A
𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐊𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍
(ɪɴsᴘɪʀᴇᴅ sᴏɴɢ: ʜᴀᴘᴘɪɴᴇss ʙʏ ᴛᴀʏʟᴏʀ sᴡɪғᴛ)
-
Ang akala kong katapusan, ay hindi pa pala tapos.
Akala ko nakatakas na ako sa aking gapos,
Gapos ng nakaraan ko na mawawala na.
Ngunit sa aking mga hiling mukhang ako'y kinapos.
Ang akala kong katapusan, ay aking magiging bukas.
Pilit ko mang sinasarado ang pinto ng nakaraan,
Pero nakapalibot pa rin talaga ang mga bakas.
Doon ko nalaman na hindi na ako makakatakas.
Ang akala kong katapusan, ay muling magsisimula.
Akala ko'y magiging tama na ang aking mga hula,
Parang mga sinusulat ko tuwing gabi na mga tula.
Ayun, nawalan na ito ng silbi na parang mga bula.
Ang akala kong katapusan, ay lagi na lang uulit.
Akala ko pa naman iba na ito ngunit 'di ko mawari.
Hinding hindi pa rin matatapos ang aking "subalit."
Kung laging uulit ng uulit ang mga nangyayari.
-
Mr_Bimow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top