Chapter 2

Chapter 2

Doctor


"Wow!" hindi napigilan ni Sica ang pamamangha. "Lolo, ang laki at ang ganda naman po nitong, teka, bahay pa ba ito?" nanatili ang mga mata niya sa mansyon sa kanilang harapan.

Natutuwa lang na napatawa si Don Eduardo Angeles sa kaniyang reaksyon. Giniya na siya ng matanda kasunod ang trusted bodyguard nito sa loob.

Nilibot ni Sica ang paningin sa kabuuan pa lang ng malapad na sala.

Tumuloy sila sa dining room na nasa mahabang lamesa na ang pinahandang lunch ng Don. Agad nakaramdam ng gutom si Sica sa nakikitang mga pagkain na mukhang masasarap.

"Maupo ka, hija." anang Don.

Maagap naman ang pag-upo ni Sica sa upuang nilahad sa kaniya. Bago pa sila makapagsimula sa pagkain ay bumaling ang Don sa kaniyang bodyguard.

"Tawagan mo siya muli-" ngunit nabitin ang utos nito nang marinig nila ang bagong dating.

Awtomatiko ang pag-awang ng labi ni Sica nang makita ang lalaking pumasok sa hapag kainan. Parang biglang nagkaroon ng slow motion. Nanatili ang mga mata niya sa matangkad at matipunong lalaki habang binabati nito si Don Eduardo.

Manghang mangha siya sa kaguwapuhan nito.

Ngunit nang lumipat sa kaniya ang seryoso at parang nakakatakot nitong tingin ay parang unti-unti rin siyang nabalik sa reyalidad. Bahagya siyang napangiwi at napababa ng tingin sa kaniyang plato.

"Sica, gusto kong ipakilala sa iyo ang aking apo, this is Doctor Gabriel Angeles." tawag sa kaniya ng Don na pinakilala ang nakuwento na rin nito sa kaniyang nag-iisa nitong apong lalaki.

Maingat na tumango si Sica at ngumiti sa lalaki na naging ngiwi rin dahil hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Naupo ito kaharap niya at nasa kabisera naman ang matandang Don.

"Gab, this is Jessica. At dito na siya titira sa atin." nakangiti at mukhang excited pa na anunsiyo ni Don Eduardo na agad naman inalmahan ng apo.

Gab looked at his grandfather. Balak na pala ng Lolo niya na mag-ampon at gawing orphanage ang bahay nila. Umiling siya. "No,"

"Gabriel," his grandpa called his name in a warning tone.

Ngunit seryoso rin siyang bumaling sa kanyang Lolo. "What is this, really?"

The Don sighed a bit. "I already told you," Eduardo Angeles eyed his only grandson.

Gab let out a lazy sigh. Napatingin siya sa babaeng kasama nila sa hapag. He caught her looking. Mukha itong namamangha kanya. She was looking at him as if she was dreaming. Mabilis din itong napakuha sa baso sa tabi nito at napainom ng tubig at parang biglang nahiya. Nanatili itong tahimik at nagbaba ng tingin.

Binalik ni Gab ang atensyon sa kanyang Lolo. He was so busy lately at the hospital. Sunudsunod ang kanyang naging mga operasyon at halos hindi na siya nakakauwi. Yes, he still lives with his Grandpa in his grandparents' mansion. Kagustuhan niya ang huwag munang bumukod. He wants to be with his Lolo, his only family left.

Over a phone call the other day, sinabi na nga ito sa kanya ng kanyang Lolo. Na may iuuwi itong babae sa bahay nila na nagboluntaryo raw maging Nurse ng kanyang Lolo na kailangan nito. Ang dati rin kasi nitong Nurse ay nagpaalam na aalis sa trabaho dahil nagbuntis. At kasalukuyan pa lang silang naghahanap. At ito nga at mukhang may nahanap ang Lolo niya. He sighed and looked at the direction of the girl. She looked young, maliit ang mukha nito. Nanatili lang itong nakayuko habang nag-uusap sila ng kanyang Lolo.

Gab had her document. Hiningi niya ito kay Sebastian, ang secretary at matagal nang bodyguard ng kanyang Lolo. Jessica Dimaguiba, he recalled her name in his mind. Kakatanggal lang nito sa trabaho nito sa isang BPO company. Nalaman rin niya kay Sebastian na nakilala nila ang babae sa isang restaurant. And the old man believed that this Jessica Dimaguiba saved his life. Wala namang kaso sa kanya ang pagtatrabaho nito sa kanila. Pero ang mga sumunod pa niyang nalaman ang hindi nagpasang-ayon sa kanya sa gusto ng kanyang Lolo.

Jessica Dimaguiba is an undergraduate Nursing student. At pag-aaralin pa lang itong muli ng kanyang Lolo. At totoong Nurse ang hinahanap niya para sa kanyang Lolo. Tinutulungan rin ng Lolo niya ang pamilya ng babae. Gab has no doubt for his Grandfather. Alam at ramdam niya hanggang sa ngayon kung gaano kamahal ng Lolo niya ang kanyang namayapang Lola. At sadyang mabuti lang itong tao at patas sa lahat.

Pero itong Jessica Dimaguiba ay may pagdududa siya sa maaring intensyon sa kanyang Lolo.

"Tumatanda na ako ng husto, apo. Pagbigyan mo naman ang Lolo mo. Hindi naman magiging malaking kabawasan sa ating pera ang pagtulong kong ito sa isang taong nangangailangan. Lalo pa at nakikita kong mabuti itong tao, and, she saved my life!"

Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang Lolo noong siya naman ang tumawag rito nang magkaroon ng break sa trabaho niya sa ospital at pagkatapos niyang makausap si Sebastian.

And at the end he sighed in defeat. Napangiti ang kanyang Lolo na nanatili ang tingin sa kanya at mukhang naghihintay nga sa pasya niya o sa tuluyan niyang pagpayag sa kagustuhan nito. Maybe he's already spoiling his old man too much. Alam na alam ng kanyang Lolo na pagbibigyan niya ito sa lahat ng naisin. Naalala niya noong bata pa siya, he was also spoiled by his grandparents. At kahit ng mga magulang niya. Nag-iisa siyang anak at apo ng mga ito. Edward Angeles, his father, was Donya Gabriella and Don Eduardo Angeles' only child. At siya ang nag-iisa rin anak ni Edward at Camila Angeles. Malalayo na rin ang iba nilang kamag-anak.

Kaya siguro ngayong matanda na siya ay siya naman ang nang-s-spoil sa kanyang Lolo.

Medyo matagal na ring wala ang kanyang Lola. Sa sakit at katandaan na rin. But she lived until he was almost finishing med school. Maaga namang kinuha sa kanya ang kanyang parents. He was a teenager when his Mom died of cancer. And his Dad mourned heavily after his mother passed away that lead his father to sickness na sumunod rin ito sa kanyang ina just after a year. His father just loved his mother so much na hindi nito natanggap ang pagkawala nito. And that left him to his grandparents na sila nang tumayong mga magulang niya mula noon.

"Shall we eat now?" anang kanyang Lolo na kita niyang natutuwa.

Bahagya na lang napailing si Gab at nagsimula na sila sa pagkain. Gutom na rin siya at hindi na nakapag-breakfast pa kanina at tuloy-tuloy ang trabaho niya. Tumutulong pa siya sa Emergency. Napaangat siya ng tingin sa babae na kaharap sa mesa at naabutan ang malaki nitong ngiti sa kanyang Lolo habang masayang nag-uusap ang dalawa tungkol sa pagkain sa kanilang harapan. Napatingin din ito sa kanya at naipilig na lang ni Gab ang ulo at kumain na lang.

Pinagbibigyan niya lamang ang kanyang Lolo but that doesn't mean hahayaan niyang maabuso ng ibang tao ang kabaitan nito.

Abnormal na ang heartbeat ni Sica simula nang mahuli niya kanina si Gab na nakatingin sa kaniya. Parang ang feeling lang pero oo at nagtagpo ang kanilang mga mata nang mga five seconds! Oo at binilang niya iyon. At kahit pa tahimik na lang naman ngayon na kumakain ang lalaki ay pasulyap-sulyap pa rin siya rito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang magpigil ng ngiti habang inaabot ang baso niya ng tubig at sumimsim doon. Kinikilig siya! Ang totoo niyan ay kahit picture pa lang ng lalaki na pinakita sa kaniya ni Don Eduardo ay parang awtomatiko na siyang nagka-crush dito. Sumusulyap pa rin siya kay Gab na 'di na naman bumabaling sa kaniya. Ang gwapo niyang kumain, sa isip ni Sica habang pinagmamasdan si Gab na kumakain din ng nakahandang dinner nila.

Pagkatapos ng pananghalian at ilang sandaling pakikipagkuwentuhan kay Don Eduardo ay kailangan nang magpahinga ng matanda. Inalalayan na nila ito ni Sebastian paakyat sa kuwarto nito. At siniguro pa ni Sica na natutulog na ito nang iwan niya. Napangiti siya nang pinagmasdan itong nagpapahinga. Napakabuti nito hindi lang sa kaniya kung 'di ay sa pamilya rin niya. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya bigla ng Lolo. Napakabata pa kasi niya noong mamatay ang Lolo niya kaya hindi na rin niya gaanong maalala noong nakasama pa nila ito. At sisiguraduhin niyang aalagaan niyang maigi si Don Eduardo habang narito siya. Pambawi na rin niya kahit paano sa kabutihan nito.

Nang buksan niya ang pintuan ay agad bumungad sa kaniya ang guwapong mukha ni Gab. Halos mapaatras siya at agaran ang panunumbalik ng abnormal heartbeat niya at ang malayang paglipad-lipad at nagsasayawan na yata ang mga paruparo sa tiyan niya.

Naabutan ni Gab si Sebastian sa labas ng pinto ng kuwarto ng Lolo niya. Hinihintay raw nito si Jessica na nanatili pa sa loob. Ihahatid pa ng bodyguard ng kanyang Lolo at ipapakita sa babae ang magiging kuwarto nito sa bahay nila.

"I'll do it." sabi niya kay Sebastian at hinayaan naman siya ng huli. Umalis na agad ito at siya na ang naiwang nag-aantay sa paglabas ng babae sa silid.

"G-Gab,"

Kumunot ang noo niya sa tawag sa kanya ng babae sa mahinang boses.

"Call me Sir," he commanded seriously. Tuluyang napaangat ng tingin sa kanya ang dalaga. "since you're working here and I'll be your boss." Of course he won't make it easy for this girl. No matter how harmless she may seemed. He cannot be fooled. He just can't risk it.

"Huh? Sir?" Parang tunog teacher naman. Tumingin si Jessica kay Gab. "Uh, pwedeng Doc na lang?" tawad niya. Doctor din naman ang lalaki at bagay sa kanya ang propesyon. Dagdag pogi points pa! Sa isip-isip niya.

Lalong gumuhit ang kunot-noo sa guwapo nitong mukha.

"Tatapatin na kita, I don't trust you." seryoso at siguradong sinabi sa kaniya ni Gab nang diretso.

At ang mga kanina pang nagliliparan at nagsasayang mga paruparo sa tiyan ni Sica ay parang biglang nadapuan ng virus at agad namatay. Nawala ang ngiti niya para sa lalaki.

"Kaya kung may binabalak kang hindi maganda ay huwag mo nang ituloy. Because I won't let you harm my Grandfather." pinal at halos nagbabantang diretsong sinabi sa kaniya ni Gab.

Parang nawalan ng boses si Sica. Nanghina siya sa paratang nito. Naisip niyang kung ano siguro ang kinabait ni Don Eduardo ay mukhang hindi naman ganoon kabait ang nag-iisang apo nito. Mukhang hinusgahan na siya agad ng lalaki.

Hindi rin naman niya ito masisi. Hindi pa siya nito lubusang kilala at halos kakakilala pa lang nila. Kaya siguro hindi rin maiwasan na may masama pa sa tingin nito sa kaniya.

Napalunok siya bago nakapagsalita. Medyo nagulat pa rin siya. Hindi niya inasahan iyon dahil sobrang bait ng pagkakakilala niya sa matanda at naisip na niya sigurong ganoon lang din ang apo nito. Ngunit naalala rin niyang magkakaiba nga pala ang mga tao. Tumango siya. "Wala naman akong masamang balak sa Lolo mo. Mabait siya sa 'kin at sa pamilya ko at lubos ang pasasalamat ko sa kanya kaya hindi ko siya maiisipang gawan ng masama."

Nagkatinginan sila ni Gab. Hindi ito tumango o umiling. Nakatingin lang sila sa isa't isa at wala na rin itong sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez