Special Chapter
Hello, readers! I'm posting this Special Chapter here because I miss Gabriel and Jessica. And also to announce that this story has become a part of a new series called Hearts Series. I made a reading list on this so that you can easily check it on my profile. I will be publishing online the third story in this series soon. You can follow to get updates! Thank you!
Special Chapter
"Jessica," Gab called his wife pero tinalikuran lang siya nito. Hes sighed. He doesn't know what was wrong with her wife. Ilang araw na rin siya nitong sinusungitan at madalas pang ignorahin.
"Diyan ka sa labas matulog." Jessica told him.
"What?" nagulat pa si Gab. Palagi na nga siya nitong sinusungitan tapos iniignora pa siya at ngayon naman ay ayaw na siya nitong makatabi? Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa asawa niya.
"Babe, come on. Let's talk. What's wrong?" sinundan niya ang asawa na diretso lang sa pagpasok sa master bedroom.
"Lumabas ka nga!" binato siya ni Jessica ng unan nila.
Nasalo naman iyon ni Gab. "Seriously, love, may kasalanan ba ako sa 'yo?" he asked, getting a bit frustrated. "Jessica,"
Hindi ito nagsalita tapos bigla na lang umiyak. Agad naman nag-aalala si Gab at maagap na nilapitan ang asawa. "Babe, what's wrong... Tell me," he tried to hug her but Jessica was pushing him away. "Ayaw ko sa 'yo, Gabriel! Umalis ka nga! Umalis ka na! Ayaw kitang makita! Ang pangit mo! Ang baho mo pa!" pagsisigaw ni Jessica.
Na-conscious naman si Gab at bahagyang inamoy ang sarili. Hindi naman siya mabaho. "Hindi naman, ah..." he sighed. "Jessica, what is really wrong with you? Hindi na kita maintindihan, babe. Why are you crying?" sumubok muli siyang aluin ito pero tinutulak lang siya ng asawa.
Namaywang na lang si Gab sa harap ng asawa at muling nagbuntonghininga. Hindi na talaga niya maintindihan ang asawa. Wala rin naman siyang maalala na nag-away sila nitong mga nakaraang linggo. Minsan sa minsan nga lang silang may hindi mapagkaintindihan at nagbabati rin naman agad. Bigla na lang siyang inaayawan ni Jessica. "Fine, you won't tell me?" hindi umimik si Jessica. Kinakalma naman ni Gab ang sarili. Wala rin mangyayari kung sasabayan din niya ang asawa. Dapat isa sa kanila ang magparaya. "Okay, I'll sleep at the guestroom tonight, but tommorow you will talk to me, okay?"
Hindi pa rin nagsasalita si Jessica. Napabuntong-hininga na lang si Gab at sinubukan halikan sa nuo ang asawa at hinayaan naman siya nito. Napangiti pa rin siya. They've been married for years now at maayos naman ang pagsasama nila and they're happy. Ngayon lang itong nagkakaganito si Jessica. Ayaw pang magsalita ngayon ng asawa kaya hahayaan na muna niya. He will try to talk to her again tomorrow. "I love you." he said after kissing his wife's forehead. "Goodnight." Pagkatapos ay lumabas na rin siya ng kuwarto nila dala ang isang unan na binato rin sa kaniya ni Jessica kanina. Bahagya na lang napailing si Gab.
Hindi rin maintindihan ni Sica ang sarili. Parang ayaw talaga niyang makita ang mukha ng asawa niya ngayon. She's just suddenly annoyed by his presence since the last weeks. Pinipigilan niya lang pero hindi na talaga niya mapigilan ngayon kaya pinaalis na rin niya muna ito sa harapan niya. Wala naman talaga silang pinag-awayan o naging problemang mag-asawa. Years of being with Gab is bliss. Unti-unti na siyang humiga sa kama nila at mag-isang natulog doon ngayong gabi.
Kinabukasan ay ayaw pa rin kausapin si Gab ng misis niya. Buntonghininga na lang siya sumunod sa mga anak niya sa sasakyan para mahatid din muna ang mga bata sa school ng mga ito bago rin siya pumasok sa duty niya. Gusto pa niyang suyuin ang asawa but he has his responsibilities as a doctor, too. Mamaya na lang pag-uwi niya sa bahay. He will try to call his wife too during his free time at the hospital.
"Bye, Daddy! Take care!" humalik na sa pisngi niya ang mga bata bago ang mga ito bumaba na ng sasakyan at tiningnan niya munang makapasok sa gate ng school bago siya tumuloy na sa trabaho niya. Tinatamad din magtrabaho ngayon si Jessica kaya hinayaan na rin muna niya ang asawa. Ayos lang naman kahit hindi na rin magtrabaho si Jessica. Kaya naman niyang buhayin ang pamilya niya kahit siya lang ang nagtatrabaho sa kanilang dalawa. Hinahayaan lang din niya si Jessica noon at gusto rin nito ang trabaho nito bilang nurse din sa ospital.
He tried calling his wife during his breaks pero hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Napasandal na si Gab sa dingding ng hallway ng hospital. Sandali rin niyang naipikit ang mga mata at nag-isip. Inisip niya kung may nagawa o nasabi ba siya sa asawa niya na hindi nito nagustuhan. He believes hindi naman basta na kang aakto ng ganito ang asawa niya kung wala lang. So something must have really happened...
Dumaan muna si Gab para bilhan ng pasalubong na flowers at chocolates ang asawa niya at may cake at icecream na rin siyang binili para sa kambal na rin nila. Time really flies fast. Nasa grade one na rin ang mga anak nila. Early din siyang nag-off duty dahil manunuyo pa nga siya ng asawa. Without knowing at sumakit na rin ang ulo niya kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari rito para umakto na lang bigla ng ganoon. "I'm home!" he announced. Pinasundo na rin niya kanina pa sa driver ang mga anak nila sa school.
Naabutan niya ang mag-iina niyang nasa kusina na. Nadatnan niyang okay naman at nakangiti pa at mukhang masaya ang asawa niya kasama ang mga anak nila sa kusina dahil naghahanda rin ito ng dinner nila. Napangiti na rin si Gab sa nadatnan. "Daddy!" the kids ran to him.
Pinaghahagkan naman ni Gab ang mga anak. "Yay!" nakita na rin ng mga ito ang mga dala niya.
"Flowers for Mommy!" Mimi announced.
Unti-unti at hindi na rin napigilan ni Sica napangiti nang nakita ang dala ng asawa niya. Ang sweet din talaga ni Gab. Pero medyo hindi pa rin niya ito gustong makita. Pero ngayon ay parang okay lang naman sa kaniya na makita ito. May topak lang din talaga yata siya. Lumapit na rin sa kaniya si Gab and kissed her cheek. Tinanggap na rin niya ang dala nito. "Thank you..." mahina niyang sabi at bahagya pang inamoy ang mga bulaklak. Ngumiti na rin si Gab. Tapos bigla na lang din nag-init ang ulo niya nang may naisip. "Ano 'to, ha? May nagawa ka sigurong kasalanan sa 'kin, 'no? Kaya ka may pabulaklak pa ngayon! Ano 'yon, Gabriel? Niloloko mo ba ako? Nambababae ka siguro!" hinampas pa niya kay Gab ang mga dala rin nitong bulaklak. Minsan ay dinadalhan din naman talaga siya ng pasalubong ni Gab gaya ng bulaklak kahit wala lang. He's just trying to be sweet. Pero ewan ba niya at bigla na lang din nag-init ang ulo niya kay Gab.
Nagulat naman si Gab sa inasal niya. Naroon pa ang mga anak nila. Mimi started crying, hindi ito sanay na makasaksi ng ganoon lalo na sa kanila ni Gab. Umiling si Gab at parang naubusan na rin yata ng pasensya sa kaniya. Tinalikuran siya ni Gab at maagap na pinuntahan ang anak nila. Kinuha ni Gab ang mga anak nila at dinala palabas ng kusina leaving her alone in there. "Mimi... I'm sorry, anak," habol pa niya pero tuluyan na rin nakaalis ang mag-aama niya. Tumulo na lang ang luha ni Sica.
Dinaluhan naman siya ni Manang at nagpautos ng isang basong tubig para sa kaniya sa isa pang kasambahay. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, hija, masiyadong mainit ang ulo mo sa asawa mo nitong mga nakaraan. Napapansin ko, may pinag-awayan ba kayo?"
Umiiyak na umiling si Jessica. "Wala naman po, Manang..."
Umiling din si Manang. Tapos mukhang parang may naisip ito. Inabot sa kaniya ng isang kasambahay ang baso ng tubig. Tinanggap naman iyon ni Jessica at ininuman na rin. "Hindi kaya..." nagkatinginan sila ni Manang. "Hindi naman kaya ay buntis ka, Sica?"
Sa sinabing iyon ni Manang ay napaisip na rin si Sica. Inisip niya kung dinatnan na rin ba siya ng menstruation niya... Ang alam niya ay may pregnancy test kit pa naman siya. Nagpunas siya ng mga luha at pinatapos na rin kanila Manang ang pagluluto niya ng dinner para mapuntahan ang mag-aama niya na nasa kuwarto ni Mimi.
Umakyat si Sica sa second floor ng bahay nila at diretsong tinungo ang kuwarto ng anak nila ni Gab. Mamaya na lang siya susubok ng test. Naisip niya ang possibility dahil matagal na rin naman simula noong tumigil na rin siya sa pag-t-take ng pills dahil nagbalak na nga rin sila ni Gab na mag-anak ulit. Iyon na lang ang naisip niyang dahilan sa inaakto niya ngayon dahil wala naman na talaga siyang ibang makitang rason kung bakit siya nagkakaganito. Kumatok muna siya sa nakaawang din na pinto ng bedroom ni Mimi. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Edward. Ngumiti si Sica sa anak niya. Bahagya na rin napangiti si Ed sa Mama niya. Binuksan na rin nito ng malaki ang pintuan para papasukin siya. Tumuloy na si Sica.
Nadatnan niya si Mimi sa kama na kandong din ni Gab at pinapatahan. "Mimi..." tawag niya sa anak na mukhang natakot na sa inakto niya kanina. Bihira lang din nila ni Gab na mapagsabihan ang mga anak nila dahil mababait din naman ang mga ito na mga bata. At hindi pa rin nila napapalo kaya ganito. "Anak, I'm sorry... Hindi sinasadya ni Mommy..." tumingin din siya kay Gab para manghingi ng tulong sa anak nila. At kahit medyo sumama na rin ang loob sa kaniya ni Gab ay tinulungan pa rin siya nito sa anak nila.
Ngumiti na si Jessica nang unti-unti rin kumawala si Mimi sa Daddy nito at lumapit na rin sa kaniya. "I'm sorry, anak." binuhat at hinagkan ni Jessica ang anak nila ni Gab. Tumingin din siya kay Gab at nagkatinginan silang mag-asawa. She mouth 'I'm sorry' to Gab. Bahagya lang naman tumango si Gab. Marupok din talaga ito sa kaniya. Hindi na napigilan ni Jessica ang mapangisi.
Niyaya na rin niyang bumalik sa dining area ang mga anak at si Gab and they ate dinner together. Nangingiti rin si Manang sa kanila na nagsasalin ng juice sa mga baso nila. "Upo na rin po kayo, Manang, at kumain." aya ni Jessica sa matanda.
Pero umiling lang si Manang. "Nako, mamaya na kami sa kusina." ani Manang.
Tumango na lang si Sica at pinagpatuloy ang pagpapakain din kay Mimi. Baby pa talaga nila ito hindi tulad ni Edward na umaakto na rin talagang big boy. Siguro ay dahil babae si Mimi at bata pa rin. Pagkatapos kumain ay sinamahan pa niya ang mga anak sa kuwarto ng mga ito para asikasuhin at bihisan into their pajamas. She also read them a bedtime story before the kids finally went to sleep. Jessica kissed her children's foreheads bago rin siya lumabas na ng silid matapos din patayin ang ilaw sa kuwarto ng mga ito, iniiwan lang bukas ang lampshade. Pagkatapos ay nagtungo na rin siya sa kuwarto nila ni Gab.
Wala naman si Gab doon nang pumasok siya sa master bedroom. Nakagat na lang ni Sica ang pang-ibabang labi nang natagpuan ang asawa na pikit na ang mga mata sa kama ng guestroom kung saan niya rin ito pinatulog kagabi. Tumuloy siya sa pagpasok ng guestroom at unti-unting tumabi kay Gab ng higa at niyakap ito mula sa likod. She also kissed his shoulder and his cheek.
Naramdaman naman ni Gab ang presensya ng asawa sa kaniyang tabi. Gumalaw para maharap ito. "I'm sorry, hubby..." Jessica looks like a sad kitten now. Napangiti na lang si Gab at hinagkan sa noo ang asawa.
"It's okay." aniya. "Are you feeling okay now?" he gently asked his wife.
Pouting, Jessica slowly nodded her head. "I'm really sorry... Bumalik na tayo sa kuwarto natin? Doon ka na matulog ulit."
Nagpahila naman si Gab sa kaniya hanggang nakabalik na silang mag-asawa sa kuwarto nila. "Ang sabi sa akin ni Manang baka raw... Baka raw kaya ako nagkakaganito ay dahil... buntis ako, Gab." Jessica said.
Nasurpresa naman agad si Gab sa suspetsa ng asawa. Agad din siyang napangiti at niyakap ito at hinagkan. "Hindi pa sure, Gab. Kaya nga mag-t-try din ako ngayon ng PT para malaman natin." ani Sica.
"We will go to your OB tomorrow. Sigurado na 'yan." Gab said, smiling.
"Tiwala ka talaga sa sperm mo, ah?"
Ngumisi na lang si Gab sa sinabi ng asawa. They did tried the PTs and it turned out positive. Gab hugged Jessica tightly. Hindi pa nakuntento ay inangkin pa niya ang mga labi ng asawa. Tumugon naman si Jessica sa halik sa kaniya ni Gab. "Thank you." Gab told his wife gratefully.
Ngumiti lang naman si Sica at muling yumakap sa asawa. "Kaya pala," Gab concluded about her past actions.
Ngumiti na lang si Sica. "Sorry, hubby. Sorry sa nangyari sa flowers, mo." she said guiltily. Tapos ay ngumisi siya. "Ibili mo na lang ako ulit." pilya niyang sabi.
Gab playfully sighed while still hugging his wife. "Fine," then he kissed the side of Jessica's head again at lalo pang niyakap ang wife niya. "I love you so much."
"Mahal din kita, Doc." inabot din ni Jessica ang panga niya para mahalikan siya habang magkayakap pa rin silang dalawa savouring the good news of having another baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top