Chapter 18

Chapter 18

Happy


Agad bumalik ng Manila si Gab nang malaman mula kay Lalaine na sinugod ang ate nito sa hospital. He was worried. Umalis lang naman sana siya sandali para bigyan ng time si Jessica. Obvious kasi sa babae na parang ayaw siya nitong makita.

"Gab!" Nanlalaki ang mga mata ni Jessica nang makita siya nitong pumasok sa private room nito.

"Jess-" Nanlaki na rin ang mga mata niya nang makita itong sunudsunod na lumuha.

"Jessica," lumapit si Gab sa kama ni Sica at dinala ito sa mga bisig niya.

"Bwisit ka! Akala ko namatay ka na!" Hinampas pa ni Sica ang braso niya habang yakap niya ito.

"Hindi ako namatay. Hindi naman ako nakasali doon sa ambush." he said and kissed the top of her head.

Umiiyak pa rin si Jessica. "Bakit ka ba kasi sumama pa doon, ha? Alam mo namang delikado. Kamamatay lang ni Lolo gusto mong sumunod?! O siguro dahil kasama iyong doktora na 'yon kaya sumama ka na rin!" She's crying like a little girl.

"What are you talking about, babe? I just want to give you some time kaya umalis na muna ako. Pero nandito na ako ulit. Hindi na ako aalis." he assured.

"Ayieee!"

Pareho sila ni Jessica na napabaling kay Lalaine. Mukha itong kinilig sa kanilang dalawa.

"Labas muna ako para mapag-isa kayo rito." nangingiting paalam nito at lumabas na nga ng room.

Pinakawalan na niya sa yakap si Jessica at pinakatitigan ang mukha nito. He also cupped her cheeks. Ngumuso naman si Jessica at namula. Gab let out a gentle smile.

Kalaunan ay pumasok din doon ang doktora na tumingin kay Jessica at sinabi sa kanila ang result ng ilang tests na ginawa. Jessica's fine... "She's pregnant, Doc?" ulit ni Gab sa kakasabi lang sa kanila ng doktor.

The doctor smiled. "Congratulations, Doctor Angeles!" bati pa nito sa kanya.

His lips were apart. Bumaling siya kay Jessica at nagkatinginan sila. Muli na namang bumuhos ang mga luha nito. Maagap naman itong niyakap ni Gab. Nagpaalam na rin sa kanila ang doktor at muli silang napag-isa sa silid.

"Shush, it's okay... I'm here." pag-aalo niya at muli itong hinagkan.

"Pananagutan mo 'ko?" Jessica asked.

"Of course." he answered.

"Talaga? Ayaw mo nga akong pakasalan noon."

Pinakawalan ito ni Gab at pinakatitigan. She was pouting. He let out a smile and then cupped her cheeks again. "Of course I wanted to marry you then. Ayaw ko lang na napangunahan tayo ni Lolo noon lalo at nagsisimula pa lang tayo." he sighed. "I'm sorry, Jess... I was a bad husband to you before... I failed." he said in pain. "I don't know if I was able to make you feel how I really feel for you even then. Hindi ako sigurado kung nasabi ko rin ba sa 'yo ito noon o hindi. But I love you, Jessica..."

"Mahal na kita noon pa. I was just confused, and for that I am really sorry, babe... I'm sorry. Forgive me."

Hindi na yata matatapos ang mga luha ni Sica sa patuloy na pagbuhos. Ang marinig ang lahat ng ito mula kay Gab ay nakapagpagaan sa kalooban niya. Pinaramdam din naman iyon sa kaniya ni Gab noon. Pero iba pa rin kung may salita at hindi lang puro pagpaparamdam. Because actions without words are really confusing. Iba pa rin ang assurance ng mga salita.

Siya na ang naunang yumakap kay Gab. Niyakap din siya nito pabalik nang mahigpit. "Pinupuntahan mo pala ako noon sa trabaho ko noong nasa abroad pa ako?" She just wanted to confirm what Myrna told her noong nakaraang nasa bahay sila nila Aya.

She felt Gab nodding at lalo pa siyang niyakap.

Jessica sighed. She smiled.

***

"Kailan pa kayo nagkabalikan at sinasabi ninyong buntis ka na, Jessica?" Bumaling naman sa kaniya ang Nanay niya.

Nagkatinginan sila ni Gab. Nasa ospital pa rin sila. Puwede na siyang lumabas pero medyo OA si Gab at gustong manatili pa muna siya doon. Sinabihan naman na niya ito na ito ang magbayad sa bills nila at pumayag naman si Gab.

"Siya, matatanda na kayo..." pagsuko nalang ng Nanay niya.

Napangiti si Sica at niyakap ang braso ni Gab sa tabi niya.

"Akala ko kaya ka sumama doon dahil kasama 'yong doktora na 'yon."

"Hmm?" Gab kissed her forehead. Nang makalabas siya sa hospital they agreed na sa mansyon na siya ulit titira kasama ito para mas maalagaan siya ni Gab lalo at buntis na siya. But unlike her first pregnancy ay mas healthy ang pagbubuntis niya ngayon. Thank God. "You mean Doctor Miranda?"

"Oo!" napasimangot pa rin si Jessica. Gab chuckled beside her in bed. Muli siya nitong hinalikan sa pisngi naman. "Nakikita ko kayong magkasama noon."

"Dahil ba hindi sinlaki ng dyoga no'n ang boobs ko." bulong bulong pa niya na narinig naman ni Gab.

Gab laughed. "Babe, tungkol lang sa hospital ang pinag-uusapan namin. Ang selosa naman. At kuntento naman na ako rito," then he cupped her breast.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sica sa bigla nitong ginawa. "Gabriel!"

Gab just laughed and kissed her repeatedly. Pinaghahalikan nito ang mukha niya. Hanggang sa bumangon na ito at pumuwesto na sa ibabaw niya...

Dinalaw na rin nila ang isa pa nilang baby. Pinalibing pala ito ni Gab. "Gaano na siya kalaki..."

"Ang liit-liit niya pa lang noon," ani Gab na hawak ang kamay niya palapit sila sa isang puntod.

Hindi na naalis ang tingin ni Sica doon nang tumigil sila sa harap no'n. Baby Angeles ang nakalagay sa lapida. Unti-unting lumuhod si Jessica at nilapag ang dala nila ni Gab na bulaklak doon.

Nakatulong din sa kaniya ang paglayo niya noon. Siguro kung nanatili siya ay hindi rin sila magiging okay ni Gab. Patuloy niya pa rin itong sisisihin. She won't realize things. May rason naman si Gab. Totoo naman na kita rin niyang hindi pa talaga ito lubusang nakaka-moved on noon kay Elora. They both needed time... And she admire Gab for always giving her that.

Napatingin din siya sa daliri niyang nakasuot na muli doon ang wedding ring nila ni Gab. Hinubad niya lang naman ito noon at tinago. Ngayon ay suot na niyang muli.

Mula sa lapida ng anak nila ay lumipat ang tingin niya kay Gab. Bumaling din sa kaniya si Gab at nagkatinginan sila. He smiled and she smiled, too. Nilapit ni Gab ang mukha sa kaniya at ginawaran siya ng marahang halik sa mga labi.

May mga pag-ibig na umaalis at hindi na nakakabalik dahil nakahanap na rin ng bagong pag-ibig. Gaya ng nangyari sa kanila ni JR. Kahit ganoon iyon ay minahal din naman ni Sica ang lalaki. Sinaktan siya nito and he asked for another chance pero wala na talaga. Dahil ang puso niya ay matagal na rin na kay Gab.

May pag-ibig din na umalis man pero bumabalik din. O hindi naman talaga bumalik dahil kahit pa umalis dahil nasaktan ay nanatili ang pag-ibig. Gaya ng pagmamahal niya kay Gab. Natabunan lang iyon noon ng galit pero hindi naman nawala. Her love for him is just always in her heart. Saan man siya napunta noon. Lumipas na ang maraming taon pero nahanap pa rin niya ang daan pabalik.

Where do broken hearts go? They were both broken when they met. Siya sa breakup nila noon ni JR at si Gab naman sa pagkawala ni Elora. Ang sagot, ang pusong nasawi ay nahahanap ang daan patungo sa taong siya lang makakagamot sa sugat. That one person no matter he had hurt you or break your heart, the same person who can heal it, too.

Naalala niya iyong sinabi ni Aya. Minsan kasi iyong nakasakit sa 'yo ay parehong taong siya lang din makakagamot at makakapagpasaya sa 'yo. Because at the end of the day we all just want to be happy. And what you love makes you happy.

Muli silang nagkatinginan ni Gab pagkatapos ng halik. Gabriel Angeles is her love. Her happiness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez