Chapter 13

Chapter 13

Boyfriend


"Thank you sa dinner, hubby." niyakap ni Sica si Gab at binaon ang mukha sa dibdib ng asawa.

Gab hugged his wife back. Hinalikan niya ito sa noo. He brought her out for a nice dinner date. Pambawi na rin niya for being so busy lately.

One time they went to this popular hiking peak in Benguet. Kita ni Gab ang tuwa kay Jessica. Ngunit hindi pa man sila nagtatagal talaga sa paglalakad ay parang sumusuko na ang asawa niya. He then offered his back for a piggyback ride. Hindi na rin ito ang unang pag-akyat ng bundok ni Gab.

"Picture-an mo 'ko, Gab!" bumaba si Jessica sa likod niya at pumwesto na doon.

Napangiti na lang si Gab and took photos of his wife with the pine trees.

Agad napatago sa likod niya si Jessica nang makakita ito ng mga baka. Habang napapatawa naman si Gab. He didn't know his wife's scared of cows?

"Kunan kita kasama sila-" he teased her followed by his laughter lalo sa nakikitang reaksiyon nito. Nangungunot ang noo at sinimangutan na siya.

"Hey," agad niya itong hinila pabalik sa kanya nang tinalikuran na siya ng asawa. Nagpahila rin naman si Jessica.

Nagkaharap sila. Inayos ni Gab ang bahagyang nagulo nitong bonnet. Nangiti naman si Jessica. He smiled at his wife, too, and kissed her forehead. Pareho silang napabaling sa pinanggalingan ng pag-click ng camera.

Ngumiti sa kanila ang may katabaang lalaki na isa sa mga nakasama lang din nila sa hiking. "Sorry, can't help it. You really look good together plus the view."

Sumang-ayon din ang iba pa nilang kasama.

They resumed until finally they reached the summit views after a long hike.

"Ang ganda, Gab..." si Jessica na namamangha sa nakikita nito.

Samantalang nakatingin lang naman si Gab sa asawa. "Ang ganda nga." sabi niyang may ngiti sa mga labi.

Tumingin sa kanya si Jessica at may ngiti rin sa mga labi nito.

***

"Gab, malamig..."

He turned to his wife. Madilim na and they were already inside the tent he set for them. Doon na sila matutulog sa overnight campsite.

Nakatingin na sila sa isa't isa.

"Magpa-init tayo..."

"Jess-"

"Ano..." at mabilis na itong umupo sa kandungan niya. Pinalibot ang mga braso sa leeg niya at pinatakan siya ng halik sa mga labi. "Tayo lang naman ang nandito..."

Humawak na ang mga kamay niya sa maliit na baywang ng asawa. Sila na nga lang ang naiwan doon dahil kanina pa bumaba ang mga nakasama nila.

Ilang sandali silang nakatitig lang sa isa't isa bago si Gab na ang humalik sa asawa. He felt Jessica smiling in his lips. Pinalalim pa niya ang halikan nila. Hanggang sa hiniga na niya ito...

"Ah, Gab! Gab... Mamatay na yata ako sa sarap..."

"Shush, you'll disturb the nature." he bit her ear.

Gab smiled sadly as he was looking at their pictures together in that trip. Naka-saved pa iyong lahat sa phone niya. Ang dami nilang selfies. At solo shots na kuha ng isa't isa. Hindi talaga siya ganoon ka-mahilig sa pagkuha ng litrato pero dahil kay Jessica. Ilang beses siyang pinilit noon ng babae na mag-pose at kukuhanan siya nito ng pictures.

***

Nabigla si Sica nang nadatnan niyang nasa sala ng bahay nila si Gab. Napatayo ang lalaki nang makita siyang dumating. Napatingin din ito sa kay JR na kasama niya. Binalingan niya ang kasama.

"Upo ka muna, puntahan ko lang sila Nanay." paalam niya at agad na nagtungo sa kusina kung saan kasalukuyan pang nagluluto ang ina. Birthday kasi ng Tatay niya.

"'Nay," tawag at lapit niya rito.

Hinarap naman siya ng ina habang nilalapag na nito doon ang mga naluto na. "Oh, nandiyan ka na pala, anak." may ngiti sa mga labi nito.

"'Nay, bakit nandito si Gab?"

Bahagya itong natigilan sa reaksiyon niya. "Inimbita ko na. Tayo-tayo lang naman at gusto rin ng Tatay mo na makita si Gabriel para makumusta din ito. Matagal na noong huli niyang dalaw sa amin dito dahil sa pagiging abala niya sa ospital."

"'Nay naman! Alam n'yo naman iyong nangyari sa amin-"

"At walang may gusto sa nangyari." nagbuntong-hininga ang Nanay niya. Iniwan muna nito ang ginagawa para maharap siya ng maayos. "Jessica, alam kong nasaktan ka pero hindi rin naman ginusto ni Gabriel ang nangyari. Walang may gusto noon. Kung nasaktan ka sigurado akong nasaktan din siya... At...umaasa kami ng Tatay at kapatid mo na magkakaayos pa kayo..."

Jessica shook her head.

"Kasama ko po si JR." sabi niya na bahagyang kinatigil ng ina.

"Nililigawan ka ba ng lalaking iyan? Hindi naman sa pinapangunahan kita, Jessica. Alam kong may sarili ka nang isip at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Pero," seryoso itong nakatingin sa kaniya. "Kahit noon pa ay ayaw ko na talaga sa lalaking iyan. Kung ikukumpara kay Gabriel lang kita nakitang masaya. Wala namang ibang ginawa 'yang si JR noon kung 'di paiyakin ka at mukhang hindi pa seryoso sa relasiyon n'yo noon. Ikaw ang palaging gumagastos sa inyo, akala mo ba hindi ko nalalaman noon mula sa kapatid mo na may binili o binigay ka na namang ganito ganiyan sa lalaking 'yan noong kayo pa. Ni hindi nga rin 'yan humaharap sa amin noon ng Tatay mo."

Ilang sandali ang katahimikan bago siya nagsalita. "Kami na po uli ni JR, 'Nay."

Nanlaki ang mga mata ng Nanay niya. "Ano?!" napalakas na anito na mukhang dinig na yata sa sala. Maagap naman itong pinakalma ni Sica.

Galing siya kanina at nag-apply ng trabaho rito na. Hindi na siya babalik sa abroad at mukhang stable na rin naman ang pamilya nila. May ipon din siya. Doon muli sa Dela Cuesta Medical. Maganda kasi ang experience niya doon kaya hindi na niya naisip na sumubok pa ng iba. Hindi naman siguro sila palaging magkikita ni Gab doon gaya noon. Malaki naman ang hospital. At ano naman kung magkakasalubong sila. Matagal na silang wala.

"'Nay, sana bigyan n'yo po ng chance si JR. Mga bata pa naman kami noon at nagbago na siya. Responsable na siya ngayon."

Nakatingin silang mag-ina sa isa't isa. Hanggang sa suminghap na lang ang Nanay niya.

Nang bumalik siya sa sala ay naroon pa rin ang dalawang lalaki. Naroon na rin ang Tatay niya na inaalalayan ni Lalaine. Nagmano siya sa Tatay niya. Binati nito at ni Lalaine si Gab.

"Good evening, po." si Gab na nagmano na rin sa Tatay niya.

Tinawag na rin sila ng Nanay niya para sa dinner hindi pa man halos nakakabati si JR sa Tatay at kapatid niya.

Awkward ang katahimikan sa hapag kung hindi lang binasag ni Lalaine at nagsabing kantahan muna nila ng birthday song ang Tatay nila. Kumanta naman silang lahat na nasa mesa.

"Ito, hijo, hindi ba't paborito mo ito?" nakangiti ang Nanay ni Sica na nilahad kay Gab ang isang ulam.

Magalang namang tumango at nagpasalamat si Gab sa Nanay niya. Katabi ng lalaki si Lalaine. Habang doon naman siya tumabi sa Nanay niya at napagitnaan nito at ni JR. Habang nasa kabisera ang Tatay niya.

Pinuna ng Tatay niya ang kasama niya. Maagap namang tumuloy sa muling pagbati si JR.

"Boyfriend ko na po ulit si JR, 'Tay."

Natahimik muli ang mesa. Napatingin si Sica kay Gab na nagyuko lang ng ulo at tumuon sa pagkain nito. Muli namang dumaldal si Lalaine kaya nabasag din muli ang katahimikan.

***

"Bye, kuya!" si Lalaine na hinatid si Gab sa labas matapos itong makapagpaalam sa mga magulang nila.

Kita naman ni Sica ang dalawa gamit ang bintana. Kinakausap siya ni JR at medyo nawala siya sa pakikinig dito.

"Maiwan ko na kayo rito at mauuna na akong magpahinga."

Bumaling sila sa Tatay niya. Nagpasalamat at muling bumati si JR sa Tatay niya. Tumango lang naman ito at sinamahan na nga Nanay niya.

Nakabalik sa loob ng bahay si Lalaine at nagpaalam na rin si JR. Hinatid na rin ito ni Sica sa sasakyan nito.

Nang pabalik siya sa bahay ay sinalubong siya ni Lalaine sa may pinto. "Walang kiss?"

Hinatid niya lang talaga si Jr sa kotse ng lalaki. Hindi nalang niya pinansin ang panunukso ng kapatid at pumasok na sa loob.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez