Chapter Four

Hi! Chapter 8 was posted on Patreon/Facebook VIP group. Kindly message my Facebook account Rej Martinez to join VIP for 150 pesos monthly and read all my other stories that are exclusive to Patreon/VIP group. You can cut your membership and just rejoin the group anytime. Thank you for your support!

Chapter Four

Chaotic Heart

But sometimes Stephen could also put my heart in chaos...

My heart became chaotic because of how he made me feel sometimes...

I had dinner that same night when Stephen was in our home and Mommy finished cooking. Sa bahay din namin kumain si Stephen. At hindi ko nga maitatanggi na mukhang nabawasan nga ang lungkot sa mukha ni Daddy sa pagkawala ni kuya ngayong nandito sa amin si Stephen.

"I talked to your Mom, hijo. Ayos lang daw sa kaniya na dito ka muna sa amin tumira." Daddy smiled at Stephen.

Nakita kong nginitian din ni Mommy si Stephen. And she looked at him like she's urging him to really stay here with us in our home.

Tumingin naman ako kay Stephen at nakita kong tumingin din siya sa akin. Binalik ko lang naman ang tingin ko sa pagkain ko.

Pagkatapos ng dinner ay nagkita naman kami ni Stephen sa hallways ng mga kwarto sa second floor ng bahay namin. Nilapitan pa niya ako and asked me a question.

"Is it okay with you that I stay here in your house?" He asked me.

Hindi naman ako agad nakasagot sa kaniya. I wonder why he's asking me... Pero sa huli ay tumango lang din naman ako sa kaniya. "It's okay..." I said.

Ngumiti naman siya sa akin. And his face lit up because of his bright smile...

Napailing ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "I'll go to my room now." paalam ko sa kaniya.

Tumango naman siya sa akin at tinalikuran ko na siya na iniwan doon sa corridor.

So Stephen stayed with my family at our house. At dahil nasa iisang bahay na lang naman kami nakatira kaya naman nagsasabay na rin kami ni Stephen papunta sa school. And at first ay hinayaan ko na lang. Because I can see that my dad has been better since Stephen lived with us. Na sa umaga ay sabay-sabay na kaming umaalis ng bahay at hinahatid pa kami ni Daddy sa school namin.

"And we're here." Dad said as he stopped our car in front of the school.

"Thank you, Dad." sabi ko at naghanda na ring bumaba ng sasakyan. Kinuha ko na ang bag ko.

"Thank you po, tito." Stephen said who followed after me.

"You're welcome. Take care you two." Dad said pagkatapos ay tuluyan na kami ni Stephen na lumabas ng sasakyan matapos magpaalam kay Daddy. And we also told him to take on his way to the hospital to his work.

Naglakad na rin kami ni Stephen papunta sa mga classrooms namin pagkatapos. At kinakausap pa niya ako habang papunta kami sa mga rooms namin.

Kaya napansin ko rin na parang napagtitinginan pa kami tuloy ng ibang schoolmates namin. I think Stephen though he just started high school already became quite famous with the girls...

"I will wait for you later outside your room." Stephen said beside me.

Bumaling naman ako sa kaniya at kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Bahagya rin kumunot ang noo ni Stephen sa tanong ko. "Why? Unang natatapos ang klase namin compared sa inyo." He said.

Oo nga naman at una talagang natatapos ngayon ang classes ng mga nasa lower levels compared sa amin. But that's not what I meant when I asked him why. "Why would you wait for me? Hindi na kailangan. Pwede kang mauna nang umuwi mamaya. Baka may school project pa kami na gagawin later with my group mates after our last subject today." I told him.

Tumingin sa akin si Stephen. "It's all right. I'll still wait for you." He said nonchalantly.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Umiling ako pagkatapos. "No need. Mauna ka nang umuwi. Sabihin mo kay Kuya Rey na umuwi na kayo mamaya. 'Tapos pwedeng balikan na lang ako dito sa school." sabi ko naman.

Kumunot pa lalo ang noo ni Stephen sa akin nang tingnan niya ako. "Why do you want me to go first? When I can wait for you. I said I'd wait so I would. Sabay na lang tayong umuwi mamaya para hindi na rin magpabalik-balik pa dito sa school si Kuya Rey." tukoy niya sa driver namin.

Umiling pa rin ako at magsasalita na sana nang putulin pa niya ako.

"Are you telling the truth that you just have a school project? O baka naman may iba ka pang gagawin mamaya after school..." he said like he's implying something...

"What? We really have a school project to finish with my group." I said it again. At bakit parang kailangan ko pang magpaliwanag?

At isa pa ay napapagod na rin akong kausapin siya ngayon at nakatingala pa ako halos sa kaniya dahil sa tangkad niya.

He sighed like he's stressed. Ano bang problema niya...

"All right." He said right after. "Nandito na tayo sa labas ng room mo."

At hindi ko pa namalayan na nasa labas na nga pala kami ng classroom ko. At nagmukha pang hinatid ako ni Stephen dito. "Go to your classroom now quickly. Baka ma-late ka pa." sabi ko sa kaniya at tumingin sa wristwatch ko. It's almost time. Pero hindi pa naman nagsisimula ang class namin at wala pa rin ang teacher sa loob.

Nang balingan kong muli si Stephen ay imbes na magmadali at pumunta na rin sa class niya ay nanatili pa siyang nakatayo roon at sinisilip pa ang loob ng classroom ko. "Stephen, what are you doing?"

At doon pa lang siya muling bumaling sa akin sa tanong ko. "Nothing... I'll go now..." he said, looking at me.

"Yes. You should go now. Go! Malilate ka na sa class mo." I reminded him.

Nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin at halos paatras pa ang lakad palayo hanggang sa tumalikod na rin siya para pumunta na sa classroom nila. Medyo malayo pa naman dito ang building ng mga grade 7. This is the building for the grade 10 students like us.

I sighed before I entered my class, too. Agad din naman akong sinalubong ng mga kaklase ko.

"Hmm. Hindi mo talaga boyfriend?" sabi sa akin ng katabi kong si Pamela. At halos mapalibutan na rin ako ng mga babae kong classmates na nang-uusisa pa.

And I was just a bit taken aback by their actions and questions to me now. Sa huli ay nagbuntong-hininga na lang ako at napailing sa mga kaklase. "What are you talking about? Nagkasabay lang kami ngayon papunta sa school dahil hinatid kaming dalawa ng Daddy ko. He lives with us now temporarily. And he's just like a brother to me..." sabi ko sa kanila.

Sa huli ay nagsitanguan naman sila sa sinabi ko at bumalik na rin sa mga tables and chairs nila nang marinig namin ang teacher namin na dumating na rin.

Muli na lang din akong napabuntong-hininga nang marahan habang nilalabas ko ang notebook at book ko galing sa bag.

Pero napapaisip din ako...

When Stephen was little he was like a brother to me... Iyon ang naging turing ko sa kaniya. He was like a baby brother to me since he was younger. And he was really little when we were younger. Kaya ewan ko nga ba kung ano ang pinapakain ni tita sa anak niya at parang bigla na lang lumaki at tumangkad nang ganito si Stephen...

He's now as tall as my classmates in fourth year high school. When he's still in the seventh grade and a freshman in high school.

I just sighed.

During break times and lunch ay nakikita ko rin si Stephen sa school cafeteria. At napupuna rin siya ng mga kaklase ko. Minsan ay nahuhuli ko pang nakatingin din sa akin. Kaya nga sinabihan ko ang classmates ko na bumalik na kami sa classroom namin at doon na lang kainin ang mga pinamili namin na food sa canteen...

Sometimes I don't get Stephen... Minsan pakiramdam ko ay parang binabantayan niya pa ako... Tsk. I'm just overthinking things now. Dahil madalas ko siyang makita rito sa school since nag-high school na rin siya at dito pumasok sa parehong school namin.

After class nga ay gumawa pa kami at tinapos iyong project kasama ng group mates ko gaya nga ng sinabi ko kaninang umaga kay Stephen. Ngayon ay hapon na at hindi ko pa alam kung umuwi na ba 'yon at nagpahatid muna sa driver gaya ng sinabi ko sa kaniya. But I confirmed that I was wrong when I just saw him standing just outside our classroom.

I sighed immediately when I saw him there.

"Are you okay?" Napatanong ang isang kaklase at kagrupo kong lalake nang marinig siguro ang medyo napa-obvious kong pagbubuntong-hininga sa tabi niya.

Bahagya naman akong ngumiti na lang at umiling. "Ayos lang ako. Uh, excuse me lang, ha? Lalabas lang ako sandali. Babalik din ako agad." paalam ko sa group mates ko.

Tumango naman sa akin ang mga kagrupo ko kaya tumayo ako mula sa upuan ko at nilabas ko na muna ang makulit na si Stephen.

"What are you doing? Kanina ka pa ba rito? 'Diba sinabi ko na sa'yo na mauna ka nang umuwi? Itetext ko si Kuya Rey." sabi ko at nilabas ang phone ko.

"Why are you nervous?"

Natigilan ako sa pagtipa sa phone ko at nag-angat ng tingin kay Stephen. "What?"

"Are you talking to your boy classmate?" sabi niya at umiwas ng tingin.

Umawang naman ang labi ko. "What—I, yes. I was talking to them. Nagpaalam lang ako na lalabasin kita rito." I said. And now I felt nervous for real in front of him... Parang biglang naging kabado rin ang pintig sa puso ko.

Binalik niya ang tingin niya sa akin. "You always act like you're that old... But just like me, you're still a kid, too... You shouldn't deal with other boys so much. Even if they are your classmates. Dahil bata ka pa... And you should just focus on your studies first, Iris." He said that parted my mouth as I looked at him and heard what he said to me.

He really did stopped calling me ate. Matagal ko na namang natanggap iyon. Kahit pa pakiramdam ko ay parang ang bilis pa rin niyang lumaki. He's not anymore as sweet as the little boy that I used to know. Pero ang mga lumalabas ngayon sa bibig niya, and his actions are giving me ideas... I shook my head right away. This kid is being crazy... At parang mababaliw na rin ako...

I sighed heavily and obviously in front of him.

"What the hell, Stephen?" I couldn't stop myself anymore.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang marinig ako. "You shouldn't say bad words, Iris." aniya pa.

Gusto ko na lang mapakamot sa ulo ko at naiistress na ako rito. "Stephen, aside from you're not being polite to me, because I'm still older than you. Pero kung ituring mo ako ngayon ay para bang magkaedad lang tayo. You also don't get to tell me things like that." I almost gritted my teeth.

"Things like what?"

I almost roll my eyes this time. "Na para bang pinapangaralan mo pa ako sa mga kaklase kong lalaki..." sabi ko.

And he just shrugged. "What? It's true. You shouldn't trust the guys so much—"

"Stop." Tinaas ko na ang kamay ko sa harapan niya para patigilin siya. Kung magsalita pa siya ay para bang matanda... Tsk.

Mataman ko siyang tiningnan. "You know what, if you want to wait here then wait here for me. Bahala ka d'yang mapagod sa pagtayo kakaintay sa akin. Ayaw ko lang naman na mapagod ka pang hintayin lang ako kay pinapauna na kitang umuwi sa bahay. Kung ano pa ang sinasabi mo." I said. May sinabi pa siya kaninang I look nervous? Was he implying like he just caught me doing something with a boy or my classmate? This is crazy.

"Sige na. D'yan ka na nga." sabi ko pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at bumalik ako sa loob ng classroom namin. Bahala siya d'yan maghintay nang matagal. 'Yan naman ang gusto niya...

Bumalik ako sa paggawa namin ng project kasama ang grupo ko. Pero mayamaya ay patingin-tingin pa rin ako sa labas ng classroom namin at nandoon si Stephen. Umiiwas lang agad ako ng tingin kapag titingin din siya sa akin. Tsk.

Nag-focus na lang ako sa paggawa ng project. Pero naiisip ko pa rin iyong mga sinabi ni Stephen kanina lang. It was like he was implying that I'm doing something with a guy classmate... Napatingin naman ako sa mga kaklase ko. May dalawang lalake lang kaming kasama sa group namin. And the rest of us are all girls na.

At isa pa sa edad namin ngayon ay uso rin talaga ang mga pagkakaroon ng crush na 'yan. My classmates always talk about it. At may ilan na rin na hindi lang kaklase dati pa man na hindi pa ako Grade 10 na mga schoolmates din ang nagpapahayag sa akin na gusto nga raw nila ako. Pero para sa akin naman ay wala pa sa mga ganoon ang isip ko. Because I always only think about school and making my grades good para sa kay Daddy. Focus nga lang ako sa goal ko at gusto ko pang mag-med school after kaya kailangan ko talagang pagbutihan. And as I remember that I'm not as brilliant as my deceased brother... or Stephen...

I sighed.

Sumasakit pa yata ang ulo ko sa kakaisip...

At hindi ko na lang muli namalayan na tapos na pala kami sa ginagawa. Medyo nakalimutan ko na rin si Stephen sa labas. Pagkatingin ko muli sa bintana ng classroom namin ay hindi ko na siya nakita. Parang may namuong kaba na naman sa dibdib ko na hindi ko na siya makita roon, o hindi naman kaba ito... Parang may naramdaman lang akong iba sa puso ko...

Mabilis akong lumabas ng classroom namin at nauna pa sa mga classmates at kagrupo ko.

At parang nakahinga pa ako nang maluwag nang makita kong nandoon pa naman si Stephen. Pero nakaupo na siya roon sa sahig lang corridor at nakasandal ang likod niya sa dinding ng classroom namin dito sa labas.

Huminga ako at dahandahan akong lumapit sa kaniya. Umupo rin ako roon nang tahimik at bahagyang lumuhod sa tabi niya.

Stephen was sleeping... Nakatulog na siya roon at yakap pa ang bag niya na pikiramdam niya siguro ay unan. I suddenly remember him when he was a kid and he loved plushies so much. That he would hug one when he sleeps. I remember pa that his favorite back then was a little yellow duck plushie that I gifted him on one of his birthdays. And he was so cute back then...

I sighed slowly. At pinanood ko pa muna si Stephen na natutulog doon. Pinagmasdan ko siya nang ilang sandali bago ko pa siya tapikin at gisingin na. At naisip ko pa habang tinitingnan siyang tulog kung bakit ba kasi ang bilis niyang lumaki nang ganito... He only used to be like my baby brother...

Ginising ko na rin siya pagkatapos. His eyes fluttered open at nagkatinginan kami. My eyes even widened a fraction for a few seconds bago ako natauhan at umatras agad mula sa kaniya. "Uh, umuwi na tayo! Kanina pa naghihintay si Kuya Rey." sabi ko. At halos mataranta pa ako—like I was caught red-handed...

"You're done?" He asked me.

Tumango naman ako. "Tara na..." marahan kong sinabi.

"Let's go." Nauna pang tumayo sa akin si Stephen habang nanatili pa naman akong nakaupo roon. Naglahad siya ng kamay niya sa akin.

Tiningnan ko ang kamay niya at unti-unting nilagay ang kamay ko doon. He held my hand and then he lightly pulled me up.

Mabilis ko rin namang binitiwan ang kamay niya pagkatapos at magkatabi lang kaming naglakad pababa na ng building namin at papunta sa naghihintay na si Kuya Rey sa may parking lot ng school...

I remember before, whenever I'm with Stephen... I feel like my heart was in chaos... It was like there was a sudden disarray both in my heart and my mind. Para bang hindi magkaintindihan ang puso't isip ko. At parang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Because... I hated him because of Dad...

But at the same time my heart would also feel something for him...

I was confused.

I couldn't determine what I felt very well...

And then I felt like I was having a chaotic heart...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top