Chapter 10
Chapter 10
Baby
"Lolo, we're both consenting adults-"
"Tigilan mo ako diyan sa mga sinasabi mo, Gabriel!" Don Eduardo's voice boomed.
Nanatiling tahimik lang si Sica habang nagtatalo ang mag-Lolo. She was feeling guilty. Kung bakit kasi hindi sila nakapag-lock ng pinto ni Gab.
Naabutan tuloy sila ni Manang Nelly na parehong hubad sa kama ni Gab kinabukasan nang kumatok ito sa pinto at walang nagbubukas o sumasagot. Paano ba naman at pareho silang pagod ni Gab at napasarap ang tulog pagkatapos ng buong magdamag na pagtatalik. Halos gawin ba naman nila sa lahat ng positions.
"Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ni Jessica."
"Lolo-"
"No!" tinuro ng Don ang apo. "You. will. marry, Jessica."
Nalukot ang mukha ni Gab. "What are you talking about-"
"Gagawin mo o itatakwil kita." banta ng Don.
Hindi makapaniwalang nakatingin si Gab sa kanyang Lolo. "You're kidding, right-"
"I am not." mariing putol nito sa sinasabi niya. "Sa pamamahay ko pa. Kung may respeto ka pang natitira sa akin, Gabriel, then marry Jessica. Itama mo itong pagkakamali ninyo."
Umiling si Gab at wala rin nagawa.
Nasaktan naman si Sica sa nakitang reaksyon ng lalaki. Hindi nga siya nagtatanong o nagsasalita, but she was expecting something from him. Iyong label nga na ang tagal na rin hindi pa binibigay sa kaniya ni Gab. Tapos ngayon ay makikita niyang dismayado ito dahil ipakakasal sila. Ano lang pala ang tingin ni Gab sa ginagawa nila?
The next day they got engaged. Isang salu-salo ang pinahanda ni Don Eduardo sa mansiyon. Madali lang din naman napaliwanag sa pamilya ni Sica iyon dahil kilala naman na ng mga ito si Gab. At pagkatapos lang ng mabilisang pagpaplano ay natuloy ang kasal nila. It was a church wedding.
Sa kabila ng pinapakitang reaksyon ni Gab ay naging masaya naman si Sica nang araw na iyon. That day she married the man she love. Oo mahal na niya noon si Gab. Dahil kung hindi ay hindi siya maghihintay at makukuntento nalang sa kung ano lang ang nabibigay sa kaniya nito. Kung hindi niya mahal si Gab ay hindi siya magtitiis sa walang label na relasyon nila noon. Hindi siya magtitiis na walang may nakakaalam na may relasyon sila ni Gab. Umaakto si Gab na parang wala lang sila. Pero kapag silang dalawa lang at sa kama nito ay mayroong sila.
Nakangiti si Sica habang marahang naglalakad sa carpet ng aisle ng simbahan patungo sa altar kung saan naghihintay si Gab. Seryoso lang ang mukha ng lalaki pero naiiyak na si Sica. Masaya siyang maikasal sa taong minamahal. At naisip na rin niya ang pagbuo ng sariling pamilya kasama ito. Doctor si Gab at nagtatrabaho na rin siyang nurse noon.
"I do." bumaling si Sica at ngumiti kay Gab.
Nagbuntong-hininga lang naman si Gab. "I do." sagot rin nito nang ito naman ang balingan ng Pari na nagkakasal sa kanila.
Inangat ni Gab ang kaniyang belo. Nakangiti paring naghihintay si Sica at binaba ni Gab ang ulo para maabot ang labi niya. And they sealed it with a kiss.
Palakpakan ng mga dumalo ang pumuno sa simbahan. May ngiti paring bumaling si Sica sa mga tao pagkatapos ng halik nila ni Gab. It was just a quick kiss Gab gave her. Nagpaubaya lang naman si Sica.
"Ayos lang ba sa 'yo, hija, na rito lang muna kayo sa mansiyon-"
"Ayos na ayos po, Lolo!" Sica was grinning at the old man. "Wala rin po kayong kasama rito kaya mas gugustuhin kong dito parin kami ni Gab."
Ngumiti na ang Don at tumango. "Siya, ipapalipat ko na rin ang mga gamit mo sa kuwarto ni Gabriel."
Sica's cheeks flushed a bit. Tinanguan na rin niya ang Lolo ni Gab.
Nagsama na nga sila ni Gab bilang mag-asawa simula noon. Na medyo hindi rin maramdaman minsan ni Sica na may asawa na nga siya dahil palaging abala si Gab. Nurse na siya sa ospital kung saan din doctor si Gab at nagkikita naman sila doon pero parang sobrang naging abala na yata si Gab na hindi man lang siya mabalingan ng asawa. Kapag nasa bahay naman sila ay palaging pagod na si Gab at madalas pang hindi nakakauwi. Pinapasundo lang din siya sa driver at minsan lang sila magsabay sa sasakyan nito.
Pero may mga pagkakataon na nakakapag-sexy time parin naman sila ni Gab. May minsan din na lumalabas sila at nag-d-dinner sa isang mamahaling restaurant na naging paborito narin kainan ni Sica dahil sa masasarap nilang servings ng seafoods at steak doon. At nakadalawa o tatlong beses rin silang nakapag-out of town na mag-asawa. Hindi naman naging masamang asawa kay Sica si Gab. Madalas siya pa nga ang nag-aaya kay Sica na naghihintay lang din naman.
***
"What happened here?" kunot ang noo ni Gab nang madatnan ang bagong ayos ng kuwarto.
"Ang boring na kasi ng interior nitong kuwarto mo, Gab, kaya pinaayusan namin ni Lolo ng konti." ngumisi si Sica sa kanya.
Nagbuntong-hininga lang si Gab at hinayaan ang asawa. Ayaw rin ni Gab na napapakialaman ang gamit niya pero nasasanay na nga talaga siya sa asawa. Makulit din si Jessica at palaging nananalo sa mga gusto nito. At siguro dahil madalas rin pagbigyan ni Gab ang asawa.
Minsan nga lang ay may mga bagay na hindi pwedeng ipagpilitan ni Sica ang gusto.
"Gab, please, huwag mo muna siyang puntahan. Dito ka lang... Masama rin ang pakiramdam ko..."
Hawak ni Sica sa braso si Gab at pinipigilan itong umalis. Off duty naman siya sa ospital at mananatili lang sa mansyon buong araw dahil masama nga ang pakiramdam niya. And she wanted to cuddle with Gab. Pero aalis ang asawa niya nang araw na iyon. It was Elora's death anniversary again.
"Gab-"
"Jessica, not now-"
"Pero, Gab!" naiiyak na si Sica sa pagpigil sa asawa.
Gab sighed. Then he gently brought Sica in his arms. Hinalikan niya ang umiiyak na asawa sa noo. "Babalik din naman ako agad. Maaga pa naman. Hindi na rin ako pupunta sa ospital mamaya. We'll stay in bed pagkabalik ko. We'll watch all your favorite rom-com films." pag-aalo ni Gab sa asawa.
Pero umiiling parin si Sica at humigpit ang yakap pabalik sa kanya. Gab sighed again. He gently rubbed Jessica's back. Muli niya rin itong hinalikan sa noo. "I'll go now. Babalik din ako agad-"
"Ayaw ko nga, Gab!"
Suminghap na si Gab at pinakawalan ang asawa. Mapilit si Jessica but he owe this to Elora, for the last time... Iyon narin siguro ang magiging huling punta ni Gab sa puntod ng dating nobya. Gusto na niyang pakawalan ang nakaraan. It wasn't easy for him pero matapang siyang nagdesisyon. Para narin sa sarili niya at para kay Jessica and their future together.
"Please, Jess..." Gab sighed.
Tinalikuran na niya ang asawa at lumabas na ng kuwarto nila. Sinara niya ang pinto at iniwan ang umiiyak na si Sica sa loob.
Pinunasan ni Sica ang mga luha na panay pa rin naman ang buhos nang makaalis si Gab. Iniwan siya nito at mas pinili si Elora. Kahit pa sinabi niyang hindi maganda ang pakiramdam niya.
Parang lalagnatin si Sica sa bigat ng pakiramdam. Pumunta nalang siya sa kama at humiga doon. Lalo din bumigat ng nararamdaman niya sa pag-iwan sa kaniya ni Gab.
Nakaidlip pa siya pero nagising din sa pag-atake ng sakit sa kaniyang tiyan o kung saang hindi niya maintindihan. Bahagya siyang napabangon at nang bumaba ang tingin ay nakakita nalang siya ng dugo. She was bleeding. Nanlalaki ang mga mata niya at tuluyan nang bumangon pero hindi rin niya kaya. Sumigaw nalang siya ng tulong.
Pero dahil sa laki ng mansiyon at nasa baba siguro sila Manang Nelly ay hindi agad nadaluhan si Sica. Nang maakyat siya ng Mayordoma para sana tanungin sa gusto niyang pananghalian ay nadatnan nalang siya nito na maputlang maputla na at maraming dugo sa kaniyang mga hita.
"Dios ko, Jessica!" Agad at mabilis na nagtawag pa ng tulong ang mayordoma.
Binuhat si Sica ng driver at mabilis na siyang sinugod sa ospital. Wala rin doon si Don Eduardo at may lakad ito kasama si Sebastian.
Iyon nalang ang mga huling alaala ni Sica bago siya nawalan ng malay. Nang magising siya sa ospital na ay naroon na sa tabi niya si Gab na nakayuko at mukhang bigong bigo.
"Gab..." nanghihinang tawag ni Sica sa asawa.
Maagap na bumaling sa kaniya si Gab at dinaluhan siya. Gab combed her hair with his fingers.
"Anong nangyari, Gab..."
Umiling si Gab sa asawa. "You should rest-"
"Anong nangyari?" pilit ni Sica.
Yumukong muli si Gab. At nang mag-angat ng tingin sa kaniya ay namumula na ang mga mata nito sa luha.
"Gab,"
"You were pregnant..." a tear fell from his eye.
"B-Buntis ako?" halong pagkamangha at litong nakatingin si Sica kay Gab.
Tumango si Gab. Sunudsunod nang bumuhos ang mga luha niya.
"Gab..."
"W-We...lost our baby..."
Sobrang hina ng boses ni Gab pero narinig iyon ni Sica.
Natigilan si Sica. Hindi siya agad nakapagsalita. Unti-unti siyang umiling. She shook her head firmly. "H-Hindi, Gab... Hindi... h-hindi ko alam..." nanlalaki ang mga mata niyang nanlalabo sa luha na nakatingin kay Gab. "Hindi ko alam, Gab! Hindi ko alam!"
"Sshh," tumayo na ang lumuluha naring si Gab at binalot si Sica ng yakap. "I'm sorry... I'm sorry..." paulit-ulit niyang bulong at halik kay Sica na halos nagwawala na.
"Kasalanan mo!" biglang tulak at sumbat sa kanya ni Jessica.
Nanghihina ay napaatras si Gab sa tulak sa kanya ni Sica.
"Iba pa ang inuuna mo lagi!" Sica shouted at him almost hysterically. "Wala ka naman talagang pakialam sa akin! Kaya nga madali lang sa 'yo ang iwan ako kahit... kahit pinipigilan na kita kasi masama na talaga ang pakiramdam ko..." muling nag-angat ng tingin si Sica kay Gab at may galit ang mga mata niya. "Inuna mo pa si Elora! Kahit pa wala na siya! Ako ang nandito, Gab, buhay. Pero ang problema sa 'yo hindi ka marunong mag-move on! Si Elora parin. Siya parin kahit ako na ang nandito! Pinabayaan mo 'ko... Pinabayaan mo kami ng b-baby sana natin..."
Nasundan iyon ng hagulhol. She was crying so hard. Nag-aalala na sa kaniya si Gab at gusto siyang lapitan but she kept on pushing him away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top