T
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀𝐖
(ɪɴsᴘɪʀᴇᴅ sᴏɴɢ: ᴛʜᴇ 𝟷 ʙʏ ᴛᴀʏʟᴏʀ sᴡɪғᴛ)
—
Ginugol ko ang ilang buwan para ako'y muling ngumiti.
Hindi ko na ninais sirain ang gabi at maghiganti.
Maganda naman ang binigay ko sa araw na bati.
Ngunit, bakit babalik na naman ako sa dati?
Hindi mo ata inaasahan ang iyong nadiskubre,
Na ika'y aking gusto na narinig mo sa kalye.
Kaya iniwan mo akong lumulutang sa ere,
Habang ika'y nanonood lamang ng serye.
Walang pakialam, ngunit ayaw pag-usapan.
Parang liyab na pinipilit mong hipan.
Walang pangundangan na tanging ikaw na ang nasa isipan.
Ngunit para kang natatakot na ako'y ibunyag at ako'y pinagtatakpan.
Lagi kong inaalay sa 'yo ang mga obra sa ilalim ng tala.
Pero iba ang iyong nais at iba ang inaalayan mo ng tula.
Sana, bago pa ako tuluyang madala,
Tapusin na natin ang sinimulan mong dula.
—
Mr_Bimow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top