I

𝐈𝐍𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐈𝐓
(ɪɴsᴘɪʀᴇᴅ sᴏɴɢ: ɪɴ ᴍʏ ʜᴇᴀᴅ ʙʏ ᴀʀɪᴀɴᴀ ɢʀᴀɴᴅᴇ)

-

Kumakain ako ngayon habang nakatingin sa mga taong naglalakad.
Napapaisip ako kung puwede ba talagang mabasa ang aking palad?
Baka puwede nito sa akin mailahad,
Kung ang dati at ang ngayon na minamahal ko ay magkatulad.

Lumabas na ako at dinala ko na lang ang pagkain,
"Sana hindi na 'yon maulit." Ang aking adhikain.
Natakot na akong umibig simula ng ako'y sirain.
Pero mukhang kakagat na naman ako sa ibang pain.

Mali ko siguro na nakitaan siya ng potensyal,
Ngunit hindi ko nakita ang kaniyang kredensyal.
Ang akala kong pagmamahal na sobrang espesyal,
Para akong nakatsinelas sa ilalim ng araw nang namamasyal.

Sinasabi nila na hindi siya para sa akin,
Pero pinipilit ko pa rin siyang maangkin.
Kaya ngayon, nginunguya ko ang pait,
Habang iniisip ang pag-ibig na sa akin ay pinagkait.

__

Mr_Bimow

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top