Chapter 3
Chapter 3
Annoying
"This will be your room here." Binuksan ni Gab ang pintuan ng isang kuwarto. Tinuro na ito sa kanya kanina ni Sebastian. Hindi rin naman mahirap hanapin kahit sa dami ng mga silid sa mansion dahil katabi lang din ito ng kuwarto niya. Ito ang gusto ng kanyang Lolo.
"Wow! Dito talaga ako?" Bakas ang pagkamangha at tuwa kay Sica.
Gab looked around the room. Mukhang pinaayos at pinaghandaan din ng Lolo niya ang magiging kwarto ni Jessica sa bahay nila. Wala naman siyang naramdamang selos o kung ano doon. Sobra-sobra na ang mga ibinigay sa kanya ng Lolo niya para kainggitan pa niya itong maliit na bagay. It's just so petty. He knows nothing's really special with this Jessica. Sadyang matulungin lang sa kapwa ang Lolo niya at generous.
Sinundan niya ng tingin ang babae na umupo sa kama at dinama ang lambot no'n. Simple lang ito. Nakasuot lang ng skinny jeans at shirt, at white sneakers. Nakasikop sa pantali ang mahabang buhok na talagang nahuhulog sa noo o gilid ng mukha at batok ang ilang hibla na mas maikli at hindi kaya ng panali. At may salamin sa mata.
While he's in his usual slacks and long sleeve polo rolled up to his elbow. Nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan ang babae.
"I'll leave you now." paalam niya at tumalikod na para makalabas ng silid.
Napahiga naman si Sica sa malambot na kama nang makaalis na si Gab. Inalala niya kung paano nga ba siya napunta rito...
Si Don Eduardo Angeles ang matandang natulungan niya noon sa restaurant na huli niya sanang naisipang pag-applyan nang araw na iyon.
Simula noon ay tinulungan na sila ng Don bilang pasasalamat nito sa pagligtas raw niya sa buhay ng matanda.
Pinatingnan pa nito ang Tatay niya at bukod sa kaniya ay pati pag-aaral ni Lalaine na nakababata niyang kapatid ay sinagot na rin nito.
At nakatira na ngayon sa mas maayos na tirahan ang pamilya niya. Sa totoo lang, siyempre, ay nahihiya na siya sa sobra sobrang tulong na natatanggap mula sa Don. Kaya kahit magpaalila na siya rito sa mansion ng mag-Lolo ay ayos lang sa kaniya. Pero masiyado talagang mabait ang Don at pinayagan na lang siya nitong maging nurse raw nito. Tinanggap na niya kaysa wala siyang gawin pabalik para sa kabutihan nito. Balak pa sana niyang maid o kahit tagalinis pa ng mga banyo rito sa malaking bahay.
Pero heto siya ngayon at nakahiga lang sa malapad at malambot na kama rito sa loob ng magandang silid. Ito ang magiging kuwarto niya rito sa mansiyon.
Nakatulog na pala siya sa pag-iisip. Nagising lang at naalimpungatan sa pag-iingay ng kaniyang cellphone para sa isang tawag. Ang nakababata niyang kapatid iyon.
"Laine," sagot niya.
"Ateee! Kumusta ka diyan?"
Bahagyang nilayo ni Sica mula sa kaniyang tainga ang phone niya sa ingay ng kapatid mula sa kabilang linya.
"Ayos lang-"
"Maganda ba diyan sa bahay ni Lolo, ate?" nasa boses nito ang excitement.
Napangiti na lang si Sica. "Oo...maganda rito at malaki! Tapos maraming masasarap na pagkain. Ang ganda ganda pa ng kuwarto ko parang kay Barbie." ngumisi siya.
"Hala si ate! Nang-iinggit?"
Tuluyan siyang napatawa. Namimiss na niya agad ang kapatid, ang Nanay at ang Tatay niya. Hindi pa man siya nag-t-twenty-four hours rito sa kumportableng mansiyon na ito ay parang mas hinahanap pa rin niya ang ibang comfort ng maliit nila na bahay noon. Kahit palagi siyang pagod mula sa trabaho at mahirap talaga ang buhay ay kuntento naman siyang umuuwi sa bahay nila at nakakasama ang simple niyang pamilya.
"Miss ko na kayo... Kumusta ang Nanay at Tatay?"
"Ayiee! Miss ka rin namin, ate! Ayos na ayos sila Nanay at Tatay. Masaya si Nanay sa sari-sari store niya ngayon!"
Napangiti si Sica.
Kahit paano ay may pagkukunan sila para sa pang-araw-araw na gastusin. At may mapagkakaabalahan din ang kaniyang Nanay kahit nasa bahay lang ang mga magulang niya.
Matapos ang tawag ay umalis na rin si Sica sa kama at lumabas na ng kuwarto. Sa hapunan ay silang dalawa lang ng Don at maaga raw umalis kanina si Gab para bumalik sa duty nito sa ospital.
"Hindi na po siya kumain muna bago umalis?" tanong ni Sica sa Don.
Umiling ito. "Ganoon talaga iyon. Palaging inuuna at masiyadong seryoso sa ginagawa niya." Don Eduardo sighed. "Nag-aalala nga ako. Sa ospital na siya halos tumitira. Iyon na lang ang naging buhay niya for the past years... Masaya naman ako para sa aking apo dahil nakakatulong siya sa kanyang mga pasyente at nagagawa ang talagang gusto niya. Pero..." bumaling ang Don kay Sica. "You see, Jessica, I also want other life for my grandson aside from his life at the hospital."
Nakinig lang si Sica sa sinasabi ng matandang Don.
"May mga negosyo kami na pinagkakatiwala ko na lang sa ibang kamag-anak dahil ang nag-iisa kong apo ay walang interes doon. Hindi ko alam dahil magaling naman sa pamamahala ng negosyo noon ang anak kong si Edward, ang ama ni Gabriel. Pero siguro noong masaksihan niya ang pagkakasakit noon ng kanyang ina ay ginusto na niyang maging isang doktor. Na hindi naman namin tinutulan ng aking asawa, ang Lola ni Gabriel, na mahal na mahal siya. Mahal na mahal namin ni Gabriella ang aming apo. Binigay namin kay Gabriel ang lahat ng pagmamahal, ang lahat sa abot ng aming makakaya bilang kami na rin ang tumayong mga magulang niya nang parehong mawala sila Camila at Edward."
Ramdam ni Sica ang damdamin ng Don para sa apo. Nalungkot na rin siya sa nakikitang kalungkutan kay Don Eduardo.
Lumipas ang mga araw at linggo na sa mansiyon na nakatira si Sica. Minsan nga ay hindi pa rin siya nasasanay at kada gigising siya sa umaga ay naiisip niyang nasa dati pa nila siyang tirahan. Nabibisita rin niya ang kaniyang pamilya at madalas pa nga sumama si Don Eduardo kapag pumupunta siya sa kanila. Nakapag-enroll na rin siya at nakabalik na sa pag-aaral sa kolehiyo.
Si Gab naman ay palaging busy at hindi pala talaga halos nakakauwi sa mansiyon. Minsan niya lang makita ang lalaki at sandali lang dahil kapag umuuwi ay umaalis din ito agad.
Isang gabi ay nagising at nauuhaw si Sica na bumaba ng kusina. Naubos na pala kasi ang tubig niya sa kaniyang kuwarto. Ang puting kumot ay nakatabon sa kaniya mula sa kaniyang ulo. Nilalamig kasi siya. Hindi na siya nag-abalang magbukas pa ng mga ilaw at kahit paano ay may nakikita naman siya sa dilim. At medyo memoryado na rin niya ang mansiyon.
Nagbukas siya ng ref at kumuha ng pitcher. Kumuha rin siya ng baso at nagsalin ng tubig. Pagkatapos uminom ay hinarap na niya ang sink para hugasan ang basong pinag-inuman niya.
Papasok naman sa kusina si Gab para kumuha rin ng maiinom na tubig. Natutulog na ang mga tao sa bahay kaya nakapatay na ang mga ilaw at hindi na rin siya nag-abalang magbukas pa.
Pero mabilis na napindot ni Gab ang switch ng mga ilaw sa kusina nang bumungad sa kanya ang parang isang puting pigura na naroon at nakatayo sa kusina.
Nanlaki ang mga mata niya nang mas naging klaro ito nang mabuksan ang mga ilaw. At ganoon na lang ang takot niya nang unti-unti itong lumingon!
"Jesus!" napahawak pa siya sa kanyang dibdib. "Jessica! What the hell are you..." sobrang kumunot ang noo niya sa ayos ng babae.
Nakabalot ito sa isang puting kumot.
"Doc? Umuwi ka?" salubong lang naman nito sa kanya. Nilagay nito ang bago nitong hugas na baso sa lagayan. "Ay, sorry. Nilalamig kasi ako, hehe." ngumiti ito sa kanya.
Kumalma naman si Gab at lumapit na sa ref. "Wala ka bang jacket?" medyo inis niyang baling sa babae. Nagsalin na rin siya ng tubig sa baso. He almost had a heart attack!
Malaki lang ang ngiti ni Sica sa kanya. Uminom na siya ng tubig. "Meron naman...kaso tinamad na akong kumuha,"
He just sighed and was about to leave nang muling magsalita ang babae.
"Sorry, natakot ba kita? Inakala mo bang multo ako? Takot ka ba sa multo?"
Mariing napapikit si Gab habang nakatalikod kay Sica. Ang daldal talaga, sa isip niya. Hinarap niya ito. Mukha naman itong amused. Kunot ang noo niya sa babae.
"Grabe, Doc? Ang laki-laki mo na takot ka pa rin sa multo?" natawa si Sica.
Tumalim naman ang tingin ni Gab sa babae. Natigilan si Sica at umayos. Nag-peace sign ito sa kanya.
Gab shook his head. "You're annoying." aniya at tuluyan nang umalis at iniwan ang babae doon.
Luh? Ano ba ang ginawa ko? Sica asked herself. Boy sungit, sa isip pa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top