K
𝐊𝐔𝐍𝐃𝐈𝐌𝐀𝐍
(ɪɴsᴘɪʀᴇᴅ sᴏɴɢ: ʙʏᴇ ʙʏᴇ ʙᴀʙʏ (ᴛᴀʏʟᴏʀ's ᴠᴇʀsɪᴏɴ) (ғʀᴏᴍ ᴛʜᴇ ᴠᴀᴜʟᴛ) ʙʏ ᴛᴀʏʟᴏʀ sᴡɪғᴛ)
—
Sinulat ko na ang unang nota.
Dahil sumusulat ako ng aking sonata.
Kaso naubusan na ako ng tinta.
Paano ko na masusulat ang susunod na kabanata?
Simula nang hindi ko na matugtog ang piano,
Napapatanong na ako kung paano,
Paano ako lalakbay gamit ang eroplano,
Kung lagi ko pa ring iniisip ang ating mga plano?
Kumakanta pa rin ako kahit wala na.
Kailan ko kaya masasabi na “ako'y nadala na.”
Nais ko na sana sabihin na “tara na!”
Kahit iniisip mo na tayo'y nabura na.
Bakit ako magagalit? Dahil mayroon ka nang mapapalit?
Ako'y pagod na rin at ayoko nang ipilit.
Kundiman pa rin ang aking kakantahin.
Kahit kun'di 'man tayo sa huling saglit.
—
Mr_Bimow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top