Chapter 6
Chapter 6
Bad Memories
"Gabrieeel!" sigaw ni Sica nang makita kung ano ang regalo ni Gab sa kaniya.
Excited pa naman siyang mabuksan iyon kaya dali-dali siyang bumalik sa kama niya pagkasara ng pintuan ng kaniyang kuwarto.
Tiningnan ni Sica ang nakalatag sa kaniyang kama na dalawang dosena yata ng lace underwear. Gusto niya sanang sugurin ngayon si Gab pero inisip din niyang pagod ito galing sa ospital. Kaya ipagpapabukas na lang niya.
Ano ba ang iniisip ng lalaking 'yon? O siguro ay gusto lang siya nitong asarin? Hindi niya alam na marunong na palang mang-asar ngayon si Gabriel Angeles.
Habang tatawa-tawa naman si Gab sa kanyang kuwarto. Hindi niya narinig ang sigaw ni Sica sa kabilang silid dahil hindi naman manipis ang dingding. Pero sa isip niya ay naiimagine na niya ang reaksyon nito na nakita ang pinabalot pa niyang regalo.
Kaya kinabukasan ay maaga pang kinatok siya ni Sica sa kaniyang kuwarto. Pupungas-pungas pa si Gab na tinungo ang pinto para mabuksan. Sa paraan ng pagkakatok ng babae ay parang may balak itong sirain ang pinto niya.
"What?" painosente niyang harap kay Sica. Kahit pa alam na niya kung ano marahil ang sadya nito sa kanya.
"Bakit mo 'ko binigyan ng panty?!"
Nagpigil ng ngisi si Gab. He bit his lower lip. Parang bata si Jessica sa kanyang harapan na gustong magpapadyak sa sahig.
"What? I was just being generous-" he shrugged playfully.
"Generous?!"
Ngayon pa lang yata nakita ni Gab na inis ang babae. And it amused him. Nakabawi rin siya? Sa nakalipas na taon at mga buwang siya ang madalas inis o asar sa babae.
"Oo." Tumango si Gab. "Parang ginagamit mo pa rin kasi 'yong mga panties mo noong bata ka pa-"
"Hindi kaya!"
"Then why is your underwear Hello Kitty? Ano ka bata? You're already 24 for panties' sake!" gustong gusto na matawa ni Gab pero pinigilan niya lang dahil gusto pa niyang makita ang reaksyon ni Jessica.
"Bakit ba?! Cute naman si Hello Kitty—Teka! Paano mo..."
Agad na nagtaas ng mga kamay si Gab para pigilan ito sa ibang iniisip. "Just saw it once when I entered your room. Pinapatawag ka kasi ni Lolo noon, remember? Tapos ang tagal mong magbukas kasi nasa bathroom ka pala at hindi naman naka-locked ang pinto." he just shrugged.
Pulampula na ang mukha ni Sica na parang sasabog na ito. Hindi na napigilan ni Gab at tuluyan na siyang natawa at napahawak pa sa tiyan.
"Bastos ka!" hinampas siya ni Sica.
"What?" si Gab naman na sinasangga ang mga hampas at palo niya. "Kasalanan ko ba kung pakalat-kalat lang na naabutan ko sa kama mo ang panty mong si Hello Kitty-"
"Tama na!" sinabunutan na siya ni Sica sa inis at pagkapahiya nito.
"Okay, okay," pigil niya sa babae na humuhupa na rin ang tawa. Nakakatuwa rin pala si Jessica kapag ganito, sa isip niya. "hindi naman talaga 'yon ang totoong gift ko sa 'yo." Nakita ni Gab na unti-unting kumalma si Sica. "Pero bigay ko na rin para may bago ka nang panty—aw!"
Muling siyang pinalo ni Sica sa braso. Medyo naramdaman naman ni Gab ang bigat pala ng kamay ng babae.
"Okay, sorry," medyo natatawa pa rin siya habang masungit naman ang mukha ni Sica sa kanya. "Magbihis ka nalang at aalis tayo. Ibibili kita ng totoong gift."
Kunot pa rin ang noo ni Sica pero unti-unti rin naman sumunod sa sinabi ni Gab. Kaya hindi talaga siya agree na ipahuli ang mga marurupok dahil kung nagkataon ay kulong din siya, char. Tahimik siyang napahagikhik habang naliligo.
Nagsuot siya ng isang lace panty nang nagbibihis na. Hindi naman totoo ang sinabi ni Gab tungkol sa panloob niya. May mga lace underwear din naman talaga siya. Nagkataon lang na 'yong cotton underwear na may print nga na Hello Kitty ang napili niyang isuot nang gabing 'yon. Matutulog na rin kasi siya and it's comfortable. Talagang natututo lang si Gabriel na asarin siya, grrr.
Kinatok na siya ni Gab nang matapos rin itong makapagbihis. Napasinghap pa si Sica sa loob-loob niya nang makita ang ayos ng lalaki. Sanay kasi siya sa pormal nitong OOTD lagi. At ngayon ay nakasuot lang ito ng pantalon at simpleng shirt. Na hindi rin naman nakabawas sa kaguwapuhan ng lalaki.
Habang ang usual niyang panlakad lang din ang kaniyang suot. Skinny jeans at shirt.
Parang may humaplos sa puso ni Sica nang makita kung saan siya dinala ni Gab. Tinanggal ng lalaki ang luma niyang salamin sa mata at pinasubok siya ng bago. Sa wala pa siyang perang pambili ng bago. Isa pa ay tinitipid din talaga niya ang allowance na binibigay sa kaniya ni Don Eduardo para hindi siya nanghihingi agad. Pinagkakasya niya talagang magtagal ang pera panggastos sa mga projects niya sa school at iba pang bayarin.
"Lumang luma na ang eyeglasses mo hindi mo pa pinapalitan." sabi sa kaniya ni Gab habang sinusuutan siya ng bagong salamin.
Kinikilig naman siya. Ang thoughtful din pala ni Gab.
"Thank you, Gab." ani Sica matapos si Gab sa ginawa.
"Oh, nasa'n na ang Doc?" biro ni Gab.
"Doc," pagtatama naman ni Sica. She was grinning from ear to ear.
Tuluyan namang napangiti si Gab. Ang guwapo nito lalo 'pag nakangiti. Parang sabay na ngumingiti rin ang magandang pares ng mga mata nito. And with that perfect set of pearly white teeth, jusko makalaglag panty ang ngiti ni Gabriel, ani Sica sa kaniyang isipan.
"Let's go?" pukaw sa kaniya ni Gab.
Napakurap naman si Sica at tumango na sa lalaki.
Hindi nga lang ganoon kahaba ang oras ni Gab dahil duty pa ito sa ospital. Siya rin naman pero mamaya pa. Mauuna lang ito. Kaya hindi rin sila nakapamasyal pa pagkatapos sa Optical shop. Medyo nag-expect pa naman si Sica na date na iyon.
***
"Ayos ka lang, Doc..."
Alam ni Sica na hindi okay si Gab. Alam niya ang nangyari kanina sa ospital. Nakita niya kung paano sinisi ng ina ng isang pasyente, na naghahanap ng masisisi, si Gab. At ngayon nga ay tulala muli ang Doctor. Nasa mansyon na sila at napanood nalang ang mga kislap sa madilim na langit habang nasa veranda silang dalawa. Sa baba ay tanaw ang may mga ilaw na garden.
Alam ni Sica na bukod sa pamilya ay masakit din naman para sa isang doctor ang mamatayan ng pasyente. Alam niya dahil nakikita niya si Gab. Nakita niya ang pagpapahalaga ni Gab sa ginagawa at sa mga pasyente nito.
"Alam mo, Doc, may alam akong pampawala ng bad memories." ani Sica na may naalala sa pinapanood niya noon. Sa tingin ni Sica ay isa rin bad memory ang mamatayan ng pasyente kahit pa ginawa mo naman na ang lahat.
Nakaupo siya katabi ni Gab na nanatiling tahimik. Humarap si Sica sa lalaki. Pagkatapos ay inangat niya sa mukha ni Gab ang kamay. "Wala na. Burado na ang bad memories."
Nakangiti si Sica kay Gab pero natigilan naman si Gab at bahagyang nanlaki ang mga mata na nakatingin sa kaniya.
"Wala na-" ulit pa sana ni Sica sa ginawa pero biglang tinabig ni Gab ang kamay niya.
"Stop that." mariing pigil sa kaniya ni Gab, he was gritting his teeth, at tumayo na ito at iniwan siya doong mag-isa.
Natigilan din si Sica. Sinundan niya ng tingin ang paalis na si Gab.
Unti-unting kumunot ang noo niya. Bakit naman biglang nagalit sa kaniya si Gab? Mali ba 'yong ginawa niya? Sinunod niya lang naman 'yong ginagawa ni Julius kay Joy Lee sa napanood niyang Korean drama noon.
Parang naririnig pa nga niya ang OST ng Missing You sa utak niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top