tears on my eyes na dumaloy sa pisngi ko. Hindi ko na namalayan sa sobrang pag-alala na namuo na pala ang luha ko.

“Asher?” I am mad. He made me worried pero hindi ko magawang magmaktol at magalit sa kaniya for making me call him many times and worry.

“Sorry, my phone’s in silent. Kagigising ko lang, mabuti nga namalayan ko.”

Nagsalubong ang kilay ko. Bakit parang may mali?

The tone of his voice.

It sounds… cold.

I can’t feel the positive energy of his voice everytime he talks to me unlike before. His voice this time, hindi ko alam. I don’t want to overthink.

“Kumusta ka? Kumusta ang mommy mo? Nakarating na pala sina mom at dad, katatapos nga lang namin mag-dinner. It was fun, sayang lang at wala kayo rito ng mom mo.” I made my best to still give him the best energy I was giving him before. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot because I am feeling something isn’t right here.

“Oh, really. Ikumusta mo nalang ako kina tita at tito, tell them sorry too ‘cause I didn’t make it to wait them at magpaalam personally. I think they know naman the reason why mom flew earlier than plan.”

“Yes, okay lang. They know. Sinabi rin nila sa akin. May I know may problema ba? Pwede ka magsabi sa akin ha.” Saglit na natahimik ang kabilang linya. Chineck ko pa ang cellphone ko if naputol ang tawag but the call is still ongoing. Wala akong natanggap na sagot sa kaniya. “Hello, Asher?”

“Hmmm.” Napanatag ako nang marinig muli ang boses niya. Pero hindi nakaligtas sa akin na marinig ang kakaibang boses niya. His voice sounds like…sobbing.

“Ayos ka lang ba?”

“Yes, yes,” mabilis niyang sagot. But I am not convinced. “Kagigising ko lang kasi kaya medyo iba ang boses ko. Do you still has something to say? I think I heard mom calling me.”

“Uhm, about pala sa pag-open ko kina mom and dad. May naisip na akong araw kung kailan,” sinadya kong putulin ang sasabihin ko to hear his answer. Pero gaya kanina ay wala akong natanggap. Ilang segundo pa akong hindi nagsalita hanggang sa marinig ko ang boses niya.

“Go on, I’m listening.” I didn’t expected his answer like that. Kahit sobrang daming kakaibang pagbabago akong napapansin sa boses and the way he answer me I keep on being positive and continue talking. Pinanghahawakan ko ang sinabi niyang bagong gising siya.

“Kanina kasi habang kumakain kami, mom told me that in few days magiging busy ulit sila. They will be busier until next month, kaya naisip ko to talk to them tomorrow.” Saglit akong huminto. Sana ready na nga talaga ako. “Wala na akong maisip na araw para kausapin sila, baka next day wala nanaman kasi sila sa bahay. I don’t think kaya ko pang patagalin to, Asher. Gaya nga ng sabi mo, I will only accept myself if my family know this. I am ready to accept whatever their reaction will be.”

“Uhm, Maxi, kasi…”

Hindi ako nagsalita. I am just waiting for his answer. Pero matapos ng sinabi ko, tila ba nangapa ito ng isasagot sa akin. Para bang paputol-putol pa siya kung magsalita and it sounds like he’s not sure.

“I already promised you na sasamahan kita, but…mom talked to me kanina at may pupuntahan raw kami bukas. I…will try my best na makaabot, gabi pa naman ‘yon diba?” After his words ay narinig ko siyang umubo dahilan para bigla akong mag-alala.

“Asher, may ubo ka ba?”

“No, nabulunan lang kasi uminom ako ng tubig. Sige na, tomorrow I’ll see you on your house. Bye.” Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil agad niyang pinatay ang tawag.

Hinarap ko ang cellphone ko sa mukha kasabay ng pagsalubong ng aking kilay. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kay Asher. He really sounds different, nakakapanibago.

Kinaumagahan, nagising ako sa ingay sa labas. My room is on second floor pero dinig na dinig ko ang lakas ng boses ni Krystal. Base sa mga salitang binibitawan niya, I know she’s here for my parents. I know she miss them too.

Pagbaba hindi gaya ng nangyayari dati, Krystal doesn’t seem to be interested on me. Nang makita ako ay binato lang ako nito ng tingin at ibinalik sa mga magulang ko. Well, that’s better naman kaysa dumikit-dikit siya sa akin.

“Mom, dad, good morning.” Humalik ako sa pisngi ng mga magulang ko bago sunod na tiningnan si Krystal.

“Krystal, hi. Ang aga mo ah.” Nilapit ko ang pisngi ko sa pisngi niya para magbeso. Nang muling magharap ang paningin namin ay sunod ko nang nakita ang bilog na bilog na mata niya.

“Am I seeing this real tita? So, totoo po pala ‘yong kinuwento niyo sa akin.” Sunod ko nang narinig ang mahinang tawa ni mom. And base on what Krystal just said, mukhang ako ang pinag-uusapan nila.

“It’s real, hija. Sinabi ko na sa’yo, nawala lang kami ng tito mo at ito na ang dinatnan namin pagbalik.”

“Oh my gosh. Is this what that guy…”

“Shhhh, let’s not talk anymore. Hindi ba't mas maganda that my son is like this. I like it.”

Hindi ko na pinansin pa ang usapan nila. Lahat naman ng iyon ay totoo, at gets ko ang gustong tumbukin nilang pareho.

I just go to the kitchen to get some water, nagpatimpla na rin ako ng kape kay manang bago bumalik sa sala. Naabutan ko pa ring nagbibiruan sina mom at Krystal, habang si dad naman ay nakatuon na sa laptop niya.

“Oh, son, Asher texted me.” Nag-igting ang taenga ko nang marinig ang pangalan ni Asher.

“What did he say?”

“He told me that he wants to come here, but he can’t because he has something to do today. May sasabihin ka raw kasi, ano ‘yon?” Parang tinusok ang puso ko nang marinig ang mga unang sinabi ni mom.

Is he lowkey telling me na hindi siya makararating mamaya para samahan akong harapin ang mga magulang ko? He assured me kagabi that he will come.

Hindi ko na sinagot pa si mom. I run through my room at agad na kinuha ang cellphone ko. My hand is shaking as I scroll searching for Asher’s number. Nang ma-dial ito ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. I can’t understand what I am feeling right now. Parang ang bigat at ang sakit ng puso ko.

‘Asher, please answer.’

Ngunit lumipas ang ilang segundo, hanggang sa naging minuto, I’ve tried dialing his number many times, pero kahit isa ay wala akong natanggap na sagot.

‘Asher, what happened? Bakit ngayon pa?'

Sinubukan ko ulit i-dial ang number niya pero this time cannot be reach na ito.

Ngayon din nagsimulang mamuo ang luha ko at nag-unang tumulo sa mga mata ko. Next minute I am already sobbing.

Ang sakit ng puso ko. Bakit hindi pa ako ang tinext niya? I even called him last night sana sinabi niya na agad.

Ilang minuto akong nagmukmok at nasa ganuong sitwasyon bago nakakuha ng lakas na muling hawakan ang cellphone ko. I go to the message at nagtype, his not answering my call but I know he will see this message.

“I’ll talk to my parents later at 7 pm during dinner. Please come, Asher. Alam mo namang ikaw lang ang nagpapalakas ng loob ko, diba? I’ll wait for you, okay? Asahan kita.”     - Sent

I wipe my tears and positively think. Mahaba pa ang oras, I know he’ll come.

Dumating nga siya noong mga araw na hindi ko inaasahan, ngayon pa kaya na alam niyang inaasahan ko siya.

I believe in him. Naniniwala ako na darating siya~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top