Chapter 16
Chapter 16
Kiss
Nasa bahay na sila ni Sica at ang pamilya niya pagkatapos lang at galing sila sa libing ni Don Eduardo. They were all emotional at the Don's burial. Lalong napaluha si Sica nang makita niyang tahimik din na lumuluha si Gab habang binababa ang kabaong ng Lolo nito sa lupa.
He's alone now... Kaya binilin niya rin ito kanila Manang Nelly at Sebastian. Si Sebastian na emosyonal din sa pagpanaw ng Don. Mananatili raw ito sa mansyon bilang bilin na rin ni Don Eduardo na bantayan ang apo nito. Pinamanahan din ito ng Don maliban kay Gab. Parang apo na rin nito si Sebastian. Hindi pa halos Inasahan ni Sica na pati siya ay may binilin ang Don. Sobra sobra talaga ang pagpapasalamat niya sa matanda. Kung hindi niya ito nakilala nasaan pa rin kaya siya hanggang ngayon.
"Ate, nasa labas si JR." pagpapaalam sa kaniya ni Lalaine.
Kakapasok lang nila sa Tatay niya sa kwarto para makapagpahinga na muna ito. Naririnig na nga rin niya ang ingay ni JR sa labas. Kaya dali-dali na rin niya itong nilabas at nakakahiya pati sa mga kapitbahay nila.
"JR, ano'ng ginagawa mo?!" saway niya sa lalaki.
Mukha pa itong lasing. "Nakainom ka ba? Ang aga pa, JR."
"Tapos ka nang makipagkita doon sa ex mo?!" malakas ang boses nito.
"Ano'ng nangyayari rito?"
Bumaling si Sica sa pinto ng bahay nila at naroon na ang Tatay niya na inaalalayan ng Nanay niya. Pati ni Lalaine.
Hindi na niya malaman ang uunahin. Napagod din ang Tatay niya galing sa pakikipaglibing at kailangan nitong magpahinga. Pero mukhang narinig na rin nito ang ingay ni JR kaya napalabas.
Bumaling siya kay JR. "JR, ano ba! Tama na! Lasing ka kaya umuwi ka na muna. Mag-uusap nalang tayo-"
"Hindi ako aalis! Ilang araw mo na akong hindi kinakausap! Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko! Ano? Bumalik ka na roon sa gago mong ex?"
"Parang siya hindi gago." Narinig ni Sica na bulong bulong ng kapatid niya.
Saglit niyang binalingan si Lalaine.
"JR, please. Nag-text naman ako sa 'yo, 'di ba? Sabi ko abala pa ako kay Lolo. Bakit ba hindi mo maintindihan at kung ano ano pa ang iniisip mo-"
"Hindi ako naniniwala sa 'yo!"
"Tama na 'yan, Jessica. Pumasok ka na rito sa loob." tawag sa kaniya ng Tatay niya.
Binalingan din ito ni JR. "Nag-uusap pa kami!" halos sigawan lang nito ang Tatay niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng lalaki. "JR-"
"Bastos ka talagang lalaki ka! Wala kang galang!" ang Nanay na niya.
"Tumawag na ako ng pulis, ate." si Lalaine naman.
Nang marinig iyon ni JR ay para itong naduwag na pumasok sa sasakyan nito at umalis na rin.
"'Tay!" halos magkakasabay nilang sigaw nang matumba ang Tatay niya.
Agad silang nanghingi ng tulong para maisugod na ito agad sa ospital. Sobrang nag-alala si Sica. Mahina na pa naman ang Tatay niya.
"Ewan ko ba sa 'yo, Jessica, at nakipagbalikan ka pa sa lalaking 'yan e dati pa iyang walang respeto sa amin ng Tatay mo!"
Hindi siya nagsalita. Akala niya kasi talaga ay nagbago na si JR. Pero mukhang gaya pa rin nga talaga ito ng dati. Hindi niya alam kung bakit natiis niya ito noon. Naging bulag-bulagan din siya noon sa relasyon nila. At hindi na ulit.
"What happened?" si Gab na halos humahangos na lumapit sa kaniya. "I was told that Tito was rushed here,"
"Lasing na nagpunta si JR sa bahay. Inatake ang Tatay." napaluha si Sica sa pag-aalala para sa Tatay niya.
Maagap siyang niyakap ni Gab. Umiyak na siya sa balikat nito.
Naghiwalay lang sila nang makausap na nila ang doktor na tumingin sa Tatay niya. "Diyos ko, salamat." ani Sica nang sabihin ng doktor na okay na ang Tatay niya. Dala na rin daw ng pagod nito iyon kaya pinayuhan silang pagpahingahin na muna ang pasyente.
"Don't worry, Tito Sixto is a strong man. He'll be fine." ani Gab sa kaniya.
Tumango siya kay Gab. Dumating doon si Lalaine na may dalang ilang gamit ng Tatay nila. Sumama na rin muna si Sica sa kapatid papunta sa Tatay nila at nagpaalam muna kay Gab.
Nang makalabas na ng ospital ang Tatay niya ay tinawagan niya si JR para makipagkita sa lalaki. He looked guilty in front of her. Maayos na ito ngayon at hindi na lasing.
"Maghiwalay na tayo, JR." diretso niyang sinabi sa lalaki.
Nanlaki ang mga mata nito, umiiling. "Si, I'm sorry sa nangyari sa Tatay mo-"
"Binigyan kita ng pagkakataon, JR, dahil akala ko nagbago ka na. Alam mo naman na mahina na ang Tatay at ginawa mo pa rin iyon sa bahay namin. Sa harap niya. Pasalamat ka at walang masamang nangyari sa Tatay ko at baka hindi na kita napatawad at hinarap pa ngayon."
Umiiling pa rin si JR. "Gumaganti ka ba sa akin, Sica?"
Umawawang ang labi niya. "Ano?" napailing siya.
"Gumaganti ka kasi hiniwalayan din kita noon."
Hindi makapaniwala si Sica na tiningnan ang lalaki. "Bahala ka sa kung ano ang gusto mong isipin, JR. Hindi ako naghihiganti. Matagal na iyon." Tumango siya. "Matagal na pala talaga tayong tapos."
Umiling si JR at muling parang nagmamakaawa ang mukha nito. "Sica naman. Ayusin pa natin 'to-"
Pero mariin din siyang umiling. "Sorry, JR... Sinubukan ko naman. Pero matagal na pala talaga tayong tapos." Pagkatapos noon ay tumayo na rin siya at iniwan ang lalaki doon sa pinagkitaan nila.
***
She can't help but check on Gab who's discussing something with another male doctor. Naka-scrub suit pa ito at galing lang sa Operating Room. Hindi maiwasan ni Sica ang naramdaman. Dati pa man ay natuturn on na talaga siya kay Gab lalo kapag nasa ganoong ayos ito at seryoso sa trabaho.
Ang muscles pa nito... She shook her head. Tigang lang siya. Ilang taon na rin. Ano ba itong mga pinag-iisip niya?! Bumalik na lang siya sa trabaho.
Maayos naman na sila ni Gab... Nagpapansinan at nagbabatian sa ospital... They were civil... Nakasalubong na naman niya si Gab. Ngumiti siya sa lalaki. Gab smiled at her, too.
Puro kalandian.
Nang napadaan siya sa clinic nito na nakabukas ay napasilip siya sa loob. Sakto namang naghuhubad ng pang-itaas nito si Gab! Her eyes widened. Sinubukan pa niyang silipin kung naroon ba ang assistant nito pero mukhang wala naman na at si Gab lang talaga ang naroon. Bakit hindi ito nag-l-lock ng pinto?!
Hindi na niya halos pinag-isipan pa nang husto at pumasok na siya sa clinic nito. She locked the door. Medyo nagulat naman si Gab sa kaniya. Tapos na ang duty niya at pauwi na siya at ganoon din yata si Gab.
"Jessica-"
"Bakit hindi ka nag-l-lock ng pinto tapos naghuhubad ka nalang basta diyan! Kita sa labas!"
"Sorry, pagod ako. Hindi ko na napansin na hindi ko pala na lock,"
Buti nalang at late na kaya wala na rin masyadong dumadaan sa pasilyo sa labas.
Nagkatinginan sila. Hawak pa lang ni Gab ang isang shirt at hindi pa nasusuot. Bumaba ang tingin ni Sica sa magandang katawan ng lalaki. Halos maglaway siya.
Nang muli silang nagkatinginan sa mga mata ay nagtagal iyon. Hanggang sa naging intense. Kinain na ng malalaking hakbang ni Gab ang pagitan nila. Umawang naman ang labi niya. And looked like Gab took it as a sign to kiss her. So he kissed her that she also returned. Tuluyang nagpadala sa kalandian.
Habang naghahalikan sila ay naramdaman niyang sinigurado ni Gab na naka-lock na nga ang pinto ng clinic nito.
Naramdaman nalang ni Sica na inangat siya ni Gab at dinala doon sa mesa ng assistant nito. Inupo siya doon matapos lang nitong hawiin ang ilang mga nakapatong doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top