Chapter 9
Chapter 9
Husband
"Nagselos ka ba, Gab?" tanong ni Sica habang nakaunan siya sa dibdib ni Gab.
Gab sighed heavily. "Obviously,"
Napangisi si Sica. Iba pala magselos si Gab, nanguguha ng virginity. Napahagikhik siya sa naisip.
"Why are you-"
"Wala, may naisip lang ako." pigil niya sa tanong ni Gab.
"Bakit ka naman nagselos?" inangat ni Sica ang ulo para makita ang mukha ni Gab na medyo masungit. "Matagal na 'yong sa amin ni JR. Ilang taon na rin kaming wala."
Unti-unting tumango si Gab. Napangiti si Sica at bumalik sa pagkakaunan sa dibdib nito.
Ang unang beses ay nasundan pa nang nasundan. Yet, still without the label. Pero hindi gaya noong una ay hindi na pinangunahan ni Sica si Gab. Hinayaan niya lang ito at naghintay siya. Pero naramdaman din niyang parang naghihintay lang siya sa wala. Hindi niya alam na fuckboy pala si Gab.
"Okay ka lang ba, Si?" puna ni JR sa katahimikan ni Sica sa loob ng sasakyan.
Suminghap si Sica at bumaling sa lalaki na nagmamaneho. Unti-unti siyang tumango.
Nang makarating sa lugar ay naroon na nga ang mga kaibigan nila. Abala si Sica sa pagbati sa mga ito habang nagtawag naman ng waiter si JR para sa karagdagang order na ipapalagay nito sa mesa nila.
"Sica!"
"Myrna!" natutuwang niyakap ni Sica ang kapwa rin nurse na nakasama niya noon sa ospital kung saan siya nagtrabaho sa ibang bansa.
Nauna itong magtrabaho doon kaya nauna rin ito sa kaniya ng uwi ng ilang taon.
"Bumisita ka sa bahay! Malaki na ang inaanak mo." si Aya naman.
Natapos lang nito ang med school noon at agad din binuntis ni Louie. Oo at mag-asawa na ang dalawa at may isang anak. Maayos naman ang pagsasama ng mga ito. Hindi pa nga halos akalain ni Sica na magbabago si Louie. Pero ganoon talaga. Kaysa sa iba diyan na sa una akala mo good boy pero sa huli fuckboy pala, sa isip niya. May halong bitterness.
"Oo, kahapon lang din kasi ako dumating."
Tumango si Aya na biglang ngumisi at lumagpas ang tingin sa likod ni Sica. Nilingon din niya ang tinitingnan ng kaibigan at nakita si Louie na bagong dating. Nangingiting napailing nalang si Sica sa dalawa.
Nasa isang bar sila para mag-bonding nga. Pagkatapos ng ilang taon din. Masaya si Sica na kahit abala na sa anak nito ang kaibigan niyang si Aya ay nagawa parin nitong magyaya para narin sa pagbabalik niya.
Lumapit si Louie sa asawa na agad din naman sinalubong ng kaibigan niya. Naupo si Louie sa tabi ni Aya at dikit na dikit agad ang dalawa. Masaya nalang si Sica para sa kaibigan.
Naramdaman naman niyang umupo sa tabi niya si JR. Tinanggap ni Sica ang bigay nitong inumin.
"Ako lang pala ang walang jowa dito?" busangot na ang mukha ni Myrna sa kanilang harapan.
Tinawanan lang naman nila ang kaibigan.
Relative din kasi ni Aya si Myrna kaya magkakilala na rin ang dalawang babae.
"Myr-"
Bibiruin pa sana ni Sica ang kaibigan nang may mahagip ang mga mata niya. Natigilan siya at naglaho ang ngiti. Sinundan din naman nila Myrna ang tinitingnan niya.
Kakarating lang nila Gab sa lugar. Kasama niya ang ilang kapwa Doctor at staffs sa ospital. Birthday kasi ni Doctor Kier Castillo kaya nagkayayaan. Umuwi nga lang siya saglit kanina sa mansyon at medyo maaga pa para makapagpalit.
Samantala may tumawag naman kay JR kaya lumabas muna ito at iniwan sila Sica para sagutin iyon.
Nahanap din ng mga mata ni Gab si Sica. Nagkatinginan sila ngunit gaya kanina sa mansiyon ay nauna siyang mag-iwas ng tingin at inabala ang sarili sa mga kasama sa table nila.
Tahimik na nagbuntong hininga si Gab at hinayaan nalang muna ang babae. Hindi niya sinasadyang magkita sila sa lugar at naimbitahan lang siya. Hindi niya alam na narito si Jessica.
"Si," marahan na tawag ni Aya sa kaibigan na agad lumagok ng alak.
"Isa pa-"
"Maaga pa, Sica." paala ni Aya.
Umiling naman si Sica sa kaibigan. "Ano namang pinagkaiba. Malalasing parin naman tayo mamaya. Uunahan ko lang kayo." tumawa siya.
Pero ramdam ng mga kasama niya sa mesa na walang humor iyon.
Aya sighed. "Gusto mo bang lumipat nalang tayo sa ibang lugar-"
"Bakit? Tayo naman nauna dito." si Sica na sa dalawang shot palang ay parang nalasing na, or pretending to be drunk.
Ayaw niyang seryosohin ang mga sasabihin ng kaibigan niya. Alam niyang nag-aalala lang ito pero ayos lang naman siya. Ayos lang siya.
"Hayaan mo na," pigil ni Louie sa asawa.
Muli nalang nagbuntong-hininga si Aya.
"Iyan na ba 'yon?" bulong bulong ni Myrna kay Aya na naririnig din naman ni Sica.
Her friends were eyeing Gabriel on their table, too. Hindi kalayuan ang mesa ng mga ito sa kanila. Mula sa kinauupuan nila Sica ay kita ang lalaki at ang mga kasama nito na nagsisimula narin magsaya.
Iniiwas lang ni Sica ang tingin sa doon.
"Oo," pabulong din na sagot ni Aya kay Myrna.
"Hala, ang pogi pala?" nanlaki ang mga mata ni Myrna na bumaling kay Aya at binalik muli ang mga mata sa banda nila Gab. "Ay 'day, ang yummy pa!" siya na ang binalingan ni Myrna at pinalo sa kaniyang hita.
Nagbingi-bingihan naman si Sica sa mga sinasabi ng kaibigan.
Niyakap ni Louie ang asawa. Napatingin si Sica sa dalawa at naabutan ang pagngiti ni Aya. Masaya talaga si Sica para sa kaibigan niya. May pamilya na ito ngayon. May asawa at may anak...
Siguro kung... She promptly shook her head. Maraming taon na ang lumipas. Masasaktan lang siya kung muli niya na namang babalikan ang mga nangyari sa nakaraan.
Nakita ni Sica na pabalik na si JR. Nag-focus nalang siya sa lalaki at hinintay itong makalapit.
Hindi naman talaga kaguwapuhan si Artemio Casimiro Jr. Alam na iyon ni Sica noon pa man. Pero naging sila noon. Iyon ay dahil nakita naman ni Sica na masipag mag-aral noon ang lalaki. At may plano para sa future. 'Yong mga ganoong bagay sa isang lalaki ay attractive din naman.
Naisip niya si Gab. Naipilig nalang ni Sica ang ulo. Dapat ay hindi na niya iniisip ang lalaki. Maraming taon na nga ang lumipas. Hindi na siya ang dating Sica. At least, may nag-improve sa kaniya. Alam niya iyon sa sarili niya.
"Kaya pala... Kung ako din naman at ganyan ang ex-jowa ko-"
Nagpatuloy si Myrna sa mga sinasabi. Pero pilit nang tinuon ni Sica ang atensyon kay JR na tuluyan nang nakalapit. Sinalubong niya ng ngiti ang lalaki. Desperate to divert her attention. Ayaw na niyang maisip si Gab o makarinig ng kahit ano tungkol dito. Ang daldal din kasi ni Myrna.
"ex-husband," pagtatama naman ni Aya sa huling sinabi ni Myrna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top