Chapter 14
Chapter 14
Lolo
Naliligo sa sarili nitong dugo ang taong pinasok sa Emergency. Natigilan pa si Sica at parang hindi pa rin nasasanay. Napalingon siya nang marinig si Gab na siya mismong maagap na sumalubong. Parang doon pa lang siya nakagalaw nang makita ang lalaki. Tumulong na rin siya sa pagtulak ng bed papasok sa ER. Nagkatinginan pa sila ni Gab hanggang sa naiwan na siya sa labas.
Sandali siyang nakatayo lang doon hanggang sa tuluyang nakabalik sa senses niya at unti-unti iyong tinalikuran.
Si Gab... Bumalik na naman ba ito sa dating buhay nito na puro ospital lang? Simula nang nakabalik siya sa duty ay hindi pa siya dumadating at umaalis ng hospital na hindi ito nakikita. Hindi na naman siguro ito madalas umuwi sa mansiyon at nilulunod na naman ang sarili rito sa ospital.
Well, that's already his life before...she came... Nagkaroon lang naman ito noon ng oras sa ibang bagay dahil sa kaniya. Para sa kaniya...
Sica shook her head and walked away. She's here to work. Dapat ay wala na siyang pakialam kay Gab. Wala nga itong pakialam sa kaniya noon... Wala ba talaga?
Gusto niyang sabunutan ang isang parte ng utak niya.
"Si,"
Napakurap siya at mula sa kawalan ay tumingin kay JR na bahagya nang nakunot ang noo. Nasa labas sila para sa isang dinner na niyaya siya ng lalaki. Abala na siya sa trabaho at pagkatapos ay gusto nalang magpahinga kaya pahirapan din kay JR kapag inaaya siya nito.
"Nakikinig ka ba, Sica?" tanong nito na may bakas na ng inis.
Kumunot din ang noo niya. "O-Oo..." aniya. Ang totoo ay hindi na niya nasusundan ang mga kwento ni JR o hindi naman talaga siya nakikinig dito.
Nagbuntong-hininga si JR. "Ano ba'ng iniisip mo? Ang ex mo?"
Nag-iba na rin ang timpla ni Sica. "Ano?" Hindi nagsalita ang kaharap niya. "Bakit nasali rito si Gab-"
"Gab!" tumaas ang boses nito. "Hiwalay na kayo, Sica! 'Di ba nga sinaktan ka na ng lalaking 'yon?"
Napapatingin na sa mesa nila ang ibang kumakain doon sa resto at ilang waiters at waitresses na dumadaan.
Sumama ang tingin niya sa lalaki. "Sinaktan mo rin naman ako noon." Pagkatapos ay tumayo na siya para umalis. Tuluyang nawalan ng gana.
"Si!" maagap naman siyang hinabol ni JR at nahawakan siya sa braso.
Hinarap niya ito at tinanggal ang kamay nito sa kaniya. May pagsisisi na sa mukha nito. "Sorry, Si... Nagseselos lang naman ako. Kasi pakiramdam ko siya ang iniisip mo kahit ako naman na ang nandito. Ako ang kasama mo-"
"Hindi ibig sabihin na hindi ako ganoon kay attentive, JR, ay siya na agad ang iniisip ko." kahit pa guilty rin siya dahil medyo tama rin naman si JR. Siguro mali talaga na bumalik siya sa Dela Cuesta Medical at naroon si Gab. Pero gusto lang din naman kasi niyang patunayan sa sarili na wala nang epekto sa kaniya ang lalaki...
Tumango si JR. "Oo, Si. Sorry talaga. Noong isang araw kasi naabutan kitang nakatingin sa direksiyon niya noong sinundo kita."
Bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ni JR. Unconsciously kaya ay napapatitig nalang siya basta kay Gab? Bakit naman 'yon gagawin ng sarili niya.
She sighed. "Sorry, JR. Pagod lang siguro talaga ako sa shift ko ngayon."
Tumango ito.
"Uh... Ikaw na ngayon ang boyfriend ko kaya," she shrugged a bit, trying to assure him.
JR nodded again. "Oo, Si. Pagkatapos ng lahat tinanggap pa rin kita. Kahit pa nakapag-asawa ka na dati at nabuntis ng ibang lalaki nandito pa rin ako at tinanggap ka."
Umawang ang labi ni Sica sa narinig na sinabi ni JR.
Hinatid na siya ni JR sa bahay nila. Nagtanggal na siya ng seatbelts at lalabas na nang pigilan siya ni Jr. Nakatingin ito sa kaniya. Hinalikan nalang niya ng mabilis sa pisngi ang lalaki at mabilis na rin lumabas sa sasakyan nito. Walang lingong pumasok na siya sa bahay.
Buntong-hininga siyang sumandal sa pinto ng kwarto niyang kakasara. Pagkatapos ng ilang sandali ay nilapag niya na rin ang bag doon at pumasok na sa banyo para makaligo at bihis ng pantulog para handa na sa pagtulog nang gabing 'yon.
***
"Manang Nelly-"
Natigilan si Sica lalo nang makarinig ng iyak mula sa kabilang linya.
"Manang Nelly? Manang ano po'ng nangyayari?" may iba na agad siya na naramdaman sa dibdib niya.
"Jessica... Ang Don Eduardo..."
Napahawak si Sica sa dibdib at halos mabitawan ang cellphone niya.
Nang makabawi ay agad siyang kumilos at pumunta na doon.
Nanginginig ang mga kamay niya habang nagmamaneho papaunta sa mansiyon. Inimbita pa nila ito noong birthday ng Tatay niya. Nga lang ay hindi na rin kaya ng matanda ang lumabas at umalis pa ng bahay nito.
At wala na nga ang matanda nang abutan niya... Awtomatiko ang pagtulo ng luha niya. Nasa labas sila pareho ni Gab habang inaasikaso ang katawan ng Lolo nila.
Napatingin siya kay Gab na tulala at may luha ang mga mata. Lalong sumakit ang puso niya. Sinubukan niya itong lapitan pero hindi rin niya tuluyang mahayaan ang sarili. May pumigil pa rin sa kaniya.
Nang nagsimula na ang burol ay nasa pinakaharap na upuan lang si Gab sa harap din ng kabaong ng Lolo nito. Tinitingnan ni Sica ang lalaki mula sa malayo. Wala itong imik at nanatiling nakatingin sa kawalan o sa harap kung saan naroon ang Lolo nito.
"Hindi pa siya kumakain mula kahapon." ani Manang Nelly nang makita ang tinitingnan niya.
Napatingin din siya sa babae na katabi niya doong nakatayo. "Mula pa kahapon?" Kaya ang putla-putla na ni Gab. Maputi na talaga ito at ngayon ay halos nawawalan na talaga ng kulay ang mukha.
Nagbuntong-hininga siya at nagpakuha ng sandwich at tubig kay Manang Nelly. Hindi na niya naalis ang tingin kay Gab.
Nang makabalik ang kasambahay at binigay sa kaniya ang pagkain ay lumapit na siya kay Gab.
Hindi man lang ito nag-angat ng tingin kahit nandoon na siya nakatayo sa tabi nito. Unti-unti rin siyang umupo doon. "Gab... Kumain ka muna." sabay abot niya ng sandwich dito. Pero ni hindi man lang iyon binalingan ni Gab.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Hindi matutuwa si Lolo kapag ganiyan ka."
Pero wala paring imik si Gabriel. Ni hindi rin siya nito nililingon.
"Gab, kainin mo na 'to. Puwede rin tayong lumabas para mas makakain ka nang maayos-"
"Just leave me alone, please." halos bulong iyon na lumabas mula sa bibig ni Gab.
Bahagya naman siyang natigilan sa pakiusap nito. Paglipas ng ilang sandali ay tumayo na rin siya doon at iniwan nga itong mag-isa pero halos hindi rin naalis ang tingin niya kay Gab... Nag-alala rin siya.
Tumunog ang phone niya at sinagot ang tawag ni JR. "JR-"
"Nasaan ka?"
Bahagya siyang natigilan sa tono nito. "JR, nandito ako sa-"
"Magkasama na naman kayo ng Gab na 'yan?!"
"JR! Nandito ako sa burol ni Lolo-"
"Susunduin kita. Umalis ka na diyan-"
Nag-init ang ulo niya. Mabilis niya itong pinatayan ng tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top