Chapter 17

Chapter 17

News


"What are we..." Nakayakap ang mga braso ni Gab sa kaniya nang magtanong ito.

Nasa kwarto sila nito sa mansyon. Ang kwarto rin nila noon. Nagawa ni Gab na iuwi siya roon at dahil malandi rin naman siya ay sumama siya.

Inangat pa ni Sica ang kumot sa hubad niyang katawan na bahagyang bumababa. Ang nangyari sa kanila sa clinic nito ay nasundan pa. Noong nakaraan sa kotse nito at ngayon nga narito sila sa mansyon. Ganoon pa rin ang ayos ng kwarto nila noon ni Gab mula nang iwan niya ito.

"Ganito..." nasabi niya nang halos pabulong.

"You know what I mean, Jessica." seryoso si Gab.

Huminga naman si Sica sa dibdib nito. "Ganito rin naman tayo noon..."

"What?"

"Ganito... Sex, sex lang."

Bayolente ang paghinga ni Gab. Alam niyang tutol ito sa sinabi niya. "We were husband and wife, Jess! Well... we are still,"

"Bago tayo naging mag-asawa noon-" natigilan siya at unti-unting nanlaki ang mga mata sa narinig na huling sinabi ni Gab.

Inangat niya ang sarili at napaupo doon sa kama. Sumunod na rin sa kaniya si Gab sa ganoong ayos. Nakatingin sila sa isa't isa. "Ano'ng sinabi mo?"

Gab looked at her apologetically. "I'm sorry, Jess... Noong umalis ka nakiusap ako kay Lolo. Umasa kasi ako na pagbalik mo baka puwede pang maging maayos tayo ulit-"

Bigla niya itong nasampal sa pisngi. Hindi naman niya sinasadya. Nagulat siya. "Hindi pa rin pala tayo annulled? K-Kasal pa rin ako sa 'yo?"

Unti-unting tumango si Gab.

Napasinghap si Sica. Binalik niya ang tingin dito at nagyuko ito ng ulo. Napailing siya at umalis na sa kama. Sinuot muli ang mga damit niya na hinubad ni Gab at iniwan ang lalaki doon.

Nanatili naman ang tingin ni Gab sa pinto na nilabasan ni Jessica. Tama ang narinig nito mula sa kanya. Kasal pa rin sila. Nakiusap siya noon sa Lolo niya. Ang totoo ay hinayaan niya noon si Sica na umalis dahil alam niyang nasasaktan ito at tingin niya ay makabubuti rin iyon para sa babae. Pero umasa pa rin siyang maayos pa sila.

Hindi niya maintindihan si Jessica. Tingin niya ay maayos naman na sila. She's even sleeping with him. Pero ano ang sinabi nito? That it was just sex. Ito rin ba ang pinaramdam niya noon kay Jessica noong naguguluhan pa siya? Then it's an ugly feeling. Ngayon pinaramdam na pabalik sa kanya ng babae. He was a jerk.

***

"Palagi ko kayong nakikitang magkasama ni Doc Angeles, ah." si Aya.

Mula sa pakikipaglaro sa anak nitong inaanak niya ay nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. Sa Dela Cuesta Medical din kasi nag-r-residency si Aya at kaibigan din yata ni Louie ang may-ari.

"Tama!"

Pareho silang napabaling kay Myrna na naroon din sa bahay nila Aya at Louie. Wala si Louie at nasa trabaho. Buntis naman ulit si Aya kaya nagpapahinga. Kaya lang talaga ng kaibigan niya pagsabayan ang pagdodoktor nito at pagpapamilya. Minsan naiisip ni Sica kung seryoso pa ba ang kaibigan. Sabagay hindi rin naman ito pinapabayaan ng asawa nito.

"Naalala ko na! Kaya pala parang pamilyar sa 'kin 'yong ex-jowa mo, 'day!" lumapit pa sa kaniya si Myrna at umupo sa tabi niya. "Ilang beses ko rin pala siyang nakita noon sa ospital!" Tinutukoy nito noong nasa abroad pa sila nagtatrabaho.

Umawang ang labi ni Sica. Sa limang taon niyang pagtatrabaho bilang nurse sa ibang bansa ay ni minsan hindi niya nakita si Gab na dinalaw o pinuntahan siya doon.

***

Agad nag-init ang ulo niya nang makita si Gab na mukhang nakikipagkuwentuhan lang sa isang babaeng doktor. Lalapit na sana siya pero pinigilan din niya ang sarili. Kumuyom nalang ang kamay niya at tinalikuran ang mga ito.

"Nasaan si Doc?" tinanong na ni Sica ang assistant ni Gab nang buong araw niyang hindi ito nakita sa ospital.

"Ay, hindi mo ba alam Nurse Jessica? Umalis si Doc. Nagpaalam siyang sasama sa mga volunteers para manggamot ng mga sundalo roon sa Mindanao. May gulo kasi ngayon doon at kulang sila sa mga health workers." anito.

Natigilan naman si Sica. Umalis nalang bigla? Ni hindi nagpaalam sa kaniya? Kumunot ang noo niya.

"Ah, una na po ako, Nurse Jess,"

Tumango nalang siya at hinayaan ang assistant ni Gab na umalis sa harap niya.

"Nakakainis! Nalaman ko nalang na umalis siya! Ni hindi nagsabi sa 'kin? Tapos kasama pa niya ang doktora na 'yon na may mala-papaya nang dyoga!" Nilabas ni Sica ang mga hinanakit kay Gab sa kaibigan niya. Nakikinig lang din naman si Aya sa kaniya.

"Okay ba kayo bago siya umalis?"

"Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi! Hindi ko nga siya kinakausap,"

"Kaya naman pala paano magpapaalam sa 'yo 'yon e hindi mo naman pala kinikibo. Ikaw pa naman 'pag ayaw mong kausapin ang isang tao parang manununtok ka na agad hindi pa man nakakalapit talaga sa 'yo."

Sica heaved a sigh and sat on Aya's sofa. "Nakakainis ka talaga, Gabriel!" bulong bulong niya sa sarili.

Naupo na rin ang kaibigan niya sa tabi niya. "Mahal mo pa, 'no."

Nag-angat si Sica ng tingin sa kaibigan.

Aya sighed. "Palagi mo akong tinatanong dati kung bakit balik pa rin ako ng balik kay Louie. Nasaktan din naman niya ako pero mahal ko siya... At alam kong siya lang din ang makakapagpasaya sa akin. At the end of the day we all just want to be happy and contented." Bumaling sa kaniya si Aya at ngumiti.

Napa-isip si Sica sa sinabi ng kaibigan.

Pabalik-balik ang lakad ni Sica sa sala ng bahay nila. Nagdadalawang-isip pa siya kung tatawagan na ba niya si Gab para kumustahin. May phone number naman siya nito. Natigilan lang siya nang makita ang binabalita sa TV sa harap nila ni Lalaine na naroon din at sinasaway na siya dahil nahihilo na ito sa pabalik-balik niyang lakad sa harap nito.

"Mindanao... Ambush..." pabulong niyang nasambit habang nakatingin sa news at hindi na halos naiintindihan ang sinasabi sa balita.

"Ate!" sigaw ni Lalaine nang natumba siya harap nito at nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez