Chapter 5
Chapter 5
Regalo
Elora? Hindi naman 'yon ang Mommy ni Gab kasi Camila ang pangalan nito, sa isip ni Sica. Magtatanong pa lang sana siya kay Don Eduardo nang pumasok si Sebastian at nagpaalam na sa kaniya ang matanda. Umakyat ito sa study kasunod ang bodyguard.
Naiwan mag-isa si Sica sa malaking sala. She sighed a bit. Pumunta na rin muna siya sa kaniyang kuwarto para makapagpahinga. Pinatawag lang siya ng Don nang kakain na at wala pa rin si Gab.
Nakita naman niya ang lalaki sa sumunod na araw sa ospital. Agad niya sanang lalapitan pero may mga kausap pa itong kapwa doctor, at tinawag na rin siya ng isang kasamang intern din doon sa ospital.
Ginalaw galaw ni Sica ang ulo pagkatapos ng duty niya. Nakakapagod din. Pero parang agad siyang nabuhayan nang makita si Gab sa kaniyang harapan.
"Doc!" malaki agad ang ngiti niya para sa lalaki.
Ginantihan din naman siya ng tipid na ngiti ni Gab. Ay, improving, she thought. May pagngiti na ito ngayon sa kaniya. Lumapit pa siya sa kinatatayuan ng lalaki na mukhang hinintay din naman siyang makalapit.
"You done?" Gab asked her.
Tumango si Sica at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Bahagya naman siyang pinangunutan ng noo ni Gab.
"Let's go home," medyo alangan nitong aya sa kaniya.
At may mas ilalaki pa pala ang ngiti ni Sica. Nauna nang maglakad si Gab na tinalikuran siya. Maagap naman siyang sumunod sa lalaki sa parking.
"Doc, alam mo 'yong white lady doon sa elevator ng ospital nagparamdam-" daldal ni Sica habang nasa loob na sila ng sasakyan.
"Not now, Jessica." pigil sa kaniya ng kasalukuyang nagmamanehong si Gab.
Napangisi si Sica at tumahimik na lang muna. Baka pa ma-badtrip na naman sa kaniya si Gab.
Isang gabi nang bumangon si Gab para pumunta sa kusina ay muli niyang naabutan doon si Sica. Medyo nagulat pa siya sa ayos nito pero unti-unti ay nasasanay na rin siya sa babae. Hindi na ito nakabalot sa puting kumot pero puti naman ang mukha sa facial mask.
She may really be a weirdo sometimes. But...she's nice, sa isip ni Gab. Kahit hindi ganoon karami ang interaksiyon nila sa nakalipas na taon at mga buwan ay nakita naman niyang simple lang ang babae. Hindi rin ito basta basta tumatanggap ng mga bagay mula sa Lolo niya. Kuntento na ito sa kung ano'ng meron ito.
"Doc," agad na may ngiti para sa kanya si Sica. "Ay, sorry." tinanggal nito ang facial mask. "Natakot na naman ba kita?"
Umiling lang si Gab.
"Bigay sa 'kin 'to ni Aya. Maganda raw kasi sa skin niya kaya gusto niya rin ipa-try sa 'kin. Masyado kasi talaga 'yong beauty conscious. Daming nilalagay sa mukha. Alam mo 'yon, Doc? Skin care. Uso 'yon ngayon."
Napapailing na lang si Gab sa kadaldalan ng babae. Kahit wala siyang sabihin ay napakarami na nitong sinasabi.
And it used to annoy him sometimes. Tahimik talaga siyang tao at ayaw niya sa maiingay. Pero gaya nga ng sabi niya ay nasanay na rin siya kay Jessica.
"Who's Aya?" sakay na lang din niya sa kadaldalan nito.
Pumunta na si Gab sa ref at binuksan iyon para sana kumuha ng tubig pero nakakita siya ng ice cream at iyon na ang kinuha niya. Hindi na rin masama na makipagkuwentuhan muna siya kay Jessica at galing lang siya sa isang masamang panaginip. Somehow Jessica can really entertain him.
"Ay, bestfriend ko 'yon!" anito.
Tumango tango lang si Gab at binuksan na ang ice cream matapos kumuha ng kutsara. "You want?" lahad niya kay Sica nang tumingin na rin ang babae sa pagkain niya.
Tumango si Sica at ngumiti saka kumuha na rin ng kutsara nito gaya ng utos niya.
Kung ano ano naman na ang tumatakbo sa isipan ni Sica at magsasalo sila ni Gab sa iisang malaking lagayan ng ice cream. Parang wala lang naman iyon kay Gab.
"Paborito mo talaga ang ice cream, 'no? Comfort food?" Sica asked Gab.
Tumango na lang si Gab. Hindi naman talaga niya hilig ang ice cream. Sa katunayan ay hindi siya palakain ng matatamis. But because of Elora...nagustuhan na rin niya ito.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Gab. Agad namang napuna 'yon ng babae. "Okay ka lang, Doc?" tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya.
"Alam mo gusto ko rin ang ice cream." sabi ni Sica. "Nga lang, para sa akin, mas masarap pa rin 'yong tinda ng mga Mamang sorbetero."
"You mean, dirty ice cream."
And Jessica looked offended by what he just said. "Arte! Hindi naman." pagtatanggol nito.
"Happy birthday." biglang bati ni Gab na nagpatigil kay Sica.
"Hala? Paano mo alam?" pagtataka ni Sica na unti-unti na rin kinilig dahil binati siya ng crush niya.
Gab shrugged. "Lolo's planning a surprise dinner for your birthday tomorrow."
Hindi naman talaga nakita ni Gab ang oras. Pero tingin lang niya ay midnight na dahil magtatapos na ang 11PM nang lumabas siya ng kuwarto niya kanina.
"Hindi na surprise 'yon dahil sinabi mo na!" Jessica made a face.
"Oh, sorry." Gab said playfully, nangingiti na rin.
Nagbuntong-hininga na lang si Sica. At makaraan, "Thank you." nasabi nito sa kanya. The corners of her lips lift for a smile.
"You're 24." Gab stated.
Tumango si Sica. "Oo. Ikaw ilang taon ka na?"
"I'm 31." sagot niya.
"Ang tanda mo na pala."
Bahagya lang pinangunutan ng noo ni Gab si Sica. Ngumiti lang din naman ito sa kanya.
"Bakit ka ba natigil noon?" he casually asked.
"Sa pag-aaral?" Sica confirmed.
Tumango si Gab.
"Mahirap ang buhay, e." sagot ni Sica na parang wala lang. Medyo kinamangha naman iyon ni Gab na marinig mula sa babae. "Lalo noong nawalan ng trabaho ang Tatay. Kahit magkandakuba na iyon noon sa trabaho sa construction ay ginapang no'n ang pang-college ko. Kaso nadaganan ang mga binti niya sa aksidente rin sa trabaho. Kaya hindi na makalakad ngayon ang Tatay. At 'yon nga, nahinto narin ako sa pag-aaral at kailangang magtrabaho na para may pangkain kami." Sica shrugged.
And hearing all these things from Jessica made Gab think. He's still lucky to have a comfortable life. Hindi niya naranasan ang hirap na pinagdaanan ng babae.
"And you like Nursing?" medyo na curious na rin tanong ni Gab sa babae.
Tumango naman si Sica at napangiti. "Oo. Siguro dahil nalilinisan din ako sa puting uniform ng Nursing students." ngumisi ito sa kanya.
Gab tsk. Sa tingin niya ay hindi dapat ganoon lang.
"Char!" bawi ni Sica sa sinabi. "Siyempre, gusto kong tumutulong at naglilingkod sa kapwa, charot. Pero seryoso, kuntento nga ako sa ginagawa ko ngayon sa ospital."
Tumango na si Gab.
"Gagraduate ka na."
Tumango si Sica nang nakangiti nang malapad. "Oo! Salamat kay Lolo, at sa 'yo na rin, Doc."
Tumango lang muli si Gab.
"Doc, puwede favor?"
"What?"
"Bigyan mo naman ako ng flowers sa graduation day ko." ani Sica na parang batang nanghihingi ng laruan. "Alam mo noong nagtapos ako ng Senior High, nakita ko 'yong mga kaklase ko binigyan sila ng bouquet. Hindi ko pa nga alam noon bakit. Pero naisip ko parang ang ganda lang kapag nabigyan ka no'n aside sa congratulations." mahabang sabi ni Sica.
Saglit silang nagkatingin bago tumango si Gab. Lumapad naman lalo ang ngiti ni Sica.
Nagkaroon nga ng dinner sa mansyon gaya ng sinabi ni Gab kay Sica. At nagkunwari na lang siyang nasurpresa kahit pa alam naman na niya talaga. Thank you, Gab, may sarcasm sa pagkakasabi niya no'n sa kaniyang utak. Ang spoiler naman kasi ni Gabriel!
Pumunta ang kaniyang mga magulang at si Lalaine. Wala naman si Gab gaya noong nakaraang birthday din niya at nasa ospital muli ito na medyo kinalungkot ni Sica. At least binati niya ako, sa isip na lang niya.
"Buhay prinsesa ka talaga rito, ate-"
"Sshh, kung ano ano ang sinasabi mo, Lalaine. Hindi." saway ni Sica sa nakababatang kapatid.
Nagkibit-balikat nalang si Lalaine at bumalik na sa pagkain. Maraming handa sa hapag at natutuwang nag-uusap ang mga magulang nila at si Don Eduardo.
"Happy birthday, Jessica." ani Don Eduardo matapos mabuksan ni Sica ang regalo ng Don sa kaniya.
Ayaw man niya sanang tanggapin dahil mukhang mamahalin ang regalo nito ay ayaw rin naman niyang madisappoint ang matanda. Kaya tinanggap na niya ang charm bracelet na bigay nito.
"Thank you, Lolo. Ang ganda po." ngumiti siya sa matanda na matagal na niyang tinurin na pamilya.
Noong nakaraang birthday naman niya ay bag na ngayon ay ginagamit niya sa eskwela ang naging regalo nito. Ayaw niya kasing tanggapin noong una para magamit raw niya sa school kaya niregalo nalang ng Don para hindi na niya matanggihan. Okay na kasi si Sica sa bag niyang nabili lang noon sa ukay. Hindi rin naman siya sanay na magsuot o gumamit ng mamahalin.
Kapag wala siyang pasok at pagkatapos ng duty sa ospital ay inaalagaan pa rin niya ang Don kahit pa may bago narin itong nurse at naging abala rin siya sa pag-aaral.
Hinipan na rin ni Sica ang mga kandila sa kaniyang birthday cake. And she was happy. Noon nga ay wala silang kahanda handa sa kaarawan niya dahil sa hirap ng buhay. Kaya lahat ng bagay mula sa maliit at malaki ay pinagpapasalamat niya lagi sa Diyos. Alam niya sa sarili na ni minsan ay hindi sila, siya pinabayaan Nito.
Gabing gabi na nang makauwi si Gab sa mansiyon. Patay na rin ang ibang mga ilaw sa bahay. Umakyat na siya sa kanyang silid. Pero bago pa man tuluyang makapasok ay binalingan niya ang pinto ng kuwarto ni Sica na katabi lang ng kanya.
Lumapit siya doon at iiwan lang sana ang nakabalot na regalo sa pinto nito nang bigla itong bumukas.
"Doc?"
"Good evening." pormal na bati ni Gab sa babaeng halatang nagising lang.
Magulo pa ang buhok nito na mukhang wala rin naman itong pakialam kahit pa kaharap siya.
"Ano 'yan, Doc?" agad nitong napuna ang hawak niya. Lumapad agad ang ngiti nito.
Gab sighed a bit and handed her his gift.
"Wow! Regalo mo?" masayang ani Jessica.
"Obviously," Gab nodded.
"Halaaa! Thank you, Doc!" halos tumili si Sica sa tuwa.
Nagulat na lang si Gab nang bigla siya nitong yakapin. He stilled. Agad din naman kumalas si Sica.
"Hehe," medyo awkward ang ngiti nito.
Nakabawi rin naman agad si Gab.
Niyakap ni Sica ang regalo nito sa kaniya. "Thank you, Doc." may ngiti sa mga labi niya.
Tumango lang naman si Gab at nagpaalam na na papasok sa kuwarto nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top